Sakura

To Fall


Simula n’ong gabing unang tumibok ng di normal iyong puso ko, ay hindi na ako nakakatulog ng maayos. Naaalala ko pa rin iyong mukha ni Chaeyeon. Ang saya niya tignan. Iyong pagtawa niya, ang ganda pakinggan na parang isang musika. Ang sarap ulit-ulitin. Nakakabaliw. Nababaliw na ako. 


Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipagpatuloy iyong misyon ko, o hindi na. Masyado yata akong nabulag sa benefit na makukuha ko. Hindi ko naisip na...na maaring bumalik iyong dati—


“Ara-ouch! My precious noo.” Nakangusong sabi ko. Napahimas ako sa noo ko, pano eh may isang papansin na biglang pumitik dito.


“What's on your mind?” tanong niya.


“Wow, facebook ka ba?” nagtatakang tumingin siya sa akin.


“Facebook?” 


“Hina ng signal nito. Wait, anong ginagawa mo rito sa klase ko? Miss mo na ba ako agad?” 


'Mukhang ikaw yata ang nakamiss sa kanya, Sakura' Huy, baliw! Hindi. 


'Sus, sinungaling! If I know, kating kati ka ng pansinin si Chaeyeon. Ikaw pa, eh patay na patay ka kaya sa kanya!' Tusukin ko kaya 'tong utak ko. 


“Kinakausap mo na naman utak mo, ‘no?” Na-estatwa ako nang maamoy ko ang mabangong hininga ni Chaeyeon. Ang lapit ng mukha niya sa akin! Tulong mga bakla! 


Mahina ko siyang tinulak. “L-lumayo ka nga. Kung gusto mo kong halikan, tara sa cr! Dejoke! Baka umasa ka na naman,” biro ko pa. Umirap lang ito sa akin. 


“A-ano nga kasing ginagawa mo rito? Huwag mo sabihing type mo na ako? Aba, maglaway ka! Hindi na kita type.” 


Napailing siya at tumawa ng malakas. Napahawak na naman tuloy ako sa may dibdib ko. Ano na naman bang inaarte mo, heart? 


Paniguradong ilang gabi na naman akong hindi makakatulog nito. Nabilang ko na lahat ng butiki at ipis sa bahay namin. Ano na lang bibilangin ko sa mga susunod na gabi? Paano pa ako makakatulog? Ang laki na ng eyebags ko. Jusko. Baka ma turn off na siya sa akin—ay tae, eh ano naman kung ma turn off siya! Pake ko!


“Pano kung sabihin ko sa'yong type na nga kita?” ngumiti pa ito ng nakakaloko. Kaloka! 


Napakurap ako. T-type n-nya a-ako?! Totoo ba ito?  


“Just kidding. Asa ka naman,” tumawa ulit ito. 


Feeling ko nagkakapira-piraso ang puso ko. Kailangan ba talaga akong masaktan ng ganito? Deserve ko ba talaga 'to? Ano, sagot?! 


“Oh, ‘wag ka umiyak. Uhugin ka pa naman.”


“Tse! Asa ka namang iiyak ako. Strong ‘to oy!” 


“Eh ‘di, ikaw na ang strong. Anyway, bakit mo ‘ko iniiwasan?” 


Hala, bakit niya alam? 


Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Relax, Sakura. Lusutan mo yan, girl! 


“H-hindi kita iniiwasan ‘no! Kapal ha, bakit naman daw kita iiwasan? Naging jowa ba kita? Duh.” 


Ang totoo niyan, iniiwasan ko talaga siya. Mag da-dalawang linggo na rin siguro. Kahapon nga halos hindi ako tinantanan nila Nako hangga't hindi ko sinasabi sa kanila ang dahilan kung bakit ako umiiwas dito kay Chaeyeon. Tapos ngayon, iyong iniiwasan ko na naman ang nagtatanong sa akin ngayon. Tell me, anong isasagot ko sa kanya? Hindi ko rin kasi talaga alam kung bakit. 


“Really? Bakit parang iba sa sinasabi mo ang kinikilos mo lately?” Inilapit na naman niya ang mukha sa mukha ko. Isang maling galaw niya lang, mahahalikan na niya ako. Napalunok tuloy ako. Feeling ko may bumabara sa lalamunan ko.


“Bakit...Hindi ka makasagot diyan?” saad niya habang nakatitig sa lips ko. 


Naghihingalo na naman iyong puso ko. 


“I-ilayo mo nga iyang m-mukha mo. K-kanina ka pa ha.” 


Nakalimutan kong nandito nga pala kami sa classroom. Pano na lang kung may pumasok bigla? Tapos makita kaming magkalapit ang mga mukha namin? Eh ‘di, masasapak ko iyong makakakita kasi panira siya ng moment! Sana pala d‘on ako sa abandonadong building pumunta para sana walang isturbo. Charot.


“If you say so.” Saka niya inilayo ang mukha sa akin. Aba, di na mabiro 'to! 


Padabog akong tumayo. Isa- isa kong nilagay sa bag ang mga notes ko na nakakalat lang sa lamesa ko. Kainis! Hindi niya pa tinodo iyong paglalandi niya sa akin. 


“What's wrong with you? Para kang batang inagawan ng candy diyan.” 


“Tse! Don't talk to me!” Nainis ako bigla. Hindi ko pa mahanap iyong favorite na ballpen ko. Nasaan na ba iyon?! 


Hinanap ko iyong ballpen ko hanggang sa wala pang dalawang minuto, isang kamay ang naka zoom in sa mukha ko. Hawak nito ang pink kong ballpen na may picture ng pusa ko. 


“Is this yours?” Tumingin ako sa kanya at saka ako tumango. Akala ko kanina pa siya nakalabas. 


“Paano napunta sa'yo 'yan? Akin na,” sabi ko bago ilahad ang kaliwang kamay sa kanya. Hinihintay ko na ilagay niya sa kamay ko ang ballpen. 


“Pano kung ayaw kong ibigay sa'yo 'to?” bigla niyang itinaas ang kamay. Isang nakakalokong ngiti na naman ang gumuti sa labi niya. Asar! 


“Akin na nga kasi iyan!” Pilit kong itong kinukuha sa kamay niya. Tumalon talon pa ako, pero mas matangkad nga siya sa akin. Hindi ko maabot-abot ang pinakamamahal kong ballpen. 


“Ibabalik ko lang 'to sa'yo kapag nakuha mo to sa kamay ko.” 


“Ang papansin mo sa akin ngayon, ha. Akin na kasi 'yan. Dali na! Uuwi na ako, oh.” 


“A.yo.ko.” Ayaw mo pala ha! Pwes...


Nag streching muna ako bago gawin ang pang final na talon ko. Humanda ka talaga, Chaeyeon Lee! 


“What are you doing? Bakit bigla bigla kang nag i-estretching dyan?” 


Hindi ko siya pinansin. Mag focus ka sa ballpen mo, Sakura! 


Isa, dalawa, tat—


Hindi na ako nakatalon dahil nawalan ako bigla ng balanse, kaya natumba ako. Expected ko ng sahig ang sasalo sa akin, pero iba ang naramdaman ko. Imbes na sakit ay sarap—este, kailan pa naging malambot itong sahig dito? 


Akala ko ang katawan ko lang ang nasalo ni Chaeyeon, pati rin pala ang labi ko. Nasalo ng labi niya ang labi ko. 


Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa mga labi naming magkadikit. Naramdaman ko na naman ang malakas na pagtibok ng malandi kong puso. 

.
.
.
.


IYONG FIRST KISS KO...eng sherep!

 

 

***

“HOY CHAEYEON! PANAGUTAN MO AKO!” 


Hindi niya ako pinansin. Patuloy lang siya sa pag i-stretching, na parang hindi niya ako nakikita at naririnig. 


How dare you, Chaeyeon! Matapos mo akong buntisin?! Charot. Nakuha niya lang first kiss ko, hindi na niya ako pinapansin. Iyong first kiss ko lang ba talaga habol niya sa akin? 


Mag-iisang oras na pala akong nagpapapansin kay Chaeyeon, pero kahit ni isang segundo lang, ‘di niya ako nagawang lingunin. Sa ganda kong to?!


Naupo na lang muna ako sa bleachers habang iniisip na naman kung paano ko tatakasan sina Brielle. To be honest, ayoko na. Ayoko ng ituloy ang misyon na iyon. Napagdesisyunan ko nang umatras na lang. Mas makakabuti iyon sa akin. Kahit na hindi ko makuha iyong benefit na katumbas ng misyon na iyon, ay okay lang sa akin. Hindi kasi talaga siya tama para sa akin, eh. Ang dami ko na ngang kasalanan, dadagdagan ko pa. 


Chaeyeon...Siya ang main reason kung bakit gusto ko ng tapusin ang misyon ko. Kahit hindi naging maganda ang past namin, naging kaibigan ko pa rin siya. Hindi ko na rin talaga maintindihan sarili ko. These past few days, para akong may topak. Hindi ko maintindihan iyong nararamdaman ko sa kanya. Hate ko siya, eh. Pero bakit ganon? Ngayon, kapag nakikita ko siya, gumaganda ang araw ko. Kahit may red flag ako, makita ko lang siya, iyong inis ko biglang mawawala. 


Nawala ako sa mga iniisip ko ng mapansin si Hyewon. Umupo ito sa tabi ko, tiningnan niya ako saka tumingin siya sa direksyon kung saan ako nakatingin. 


“Tama na iyang kakatitig mo sa kanya, baka matunaw na iyan.” Natatawang sabi ni Hyewon sa akin.


“Hindi kaya ako nakatitig sa kanya. Haler. Sa legs—, este sa bola ako nakatingin noh!” 


“Sus, kunwari ka pa. Halatang halata ka kaya.” 


“Hindi nga kasi.” 


“Kamusta pala kayo? Mag d-dalawang buwan mo na yatang nililigawan iyang si Chaeyeon. Hindi ka pa rin ba sinasagot?” 


Umiling ako. 


Ngayon ko lang natanto na mahigit isang buwan ko na rin pa lang pinipeste ang buhay ni Chaeyeon. Pero wala pa rin namang pagbabago sa relasyon namin, we're still friends with benefits, joke only! Isa pa, hindi ko na rin naman siguro kailangan gawin na pa inlove'vin si Chaeyeon sa akin. 


'So, anong tawag sa ginagawa mo ngayon? Nagpapapansin ka pa rin sa kanya. You mean...totohanan na teh?' Aba, hindi ko rin alam, self. Naguguluhan na nga ako ‘di ba? 


“Ang hina mo pala, Kura. Ang hina mo sa babae. Baka naman hindi ka magaling manligaw.” Sinamaan ko siya ng tingin. 


“Ang galing ko kaya, sadyang hindi lang niya ina-appreciate lahat ng effort na nagawa ko para sa kanya. Manhid naman kasi masyado iyang kaibigan niyo! Hindi nga ako pinapansin oh. Sa ganda kong 'to, Hyewon?! Manhid na nga, bulag pa iyang si Chaeyeon.” 


“Nah, hindi ako naniniwala. Si Chaeyeon pa ba? May pagka maldita at snob lang iyan minsan, pero malaki ang puso niyan.” 


“Sana mas lakihan niya pa, para naman magkasya ako 'di ba?” 


Napapailing na lang si Hyewon habang nakatuon pa rin ang mga mata kay Chaeyeon. 


“Here she is...” 


Ibinalik ko ang tingin kay Chaeyeon na naglalakad na papunta sa amin. Pakiramdam ko na nama'y parang bumagal bigla ang pag-ikot ng mundo. Para siyang modelo na naglalakad sa runway, ang y niya tignan lalo na't pinagpapawisan ang mukha at ang leeg niya. Tapos uminom siya bigla ng tubig. Napapalunok tuloy ako. 


Nauuhaw na rin ako. 


“Sakura?” 


“Sakura Miyawaki?”


“Hey! Hahalikan na talaga kita diyan.” 


“Oy, gusto niyang magpahalik.” 


Sinamaan ko siya ng tingin, “Feeling mo!” 


Taeng iyan, natulala na naman pala ako. Na naman. Iba talaga epekto sa akin ng babaeng 'to. Hindi kaya'y ginayuma niya ako? 


“Okay ka lang? You look tired. Hindi ka na siguro nakakatulog ng maayos simula n’ong hinalikan mo ko, ‘no?” 


“Ang kapal ng mukha nito. Ikaw kaya humalik sa akin. Kinuha kuha mo pa iyong ballpen ko, pwede mo naman sabihin na gusto mong maka isa sa akin—este, makahalik pala sa akin.” 


Napansin kong kami na lang pala ulit na dalawa ang andito ni Chaeyeon. Ang bilis naman mawala ni Hyewon. 


“Saku?” 


“Yes?” nag beautiful eyes pa ako. 


“Hindi kita mapapanagutan...It's because aksidente lang naman kitang nahalikan at hindi nabuntis,” seryoso niyang sabi habang nakatitig sa akin. 


Nahampas ko nga siya sa balikat. Lakas din pala ng tama nito. 


“Namula ka yata.” 


“Mainit lang!” Tumayo na ako. Kailangan ko maglagay ng space sa pagitan namin. Parang lalagnatin ako sa kanya, eh. 


“Wala ka na bang klase?” 


“Wala—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng makita ko si Chowon sa may entrance ng gym. 


Sumenyas ito sa akin, na parang sinasabi niya na sundan ko siya. Now what?! 


“Wala na akong klase. Ay Chaeyeon, alis muna pala ako ha. Kita na lang tayo mamaya. Bye!” Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Mabilis na tumakbo ako, para sundan si Chowon. 


“Let's go sa club, Sakura. Hinahanap ka ni President.” 


Kinabahan ako bigla. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag sinabi ko na iyong desisyon ko. Baka ipa-salvage nila ako. Huwag naman sana.


Nang makarating kami sa club ay sinalubong ako nina Brielle (Si Brielle dito ay si Yujin na main character sa isang story kon na 'To Remeber') 


“Long time no see, Sakura. How are you?” Ani Brielle. 


Pinagpapawisan ako, kahit hindi naman mainit dito sa loob. 


“A-ah o-okay lang a-ako,” nauutal na sagot ko.


“So...how's your mission?” 


Hindi ako makatingin sa kanya ng deritso. Paano ba 'to? Paano ko ba sasabihin sa kanya na ayaw ko na.


“I'm sure na inlove na sa kanya si Lee, Pres. Halata sa mga tingin niya kay Sakura,” si Chowon saka siya ngumiti sa amin. 


“Really? That's good to know.” 


“Oh, 'di 'ba, tama ako sa Sakura. Sabi ko naman sa'yo na sobrang easy lang ng mission mo.” 


“Uh...” 


“May gusto ka bang sabihin, Sakura? Go ahead. I'm listening.” 


Kailangan ko yata ng isang galong tubig. Naubos yata laway ko dahil sa sobrang kabado ko ngayon. 


“I—Uh, g-gusto ko ng u-umatras!” napalakas yata ang boses ko, dahil nakuha ko ang atensyon ng lahat. 


“What did you just say?” kunot noong tanong ni Chowon sa akin. 


Imbes na magulat si Brie, ay wala itong naging reaksyon sa sinabi ko. Nag cross legs siya, saka ininom ang kape na nasa maliit na tasa. 


Baka itapon niya bigla sa mukha ko iyang iniinom niya. Jusko. 


“Okay. If that's your decision...then you're out.” Napanganga ako sa sinabi nito. 


Seriously? Iyon lang ang sasabihin niya? Hindi niya ba ako mumurahin o tatadyakan? 


“What?! No, Pres. Hindi na siya pwedeng umatras. Nasa rule book natin iyon,” pagtutol ni Chowon. 


“You know what, Sakura. I'm expecting you to finish the mission but—what's your reason, by the way?” 


Hindi ako nakasagot. Napayuko ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila na nahuhulog—ay hindi, crush lang pala. Tama, na crush ko na si Chaeyeon. Ayoko siyang masaktan, kahit ang laki ng atraso niya sa akin. 

 

“S-sa akin na lang iyon. S-salamat sa lahat. Aalis na ako.” Tumalikod ako sa kanila. 


Ganito lang ba talaga kadali ang makaalis sa club na 'to? Bakit parang may iba akong na fi-feel?


“Sakura—” narinig ko ang boses ni Hitomi, pero hindi ko na siya nilingon. 


“Hayaan niyo na si Sakura. May ipapalit na rin naman ako sa kanya.” Natigilan ako sa narinig ko. 


Anong ipapalit? Ipapalit na lalandi kay Chaeyeon? 

 

 


“Hindi siya kawalan. Everything is replaceable.” 

 

 

 

 

 

——

A/N: Merry Christmas, everyone! 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Mitangkyut #1
Chapter 16: Shuta late nako may kasunod pa ba ito author huhuhuhu
kkuchaeng123 #2
Chapter 16: Updatee
DefinitelyAShyTurtle
#3
Chapter 16: Since Im new here, I give all my thanks to you Author-san. Thank you for your hard work~
Also I'll be waiting for your update~
kangintobae
#4
Chapter 16: Cant w8 na landiin ni saku c chae.hhahaah
vousmevoyeznini #5
Chapter 15: Sino si sam at levacque
crownprincessstar
#6
Chapter 15: I want a friend like Nako.. benta ang kalandian nya. Hawang hawa si Sakura sa kabaklaang ito. LOL
go na akitin na si Chaeyeon Lee!! go go go!

update agad plithhh naman sobrang nakakabitin!
lol ang demanding lang. me sapi ako ni Nako. LOL
sierra_0029 #7
Chapter 14: Hahahah natatawa talaga ako sa character dito ni saku ahahahaha~ XD salamat sa update Author-nim :)
cccccjjjjjj
#8
Chapter 14: shet na tetense ako HAHAHAHAHAHAHAHA update ka na agad agad author nim!!!!!! plsssss hahahahhahahahha
sierra_0029 #9
Chapter 14: Si yerin? I smell something fishy~ salamat sa update Author-nim :)
moonbliss
#10
Chapter 12: Puta sakura GAHAHHAHAHA GRABE GALING MO PO AUTHOR-NIM