Sakura

To Fall

 

MABILIS na tinungo namin ni Yena ang Volleyball court ng Eastleyan University kung saan kasalukuyang ginaganap ngayon ang unang match game sa pagitan ng volleyball team na galing sa university namin at sa Eastleyan. Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ay maririnig na sa labas ang malalakas na hiyawan ng mga estudyante na nanonood. Mukhang nagsisimula na at medyo late kami.


“May concert ba? Ang daming tao ngayon.”

 

Pansin kong halos lahat ng bleachers na naroon ay punong-puno, may mangilan ngilan pang nakatayo na sa may entrance ng court.


“Mga bakla! Ditoness ang pwesto natin!” sigaw ng kaibigan naming si Nako. Nauna pala ito sa amin. “VIP tayo kaya dito raw tayo sa harap. Swerte tayo mga bakla!” 

 

“Kanina pa ba ‘to nag start? Anong set na ba?” tanong ko kay Nako.


“Third na, girl.”


“Medyo late na nga tayo, Saku. Pero malay mo umabot pa ‘to ng fifth set.” 

 

“Si Lee ba? Naglaro na ba siya?” tanong ko ulit. Napatingin naman silang dalawa sa akin. 


“Oh, bakit?” Iba talaga ang tingin sa akin ng dalawang ‘to. Ano na naman kaya mga iniisip nito.


“Hindi pa naglalaro ang mahal mo, girl. Kinokondesyon pa siguro o kaya siya ang huling ilalabas kasi diba siya ang alas sa kanila.” Tumango-tango nalang ako. Hindi pala masasayang ang dala kong tarpaulin hehe.

 

 

Tahimik na naupo na lang ako habang nagsisimula nang mag cheer at magwala ang mga kaibigan ko. Iniisip ko naman kung kalian ko isisigaw ng malakas ang pangalan ni Lee kasama itong tarpaulin na nasa bag ko. Ito ‘yung naisip ko nung isang araw, eh. Nagpa tarpaulin ako, nakasulat dito ang buong pangalan niya na may puso sa dulo. Oha, ako na ang ma effort. 

 

“Mag cheer ka naman dyan, Saku! H’wag tatahimik lang, mapapanis laway mo!” 


“Oo nga, Saku! Dapat full support tayo kina Hyewon at Yujin!”


“GO TEAM GOLDWILDE! ILAMPASO NIYO MGA MUKHA NILA SA SARILI NILANG COURT!” sabay na sigaw nilang dalawa. Nagtawanan naman ang mga kaklase nila Hyewon na katabi lang namin. May mga ibang taga Eastleyan na masama na ang tingin sa amin pero wapakels lang ang mga kaibigan ko.


“Tumahimik nga kayo! Baka hindi tayo makalabas ng buhay niyan mamaya, eh!” asik ko sa kanila pero lalo lang silang nag-ingay dalawa. 


May inilabas pang pom pom si Nako at bigla siyang sumayaw sayaw sa pwesto niya, sinabayan pa siya ni Yena. Mas lalong natawa ang mga estudyanteng katabi namin. Hindi ko po kaibigan ang mga ‘to.


Narinig kong muling naghiyawan ang mga estudyante sa paligid, halatang taga Eastleyan ang naka kuha ng score. Lumalamang na pala ang kabilang team sa team namin kaya pala halos magwala na itong si Nako. Konting kembot nalang at kami ang matatalo.

 

Pumito ng malakas ang referee. 

 

Nakita kong mabilis na pumasok sa court si Lee. Time mo na, Sakura! Nakangiting nakipag-high five siya sa mga ka teammates niya at pumwesto na. 


Muli ay isang malakas na pito ang pinakawalan ng referee.

 

Halos mabaliw kakasigaw ang mga taga Goldwilde at ibang mga taga Eastleyan ng pumasok na nga si Lee. Ganito ba talaga siya ka famous, heh. 

 

Inihanda ko na ang tarpaulin ko sa bag. Pagkakataon ko na ‘to para ipakita kunwari ang suporta ko kay Chaeyeon. Alam kong suicide itong gagawin ko dahil may mga media sa paligid at ang daming tao nga rito sa court. Makikita nila ang kahihiyan na gagawin ko para sa pag-ibig—este, sa misyon ko pala.

 

Nagsimula na ulit ang game. Nasa kalaban ang bola at nararamdaman ko na ang tensyon sa paligid.

 

“Hoy, bakla! Para sa’n naman ‘yang tarpaulin na hawak mo?” usisa ni Nako habang kumekembot.


“Para kay Lee ‘to. Akala niyo kayo lang merong props ha, meron din ako noh!” Napatili naman siya ng malakas. 


“Yena! My ship is sailing na! Ship pala natin! Support kita dyan, bakla! Go Chaekura!”


“I think kailangan mo ng  i-cheer  si Chae ngayon, Saku! Mukhang siya ang pinag-iinitan ng kabilang team.” Tinignan ko naman si Lee na ngayon ay seryosong-seryoso. Hindi ko man lang napansin na namumula pala ‘yung pisngi niya. Hala, anong nangyari?


“Natamaan ng bola ang pisngi niya ng mag serve ‘yung taga kabilang team, sinigurado yata na pisngi talaga ni Chae ang matatamaan.” Naiinis na saad ni Yena. Madumi pala maglaro ‘tong mga taga Eastleyan. 


Huminga ako ng malalim at inayos ang tarpaulin ko. Kaya mo ‘to, Sakura! Tumayo ako at nanalangin na ma inlove—este mas mapansin ni Lee ang cheer ko.


“GO, CHAEYEON!! IBAON MO RIN SA MGA MUKHA NILA ‘YANG BOLA! KAYA MO ‘YAN!” buong lakas kong sigaw sabay tili. Tumalon talon pa ako habang hawak ang tarpaulin. 

 

Napatigil naman ako ng biglang tumahimik ang buong paligid at ang lahat ng atensyon ay napunta sa akin. May nasabi ba akong mali? 


Ang seryosong mukha ni LeE kanina ay napalitan na ng…tuwa? Nakatingin ito sa akin at napa smirk siya. Aba't! 


Nawala na ang atensyon sa akin at balik laro na ang dalawang team pero may mangilan-ngilan pang nagbubulungan habang nakatingin sa akin. Instant famous ako ngayon, pwe.


“Bakla, girlfriend na girlfriend ang dating mo, ha!” 


“Nakita ko ‘yung naging reaksyon ni Chae. Iba, Saku! Totohanan na yata ‘to, Nako!” Tumili na naman sila at nag apir. 


“Ssshh…ang iingay niyo. Mag cheer nalang tayo!” Sinabayan ko ang dalawa sa pag tsi-cheer. 

 

 

Isang score nalang at mananalo na ang Goldwilde. Ginaganahan na sa paglalaro ngayon ang team namin lalo na si Lee. Effective yata ang pag cheer ko. 

 

“ISANG SCORE NALANG GUYS!” 

 

Mabilis na tinapos ni Lee ang laro nang malakas niyang na i-spike ang bola na deritsong nag landing sa court ng kalaban. Panalo ang Goldwilde team. Sigawan na ang mga estudyante at kami nila Nako. Para kaming baliw na nagyayakapan habang tumatalon-talon pa.  Feel na feel namin ang pagka panalo ng team.


***

 

NAKABALIK na kami sa Goldwilde kasama ang volleyball team. Kahit walang pasok ay sumama na kami sa kanila rito dahil may free lunch daw, sayang naman kung tatanggihan namin. Nakakapagod pa naman mag cheer, nagutom din tuloy kami.


“Congratulations, Team! Muli niyo na namang ipinanalo ang laro niyo. I’m very proud of you, guys.” Emotional na sabi ni coach Eunbi. Tumayo sila Hyewon at nag group hug kasama ang coach nila.


“Saan na si Chaeyeon? Dapat kasama rin siya sa group hug nila.” Nagtatakang tanong ni Nako kay Yena. Nagkibit-balikat lang ito.


Nilibot ko naman ang tingin ko sa buong gym at nakita kong nakaupo lang sa isang sulok si Lee. Tahimik akong naglakad papunta sa kanya. 


“C-chae, ba’t mag-isa ka lang dito? Nag i-speech na si Miss Eunbi dun, oh.”


“Sakura…” Kapansin pansin ang pagod sa mukha nito at ang namumula pa rin niyang pisngi. Mukhang malakas ang tama sa kanya ng bola.


Naupo ako sa tabi niya. “C-congrats nga pala. Ang galing mo pa rin.”


“Thank you.” Nilinga ko siya. Kinuha niya ang cold compress na nasa tabi niya lang pala at dahan-dahan itong dinampi sa mukha niya.


 “O-okay ka lang ba? Gusto mo tulungan na kita dyan?” alok ko. Bakit ba ako kinakabahan sa kanya? 


“Yep, I’m fine.” At habang idinadampi niya iyon, ay napadako naman ang tingin ko sa makinis niyang mukha. 

 

Paano niya kaya name-maintain ang ganyan ka perfect na mukha? Sabagay sobrang yaman naman nila kaya easy nalang sa kanya ang magpa derma kada buwan or araw-araw na ‘to?


Nakaramdam ako ng kakaiba habang tinitingnan si Lee. No no no no, Sakura, hindi na ‘yan pupwede.


“Matutunaw na niyan si Chaeyeon, Saku.” Nilingon ko ang nagsalita at buong team kasama sila Nako pala ang nakatingin sa amin ngayon. 


Bigla akong tumayo kaya nasagi ng siko ko ang namamagang pisngi ni Lee. “Ooouuuch…” daing nito.


“Hala, sorry sorry! Hindi ko sinasadya, Chae. Kayo kasi, bigla bigla kayong sumusulpot.”


“Mukhang may bago tayong lovers, ah. Miss Miyawaki, kayo na ba ni Miss Lee?” May panunuksong tanong ni Miss Eunbi.


Mabilis akong umiling pero ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Huta! Anong tanong ‘yan, Miss?! Nagsitilian naman ang mga kaibigan ko at mapanukso nila akong tiningnan. 

 

 


Maha-hot seat pa yata ako ngayon.


***

 

 

KINAKANTSAWAN pa rin ako ng mga ka teammates nila Lee pati ni Miss Eunbi. Nahihiya na ako sa ginagawa nila. Mabuti nalang at walang pakealam si Lee sa mga sinasabi nila. Pero dahil sa wala siyang pake, ibigsabihin lang nun ay hindi gumagana ang pagpaparamdam ko sa kanya. Kailangan ko ulit maka-isip ng panibagong plano at siguro ay mas mabuting sabayan ko na lamang din ang pananantsaw nila sa akin kahit nakakahiya.

 

“Ano, Saku? Pupunta ba tayo mamaya sa victory party?” halatang excited ang baklitang ‘to.


Inimbitahan kami ni Miss Eunbi na pumunta sa pa victory party nila mamaya sa isang luxury bar. Kailangan raw ay naroon kami dahil kami ang number one tiga cheer ng team. Nagdadalawang-isip pa ako kung pupunta ba ako kasi baka hindi rin ako payagan nila lola, sobrang strikta pa naman nun.


“Hindi ko pa alam, Nako. Try ko magpa-alam mamaya tapos text ko nalang kayo kung makakapunta ako.” Napasimangot naman ang dalawa sa naging sagot ko. 


“You should come, Sakura.” Biglang sabat ni Lee. Gising na pala ito at nakasukbit na sa likod ang bag niya. Mukhang aalis na siya.


“Basta ba pupunta ka rin—este, try ko pala.” Naramdaman ko ang biglang paghampas ni Nako sa balikat ko. 

 

“Sure na pupunta ‘yan si Chae, bakla! Siya kaya ang nagpanalo ng game nila kaya dapat talaga ay pumunta siya.”


Ngumiti si Lee. Wow, parang totoo ang  ngiti niya ngayon.


“Okay, see you later…Sakura.” Kumaway siya sa amin at nag martsa na palabas ng gym. Naiwan naman akong tulala. Sinabi ba niyang see you later, Sakura? Y-yung p-puso ko—ay joke!


“Omaygash bakla! See you later daw. Magkaka epilepsy yata ako sa kilig.”


“Kaya pumunta na tayo, Saku! Nako, ikaw na mag drive ng kotse ko, sunduin nalang natin si Saku tsaka hatid natin siya after para hindi naman mag histirikal si lola niya.”


“Gaga, wala ka namang kotse, ha?” Ngumiti ng malapad si Yena at makahulugang tiningnan si Nako. Ang creepy niya ngayon.


“Oh, yes! Itatakas ulit natin ang kotse ng kuya mo. Beri nice ‘yang naisip mo, Yena! Congratulations dahil gumagana pa pala ng maayos ‘yang utakbells mo.” Mukhang masasabit kami mamaya neto, ha. Mas mabilis pa naman tumalak kuya niya kesa sa mga nag ra-rap.

 

***


MABILIS na lumipas ang oras. Hinahanda ko na ngayon ang isusuot ko sa party, any minute ay dadating na rin dito sina Nako. Inilapag ko sa higaan ang isang kulay pastel na off-shoulder dress, regalo pa ‘to sa akin ni lola noong 18th birthday ko at ngayon ko lang siya masusuot. 


Mabilis akong nagbihis at bumaba na. Sa sala ay nadatnan ko si Nako na nakikipagtawanan kay lola at si Yena na nakikipagharutan sa little brother ko.


“Andyan ka na pala, anak. Dadalhin ko pa sana itong juice sa mga kaibigan mo.” Nakangiting saad ni mama.

 

“Bakla! Omg, tita, nag-abala pa you pero iinom pa rin namin ‘yan ni Yena. Thank you po.” Mabilis na kinuha ni Nako ang dalawang baso ng juice na nasa tray. 


“Uhaw na uhaw yata kayong dalawa.” Ngumiti lang sila kay mama. Parang alam ko na kung bakit.


“Tara na nga. Baka tayo nalang ang wala roon, tinext ko pa naman na si Miss Eunbi kanina na aagahan natin.” 


“Okaaay…gorabells na tayo mga bakla! Tita, thank you sa juice and lola, ingatan ang puso.” Humalik naman ako kina mama at lola bago kami lumabas ng bahay.


“Ingatan niyo ang apo ko, ha. H’wag niyo sanang hayaan na umuwi siyang hindi na hawak ang bataan niya.” 


“H’wag po kayo mag-alala lola, walang mawawala rito sa apo niyo kasi—“ Mabilis na naitulak ni Yena si Nako sa driver’s seat kaya hindi na nito natuloy ang sasabihin. 

 

Ang bibig talaga ng baklitang ‘to. Kinawayan ko sina lola at pumasok na rin ako sa sasakyan.

 

 

 

 

Nakakabinging tugtog ang sumalubong sa amin nang makapasok kami sa loob ng bar. Maraming tao na ang nasa loob, sumasayaw na ang iba at may mga umiinom naman. Inarkelahan yata nila ang buong bar dahil halos mga estudyante ng Goldwilde ang nakikita ko sa paligid. 


Medyo madilim pala rito, tipong mga makukulay na ilaw lang ang nagsisilbing liwanag. First time ko sa ganitong lugar kaya bago pa sa akin ang mga ganito. 


“Ayun sila Hyewon!” Halos hindi ko na marinig si Nako dahil sa tugtog dito. Magkaka damage yata tainga ko.


Sinundan ko nalang ang dalawa hanggang sa makarating kami sa isang malaki at malapad na counter. Naroon na ang buong team pati si Miss Eunbi na mukhang lasing na yata.


“Girls, mabuti naman at nakarating kayo.” Nagning-ning ang mga mata ni Nako nang marinig ang salitang ‘girls’ sa sinabi ni Yujin. 


“Yes naman, Yuding noh. Kami pa ba.”


Inalukan kami ng inumin nila Hyewon pero sinabi ko na hindi ako umiinom, pero ang dalawa, kanya kanya ng tungkab. Makakauwi pa ba kaya kami nito ng maayos?


Hinanap ng mga mata ko si Lee ngunit hindi ko siya makita, inikot ko na ang sarili ko pero wala talaga siya. Saan naman kaya ‘yun? Sabi niya pupunta siya.

 

 “Mukhang may hinahanap ka, Kura?” Tumabi sa akin si Hyewon at inalok ako ng juice. Tinanggap ko naman ito.


“Si Chaeyeon? Bakit wala siya rito?” 

 

“Ah, tumawag si tita kanina, nilalagnat daw ang ka love team mo. Lagot talaga neto ‘yung tumama ng bola sa kanya.” 

 

Omg, nilalagnat din pala ang mga demonyita? 

 

“Akala ko pa naman okay na siya.” Tinapik ni Hyewon ang balikat ko at ngumiti siya sa akin. “H’wag ka mag-alala sa kanya, matibay ‘yun.”

 

Nag-aalala ba ako sa kanya? 

 


Yes, girl.’ Sagot ng mahadira kong utak. Hindi ako nag-aalala sa kanya noh! Nasasayangan lang ako sa oras. Pumunta pa man din ako rito para sa kanya—este, para magawa mga plano ko. Sinuot ko pa nga ang dress na ‘to kahit ayoko, eh. 

 

“Mesh Meyawakey, shumayaw tsyayow! Wuhoo!” Aya sa akin ni Miss Eunbi. Lasing na lasing na ‘to dahil hindi na makapagsalita ng maayos. Inaalalayan na nga siya ng isang teammate ni Lee. Hindi ko alam na marunong pala siyang maglasing, siya kasi ‘yung tipo na kung titignan mo ay pormal na pormal ang dating.

 

“B-bakla, ang daming papabells dito. Ang po-pogi, h’wag na tayo umuwi!” nagmumukhang baliw si Nako habang tinitingnan ang bawat lalakeng dumadaan sa harapan niya.

 

“Mag enjoy muna kayo, Saku. Hindi ka pa nga nakakainom o nakakakain man lang.” Umiling ako at tumayo na.

 

 “Hindi na, nabusog naman ako sa juice na binigay 
ni Hyewon. Hoy Nako! Yena! Uwi na tayo.”


“Eyeke nge…Hi pogi hehe,” maarteng sabi ni Nako. Kaladkarin ko na kaya ‘to palabas.


“Inaantok na rin ako. Hindi ko pala kaya makipagsabayan sa seniors. Tara, uwi.” Mabuti naman at masunurin itong si Yena. 


“Sige na, Hyewon. Pakisabi nalang kina Miss Eunbi at Yujin na umuwi na kami. Salamat pala sa pag invite niyo sa amin at congrats ulit.” Niyakap ko siya at kumaway na. Kinaladkad na namin ni Yena si Nako palabas ng bar.


“Iwan niyo nalang kaya ako mga bakla. Ang dami talagang pogi, eh. Malay niyo naman maka bingwit ako ng isa.” 


“Ssshh…itulog mo nalang ‘yan, Nako.” Palabas na sana kami ng bar nang mahagilap ko ang isang lalakeng tumatawa sa kabilang counter. May  kasama itong mga babae na taga Goldwilde lang din. 

 

“Wait…” Tinitigan ko pa siya at nang makumpirma ko kung sino ito ay napamura nalang ako. 

 

 

“Bakit, bakla?” Nabitawan ko si Nako at naikuyom ko ang mga kamay ko. Totoo nga ang balitang bumalik na siya.

 

 

 

 


Ano naman kaya ang dahilan kung bakit ito bumalik dito?

 

 

 

 

 

 

——

A/N: Wala pa po ang pov ni chaeyeon. Hahaha.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Mitangkyut #1
Chapter 16: Shuta late nako may kasunod pa ba ito author huhuhuhu
kkuchaeng123 #2
Chapter 16: Updatee
DefinitelyAShyTurtle
#3
Chapter 16: Since Im new here, I give all my thanks to you Author-san. Thank you for your hard work~
Also I'll be waiting for your update~
kangintobae
#4
Chapter 16: Cant w8 na landiin ni saku c chae.hhahaah
vousmevoyeznini #5
Chapter 15: Sino si sam at levacque
crownprincessstar
#6
Chapter 15: I want a friend like Nako.. benta ang kalandian nya. Hawang hawa si Sakura sa kabaklaang ito. LOL
go na akitin na si Chaeyeon Lee!! go go go!

update agad plithhh naman sobrang nakakabitin!
lol ang demanding lang. me sapi ako ni Nako. LOL
sierra_0029 #7
Chapter 14: Hahahah natatawa talaga ako sa character dito ni saku ahahahaha~ XD salamat sa update Author-nim :)
cccccjjjjjj
#8
Chapter 14: shet na tetense ako HAHAHAHAHAHAHAHA update ka na agad agad author nim!!!!!! plsssss hahahahhahahahha
sierra_0029 #9
Chapter 14: Si yerin? I smell something fishy~ salamat sa update Author-nim :)
moonbliss
#10
Chapter 12: Puta sakura GAHAHHAHAHA GRABE GALING MO PO AUTHOR-NIM