Sakura

To Fall

Chapter 12

 

Tahimik na nakaupo ako rito sa dulo ng bleachers, habang ang mga kaibigan kong sina Nako at Yena ay busy sa pag sa-suggest ng mga pwedeng dalhing pagkain sa outing ng volleyball team.


In-invite kami ni coach Eunbi na sumama sa outing ng team this weekend. Pumayag naman ako. Wala rin naman akong choice kundi ang um-oo, eh sa uhaw sa outing ang dalawang baklita. 


Ang awkward lang ng atmosphere rito. Hindi kasi alam ng iba na hindi kami okay ni Chaeyeon, kaya patuloy sila sa panunukso sa amin kanina, lalo na sina Yujin at Hyewon. Mabuti na lang at walang imik si Chae, tahimik lang din siya tulad ko. 


Nasa harap ko lang nakaupo si Chaeyeon, kaya medyo naiilang ako. Sa dami ng upuan dito, sa harap ko pa talaga siya umupo. Nananadya ba siya? O gusto niya lang talagang mapalapit sa akin, at matitigan ang mukha ko?


Ay ang kapal ng feslak natin, te. 


"Girls girls! Listen, so, okay na ba sa inyo iyong mga na suggest na foods?" tanong ni Nako sa amin. 


Narinig ko ang pagsang-ayon ng iba.


"I want more!" sigaw ni Hyewon na nakasimangot ang mukha.


"Hoy girl, ang dami na ng foods natin, gusto mo pang dagdagan," hindi makapaniwalang saad ni Nako. Pumameywang ito bago magsalita ulit. "Fine, ikaw na ang bahala sa ibang foods na gusto mong kainin niyan, mayaman ka naman kaya ikaw na magdala." 


"Okay, ma'am," nakangiting sagot ni Hyewon. Ang hilig talaga sa pagkain ng babaeng ito.


"Miss Miyawaki, Miss Lee." Napatingin ako kay coach Eunbi nang tawagin niya ako. 


"P-Po?" Bakit na naman kami napansin nito?


"Kanina pa kayo tahimik na dalawa. Are you okay? May problema ba kayo?" tanong niya. Nag-aalala siyang nakatingin sa aming dalawa ni Chae.


Hindi ko maiwasan na tingnan si Chae, kaya lumingon ako sa deriksyon niya. 


Biglang bumilis ang pag-pintig ng puso ko nang mag tama ang tingin naming dalawa. Nakatingin din siya sa akin? 


Relax, Sakura.


Magsasalita na sana ako, pero naunahan niya ako.


"We're okay, coach. Right, Sakura?" kalmadong tugon niya kay coach. Nanlaki ang mata ko nang banggitin niya ang pangalan ko. 


Hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa akin. Seryoso ang mukha niya habang hinihintay ang sagot ko. 


Napansin ko rin ang tingin nina Nako at Yena sa akin. Alam na alam ng dalawa na hindi ako okay, lalo na ngayon na nasa hindi magandang sitwasyon kami ni Chaeyeon.


Pilit na ngumiti ako sa kanila at tumango. "T-Tama po si C-Chaeyeon...o-okay lang kami," kinakabahang sagot ko.


Ano naman kaya ang iniisip ng Chaeyeon na 'to. Talaga bang okay kaming dalawa?


"Good to know, kayo pa namang dalawa ang magkakasama sa i-isang kwarto," nakangiting saad ni coach sa amin. Napanganga ako sa sinabi niya.


Tama ba iyong narinig ko? Kami daw ni Chaeyeon ang magsasama sa i-isang kwarto? Hindi ba ako nabibingi lang?


"Okay," flat na sagot ni Chaeyeon. Parang wala lang sa kanya ang sinabi ni coach. 


Gulat na tinitigan ko siya. Nababaliw na ba siya?


"Awkward..." mahinang sabi ni Nako na narinig ko naman.


"What do you think, Miss Miyawaki? Is that okay with you?" 


Magpo-prostesta pa sana ako nang maunahan na naman ako ni Chaeyeon.


"She's okay with it, coach. Right, Sakura?" Ito na naman po siya. Hindi ko alam, pero sa way ng pagkakasabi niya nun ay parang hindi ako pwedeng komontra sa kanya.


Umirap ako. "O-O na." 


Ano ba talagang plano mo, Chaeyeon Lee? Aakitin mo na naman ba ako niyan, ha? Pwes, hindi na ako aarte pa—este, hindi na ako papadala. Akala mo ha.


Sus, baka nga isang kalabit lang ni Chaeyeon sa'yo, eh bumigay ka na.


Che! Don't talk to me, brain.


"Alright. So, ladies, huwag kalimutan ang mga dadalhin sa saturday ha? And please, walang mali-late, kapag sinabing 5am ang alis, dapat ay 4am pa lang andon na kayo sa meeting place natin. Understood?" 


Sabay sabay kaming um-oo kay coach. Mapapasubo na naman ako nito.


***

"Kamusta ang puso natin, girl?" tanong ni Nako sa akin nang maupo ito sa harapan ko. 


"Kilig much na iyang si Saku, for sure," sabat ni Yena habang inilalapag ang in-order na sandwich.


"Gaga, hindi noh. Nakakainis kaya!" nakabusangot kong sabi. 


"Ano namang nakakainis dun, bakla? Makakatabi mo na nga si Chaeyeon, aarte ka pa diyan."


"Tama si Nako, Saku. Ang dami kaya diyang pinapangarap na makatabi si Chae, tapos ikaw..." tinuro niya ako gamit ang hawak niyang sandwich. "...Ikaw na maswerteng nilalang na mabibigyan ng chance na makatabi ang isang Chaeyeon Lee ay nag-iinarte ngayon."


Kinuha ko ang sandwich sa kamay niya at kinagatan ito. 


"Akin iyan!" reklamo niya. 


Hindi ko siya pinansin. "Kayo na lang kaya pag ako. Hirap na hirap na nga ako sa sitwasyon namin, tapos may gana pa kayong kiligin diyan?"


"Naiisip mo ba ang naiisip ko, Yena?" ngumiti siya ng malapad. Ang creepy tignan.


Ganon din ang ginawa ni Yena. Para silang mga baliw na nag-uusap gamit ang mga mata nila. Hindi ko gusto ang ngiti ng dalawang 'to.


"Teka, ano ba iyong sinasabi mo, Nako? Tungkol ba ito sa cheating technique natin bukas?" Napakamot pa siya ng ulo niya. 


"Gaga! Hindi." 


Akala ko ba nagkakaintindihan silang dalawa?


"Bakit ba ako nagkaroon ng mga kaibigan na ang hihina ng signal sa utak." Tinignan ko ng masama si Nako. Sinasabi niya bang bobita kami? Aba.


"Ano nga kasi iyon?" tanong ulit ni Yena.


"Sasabihin ko na, total hindi naman tayo magkaintindihan. Ang naiisip ko kanina ay bakit hindi natin i-invite si Yiren?"


Napatigil ako sa pagnguya nang marining ang pangalan na iyon. 


"Sinong Yiren ba 'yan? Jowa mo?" Nahampas naman siya ni Nako sa ulo. "Aray naman, brutal mo friend." Sabay himas niya sa sariling ulo.


"Gaga mo kasi, hindi ko jowa si Yiren noh. Mukha ba akong pumapatol sa kapwa ko maganda? Haler," umirap pa siya.


"Gusto mo talagang lunurin kita niyan sa dagat, Nako? Huwag na huwag mong mababanggit ang pangalan iyang dito ha," kunwari'y naiinis kong saad.


"Arte mo naman kasi. Chance mo na ngang malandi ulit si Chaeyeon, gaganyan-ganyan ka pa."


"Oo na nga. Lalandiin ko na siya, kaya pwede ba, easy lang tayo." Charot lang iyon, of course. Hindi nga ako marunong lumandi, eh. Duh.


"Sino ba kasing Yiren iyan? Hindi ko naman kilala iyan. Op here." 


Hindi makapaniwalang nilingon siya ni Nako. Eto na naman po siya, ganyan na ganyan din iyong tingin niya sa akin nang sabihin ko sa kanyamg hindi ko kilala iyong Goddess Yiren niya.


"Gosh! Taga planet Earth ba talaga kayong dalawa?" Napapailing pa siya. "Si Yiren Wang, ang nag iisang Goddess of Goldwilde. Kilalang-kilala kaya siya rito. Sikat nga rin siya online, eh. Isa kaya ako sa mga followers niya sa twitter." 


"Ahh...akala ko naman jowa mo, Nako." 


Hindi ko mapigilang matawa kay Yena. Wala rin talaga siyang pakielam sa mga famous dito sa University.


"Tatadyakan na kita diyan, eh. Tumahimik ka na nga. Ikaw din, Saku. Why are you laughing? Wala namang nakakatawa. Che!" 


Tumigil na ako sa pag-tawa nang makitang seryoso na siya. Buti pa si Yena, tahimik na niyang pinapapak ang isa pa niyang sandwich ngayon.


"Anyway mga bakla, samahan niyo pala ako mamaya. Bibili ako ng bagong isusuot ko sa outing natin. Dapat ay y ako niyan dahil I'm sure, maraming pogi sa beach niyan."


"Hindi halatang excited ka niyan, Nako," komento ko.


"Samahan niyo na lang ako, pwede? Wala ng aangal, please lang." 


"Okay, boss!" sabay pa naming sagot ni Yena. 

 

***


Nasa department store kami ngayon. Pagkatunog na pagkatunog ng bell kanina ay lumabas kami agad, at dumeristo kami sa malapit na mall. Excited kasi masyado itong si Nako. Sa sabado pa naman iyong outing, at martes pa lang ngayon. Pero heto kami, namimili na ng susuotin naming panligo.


Kanina pa kami nagpaikot-ikot dito sa swimwear section. Wala pa ring napipili ang dalawa. Sabi nila mag two piece raw kami, pero hindi ko kayang magsuot ng ganon, pwera na lang kung may matipuhan akong di gaanong ka y tignan. May nakita rin akong kulay pink na rash guard. Ito na lang kaya ang suotin ko. Magiging komportable pa ako sa pagligo kapag ito suot ko.


Kukunin ko na sana ito nang humarang si Nako sa harapan ko. 


"Oh, bakit?" nagtataka kong tanong sa kanya.


Ngumiti siya sa akin at ipinakita ang hawak na two piece swimsuit. Kulay itim ito, halatang sobrang hapit nito sa katawan. Luluwa na nga yata ang dibdib mo kapag sinuot mo iyan. 


Huwag niyang sabihing...


"Para sa'yo, bakla!" Napaatras ako ng ilapit niya ang hawak na two piece sa mukha ko. 


"Hindi ako nagsusuot ng ganyan, Nako. Jusko naman, para pa rin siguro akong nakahubad kapag iyan ang sinuot ko. Mag rash guard na lang tayo, noh." 


"Ano ka ba, girlie. Isipin mo na lang na mas maaakit mo si Chaeyeon, kapag ito ang sinuot mo."


"Kung ako sa'yo, Saku. Maghuhubad na lang ako. Kung akitan lang din ang usapan, itodo mo na." Nahampas ko sa balikat si Yena. Isa pa 'to, eh.


"I like your idea, Yena, but mas prefer ko na suotin mo 'to, Saku. Para hindi naman masyadong malaswa."


Umiling ako. "Ayoko nga." 


"Bakla, pano na lang kung andon din si Yiren? I mean, paano kung bigla siyang sumulpot doon, 'di ba? Hindi natin alam baka in-invite rin pala siya ni Chaeyeon. Tapos mas daring pa rito ang suot niya. Anong gagawin mo?" Napaisip ako sinabi niya. 


Tama rin si Nako. Paano nga kung sumama rin iyong Yiren na iyon. Eh di, talo na naman ako. Pero ayoko pa ring suotin iyong pinakita ni Nako sa akin, noh.


"Wala na bang iba? Iyong mas katanggap-tanggap at kasuot-suot naman kesa diyan. Baka hindi na si Chaeyeon ang maakit niyan, kundi, mga manyak na."


"Fine, may isa pa naman akong nakita. Yena, kunin mo nga iyong off-shoulder na two piece roon," utos niya rito.


Sinunod naman siya ni Yena. Umalis siya saglit, pagkaraa'y bumalik siya na may dalang isa pang panligo, na mas okay tignan kesa sa unang pinakita ni Nako sa akin.


"Thanks." Kinuha ni Nako mula kay Yena ang swimsuit.


"Sigurado akong mas magugustuhan mo iyan, Saku." 


"Tignan mo na, Saku. Ano sa tingin mo?" Hinawakan niya ang hanger at tinaas ito. 


Nakita ko ng buo iyong panligo. Off-shoulder nga ang top niya, at hanggang baywang naman ang pares nito. Tama lang din para matakpan ang buong pwetan ko. Mas gusto ko ito kesa sa rash guard na natipuhan ko kanina. 


Hindi siya malaswa tignan. Tama lang siya para sa taste ko. Hindi na siguro mag hihistirikal ang lola ko kapag sinuot ko iyan. 


"Sige, kukunin ko na iyan," nakangiti kong sabi.


"Finally. Tara na nga sa cashier, baka magbago pa ang isip mo." Una na siyang naglakad sa amin ni Yena.


"Suotin mo talaga iyon, Saku ha. Walang atrasan," ani Yena, saka siya sumunod kay Nako.

 


May ibang choice ba ako? Eh, lagi naman akong walang magawa pagdating sa dalawang 'to.

 

 

(Itutuloy)

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Mitangkyut #1
Chapter 16: Shuta late nako may kasunod pa ba ito author huhuhuhu
kkuchaeng123 #2
Chapter 16: Updatee
DefinitelyAShyTurtle
#3
Chapter 16: Since Im new here, I give all my thanks to you Author-san. Thank you for your hard work~
Also I'll be waiting for your update~
kangintobae
#4
Chapter 16: Cant w8 na landiin ni saku c chae.hhahaah
vousmevoyeznini #5
Chapter 15: Sino si sam at levacque
crownprincessstar
#6
Chapter 15: I want a friend like Nako.. benta ang kalandian nya. Hawang hawa si Sakura sa kabaklaang ito. LOL
go na akitin na si Chaeyeon Lee!! go go go!

update agad plithhh naman sobrang nakakabitin!
lol ang demanding lang. me sapi ako ni Nako. LOL
sierra_0029 #7
Chapter 14: Hahahah natatawa talaga ako sa character dito ni saku ahahahaha~ XD salamat sa update Author-nim :)
cccccjjjjjj
#8
Chapter 14: shet na tetense ako HAHAHAHAHAHAHAHA update ka na agad agad author nim!!!!!! plsssss hahahahhahahahha
sierra_0029 #9
Chapter 14: Si yerin? I smell something fishy~ salamat sa update Author-nim :)
moonbliss
#10
Chapter 12: Puta sakura GAHAHHAHAHA GRABE GALING MO PO AUTHOR-NIM