Sakura

To Fall

 

KANINA pa ako nagbabasa pero ni isa sa mga binabasa ko ay wala akong maintindihan.  Paulit-ulit ko nang binabasa ‘tong libro na hawak ko, ilang oras na rin ang nasayang ko. May moving exam kami mamaya kaya ako nag re-review ngayon pero anong isasagot ko nito kung ‘yung utak ko ay nasa club na sinalihan ko. 

 

 

“Hoy, Sakura. Okay ka lang? Parang ang laki yata ng problema mo ngayon, lumalabas na naman kasi wrinkles mo,” pabulong na saad ni Nako sa akin. 

 

 

 

Nawala rin pala sa utak ko na kasama ko pala ang dalawa kong kaibigan dito sa library. Malala na ‘to.

 

 

 

“Hindi ako tomboy, Nako, ” wala sa sarili kong saad. Lumilipad talaga ang utak ko ngayon. 

 

 


“Ano bang pinagsasabi mo dyan? Loka ka, sinabi ko bang tomboy ka? Halabells siya.”

 

 

 

“Sinong tomboy?” usisa pa ni Yena. Kanina lang ay sinabi niya pa na hindi na muna raw siya magsasalita uli dahil mag po-pokus na siya sa pagbabasa pero bakit nakiki-usisa na naman siya. 

 

 

 

“Isa pa ‘to. Lakas talaga ng pandinig mo pag tungkol na sa chismis, no’? Walang tomboy, Yena,” tugon ni Nako sa kanya. Mahina niyang hinampas ang libro na hawak sa ulo ni Yena.

 


 

“Makaka kopya kaya ako mamaya sa exam?” muli ay wala sa sarili kong saad. Sana nga ay maka kopya ako. Pangungupya nalang ang pag-asa ko ngayon.

 

 


“Batukan mo nga ‘yang si Saku, Yena. Dali, ‘yong malakas ha.” 

 

 


Wala pa rin ako sa sarili ko ng batukan ako ni Yena. Napatingin ako sa kanilang dalawa at tiningnan sila ng masama. “Ba’t kayo nambabatok? Wala na nga akong maintindihan sa mga binabasa ko, inalog niyo pa utak ko.” 

 

 


Napalakas ang pag sigaw ko kaya ang sama na rin ng tingin sa akin ni Mrs. Gomiere, ang librarian ng Nursing Department. 

 

 

 

“Anyare nga kasi sayo, girl? Kanina ko pa napapansin na wala ka sa sarili mo. Alam mo namang ang hirap mangopya pag moving exam, ‘di ba? Nakaka pressure ang time limit, bakla! Tapos kanina ka pa pala walang maintindihan sa nire-review natin, oh gosh, you’re dead na talaga bakla ha-ha darla.” Kinopya pa nito ang boses ni Kris Aquino. Hayup! Dead meat nga ang labas ko nito mamaya.

 

 

 

“Naghiwalay ba kayo ulit ni Xandro, Saku?” Nahampas ulit siya ng libro ni Nako. Gaga talaga ‘to.

 

 

 

“Anong naghiwalay ulit? May amnesia ka ba, Yena? Bakit pa sila maghihiwalay ulit, eh hindi naman sila nagkabalikan.” Inunahan pa ako ng bakla’ng ito.

 

 

 


“Wag niyo na nga banggitin ang pangalan ng lalaking ‘yan. Nakaka bad vibes,” ngumuso ako.

 

 


Itinaas ni Nako ang dalawang kamay niya na parang naghihintay ng grasya mula sa langit o sa bubong ng library? “SUS DOLOR! May himala ba ngayon?” inirapan ko lang siya.

 

 

 

 

 

“Miss Yabuki! Keep quite,” mahina ngunit ma awtoridad na saad ni Mrs. Gomiere habang nakatingin kay Nako. Gigil na ang matanda. 

 

 

 

Napalingon sa lamesa namin ang ibang mga estudyante. Mga tsismosa! Tinaasan ko lang sila ng kilay, inirapan naman sila ni Nako. Maldita rin talaga kaming dalawa.

 

 

 

“Ikaw kasi…‘yan tuloy gigil na naman sa akin ang gurang na si Gomiere.” Hindi ko nalang siya pinansin at nagbasa nalang uli ako. Sana naman mamaya sa moving exam ay makalimutan ko kahit saglit ‘tong problema ko. Please…Lordie.

 

 


***

 

 


HALOS mapa-tumbling ako sa tuwa nang makakuha ako ng passing score sa exam ko. Nakipag cooperate nga ang problema ko kanina. Pero hindi ko pa rin maiwasan na isipin ang pino-problema ko. Paano ko ba ma so-solve iyon? Parang ang hirap kasi, bokya pa naman ako sa math. Chars.

 

 

 

“Hindi niyo ako pinakopya, nakakatampo kayo,” nakangusong saad ni Yena habang nilalagay ang mga gamit niya sa locker. Para talaga tong pato, nguso ng nguso.

 

 

 

“Kasalanan ba namin na hindi ka pala nag review kanina. Ang galing mo rin mag kunwari eh, no’? Nagbabasa raw ng notes tapos nakatago pala sa notebook niya ‘yong phone niya. May ka textmate ka na naman siguro.” Dinuro siya ni Nako gamit ang dalang ballpen.

 

 

 

Napaismid si Yena. “O-oy wala, ah. ‘Yong mga powerpoint kaya na ni-download ko ang binabasa ko kanina sa phone ko.”

 

 

 


“Palusot ka pa, eh! Don’t me, Yena ha.”

 

 

 


Imbes na makisali sa kanilang dalawa, ay tahimik nalang akong naupo sa bench na kaharap lang ng mga lockers. Ano ng gagawin ko ngayon? Kanina pa pala nag te-text sa akin si Hitomi, kailangan ko raw pumunta sa club room ngayon. Paniguradong ipipilit nila sa akin ang Lee na ‘yon. Sinabi ko ng ayaw ko sa kanya at humanap nalang sila ng iba pero kinukulit pa rin nila ako.

 

 


“Teka, sino ba ang bumagsak sa inyong dalawa? Ikaw ba talaga Yena? o ‘yang si Saku? Parang mas mukhang problemado siya kesa sayo.”

 

 

 Mas malaki pa talaga ang problema ko kaysa kay Yena, no’. 

 

 


“Hala, baka namali lang ‘yong basa ni doc sa score ko kanina noh?” Napailing nalang ako sa sinabi ni Yena. Nag lo-loading na naman utak niya ngayon.

 

 

 

“Bakit ko ba naging kaibigan ang isang ‘to? Hay, Saku, tayo na nga. Iwan na natin ang Yena na ‘to.” Saka ako nilapitan ni Nako at hinila palabas ng locker room. Dali-dali namang sumunod sa amin si Yena.

 

 


 “H’wag niyo naman ako iwan!”

 

 

 


PALABAS na sana kami nang campus ng mga kaibigan ko nang makita ko sa may exit si Brielle, nakatayo lang siya roon habang bored na bored na tiningnan ang bawat lumalabas na estudyante. Pinagtitinginan pa nga siya ng mga lalakeng lumalabas ng gate pero makikita mo sa mukha nito na wala siyang pake sa mga tingin nila. Ngayon lang yata sila nakakita ng ganyan ka gandang babae. Nakita ako nito kaya biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

 

 

 


“Ah, mga bakla. U-una na pala k-kayo, may kailangan pa pala akong hiramin na libro sa library,” palusot ko sa kanila. Nag insist pa sila na samahan nalang daw nila ako pero sinabi ko na baka matagalan ako kasi do’n ako sa main library manghihiram. Hindi naman na nila ako pinilit pa kaya ay agad silang nagpaalam sa akin.

 

 

 

“H’wag kalimutan na may isang exam pa tayo bukas ha, Saku!” nginitian ko nalang si Nako at saka ko nilapitan si Brielle na ngayon ay nakangisi na.

 

 


“Hi, Sakura,” bati nito sa akin.

 

 


“Pano pag umatras ako? Anong magiging parusa ko?” derikta kong tanong sa kanya.

 

 

 


Napailing siya. “Hindi mo na ba maalala ang nakasulat sa kontrata, Sakura? Hindi ka pwedeng umatras once na member ka na ng club. Bakit? Ayaw mo na bang manakit? Hindi naman masama ang layunin natin, ‘di ba? Gusto lang natin makatulong.”

 

 

 


Ako naman ang napailing sa kanya.

 

 


“Babae ako, Brielle. Straight ako, mas straight pa nga ako sa buhok na bagong rebond, eh.  Pero bakit siya pa? Sa dami ng pwedeng paibigin sa mundo bakit sa kapwa babae ko pa?”

 

 

 


“Well, wala tayong magagawa. Ikaw ang huling pumasok sa club, at ikaw nalang ang pwede sa amin dahil lahat kami ay may kanya kanyang misyon na. Alam mo, Sakura. Lahat naman ng member ng club ay dumaan na rin dyan, even me, kaya enjoyin mo nalang,” kibit-balikat nitong sagot.

 

 


“So, ine-expect mo na kaya ko rin ‘yon?” Unbelebabol siya!

 

 

 

“Of course. Isa pa, hindi naman ibigsabihin niyon na tomboy ka na kapag pumatol ka sa kapwa mo babae. Malalaman mo rin kapag sinubukan mo na. Anyway, next week ang unang araw ng misyon mo. Goodluck.” Saka niya ako tinalikuran. Aalis na sana siya pero mabilis ko siyang hinarangan. Tiningnan niya muli ako sa bored na look.

 

 

 

“Wait, seryoso ka ba? Next week? Hindi pa nga ako sigurado kung kaya ko ‘yon gawin.”

 

 

 Nakakaloka. Ako ba’y pinaglalaruan ng babaeng ‘to? Next week? Huh!

 

 


“Just enjoy the game, Sakura,” bulong nito na nakapagpatindig ng mga balahibo ko at tuluyan na nga siyang nakaalis. Napapailing nalang talaga ako sa kanya. 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ano ba dapat ang gawin ko? 

 

 

 

 


Papasok pasok ka kasi sa ganyan ng hindi mo ginagamit ng maayos ang utak mo. Nag desisyon ka pa agad kaya kasalanan mo ‘yan. Panindigan mo ‘yang pinasok mo. Sermon sa akin ng utak ko. Pati ba naman utak ko?

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Mitangkyut #1
Chapter 16: Shuta late nako may kasunod pa ba ito author huhuhuhu
kkuchaeng123 #2
Chapter 16: Updatee
DefinitelyAShyTurtle
#3
Chapter 16: Since Im new here, I give all my thanks to you Author-san. Thank you for your hard work~
Also I'll be waiting for your update~
kangintobae
#4
Chapter 16: Cant w8 na landiin ni saku c chae.hhahaah
vousmevoyeznini #5
Chapter 15: Sino si sam at levacque
crownprincessstar
#6
Chapter 15: I want a friend like Nako.. benta ang kalandian nya. Hawang hawa si Sakura sa kabaklaang ito. LOL
go na akitin na si Chaeyeon Lee!! go go go!

update agad plithhh naman sobrang nakakabitin!
lol ang demanding lang. me sapi ako ni Nako. LOL
sierra_0029 #7
Chapter 14: Hahahah natatawa talaga ako sa character dito ni saku ahahahaha~ XD salamat sa update Author-nim :)
cccccjjjjjj
#8
Chapter 14: shet na tetense ako HAHAHAHAHAHAHAHA update ka na agad agad author nim!!!!!! plsssss hahahahhahahahha
sierra_0029 #9
Chapter 14: Si yerin? I smell something fishy~ salamat sa update Author-nim :)
moonbliss
#10
Chapter 12: Puta sakura GAHAHHAHAHA GRABE GALING MO PO AUTHOR-NIM