Sakura

To Fall

 


“PA, paano ba kayo nagpapansin kay mama noong naramdaman niyo na gusto niyo siya? Like, anong ginawa niyo para makilala ka niya kasi ‘di ba cheer leader si mama at medyo sikat siya sa school niyo noon?” Pasimple kong tanong kay papa habang nag me-meryenda kami. Natatawang inilapag ni mama sa lamesa ang tatlong baso ng juice. 

 


“Interesado ka yata ngayon sa  kung paano nagsimula ang love story namin ng papa mo, Saku?” tanong ni mama at umupo siya sa tabi ko. 

 

 

“Oo nga, anak? Dati naman noong bata ka pa, nag k-kwento ako ng tungkol dyan pero hindi naman kayo nakikinig.” Naalala ko nga ang panahong iyon pero masyado ng matagal para maalala ko pa ang mga kwento sa akin ni papa. 

 

 


“Eh pa, iba na kasi ngayon, matanda na ako kaya interesado na ako.” 

 

 

 


Kung alam lang nila papa ang dahilan kung bakit ko ‘to itinatanong. Kailangan ko lang kasi talaga malaman para alam ko naman kung ano ang gagawin ko bukas sa first day ng misyon ko. Nakakailang man kung iisipin lalo na’t sa kapwa ko babae ito gagawin pero para sa benefit na makukuha ko, lulunukin ko ang hiya at dignidad ko. Ansaveh!

 

 


“Gusto mo ba talagang malaman, anak?” Tumango ako kay papa. 

 


“Makinig kang mabuti sa papa mo, Saku. Baka ‘di na niya i-kwento ulit ‘yan sayo.” 

 

 


“Masyado lang talaga akong gwapo noon anak kaya ako napansin agad ng mama mo,” pag-uumpisa ni papa. Bigla yatang humangin dito? Wushoo.

 

 

Mahinang hinampas ni mama sa balikat si papa, natawa naman ako. Para talagang mga bata ‘tong mga ‘to.

 

 

 “Gwapo? Ang nerd mo nga noon, mahal. Isa pa, napaka torpe niyang papa mo kaya nga ako na gumawa ng paraan para maging kami.”

 

 


“Totoo po? Pa, ano na? Lakas naman pala ng charm niyo kay mama kahit na nerd at torpe kayo.” Natatawa kong saad kay papa.

 

 


“Hindi naman ako nerd noon ha, sadyang mas pina-priority ko lang ang pag-aaral dati kaso isang araw nga nakasalubong ko itong mama mo sa labas ng library. Para akong natameme no’ng mga oras na ‘yon, parang anghel kasi at ang ganda pa ng ngiti nito. Kaya simula no’ng araw na ‘yon, inalam ko na lahat ng tungkol sa kanya at sinimulan ko na ang pagpaparamdam.”

 

 


“Na love at first sight talaga ang papa mo sa akin, Saku,” ngi-ngiting saad ni mama. Tumango-tango naman si papa.

 

 

Paano naman akong hindi na love at first sight at never na ma i-inlove sa babaeng iyon? Madali lang siguro ‘tong gawin pag inlove ako sa kanya kaso hindi naman tsaka babae siya, HALER!

 

 

 

“Ang ganda niyo naman kasi talaga mama, buti napansin niyo rin itong si papa.” Natatawa kong saad habang nakatingin kay papa na hindi na ma-drawing mukha dahil sa sinabi ko.

 

 


“Wala ka bang tiwala sa papa mo, anak? Oo, mas maraming gwapo sa akin dati at halos lahat ng manliligaw ng mama mo ay gwapo pero hindi ako nagpatalo. Daig kaya ng funny ang pogi lang. Pasalamat nalang talaga ako at namana ko ang humor ng lolo mo dati, ‘di ba ma?” Natawa naman si lola na ngayon ay naglalakad papalapit sa amin at may dalang suman na cassava. 

 

 


“Haaay ewan ko sayo. Ano ba ‘yang pinag-uusapan ninyo? Baka dahil dyaan maisipang mag nobyo nitong apo ko.” Naupo naman si lola sa tabi ni papa.

 

 

 

“Hindi ‘yan ma, mana kaya sa akin ‘yang baby ko. Inuuna ang pag-aaral bago boys, ‘di ba anak?” Kinabahan naman ako bigla nung tignan nila ako na parang hinihintay ang sagot ko.

 

 

 

Nilagok ko ang juice na nasa harapan ko at tumango kay papa. Hindi alam ng pamilya ko na ilang beses na akong nag boyfriend, natatakot din kasi akong aminin sa kanila. Strikta kasi ang lola ko, ayaw nitong mag boyfriend ako habang hindi pa ako nakaka graduate. Baka pag nalaman pa niya ay atikihin pa siya sa puso kaya todo tago talaga ako.

 

 


“Sabi ko naman sayo ma, masunurin ‘tong Sakura namin. Ay oo tama, naalala ko dati lagi kong sinisilip ang mama mo sa room nila pati sa mga practice niya sa cheerdance kaya nga nakilala niya ako agad no’n.” 

 

 

 

“Tinalo ng papa mo lahat ng manliligaw ko noon, Sakura. May dala pang mga kakanin at bulaklak ‘yan sa akin noon.” 

 

 

 

“Salamat sa lola mong mahilig magluto ng kakanin kaya rin siguro nahulog agad mama mo sa akin dahil doon.” Mahilig nga naman talagang magluto ng kakanin si lola, kaya nga bongga ang meryenda namin tuwing weekend. Masasarap pa lahat ng gawa niya, dalhan ko kaya nito si Lee tapos lagyan ko ng gayuma.

 

 

 

“Kung wala siguro ang kakanin ni mama ay hindi ako mahuhulog sa papa mo.” Sumimangot si papa at parang nagtatampong inalis ang tingin niya kay mama. 

 

 


“Grabe ka naman mahal, ma effort naman ako dati at kahit sa mga karenderya lang kita dinadala sinisigurado ko naman na masasayahan ka at mabubusog ‘yang tyan mo.” Napailing lang si lola rito.

 

 


Tumayo naman si mama at nilapitan si papa, niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi. Sweeeet!

 

 

 

“Napaka matampuhin talaga nitong asawa ko, parang bata.”

 

 

 

“Ikaw kasi mahal,” nagpapa cute na saad ni papa. Kumain nalang ako ng suman habang nakatingin sa magulang ko.

 

 


“Alam mo ba anak, hinahatid sundo ko pa mama mo kahit ayaw niya. Kapag naalala ko dati ‘yung mga ginagawa kong pagpapapansin sa kanya, natatawa nalang ako. Hindi ako maka paniwala na nagawa ko ang mga iyon dahil nga torpe ako.” Ihahatid at isusundo ko si Lee? Ang swerte naman niya tsaka may kotse iyon, bike lang meron ako.

 

 

 


“Naglalakad lang kayo dati pa?” 

 

 


Si mama ang sumagot. “Hindi, Saku. Sumasakay kami sa bike niya noon, minsan naman sa tricycle.”  Si Lee sasakay ng tricyle? Hindi ko ma-imagine.

 

 

 

“Kaya mas maganda talaga noong mga panahong iyon. Hindi pa ma polusyon ang paligid dahil mahilig mag bisekleta ang mga tao, wala pa gaanong mga sasakyan,” singit pa ni lola.

 

 

 

“Ngayon kasi parang mas pabor na sa mga babae ang mga may sasakyan. Mahihirapan talaga ang mga lalakeng walang pambili o walang kotse.” So…ma do-doble ba ang paghihirap ko nito?

 

 

 

 


Tuloy lang sa pagkekwento si papa, sabayan pa ng pangangaral ni lola. Marami akong nalaman at natutunan sa kanila tulad ng kung paano manligaw ang mga lalake noon sa babae, kung paano ine-express ng mga lalake ang pagmamahal nila sa isang babae. I find it cute pero ang hiraaap.

 

 

 

 

Napaisip ako kung kaya ko rin ba gawin ang mga iyon kay Lee. Ayos lang siguro kung dalagang pilipina siya ,eh hindi naman, mukha ngang liberated ang babaeng iyon pero kung iisipin din mas mahirap na paibigin ang isang dalagang pilipina lalo na kung straight ito kesa sa liberated. Hay… ewan! Nakakaloka ‘to, promise. Goodluck nalang sa akin bukas.

 

 

 


***

 

 

 

VACANT namin ngayon kaya pa simple ko munang iniwan ang mga kaibigan ko, sabi ko may isasauli lang akong libro pero ang totoo niyan ay sa club room talaga ang punta ko. Tumawag kasi sa akin kanina si Chowon, first day nga raw ng misyon ko ngayon kaya kailangan ko na raw permahan ang kontrata. Wala na akong takas, permahan na.

 

 

 

Pagkadating ko sa club room agad akong sinalubong ni Chowon, pina-upo niya ako at iniabot sa akin ang isang folder na may puting papel sa loob. Binuksan ko ito at binasa ang mga nakalagay sa loob.  “Masaya talaga ako at pumayag ka na, Sakura.” As if may choice ako. Duh.

 

 

 

 

Hindi ko na siya pinansin at pinirmahan nalang ang kontrata na binigay niya. Umaasa talaga ako na ibang pangalan ang makikita ko sa loob pero totoong nakakamatay nga ang umasa. Naka capslock at naka bold pa ang pangalan nito… FIRST MISSION: CHAEYEON LEE

 

 

 

“Kaya pag-isipan mo na ang mga gagawin mong hakbang. H’wag ka mag-alala madali lang ang misyon mo na ‘to,” Nakangiting saad naman ni Brielle na ngayon ay umiinom ng tea sa table niya. 

 

 

 

Tinaasan ko siya ng kilay.  “Paano ba ‘to magiging madali kung straight din ang Lee na iyon. Pareho pa kami ha. Wow lang.”

 

 

 

 

“You really don’t know her…don’t you?” Napakunot noo ako sa kanya. Huh! kung alam mo lang.

 

 

 


“Bumisita ka rin sa Underground website ng University, Sakura. Lahat ng chismis, mga sikreto at kahit ano pa patungkol sa mga sikat na estudyante rito ang mababasa mo roon.” Underground website? Meron ba no’n?

 

 

 


“Medyo mahirap nga lang makapasok doon dahil tinatago nga iyon ng council mula sa mga namumuno nitong University pero pwede naman kita ipasok doon kung gusto mo.”

 

 

 

Napailing ako. “A-ayoko no’, baka mapahamak pa ako riyan, okay ng wala akong alam kesa ma sabit ako. Nasasabit na nga ako ngayon palang eh, ayoko ng dagdagan pa ‘to.”

 

 

 


“Oh,well. Goodluck, Sakura!” sabi pa ni Chowon sabay wink sa akin. 

 

 

 

 

 


Bakit sa tuwing gino-goodluck nila ako ay kinakabahan ako? 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Mitangkyut #1
Chapter 16: Shuta late nako may kasunod pa ba ito author huhuhuhu
kkuchaeng123 #2
Chapter 16: Updatee
DefinitelyAShyTurtle
#3
Chapter 16: Since Im new here, I give all my thanks to you Author-san. Thank you for your hard work~
Also I'll be waiting for your update~
kangintobae
#4
Chapter 16: Cant w8 na landiin ni saku c chae.hhahaah
vousmevoyeznini #5
Chapter 15: Sino si sam at levacque
crownprincessstar
#6
Chapter 15: I want a friend like Nako.. benta ang kalandian nya. Hawang hawa si Sakura sa kabaklaang ito. LOL
go na akitin na si Chaeyeon Lee!! go go go!

update agad plithhh naman sobrang nakakabitin!
lol ang demanding lang. me sapi ako ni Nako. LOL
sierra_0029 #7
Chapter 14: Hahahah natatawa talaga ako sa character dito ni saku ahahahaha~ XD salamat sa update Author-nim :)
cccccjjjjjj
#8
Chapter 14: shet na tetense ako HAHAHAHAHAHAHAHA update ka na agad agad author nim!!!!!! plsssss hahahahhahahahha
sierra_0029 #9
Chapter 14: Si yerin? I smell something fishy~ salamat sa update Author-nim :)
moonbliss
#10
Chapter 12: Puta sakura GAHAHHAHAHA GRABE GALING MO PO AUTHOR-NIM