Sakura

To Fall

 


“OMG BAKLA, HINDI AKO MAKAPANIWALA NA—“ madali kong natakpan ang bibig ni Nako bago pa nito matapos ang sasabihin niya. Nandito pa naman kami sa labority ngayon, nasa paligid lang namin ang mga chismosa kong classmates. Mabuti na lang at busy sila sa mga ginagawa nila at kakalabas lang ni doc. 


“Ang sarap talaga putulin niyang dila mo, Nako. Pwede ba, kalma lang tayo,” pabulong kong saad sa kanya. 


“Kasi naman saku, hindi ko ma imagine na may nag e-exist na ganyan dito sa University natin,” aniya. Maski ako rin naman ay hindi makapaniwala ‘no.


“Baka prank lang ‘yan, Saku, o kaya ay na wow mali ka,” sabat naman ni Yena. Sasabat-sabat pa ‘to, eh mali-mali naman ang sinasabi.


Nakasulat sa kontrata namin na walang pupwedeng makaalam ng tungkol sa club pwera nalang sa mga gustong mag request dito. Bawal na bawal din itong ipagsabi sa mga magulang namin o mga kaibigan pero dahil hindi ko matiis na hindi sabihin ang tungkol dito sa mga kaibigan ko ay nasabi ko na sa kanila kaya grabe maka react si Nako.


“Anong prank? Wow mali? Nasobrahan na sa panonood ng telebesyon itong si Yena. Pero may point ka rin dyan. Legit ba ang club na ‘yan? Inapobrahan ba ‘yan ng school or ng council man lang?” Nagkibit-balikat ako. Hindi rin kasi talaga ako sigurado sa bagay na iyan.


“Hindi ko nga rin alam pero may mga ipinakita naman sila sa aking mga videos at pictures na nagsasabi na hindi isang joke ang club nila.” Mahina niyang hinampas ang tiles na lamesa.


 “Ay naku, mag-iingat ka pa rin dyan bakla! Ang bongga pa naman ng makukuha niyong benefit, parang hindi kapani-paniwala.” 


“Tignan natin kapag natapos ko na ang misyon ko.”


“Speaking of ‘misyon mo’, keri mo ba talaga ang makipaglandian sa kapwa mo tahong—este, girlalu? AND kay Chaeyeon pa talaga. Aba, baka siya talaga ang nakatadhana sa iyo, bakla.” Kamuntik na akong masuka sa sinabi nito. Nakatadhana? Like, nakakadiri.


“Magiging tomboy ka na, Saku.” Binatukan naman ni Nako si Yena.

 

 “Gaga, hindi tomboy tawag do’n. Lesbian kamo o pwede rin biual kung into boys pa rin siya kahit ma attract na siya sa girls.”


“Aray ha, oo na. Hindi ko naman kasi alam tawag sa ganun noh.” Nakangusong saad ni Yena. Nag salubong ang kilay ko sa sinabi ni Nako. Lesbian? Biual? Ako? NO WAY

 

“So…paano mo sinimulan ang MISYONESS mo, bakla?” 

 

“First step, kinausap ko siya.” 


“OMG! Tapos tapos? Kinikilig ako bakla. Ishi-ship ko na kayo,” Maarteng saad niya.

 

“Gawa na ba tayo ng fans club, Nako? Mag-iisip ako mamaya ng combination ng name nila.” Nagtinginan silang dalawa at nag apir. Mga baliw talaga ‘to.


“Ayun, okay naman kahit medyo awkward sa part ko. Himala nga at naging mabait siya sa akin kahapon. Nabagok siguro ulo no’n tapos nakalimutan niya na demonyita siya.”


“Kayo ha, kaya ka siguro hindi na bumalik kahapon noh kasi magkasama pala kayo. Teka, anong ginawa niyo sa clinic?” 


Kinwento ko naman sa kanila lahat ng nangyari at mga napag-usapan namin ni Lee kahapon. Hindi na rin siya nakaalis nun dahil ginalingan ko ang pag acting. Paniwalang-paniwala talaga ang gaga sa akin habang napapaiiling na lang si nurse Miru. 

 

Wala naman kaming napag-usapan na seryoso ni Lee, puro course niya lang at mga naging laro nila sa ibang University. Okay na rin, atleast may mga nalaman akong hindi ko pa alam sa kanya. 

 

“Ang taray mo talaga, bakla! Uma-acting ka na rin pala ngayon. Pero bakla ha, baka ‘yang acting’an mo ay mauwi sa totohanan. Naku, brokenhearted na naman ang uwi mo.”

 

“O kaya ay baka ma karma ka, Saku! Ikaw iyong mahuhulog sa kanya tapos hindi ka pala niya masasalo.”

 

May point din ang dalawang ‘to pero kung ako tatanungin, napaka imposible na mangyari ang mga naiisip nila. Paano ba mahuhulog ang isang straight sa isang straight na babae rin? LIKE DUH.

 

 

***

 


VACANT ulit namin at narito na naman ako sa volleyball court.  Wala dapat akong sayanging oras kaya itotodo ko na ang pagpaparamdam dito kay Lee. 

 

“A-araw arawin mo na yata ang pagpunta rito, Kura?” tanong ni Hyewon sa akin habang ang atensyon ko’y na kay Lee na ngayon ay nag e-exercise sa kabilang side ng court. 

 

“Asahan mo na ‘yan, Hyewon,” tipid na tugon ko sa kanya.

 

“Baka tama nga ang hinala ko, crush ka nga niyang si Saku, Hyewon.” Tiningnan ko ng masama si Yujin. Manghihinala na nga lang, mali pa. Natawa naman siya sa naging reaksyon ko.

 

“Totoo ba ‘yon, Kura?” Inirapan ko silang dalawa.

 

 “HINDI. PERIOD.” Muli kong itinuon ang mga mata ko kay Lee. 

 

Kung hindi ko lang nakilala si Lee noong mga bata pa kami at kung mabait lang siya, magkakagusto ako sa kanya kahit na babae pa ako o mas maganda siguro kung ipinanganak akong lalake. Pag pisikal na anyo lang kasi ang pag-uusapan, pasok na pasok sa banga ‘tong si Lee. Matangkad, mala coca cola ang katawan, mahahaba ang legs, maputi at makinis. Sobrang ganda ng buhok, pwede na siya maging endorser ng shampoo o kaya ng coconut oil. Pang kilay goals ang kilay. Ang tangos ng ilong, sarap mag pa donate. Ang mapupula niyang lips at mapuputing ngipin na sobrang ayos din...na parang never nagka sira. Almost perfect na siya kumbaga, kaso nasisira lang ng ugali niya. 

 

“Oh, I think I know na kung sino ang crush ni Saku.” Kunot noo kong nilingon si Yujin na nakangisi na sa akin. 

 

“Gosh, Kura! Si Chaeyeon ba ang gusto mo? Titig na titig ka sa kanya, eh.” Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Hyewon. 

 

Napangisi ako sa naiisip ko. Mas mabuti siguro kong sabihin ko rin sa kanila na kunwari gusto ko si Lee, para na rin malaya kong magawa ang misyon ko. Hindi ko naman sasabihin sa kanila ang totoo, eh. 

 

“Paano kung sabihin ko sa inyong gusto ko nga si Chaeyeon?” Nakataas pa ang isang kilay ko sa kanila habang hinihintay ang sasabihin o magiging reaksyon nila. 

 

Naubo si Yujin at nanlaki ang mga mata ni Hyewon.

 

“What the…are you serious?” ani Hyewon.

 

“Akala ko straight ka, Sakura? All this time pala, eh kabilang ka sa amin.”

 

“Sorry guys, hindi ko lang talaga agad nasabi sa inyo. Naghahanap lang ako ng tyempo at dahil naghihinala na rin kayo na baka isa sa inyo ang gusto ko, tapos nahulaan niyo pa na si Chae nga ang nagugustuhan ko ngayon kaya sinabi ko na sa inyo.”

 

Napapailing si Hyewon. “Ayokong maniwala. Napaka imposible nyan, Kura.” 

 

Napaka imposible naman talaga, Hyewon. Kung wala lang akong misyon ngayon ay sasabihin ko rin ‘yan. 

 

“When did you realize that you are also attracted to both genders, Saku? I mean, to Chae?”

 

 Kelan nga ba? Ahm…simula no’ng nalaman kong siya ang misyon ko? Pwe.


“Since we were both young? Ewan ko, basta ko lang siya…na feel.” Napahawak pa ako sa dibdib ko sabay tingin sa taas na parang gustong-gusto ko talaga ang sinasabi ko. Pwe ulit!

 

“I see…pero hindi pa rin nag si-sink in sa utak ko. Binibiro lang naman kasi kita kanina na baka crush mo ang isa sa amin and it turns out na totoo pala.” Nginitian ko na lang silang dalawa. Bigla yata akong nakaramdam ng pagka guilty. Hindi ko rin naman kasi maiiwasan ang pagsisinungaling lalo na sa kanila na mga kasama ni Lee sa team. 

 

 

 

 


Nagsinungaling na naman ako sa kanila, blaah.

 

 

——

A/N: Ang tipid ko mag update noh? Hahahabells!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Mitangkyut #1
Chapter 16: Shuta late nako may kasunod pa ba ito author huhuhuhu
kkuchaeng123 #2
Chapter 16: Updatee
DefinitelyAShyTurtle
#3
Chapter 16: Since Im new here, I give all my thanks to you Author-san. Thank you for your hard work~
Also I'll be waiting for your update~
kangintobae
#4
Chapter 16: Cant w8 na landiin ni saku c chae.hhahaah
vousmevoyeznini #5
Chapter 15: Sino si sam at levacque
crownprincessstar
#6
Chapter 15: I want a friend like Nako.. benta ang kalandian nya. Hawang hawa si Sakura sa kabaklaang ito. LOL
go na akitin na si Chaeyeon Lee!! go go go!

update agad plithhh naman sobrang nakakabitin!
lol ang demanding lang. me sapi ako ni Nako. LOL
sierra_0029 #7
Chapter 14: Hahahah natatawa talaga ako sa character dito ni saku ahahahaha~ XD salamat sa update Author-nim :)
cccccjjjjjj
#8
Chapter 14: shet na tetense ako HAHAHAHAHAHAHAHA update ka na agad agad author nim!!!!!! plsssss hahahahhahahahha
sierra_0029 #9
Chapter 14: Si yerin? I smell something fishy~ salamat sa update Author-nim :)
moonbliss
#10
Chapter 12: Puta sakura GAHAHHAHAHA GRABE GALING MO PO AUTHOR-NIM