To Fall

Description


Hindi maintindihan ni Sakura kung bakit siya laging iniiwan ng mga taong mahal niya. Todo naman siya kung magmahal. Binibigay niya lahat sa mga ito pwera ang puri niya. Sobra sobra pa nga  pero bakit hindi ito sapat. Nawawalan na siya ng pag-asa sa lovelife niya. Susuko na sana siya nang makilala niya ang president ng isang secret club sa school nila na makakapagpabago ng takbo ng lovelife niya.


"Pagod ka na bang maiwan? Gusto mo bang maranasang ikaw naman ang mang-iwan?" nakangising tanong ng isang magandang babae na biglang sumulpot sa harap niya.


Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Napaisip siya bigla sa mga sinabi nito. "Ako? mang-iiwan?" nasabi niya sa sarili niya.


"Kung gusto mong maranasan ang mang-iwan pwede mo akong puntahan sa secret room. Here." Inabot sa kanya ang isang maliit na papel. Nakasulat doon kung saan makikita ang secret room nila.


Magsasalita na sana siya nang biglang mawala ang babae. "Weird," kunot noo niyang sabi at tinignan ulit ang papel na hawak niya.


"Ano ba ang mayroon sa secret club na to..."

 

 


Ano nga ba ang mayroon sa secret club na iyon? Anong pagbabago ba ang magagawa nito sa lovelife niya? Paano kung ang pagpasok niya sa club na iyon ay maging dahilan ng pag-ungkat sa nakaraan niya na pilit niya nang ibinabaon sa limot? Anong gagawin niya? Mararanasan niya na rin kaya ang mang-iwan o siya pa rin ang maiiwan?

Foreword

Yay! May Kkuchaen/Chaekura fanfic na rin ako! May 15 chapters na rin 'to, eh. Huhu! Sana magustuhan niyo kahit madami tong mali mali. Hwag niyo na lamg din pala pansinin iyong mga pangalan ng ibang characters dito ha esp sa boys, di ko kasi alam ipapangalan sa kanila lols. Enjoy! 

Comments

You must be logged in to comment
Mitangkyut #1
Chapter 16: Shuta late nako may kasunod pa ba ito author huhuhuhu
kkuchaeng123 #2
Chapter 16: Updatee
DefinitelyAShyTurtle
#3
Chapter 16: Since Im new here, I give all my thanks to you Author-san. Thank you for your hard work~
Also I'll be waiting for your update~
kangintobae
#4
Chapter 16: Cant w8 na landiin ni saku c chae.hhahaah
vousmevoyeznini #5
Chapter 15: Sino si sam at levacque
crownprincessstar
#6
Chapter 15: I want a friend like Nako.. benta ang kalandian nya. Hawang hawa si Sakura sa kabaklaang ito. LOL
go na akitin na si Chaeyeon Lee!! go go go!

update agad plithhh naman sobrang nakakabitin!
lol ang demanding lang. me sapi ako ni Nako. LOL
sierra_0029 #7
Chapter 14: Hahahah natatawa talaga ako sa character dito ni saku ahahahaha~ XD salamat sa update Author-nim :)
cccccjjjjjj
#8
Chapter 14: shet na tetense ako HAHAHAHAHAHAHAHA update ka na agad agad author nim!!!!!! plsssss hahahahhahahahha
sierra_0029 #9
Chapter 14: Si yerin? I smell something fishy~ salamat sa update Author-nim :)
moonbliss
#10
Chapter 12: Puta sakura GAHAHHAHAHA GRABE GALING MO PO AUTHOR-NIM