Sakura

To Fall


HINDI pa rin ako makapaniwala na bumalik na siya rito sa Pilipinas. Akala ko ay habang buhay na siyang maninirahan sa ibang bansa. Nababahala ako dahil baka biglang masira ang misyon ko. Kagabi pa ako hindi mapakali kakaisip ng tungkol sa kanya. Ano nga kaya ang dahilan ng pag-uwi ng mokong na iyon? H’wag lang talaga siya ulit pumapel kung ayaw niyang baliin ko lahat ng buto niya sa katawan. 


“Hey, nakikinig ka ba?” Napatingin ako sa kamay ni Chowon na winawagay-way niya sa harapan ko. 


Winakli ko ito. “Ano nga iyong sinasabi mo?” Nasapo niya ang sariling noo at umupo sa harapan ko. Kanina pa ba siya nagsasalita?


“Okay, uulitin ko. Kamusta naman ang misyon mo? May progress ba? Gusto ka na ba niya o ano?” 


I let out a sigh before answering her question. “Okay lang naman...siguro? Masasabi kong may konting progress pero…nahihirapan akong dumikit sa kanya, atsaka hindi pa yata niya ako ramdam. Konting oras ko lang kasi siya nakakasama kasi nga nagkaka conflict mga schedules namin.” 


Nalaman ko kasi mula kay Miss registrar na iyong mga vacant time ko pala ay iyon din ang mga oras na may klase si Lee. Tinanong pa nga nila ako kung bakit ko raw tinatanong ang schedules nito. Na hot seat ako ng wala sa oras sa registrar office kanina, buti nalang at magaling akong magpalusot.

 

“Well, it’s okay. You have a lot of time pa naman para riyan. But try to make more effort pa baka kasi iyon lang ang kulang, ‘di ba?” Napatango ako sa sinabi niya. May tama naman si Chowon, baka nga kulang lang ako sa effort or dahil masyado pang maaga? 


“Pwede ba magtanong?” medyo nag he-hesitate akong itanong ang bagay na ito pero para sa ikakatahimik ng kaluluwa ko, itatanong ko na.


Simula no’ng nalaman ko ang misyon ko ay nangangati na talaga ang bibig ko na itanong ang tungkol do’n.


“Sure, what is it?” nakangiti ito habang hinihintay ang tanong ko sa kanya.


“Umm…s-sino ba ang nag request kay Lee? Lalake ba? Atsaka bakit si Lee? A-ano bang nagawa niya ro’n sa nag request?” ngumiti ulit siya.


“Sorry, Sakura. About that, classified information ang tanong na ‘yan. Ayaw kasi ipaalam ng mga requestor kung sino sila especially sa mga gagawa ng mission.” 

 

So, nagpapaka anonymous pala sila.


“Ahhh…g-ganoon ba? O-okay lang naman.” Napayuko ako habang kamot kamot ang batok ko. Okay nalang.


“Sorry talaga pero kung may mga ibang concerns ka naman or need mo ng help namin, just text me or Hitomi. So…that’s it, pwede ka na bumalik sa klase mo.” Bago ako umalis ay nagpaalam mo na ako kina Brielle at sinabi ko na sa susunod nalang ako mag re-report sa kanila.


Habang naglalakad ako pabalik sa building namin ay iniisip ko pa rin kung bakit hindi pupwedeng sabihin sa amin ang mga pangalan ng nag request. Ano ang dahilan nito kung bakit niya ni-request si Lee. Gaano ba ka laki ang galit niya rito at naisipan niyang bigyan ng karma ang babaeng iyon. Baka naman isa siya sa mga pinaasa nito? Gaaash. Naging member  at nasimulan ko nalang ang misyon ko pero marami pa rin akong tanong sa utak ko about sa misyon ko at sa club namin. 

 

 

 

 

 

NANG tumunog ang bell, hudyat na ito na  tapos na ang oras ng last subject ko at uwian na. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na sasaglit muna ako sa volleyball gym para i-check kung naroon na ba si Lee. At ang mga baliw, nagtilian pa. Iniwan ko na nga lang sila at mabilis na naglakad palayo sa kanila.

 


Nakasalubong ko pa ang mga ibang kaibigan ko sa ibang kurso kaya medyo napa tsika ako. At nang makapasok nga ako ng gym ay agad na hinanap ko si Lee. Kakatapos lang pala ng practice nila, buti nalang at naabutan ko pa si Sae na naging kaibigan ko rin dito. Tinanong ko siya kung saan na sila Hyewon at kung pumasok ba si Lee pero ang sabi nito ay wala silang tatlo. Busy daw sa thesis ang dalawa, si Lee naman ay may lagnat pa rin daw. 


“Puntahan mo nalang si Chae sa bahay nila. Alam mo naman kung saan siya nakatira, ‘di ba?” suhestiyon nito. 


Bright idea, dagdag points na rin ‘to kung dadalawin ko siya ngayon. 'Asus, gusto mo lang siya makita, eh.' Panira talaga ‘tong utak ko.


Nagpaalam na ako kay Sae at dumeritso na sa sakayan ng jeep. Ang alam ko isang sakayan lang naman iyong village nila, eh. Same village pa rin yata sila ni Yujin. Saktong may dumaan na lalakeng tiga tawag ng pasahero kaya tinanong ko na si kuya. “Kuya, dadaan ba ‘tong jeep sa Highhaven Village?” Um-oo naman si kuya kaya sumakay na agad ako.

 


Pagkadating ko sa Highhaven Village ay tinanong ko na si kuya guard kong sa parehong mansyon pa rin ba nakatira ang mga Lee, sinabi niya naman na ‘yon pa rin daw kaya pinapasok niya na ako. Mabuti nalang pala at naalala pa ‘ko ni manong kaya hindi na niya ako tinanong pa kung ano gagawin ko rito. Naglakad na ako papasok at tinungo ang mansyoness nila. 


Bago ako mag doorbell ay inilibot ko pa muna ang tingin ko sa buong mansyon. Wow, matagal na rin pala noong huli akong pumunta rito. 

 

Nag doorbell ako ng isang beses, pagkaraa’y isang may edad na babae ang nagbukas ng gate. Ngumiti siya sa akin at tinanong ako kung sino ang hinahanap ko. Ang sagot ko naman ay si Chaeyeon at kaibigan niya ako. Pinapasok niya ako sa loob at pinaupo saglit sa sofa.


Nilibot ko uli ang tingin ko sa loob ng bahay nila. Ang laki na ng pinagbago ng bahay nila ngayon, ah.

 

“Oh my, hija!” Napapitlag ako ng marinig ang boses na iyon. Nilingon ko ito at nakita ko nga si tita na galing yata sa kusina? Naka apron pa kasi siya at may dalang sandok.


 “G-Good Afternoon, tita.” Nahihiya kong bati sa kanya. Lumapit si tita sa akin at niyakap ako.


“Hija, bakit ngayon ka lang ulit dumalaw dito? Nakakalungkot dahil akala ko ay hindi ka na muling babalik pa.” 


“N-na busy lang po sa sa school, tita. K-kamusta po?” 


“I’m fine, hija. Nag nursing ka pala talaga, kaya siguro sobrang busy mo na. Anyway, pumunta ka ba rito para dalawin si Chae?” Nakita ko ang biglang pag ning-ning ng mga mata ni tita. Hindi pa rin pala siya nagbabago.


“Opo, tita. Hindi pa raw siya gumagaling? Okay lang po ba siya?” 


“Hindi pa nga, hija. Namamaga pa nga ang napaka precious na pisngi ng anak ko. Kaya hindi ko talaga papalagpasin ito! Ni hindi ko nga siya pinapadapuan ng lamok tapos patatamaan lang ng bola…at sa pisngi pa talaga! Aba.” Natatawa ako kay tita. Para pa rin siyang bata sa mga kilos at salita niya.


“Saan po ba siya ngayon?” tanong ko ulit dito. 


Kinalma niya naman ang sarili niya bago mag salita. “Sorry, hija. Nadala lang ako. Nasa kwarto niya siya ngayon. Puntahan mo muna siya. Tatapusin ko lang ‘yong niluluto ko, dito ka na maghapunan…okay?” Hindi na ako naka hindi kay tita at pinaakyat niya na nga ako sa 2nd floor.


Nang nasa tapat na ako ng kwarto ni Lee ay kumatok ako ng dalawang beses bago pinihit ang doorknob. “Chaeyeon, papasok na ko ha—” Napatanga ako at sandaling naparalisa nang tumambad sa paningin ko ang hubad na katawan ni Lee pero may naman na siyang suot. Napalunok ako. Magbibihis palang yata siya.


Magsasalita na sana ako nang mabilis niya akong nahila papasok ng kwarto niya at sinirado ang pinto. Hindi ako nakagalaw agad, dumako ang mga mata ko sa dibdib niya. Lord, patawad. Nang mapansin niya na magkadikit pala kami ay bigla niya akong binitawan. Tumalikod siya sa akin, kinuha niya ang tshirt at short sa lapag pagkatapos ay sinuot ito. Nakahinga naman ako nang maluwag sa pagbitiw niya. 


“What are you doing here?” seryoso nitong tanong. 


Prente siyang naupo sa higaan niya habang nakatingin sa akin. Kitang-kita ko naman ang makikinis at mapuputi niyang hita na tila ba’y binabati ako o ini-inggit ako?—oy never akong maiinggit dyan. 'Hindi ka nga naiinggit pero aminin mo, naaakit ka sa kanya. Ganda ng view ‘no, tutulo na nga yata laway mo.' Singit ng bweset kong utak. Bweset talaga!

 

Please compose youself, Sakura. At baka bigla mo siyang dakmain—este, baka maramdaman niya pa na nadadala ka sa ka-yhan niya. Huminga ako ng malalim bago magsalita.


“Dinadalaw ka. Bakit? Bawal ba atsaka sabi naman ni tita na—”


“—Tinatanong ko lang naman kung bakit ka nandito. Hindi naman kita pinapaalis. So…nandito ka pala para dalawin ako.” Bigla na naman akong kinabahan. Ano ba ‘to?!


“S-sabi ko nga…hehe. Ahm…nandito nga ako para sayo…pa-para dalawin ka k-kasi diba may sakit ka nga.”


“Upo ka,” aya niya sa akin kaya naupo naman ako sa maliit niyang sofa. “Not there…dito sa tabi ko.”


 Mapapa sign of the cross pa yata ako ngayon. “H-hindi, o-okay na ko rito.”


Nabigla naman ako nang bigla siyang tumayo at nilapitan ulit ako. “B-b-bakit?” nauutal kong saad.


 Imbes na sumagot ay yumuko siya sa akin at isinandal niya ako sa upuan. Nakikita ko na naman ang dibdib niya. Oh, Lord patawad ulit. Hindi pala nag b-bra ‘to.


“Alam mo Sakura…” Naramdaman ko bigla ang pag gapang ng isa niyang kamay sa hita ko. Grabe na ang kabog ng puso ko ngayon. Ano ba itong ginagawa niya? 

 

 

 


Ri-pin niya ba ako? Waaaaaaah!

 

 

 

 


“Hey.” Nasapo ko ang noo ko nang maramdaman ang malakas na pag pitik niya rito.


“Aww…ba’t ka namimitik ng noo?!” marahan na hinimas-himas ko pa ito. Walang hiya! Nag i-imagine lang pala ako. Akala ko naman re-pin niya na ako. Napo-pollute ang utak ko rito kay Lee.


'Oy, umaasa!' hirit ng utak ko. Di, ah!


“Kanina pa kita tinatawag, tulala ka naman. Ang sakit ng diliri ko, ha. Grabe ‘yang noo mo, malapad na nga, ang tigas pa,” seryoso ngunit mababahid sa mukha nito ang mapang-asar na tingin. 

 

Tiningnan ko siya ng masama bago siya hampasin sa balikat. 'Tsansing ka, Sakura.' Nakakarami na talaga ‘tong utak ko.


“Joke. Buti naisipan mong dalawin ako,” nakangiti na siya ngayon at bumalik sa pwesto niya kanina.


“Wala lang, concern lang talaga ako.” Pagsisinungaling ko. 


'Concern ka naman talaga sa kanya!' Shh…shut up, brain.


“Oh, really? Concern pala, ha. Willing ka rin ba maging personal yaya ko today?”

 

 Tinaasan ko siya ng kilay. “Sinabi ko lang na concern ako. Wala akong sinabi na mag a-apply akong muchacha mo.”


Natawa siya sa sagot ko. “I see…I thought pagsisilbihan mo ‘ko gaya ng—”


“—Hep hep! H’wag mo na sabihin iyan, past is past. Ang isipin mo ay iyong ngayon!” Natawa ulit siya pero pagkaraa’y sumeryeso na naman ang mukha niya.

 

 “O-oy, o-okay ka lang? M-may masakit ba sayo?” Baka mas lumala ang lagnat ng bruhang ‘to.


“Yes, pagod lang ako.” Humiga siya at ipinikit ang mga mata niya.


“H’wag ka muna matulog ‘no. Baka bigla tayong tawagin ni tita para sa hapunan.” 


Ako naman ang lumapit sa kanya para i-check kung mainit pa ba siya. Idinampi ko ang palad ko sa noo niya at bigla kong naramdaman ang daan-daang boltahe na dumaloy sa katawan ko, gaya no’ng naramdaman ko kanina. Inalis ko kaagad ang kamay ko sa kanya. May spark, teh! 


“Okay na nga ako. Hindi pa naman ako matutulog.” Mukhang hindi niya naramdaman iyon, ha. Manhid ‘to.


“Eh, bat ka nakapikit dyan?” Naupo ako sa tabi niya habang nakatingin sa maamo niyang mukha. Mukha niya lang talaga ang ma-amo. 


Hindi niya pinansin ang tanong ko pero bigla niya akong hinila dahilan para mahiga ako sa may dibdib niya. Nagkakasala na naman ako. Niyakap niya ako kaya napasubsob ang mukha ko roon. 


“A-ano ba! C-close ba tayo, ha?!” Narinig ko ang mahina niyang pag tawa. Inaakit niya ba talaga ako?

 


Kailan nga ba kami huling naging ganito ka close na dalawa? Isipin niyo ha, parang ang bilis ng pangyayari. Sa pagkaka-alala ko hate na hate ko ang babaeng ‘to. Halos sumpain ko na nga siya nang mag cross ulit ang landas namin sa Goldwilde, eh. Naalala ko pa nga n’ong inutusan niya akong bilhan siya ng tubig, ang kapal kapal lang ng mukha niya n’on. Tapos napasok ako sa isang misteryosong club at naging misyon ko nga siya. Pero, basta! I super-duper hate her pa rin! Ginagawa ko lang naman ‘to para sa misyon ko, eh. At para sa pinakamamahal kong lola.

 

“May tanong ako sayo, Sakura,” aniya nang hindi pa rin gumagalaw.


“Ano iyon?” Kalmado kong tanong kahit naiilang talaga ako sa pwesto namin ngayon. 

 

“Bakit bigla mo na akong pinansin? As far as I can remember, iniiwasan mo na ko simula noong—Oouuch! Ano bang problema mo?” Naitulak ko siya ng malakas kaya ang sama na ng tingin niya sa akin ngayon. Napakamot naman ako ng ulo.


“Hehe…so-sorry na Chae. Sabi ko naman sayo kanina ‘diba na past is past. Kinalimutan ko na lahat ng iyon, okay? Kaya tularan mo ako, kalimutan mo na rin iyon.” Ayoko talagang pinag-uusapan ang past. Imbes wala na iyon sa utak ko, eh.


“Fine, I’m sorry. Hindi na ako magtatanong and mag fo-focus nalang ako sa present.” 


“Very good! Mas mabuti iyan, Chaeyeon.” Nararamdaman ko na may progress ang panglalandi ko. Madali nalang pala ‘to ngayon, eh. Huh!

 


May kumatok sa pinto at si tita pala ito. Pinababa niya na kami dahil kakain na raw. Nauna na akong tumayo at lumabas ng kwarto ni Lee. Sumunod naman siya sa amin. 

 

Pinaupo na ako ni tita. Ang laki ng dining table nila. Naupo naman sa kabilang side ng table si Lee which is nasa harapan ko kaya magka harap kami ngayon. Bongga na naman ang mga pagkain na nakahanda sa mesa. Magaling talagang magluto ang mama niya.


“I’m happy na makakasabay ka ulit naming kumain, hija. It’s been years since n’ong huli tayong magkakasama, mag g-grade 7 palang yata kayo n’on.” Naluluhang saad ni tita habang nilalagyan ng kanin ang plato ko. 


“Ma, stop…tama na ang pag re- reminisce. Let’s eat,” seryosong saad ni Lee sa mama niya. Panira talaga ng moment ‘to. Mag da-drama na kami ni tita, eh.


“Hayaan mo nga ako, Chae. Teka, are you feeling well na ba, anak? Gusto mo ba ulit umabsent bukas?” Parang si mama rin itong si tita, eh. Napaka caring at sweet. Pero sana mahawaan kahit konti si Lee.


“No, ma. I’m okay, may mga gagawin pa ‘kong school works bukas kaya hindi na ako pwede umabsent.” 


“Oh, okay honey.”

 

 

Mayamaya ay busy na kaming tatlo sa pagkain. Pero paminsan-minsa’y napapatingin pa rin ako sa may dibdib—este, kay Chae. Pero wala nga talaga siyang balak na magsuot ng bra. Hanep!

 

 'Naaakit ka na ba?' tanong na naman ng malandi kong utak. Ako? Naaakit sa kanya? No, no, no. Straight nga ako!


“It’s rude to stare, ‘di mo ba alam iyon?” narinig kong sabi niya pero hindi siya nakatingin sa akin at abala siya sa pag subo ng pagkain. Napatingin naman sa amin si tita na may ngiting nakapaskil sa mga labi niya. Tita naman!


Dali-dali akong umiwas ng tingin sa kanya at nag focus ulit sa pag lamon. Kailangan niya pa ba talagang sabihin iyon? Tsaka pano niya nalaman na nakatingin ako sa kanya? May third eye yata ‘to!


“Kumain ka lang ng kumain, hija. H’wag ka mahiya ha, lalo na rito kay Chae.”


“O-opo, tita. Ang sarap pa naman ng mga luto niyo. Nakakawala nga po ng hiya hehe…” 


“Mabuti naman kung ganun, hija. Oh, anyway, balita ko may mga naging boyfriend ka na raw? Eh, ngayon ba? Meron pa ba?” Nalunok ko ng wala sa oras ang malaking slice ng patatas. Hot seat na naman ba ako?


Tumango ako kay tita. “Pero wala na po ngayon, tita.” Napaisip tuloy ako kung saan nalaman ni tita ang tungkol sa mga naging boyfriend ko. Ganoon na talaga siguro kabilis kumalat ang balita ngayon—kahit na 'di naman ako sikat?


“Nice, mabuti iyan, hija. Distruction lang naman ang mga lalakeng iyon sayo, atsaka alam mo naman ang mga karamihan sa mga lalake ngayon, ‘di ba? Mga manloloko, tapos iiwan ka lang sa huli. Iyong iba naman ililihis ka lang ng ibang landas.” Makahulugang saad ni tita sa pagitan ng pagnguya niya ng pagkain.


“O-oo nga po, eh. Eh, si Chaeyeon po ba? May mga naging boyfriend na rin po ba siya?” usisa ko. Napatingin naman sa akin si Lee.

 

Natawa si tita. “Hindi ko nga rin alam dito kay Chae. Never naman siya nag share ng tungkol sa love life niya pero sa pagka-alala ko, may dinala siya rito na ipinakilala niya sa akin. Sino nga ba iyon, honey?”

 

Hindi niya pinansin ang ina at patuloy lang siya sa pagkain. Hindi naman ako makanguya dahil hinihintay ko nga ang sagot niya. Nagkaka ideya na ako kung sino ang tinutukoy ni tita.

 

“Naalala ko na. Si Soren pala iyon. Ang pogi pogi nga n'on, eh. Ilang ulit din iyong bumisita rito at may mga dalang flowers and chocolates para kay Chae ko.” Pa simple kong naikuyom ang  kamay ko. Pilit akong ngumiti kay tita kahit feeling ko nasira ang buong gabi ko sa narinig ko. Sinasabi ko na nga ba. Tsk.

 

 


Alas nwebe na nang maisipan akong bitawan ni tita at payagan na umuwi ako, bago niya pa nga ako payagan ay niyaya pa niya akong dito nalang sa bahay nila magpalipas ng gabi pero hindi na ako pumayag dahil may mga gagawin pa akong project. Magandang ideya sana iyon para landiin si Lee kaso nga baka maghingalo naman ako kapag pasahan na. 


“Mag-iingat ka, hija. At bumalik ka rito, ha. I don’t mind if aaraw-arawin mo ang pagpunta rito sa bahay.” Ngumiti ako kay tita at niyakap siya.


 “Asahan niyo po na babalik ako ulit. Thank you po sa pagkain, nabusog po ako, sobra.” 


“Hatid na kita.” Napalingon kami ni tita kay Lee na ngayon ay may suot ng jacket at cap. Ihahatid niya ako? Gaaash.


“Are you sure, honey? Pwede naman na ipahatid ko nalang si Sakura sa driver natin. Baka kasi bumalik pa ang lagnat mo kapag lumabas ka.” 


“Tama si tita, Chae. Okay lang nga sa akin na kahit ako nalang, keri ko naman umuwi mag-isa.”

 

 Umiling si tita. “ Hindi, hija. Hindi ako papayag na umuwi kang mag-isa. Sige na, honey, ihatid mo na si Sakura. Drive safe, okay?” 


“Okay, ma. Let’s go.” Nagpaalam ako ulit kay tita bago lumabas ng bahay. Sumunod ako kay Lee sa garahe nila.


“O-okay lang ba talaga sayo na ihatid ako? I-I mean, may sakit ka baka bigla mo pang maibangga ‘yang kotse mo. Marami pa kaya akong pangarap sa buhay.” 

 

'Asus, pakipot ka lang, eh.' Tse!

 

Binuksan niya ang pinto ng kotse sa side ko. “Get in.” Dali-dali naman akong pumasok sa loob. Hindi na naman niya ako pinansin. Hmp!

 

“Wala ka na ba talagang lagnat? Hindi ka ba nilalamig? Diba wala kang suot na bra—este, naka t-shirt ka lang tapos manipis na jacket. Ano ba iyan baka bigla naman tayong manigas dito sa loob ng kotse mo. Pakiramdam ko tuloy nasa ibang bansa na ko sa lakas ng buga ng aircon dito,” Tuloy tuloy na saad ko sa kanya pero hindi man lang siya umimik. Aba, snob na siya ngayon? “Magsalita ka—” nakatining na siya sa akin at dahan-dahang hinuhubad ang suot na jacket. 

 

“H-hoy! A-ano iyan, ha?” Ano na naman ang plano nitong gawin? B-baka…

 

“Suotin mo iyan.” Saad niya sabay hagis ng jacket sa mukha ko. Ang bango naman. Pwede bang akin nalang ‘to? Hehe.


Tiningnan ko siya. “Paano ka? Lalamigin ka niyan,” and for the record, hindi niya ulit ako sinagot. Sa halip ay pinaandar niya na ang makina ng sasakyan. “Snob mo na ako, ha.” Saka ako ngumuso. Yuck, Sakura.

 

“Ssshh…hindi ka ba inaantok? Try mo pumikit muna, medyo malayo-layo pa naman ang bahay niyo.” 


“O ayaw mo lang talaga ako dumaldal?” Baka nababahuan siya sa hininga ko ‘no? Closed pa naman ‘tong kotse niya tapos hindi pa ako nakapag sipilyo kanina. Hala, baka iyon nga ang dahilan. Nakakahiya ako.

 

 

 

Isinandal ko nalang ang ulo ko at tumingin sa labas ng bintana. Shut up na nga ako at baka mahimatay pa ‘tong si Lee at ako pa ang maging dahilan ng disgrasya. Hindi na rin naman siya nagsalita, as usual. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na magiging madali nalang ‘to dahil parang ngayon pa lamang ay pinapahirapan niya na ako. Nagiging pipi na kasi siya, at nasasayang na rin laway ko. Hay…

 

 

 

 

 

——

A/N: Wala po akong maisip na name ng lalaki so pagtyagaan niyo na ang Soren, lols.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Mitangkyut #1
Chapter 16: Shuta late nako may kasunod pa ba ito author huhuhuhu
kkuchaeng123 #2
Chapter 16: Updatee
DefinitelyAShyTurtle
#3
Chapter 16: Since Im new here, I give all my thanks to you Author-san. Thank you for your hard work~
Also I'll be waiting for your update~
kangintobae
#4
Chapter 16: Cant w8 na landiin ni saku c chae.hhahaah
vousmevoyeznini #5
Chapter 15: Sino si sam at levacque
crownprincessstar
#6
Chapter 15: I want a friend like Nako.. benta ang kalandian nya. Hawang hawa si Sakura sa kabaklaang ito. LOL
go na akitin na si Chaeyeon Lee!! go go go!

update agad plithhh naman sobrang nakakabitin!
lol ang demanding lang. me sapi ako ni Nako. LOL
sierra_0029 #7
Chapter 14: Hahahah natatawa talaga ako sa character dito ni saku ahahahaha~ XD salamat sa update Author-nim :)
cccccjjjjjj
#8
Chapter 14: shet na tetense ako HAHAHAHAHAHAHAHA update ka na agad agad author nim!!!!!! plsssss hahahahhahahahha
sierra_0029 #9
Chapter 14: Si yerin? I smell something fishy~ salamat sa update Author-nim :)
moonbliss
#10
Chapter 12: Puta sakura GAHAHHAHAHA GRABE GALING MO PO AUTHOR-NIM