Sakura

To Fall

 

“Hi, Chaeyeon!” 


Awtomatiko akong napalingon nang marinig ang pangalan ni Lee. 


Napataas ang kilay ko nang makita si Chaeyeon na kasama ang isang ubod na gandang babae.  Nakakapit ito sa braso niya, at titig na titig pa ito sa kanya. Naupo sila sa isang table rito sa library. 


Tinitigan ko ng mabuti iyong babae. 


Maganda siya, sobra. Maamo ang kanyang mukha, saka maliit ito. Mukha siyang manika. 


“O.M.G.” Si Nako na ngayon ay kinukuhanan na ng litrato sina Chaeyeon. 


“Kilala mo?” 


Nilingon niya ako na parang hindi siya makapaniwala sa tanong ko sa kanya.


“Girl, taga san ka ba? Hindi mo ba kilala iyang kasama ni Chae, ngayon?” 


“Obvious ba, Nako? So, kilala mo? Sino iyan?” 


“Seryoso, Saku? Hindi mo talaga kilala? Iyang mukhang iyan?”


“Magtatanong ba ako kung kilala ko iyan?”


Napapailing na ang baklita.


“Si Wang Yiren lang naman iyan, ang kinoronahang Goddess of Goldwilde. Girl, ang ganda niya sa malapitan. Sana all.”


“Pake ko? Maganda rin naman ako, ha.” 


“Sa tingin mo, Saku? Siya kaya ang ipinalit sa'yo?” Hindi niya man lang pinansin ang sinabi ko. 


Napaisip ako sa sinabi niya. Isang buwan na rin naman simula no'ng nag quit ako sa club na iyon, kaya paniguradong may ipinalit na sila sa akin. Mukhang kahina-hinala rin ang babaeng ito.


“I'm not sure, pero sa nakikita ko...Pwede.”


“Naku, ang malas mo! Ganyan ka-ganda pa talaga ang ipinalit sa'yo. Wala na, sure akong isang buwan lang iyan, hulog iyang Chaeyeon mo.” Sinamaan ko siya ng tingin.


“Do you think hahayaan ko lang na mangyari iyan? No way man.” 


“Palaban ka na ngayon, ate girl? Bakit inaamin mo na ba sa sarili mo na mahal mo siya?”


Sumimangot ako. Hindi ko alam ang sagot sa tanong ni Nako. Crush ko si Chaeyeon, pero mahal? 

 

“Kung ako sa'yo, isipin mo ng mabuti iyan. Humingi ka na ng sign kay Lord, kung siya na ba talaga. Tyaka please lang, huwag mong tagalan ang pagmumuni-muni, baka kay Yiren pa mapunta ang perfect at jowable na si Chaeyeon Lee.” 


“Che! Ang hirap naman kasi niyan. Mahal agad? Hindi ba pwedeng crush muna?”


“Gaga! Baka kapag natanto mong mahal mo na siya, eh kasal na siya diyan kay dyosa Yiren. Ang hina pa naman ng signal mo.”


“Oo na, pero kasi Nako...ang bilis. Parang kahapon lang, kinasusuklaman ko pa siya. Tapos ngayon, mahal ko na naman siya—I mean, mahal ko na siya?”


“Wala naman kasi sa bilis o tagal iyan, Saku. Ang love naman bigla-bigla mo lang iyang mararamdaman. May mga tao pa ngang na la-love at first sight, eh. Ikaw pa kaya na halos sampong taon mo na siyang kilala.”


“Ewan ko, Nako. Pero ayoko siyang mapunta sa iba.” 


“Ayaw mo siyang mapunta sa iba? Eh, wala ka namang aksyon dyan. As you can see, malapit na siyang mapunta sa ibang babae. Sakit nun.” 


Gusto yatang masapak ng baklitang 'to. Pero may point naman si Nako, eh. Sa nakikita ko ngayon, iba ang glow ni Chaeyeon. Ibang ngiti ang ipinapakita niya sa Yiren na iyon. 


Grabe, isang buwan pa nga lang, pero pinagpalit na niya ako sa iba. 


Kasalanan mo rin naman, te. Isang linggo mo rin kayang iniwasan si Chaeyeon, kaya ayan, itsapwera ka na sa buhay niya! I know, brain...I know.


Kasabay din naman kasi ng pag quit ko sa club, ang paglimot sa misyon na iyon. Alangan naman na ituloy ko pa ang panliligaw 'di ba? Kung wala na iyong misyon. 


“Mag move on ka na lang kaya, Saku. Kalimutan mo na nga lang yan. Malapit na finals natin. Mag go-goodbye Goldwilde na rin naman iyang si Chae, at kasabay niya si Yiren.”


“What?!” medyo napalakas ang boses ko kaya narinig ko na naman ang infamous 'shhh' ni Mrs. Librarian. 


Napansin ko na sandaling napatingin sa direksyon ko si Chaeyeon, pero inalis niya rin ito. 


Bumabalik na naman iyong cold treatment niya sa akin, gaya ng dati. Ti-triple na naman ang pagiging maldita niya nito. Namiss ko tuloy iyong pasimple niyang paglalandi sa akin. Charot, feeling much.


Isa-isa kong niligpit ang mga gamit ko na nakakalat sa table namin. 


“Oh, tapos ka na?” 


“Uwi na ako. Sakit ng tyan ko, eh. Natatae yata ako.”


“Ang sabihin mo, nagseselos ka. Hindi tyan ang masakit sa'yo, kundi iyang puso mo. Tahiin mo na lang iyan, bakla.” 


“Che, iwan na nga kita dyan.”


“Saglit, si Yena? Baka magtaka iyon pag nakita niyang wala tayo rito.”


“Bahala siya. Bye.” Una na akong naglakad palabas ng library.


Hindi ko na tinignan pa ang direksyon kung saan nakaupo sina Chaeyeon, baka mas ma-hurt lang ako. Alam kong kapit na kapit pa rin sa kanya ang Yiren na iyon. 

 

Pagkauwi ko ng bahay, dumeritso ako sa kusina namin. Naabutan ko sina mama at lola na nagluluto ng pang hapunan namin.


“Nandito ka na pala, anak. How's school?” kiniss ko si mama sa pisngi, saka nagmano ako kay lola. 


“Walang pagbabago. Eskwelahan pa rin siya ma.” 


“Napaka mo talagang bata ka. Halika rito, tulungan mo kami ng lola mo.”


“Hindi na pala nagpupunta rito iyong maganda mong kaibigan noon, Saku. Wala ka na bang balita sa kaniya?” 


Napakunot noo ako sa sinabi ng lola ko. Sinong kaibigan ba ang tinutukoy niya? 


“Sino po, lola?”


“Iyong araw-araw mong dinadala rito sa bahay. Iyong anak-mayaman mong kaklase noon.” 


Anak-mayaman? Si Gabriella Sebastian ba 'to? Siya lang naman ang alam kong dinadala rito sa bahay noon.


“Si Gabriella?” 


“Hindi si Gab, anak. Ang tinutukoy ng lola mo, eh iyong galing sa pamilyang Lee.” 


“Ay oo, tama ang mama mo. Nasaan na nga ba iyon siya, apo? Sa pagkaka-alala ko, sobrang close niyo noon. Bakit hindi ko na siya nakikita ngayon?”


Si Chaeyeon pala ang tinutukoy nila. Naaalala pa pala nila ito? Ang tagal na niyon ha.


“Wala na kami lola—este, sobrang busy niya na po kasi, kaya hindi ko na siya nakakasama.” Muntikan na ako do'n, ah.


“Ganoon ba. Sana maipasyal mo ulit siya rito sa susunod, apo. Namimiss ko na ang batang iyon, sobrang bait pa naman niya. Naalala ko kasi siya kanina nang nilinis ko iyong dati kong taniman ng mga rosas. Dati, ang hilig niyong magpunta roon.” 


“Sige po, yayain ko na lang siya kapag hindi na busy sa school,” tipid na ngumiti ako sa kanila.


Napangiti si lola sa sinabi ko. Excited naman si mama dahil after how many years daw ay makikita na niya ulit si Chaeyeon. 


Hindi ko alam kung madadala ko pa ba rito ang babaeng iyon. Knowing na hindi na kami okay. 


Feeling ko tuloy nauulit lang iyong dating nangyari sa amin. Haaay.

 

Alas sais nang matapos kaming magluto nila mama at lola. Hinanda ko na iyong lamesa, saka kami sabay-sabay na kumain. Pagkatapos naming maghapunan, agad na akong umakyat papunta sa kwarto ko. 


Humiga na ako sa kama kahit hindi pa ako nagbibihis. 


Nakakapagod ang araw na 'to. Mabuti na lang at sabado na bukas. Pero kailangan ko pa rin pala magpunta sa school dahil may mga isasauli pa kong libro na bukas ire-return. Hindi naman pwedeng sa lunes ko pa isauli ang mga iyon, ang mahal pa naman ng multa nila. 


Broken hearted na ako, poorita pa. Saan pa ako lulugar? 


May pa broken hearted ka pang nalalaman dyan, sabi mo hindi ka inlove? Napaka usisira naman nitong utak ko. 


Eh 'di, hindi na ako broken hearted. 


Inaantok ka lang siguro, self. Kaya huwag mo ng isipin iyong Chaeyeon na iyon, matulog ka na lang. 


Haaay.


***


Nagmamadali akong pumunta ng library nang malaman kong half day lang sila open ngayon. 


Late akong nagising dahil napasarap ang tulog ko. Tapos, nakalimutan ko pang mag alarm. 11:30 na nang dumating ako rito, kaya ito ako ngayon halos liparin ko na ang daan papuntang library.


Kasalanan 'to ni Chaeyeon, eh. Kung hindi siya nagpakita sa panaginip ko kagabi, eh 'di sana hindi mapapasarap ang tulog ko. 


Sinisi mo pa si Chaeyeon, eh nagustuhan mo rin naman iyong panaginip na iyon. Napairap ako sa sinabi ng kontrabida kong utak. 


Malapit na sana ako sa entrance ng library nang may mabangga akong babae. Nahulog lahat ang dala niyang libro. 


“Hala, pasensya ka na,” sabi ko. Tinulungan ko siyang pulutin iyong mga dala niya na nakakalat na ngayon sa sahig.


“It's okay, kasalanan ko naman,” aniya ng hindi tumitingin sa akin.


Busy din siya sa pagpulot ng mga gamit niya sa sahig. 


“Hindi, kasalanan ko. Pasensya na talaga, nagmamadali kasi ako.”


“Nah, no need to say sorry,” kinuha niya ang mga libro na iniabot ko sa kanya. “Thank you.” Tumingin siya sa akin, saka siya ngumiti.


Nawala ang mga ngiti ko sa labi nang makita ko ang mukha niya. 


“Y-Yiren...” wala sa sarili kong sabi. 


Kumunot bigla ang kanyang noo. Nagtataka yata siya kung bakit ko alam ang pangalan niya.


“Kilala mo ako?” 


Napakurap ako. Patay, anong sasabihin ko? 


“Nevermind. Thank you ulit. Uh, I'm Yiren.” Inilahad niya ang isang kamay sa harapan ko. 


Nakangiti na ulit siya ngayon. Bakit sobrang ganda naman yata niya sa malapitan? 


Nakipag shake hands ako sa kanya. “S-Sakura. Umm...kilala kita dahil ikaw iyong kinoronahang Goddess of Golwilde, right?” 


Naalala ko lang iyong sinabi ni Nako sa akin kahapon. May magandang naidudulot din pala ang pagiging chismosa niya.


Masaya siyang napatango. 


“Yes, ako nga iyon. Um, for the third time, I wan't to say thank you for helping me,” inayos niya ang sarili bago magsalita ulit. “Nice to know you, Sakura. I have to go. See you again,” ngumiti siya ulit, saka siya kumaway at umalis. 


Hindi na ako nakapagsalita pa dahil mabilis na siyang nakalayo sa akin. 


Bakit parang kapareho niya si Minju. Pareho sila ng awra. Alam mo iyong hindi makabasag pinggan. Hindi rin ako napa-plastikan sa kanya. 


Teka, hindi niya ako kilala? Hindi ba ako na k-kwento ni Chaeyeon sa kanya?


Asa ka naman, te. Bakit ka naman daw ike-kwento nun sa kanya? Mag jowa ba kayo? 


Bakit laging tama ang sinasabi ng isang side ng utak ko? 


Oo na nga, wala nga pa lang kami. Parte na lang pala ako ng past niya ngayon, so sad. 

 

 

 


(Itutuloy)

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Mitangkyut #1
Chapter 16: Shuta late nako may kasunod pa ba ito author huhuhuhu
kkuchaeng123 #2
Chapter 16: Updatee
DefinitelyAShyTurtle
#3
Chapter 16: Since Im new here, I give all my thanks to you Author-san. Thank you for your hard work~
Also I'll be waiting for your update~
kangintobae
#4
Chapter 16: Cant w8 na landiin ni saku c chae.hhahaah
vousmevoyeznini #5
Chapter 15: Sino si sam at levacque
crownprincessstar
#6
Chapter 15: I want a friend like Nako.. benta ang kalandian nya. Hawang hawa si Sakura sa kabaklaang ito. LOL
go na akitin na si Chaeyeon Lee!! go go go!

update agad plithhh naman sobrang nakakabitin!
lol ang demanding lang. me sapi ako ni Nako. LOL
sierra_0029 #7
Chapter 14: Hahahah natatawa talaga ako sa character dito ni saku ahahahaha~ XD salamat sa update Author-nim :)
cccccjjjjjj
#8
Chapter 14: shet na tetense ako HAHAHAHAHAHAHAHA update ka na agad agad author nim!!!!!! plsssss hahahahhahahahha
sierra_0029 #9
Chapter 14: Si yerin? I smell something fishy~ salamat sa update Author-nim :)
moonbliss
#10
Chapter 12: Puta sakura GAHAHHAHAHA GRABE GALING MO PO AUTHOR-NIM