Sakura

To Fall

 


UNANG ARAW nga ng misyon ko ngayon, kaya pagkatapos ko pumirma nang kontrata ay dumeritso na ako sa volleyball gym. Mabuti nalang at nag text si Nako na wala  iyong prof naming pinaglihi sa menopause kaya magagawa ko ng maayos ang plano ko ngayon.  Naisip ko na alamin muna lahat ng tungkol kay Lee, background check kumbaga. Kailangan ko malaman lahat ng schedules niya para hindi ako mahirapan, sana. At alam ko kung sino ang makakatulong sa akin pagdating dito.

 

 

 

 

“Hi, Yujin!” nakangiting bati ko sa kanya pagkapasok ko ng court. Napalingon siya sa akin at kinawayan ako. 

 

 

 

“Oh, Saku? Anong ginagawa mo rito? May punishment ka na naman?” Umiling ako at umupo sa tabi niya.

 

 

 

 

“Wala no’. Si Hyewon?” mukhang siya pa lang ang andito. Mag-isa lang kasi siya.

 

 

 

 

“Nasa locker room sila nina Chae. Why?” Oh, so andito rin ang Lee na iyon. Ang mala—este, ang swerte ko naman pala. 

 

 

 


“Wala ba kayong mga pasok?” tanong ko uli rito.

 

 

 

“Thesis nalang kami ngayon kaya wala na. Iyong iba naman in-excuse sa klase nila. May game na naman kasi next week kaya kailangan mag focus.” Bigla namang may pumasok na ideya sa utak ko. May pers mob na ako, kahit parang suicide kapag ginawa ko iyon.

 

 

 


“Sa ibang school ba o dito lang sa campus ‘yang game niyo Yujin?” Napatingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala na tinanong ko ang tungkol sa laro nila. “Ikaw ba talaga ‘to, Saku? Himala at interesado ka na sa game namin?” inirapan ko siya. 

 

 

 

 

“Sino pa ba? Ako lang naman ang nag-iisang Sakura Miyawaki sa University na ‘to no’, tsaka masama ba ang magtanong?”

 

 

 


Natawa siya at ginulo ang buhok ko. “Ikaw talaga para kang si Minju. Halatang may ibang agenda ka kaya ka naging interesado sa game namin, eh.” 

 

 


“A-ano? H-hoy! Hindi, ah. Wala naman akong ibang agenda no’, nagtatanong lang nga ako.” bigla tuloy akong kinabahan. Naalala kong iba nga pala ang utak ng babaeng ‘to. Matinde!

 

 

 

“Ganyan din ang sinasabi sa akin ni Minju kapag may tinatago siya. Umamin ka nga, Saku. Gusto  mo ba si Hyewon kaya ka andito para makita lang siya?” Imbes na sagutin siya ay tumalikod ako sa kanya at tumawa ako ng malakas. Si Hyewon, crush ko? Eh parang kapatid na turing ko dun.

 

 

 


“Why are you laughing? May nakakatawa ba? O tama ako?” seryoso nitong saad. Muli ko siyang hinarap at hinawakan sa magkabilang balikat. Napakunot naman ang noo niya.

 

 

 

 

 “Bakit? H’wag mo sabihing sa akin ka may gusto? Sorry Saku, pero malapit ko na kasing sagutin si Minju.” Binitawan ko siya at tumawa ulit ako. 

 

 

 

 

“Ano ba ‘yang pinagsasabi mo, Yujin? Hindi ako into girls noh! Lalake kaya hanap ko.” Natatawa kong saad rito. 

 

 

 

 


 “Lalake nga ba, Saku?” muli niyang hirit.

 

 

 

 

“Oo naman! Teka nga, h’wag mo na nga pag-isipan ng iba iyong tanong ko sayo. Sagutin mo nalang Miss Ahn, dali.”

 

 

 


“Okay, fine. Sa ibang campus iyon…sa Eastleyan University, medyo malayo rin ‘yun dito. Pupunta ka ba?” 

 

 

Eastleyan? Balita ko maraming mga poging papa ro’n. Napaisip ako kung sasama ba ako o hindi. Kung hindi kasi, hindi ko magagawa iyong bright idea na naisip ko kaso hindi ko naman in-expect na medyo malayo pala ang venue ng game nila. 

 

 

 

“Pwede ka naman pumunta kahit isama mo pa sila Nako at Yena. Wala namang pasok niyan, eh.” Oo nga naman, pwede ko nga silang isama. Sana lang ay hindi sila magtaka dahil first time kong manood ng volleyball sa labas at ako pa mag-aaya.

 

 

 

“Sige, pupunta kami niyan. Support namin kayo,” ngumisi ako sa kanya. 

 

 

 


“Kura?” Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Si Hyewon pala at kasama nito si Lee.

 

 

 

 “Hi, Hyewon! Hi, Chaeyeon…” nginitian ko pa ng napakalapad si Lee. Nagulat naman siya sa pagbati ko sa kanya…o dahil sa tinawag ko ulit siyang Chaeyeon?

 

 

 

“What brings you here, Miss Miyawaki?” nakataas kilay pang tanong ni Lee. Ang sarap talaga bugbugin nito. Hayerp

 

 

 


“Oo nga, Kura? Wala ka bang pasok?” dagdag pa ni Hyewon.

 

 

 


“Dinalaw ko lang kayo. Bawal ba?”

 

 

 


“Whatever. Bili lang ako ng tubig,” maarteng saad ni Lee sabay lakad palabas ng court. Tumayo naman ako at hinabol siya. THIS IS IT! Dadamoves na ako sa kanya. 

 

 


“Kura, aalis ka na?!” kinawayan ko lang si Hyewon at Yujin.

 

 


Nang maabutan ko si Lee ay tumabi ako sa kanya habang naglalakad. Nagtataka naman niya akong tiningnan. “Samahan na kita,” tipid kong saad. Nakaramdam naman ako ng kabog sa dibdib ko. Kinakabahan ba ko?

 

 

 


Tinitingnan niya pa rin ako kaya napalunok ako. Hindi ba ‘to magsasalita. Pipi ba siya ngayon?

 

 

 

 “Hindi ka na ba allergic sa akin at sinasamahan mo na ako?” Hay… salamat, nagsalita na rin si Lee Sungit.

 

 

 


“Kelan ba ako naging allergic sayo, Chae? Ano ka ba, wala akong maalala na may ganyan akong naramdaman sayo dati. HA-HA.” Paano niya kaya nalaman na allergic ako sa kanya noon pa? Akala ko manhid ang babaeng ‘to, hindi pala. 

 

 

 

 


“Nevermind.” 

 

 


Hindi na ulit siya nagsalita kahit daldal ako ng daldal sa kanya hanggang sa makarating kami ng canteen. Bumili siya ng tubig, nagtaka pa ako dahil dalawa ang binili niya.

 

 

 


“Uhaw na uhaw ka talaga no’? Sana iyong sobrang laki na binili mo,” sabi ko pa.

 

 

 

 Tiningnan niya ako at iniabot sa akin ang hawak niyang tubig.  “Sayo ‘yan. Kunin mo na.” Naiilang ko namang kinuha ang bote ng tubig sa kamay niya. Bigla yata siyang bumait. 

 

 

 


“Salamat.”

 

 

 

Nag ring bigla ang phone ni Lee kaya napa excuse siya sa akin. Tiningnan ko naman siya habang kausap niya iyong tumawag sa kanya. Sino naman kaya ‘yang kausap niya? mukha siyang masaya.

 

 

 


Baka boyfriend niya? Hindi ‘to pwede. Nagsisimula palang ako, eh.

 

 

 

“Bye,” paalam nito sa kausap niya bago ibaba ang phone at hinarap ulit ako.

 

 

 

 


“Babalik ka pa ba sa court? May lakad pa kasi ako, dideritso na ‘ko sa parking area.” 

 

 

 

 

“May date ka ba?” usisa ko sa kanya. Dapat may gawin ako! Hindi pwede na matuloy ang date nila niyong kausap niya. 

 

 

 


Tumaas na naman ang mahiwaga niyang kilay. “Why are you asking?”

 

 

 

 

“A-a-aray, eng sheket—este, ang sakit ng tyan ko.” Umarte akong sumasakit ang tyan ko. Kung eto lang ang  way para hindi matuloy ang date nila, gagalingan ko sa pag arte. Go, self!

 

 

 


“H-hey, y-you okay?” Kapansin-pansin ang biglang pagbago ng ekspresyon niya…nag-aalala siya? Nilapitan niya ako at inalalayan. Buti nalang at walang ibang estudyante rito sa canteen kaya okay lang na maging actress ako ngayon. 

 

 

 

“Masakit talaga ang tyan ko.” Mukha namang naniwala siya sa acting ko.

 

 

 

 


“Tara sa clinic at baka kung ano pa mangyari sayo rito,” palihim akong napangisi. Mga kaibigan ko naman ang mga naka duty’ng nurse ro’n kaya pwede ko silang kontyabahin.

 

 

 

 

Inalalayan niya na ako papuntang clinic. Sinalubong kami ni nurse Miru at tinanong ako kung anong nangyari sa akin. Sabi ko sa kanya na masakit ang tyan ko at palihim ko siyang kinidhatan. Napabuntong hininga naman siya, alam na niya agad na nagsasakit-sakitan lang ako. Sanay na sanay na talaga siya sa akin.

 

 

 

“Pakihatid nalang siya sa bed number 7, Miss Lee. Thank you.”

 

 

 

 

“Hindi ka ba nag lunch? o kahit saan ka lang kumain?” tanong nito sa akin. 

 

 

 


“Kumain ako no’, tsaka malinis naman ang inihahanda sa canteen, grabe ka.” Nahiga na ako at tiningnan siya. 

 

 

 

 

“Okay ka na ba rito? Aalis na ako.” Dali-dali ko namang hinawakan ang isa niyang kamay.

 

 

 

 

“H’wag ka umalis!” napakunot na naman ang makinis niyang noo. Gaga ka, Sakura.Napabitaw ako sa kamay niya. Baka sabihin niyang feeling close ulit ako sa kanya. “Ah-ha-ha…p-pakitawag pala si nurse Miru. Salamat!” 

 

 

 

 

“O-okay, I’ll be back.” Saka siya umalis at nakahinga ako ng maayos. 

 

 

 


Ang gaga gaga mo talaga, self! Nagtataka na iyon sa akin, sure ako. Mukhang kailangan ko ulit mag plano ng maayos mamayang gabi.

 

 

 

 

 

 


Sana lang ay h’wag niya akong iwan ngayon…para hindi nga matuloy ang date nila.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Mitangkyut #1
Chapter 16: Shuta late nako may kasunod pa ba ito author huhuhuhu
kkuchaeng123 #2
Chapter 16: Updatee
DefinitelyAShyTurtle
#3
Chapter 16: Since Im new here, I give all my thanks to you Author-san. Thank you for your hard work~
Also I'll be waiting for your update~
kangintobae
#4
Chapter 16: Cant w8 na landiin ni saku c chae.hhahaah
vousmevoyeznini #5
Chapter 15: Sino si sam at levacque
crownprincessstar
#6
Chapter 15: I want a friend like Nako.. benta ang kalandian nya. Hawang hawa si Sakura sa kabaklaang ito. LOL
go na akitin na si Chaeyeon Lee!! go go go!

update agad plithhh naman sobrang nakakabitin!
lol ang demanding lang. me sapi ako ni Nako. LOL
sierra_0029 #7
Chapter 14: Hahahah natatawa talaga ako sa character dito ni saku ahahahaha~ XD salamat sa update Author-nim :)
cccccjjjjjj
#8
Chapter 14: shet na tetense ako HAHAHAHAHAHAHAHA update ka na agad agad author nim!!!!!! plsssss hahahahhahahahha
sierra_0029 #9
Chapter 14: Si yerin? I smell something fishy~ salamat sa update Author-nim :)
moonbliss
#10
Chapter 12: Puta sakura GAHAHHAHAHA GRABE GALING MO PO AUTHOR-NIM