Sakura

To Fall

 


DUMAGUNDONG ANG HIYAWAN ng mga babaeng estudyante nang makita nilang isa-isang pumwesto sa nakalaang court ang mga lalakeng volleyball player ng  SHS Department. Napatakip ako ng tainga nang magwala na rin ang mga kaibigan ko. Inis kong nilinga silang dalawa na ngayon ay nagtatatalon na sa kilig. Napailing na lamang  ako at muling itinuon ang atensyon ko sa mga Senior High. Bakit ba ako sumama rito gayong hindi ko naman ma e-enjoy ang larong ‘to. 


'Wala kasi si Chaeyeon, kaya hindi mo talaga ma e-enjoy ang panonood, teh.' Todo irap ako sa sinabi ng isip ko.  


Sana pala ay pinuntahan ko na lang si Chae—para magawa ko naman ang misyon ko. 


Nagtataka ako sa sarili ko kung bakit wala akong ganang manood ngayon samantalang n’ong nakaraang taon ay halos magwala rin ako tulad ng mga kaibigan ko nang makita ko ang mga poging volleyball player ng Goldwilde. Wala man lang akong maramdaman na kahit konting excitement o konting kalandian man lang sa katawan ko ngayon. Siguro ay hindi ko lang tipo ‘tong mga Senior High dahil masyado pa silang mga bata para sa taste ko. Chars. Ito namang si Nako at Yena, pati bata pinapatos. Tsk.


“O, girl? Ba’t nakatungangabells ka lang diyan? Aba, makisigaw ka rin ‘no! Walwalan na this, bakla! Dami pa namang poging bebe boy.” Iyon lang at bumalik na siya sa pagwawala sa pwesto niya. Lumabi ako. Iyon na nga, eh, mga bebe boy pa lang sila. Psh.


“Alam ko na kung bakit tahimik iyang si Saku, Nako! Wala kasi rito ang lovey dovey niyang si Chaeyeon!” hirit pa ni Yena.

 

“Bakla, walang masama kong mag tsi-cheer ka rin gaya namin. Hindi naman matatawag na cheating ‘to kay Chaeyeon, eh.” Muling baling sa akin ni Nako. Sapukin ko na kaya ‘tong dalawa.


“Hindi ba kayo napapagod sa kakasigaw niyo riyan? Baka mawala mga boses niyo bukas ha, may reporting tayo, tandaan niyo,” saad ko na hindi man lang pinansin ang mga sinabi nilang dalawa. At ang mga gaga, mas lalo pang nilakasan ang pagtili. Gusto talaga nila mawalan ng boses bukas. 


“Magsitigil nga kayo! Nakakahiya kayong dalawa. Try niyo magbigti!” Asik ko sa kanila. 


Ang o-oa na rin ng mga ‘to, eh. Hindi pa naman ganoon kalaki ‘tong pansamantalang court ng SHS dahil nire-renovate pa iyong mismong court talaga nila. Kaya madali lang kaming mapansin dito lalo na kung ‘tong dalawang katabi ko ang pinaka-maingay sa lahat. 


“Ayan na ang Jimmy boy ko! Ang sarap—este, ang pogi mo talaga, Jimmy! Akin ka na lang, oh! Ako na bahala sa tuition mo pag nag college ka na! Marry me…!” malanding sigaw ni Nako sa nagbibinatang si Jimmy Neutron—este, Jimboy Neuceron. Nakakahiya na talaga siya. Ni hindi pa nga niya nababayaran ang utang sa akin tapos siya na raw bahala sa tuition ni Jimboy? Hayerp


Inis na pinaypayan ko na lang ang sarili ko gamit ang dala kong notebook. Ang init naman pala rito. Hindi pa nga nagsisimula ang laro pakiramdam ko’y luto na ako. Napasandal ako sa likod ko at sa pagsandal ko, narinig ko naman ang pagkalam ng sikmura ko. Hindi pa pala ako kumakain. Nilinga ko sandali ang mga kaibigan ko at mukhang sobrang busy pa nila kaya tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Akmang aalis na ako nang mula sa kinatatayuan ko ay nahagip ng mga mata ko si Chae. Bahagyang kumislot ang puso ko. 


Seryoso ang mukha nitong naupo sa bleachers sa kabilang side habang bitbit ang gym bag niya. Nakasuot siya ng hapit na jersey sando at super short shorts. Kumikinang na naman ang mahahaba at mapuputi niyang mga hita. Tsk. Ano kayang ginagawa nito rito? Naglakad na ako palabas ng court dahil nagugutom na talaga ako. Pero imbes na sa canteen ako pumunta ay lumiko pa ako papunta sa kabilang entrance ng court. Kailangan ko pala talagang unahin ang misyon ko kaysa rito sa mga nagpo-protesta kong bulate sa tyan. Badtrip.


Tahimik na naglakad ako papunta kay Chaeyeon. Ngunit hindi pa nga ako nakakalapit sa kanya’y may nauna na sa akin. Isang babaeng mestiza na kulot ang buhok ang lumapit sa kanya. Malapad ang ngiti nito na tila ba’y dini-display ang bakod—este, ang braces sa ngipin niya. Isa ba ‘to sa mga kaibigan niya? Medyo lumapit pa ako sa kanila para marinig ang sinasabi n’ong babae.


“Kumain ka na ba, Chaeyeon? Gumawa ako ng cupcakes for you kaso nasa bag iyon, eh. Gusto mo ba kunin natin?” malanding saad nito sabay kindat dito. Todo out pa talaga siya. 


Ano iyon? Ini-inggit niya si Chaeyeon? Parang may naaamoy akong malansa sa babaeng ‘to. 


“Hindi ako kumakain ng cupcake. So, ikaw na lang ang kumain n’on.” Ang tanging tugon ni Cel rito. Napahagikhik ako nang makita ang na bokyang mukha n’ong babae. Mabilis siyang nag walk-out pero hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Chae. May magandang naidudulot din pala ang pagiging demonyita nito. 

 

Tahimik na lumapit ako sa kanya, “Hi, Chaeyeon!” masiglang bati ko rito. Nabigla yata siya kaya napatanga siya saglit. “Totoo ako ha. Hindi ako multo.” wika ko. Tumaas ang kilay nito. Ayan na naman ang masungit look niya. 


“What are you doing here?” masungit niyang tanong sa akin. 


Akala ko ba friends na kami? Bakit ang sungit sungit niya pa rin sa akin. 


Tumabi ako sa kanya. “Bawal ba manood? Eh, ikaw? Anong ginagawa mo rito?” tanong ko pabalik sa kanya.


“I-co-coach ko sila.” Sabay turo nito sa mga lalakeng naglalaro. Ay taray, nag co-coach na rin pala siya. Naku, makayanan kaya nila ang kasungitan ng babaeng ‘to. 


“Bakit? Wala ba silang sariling coach?”


“Meron, pero busy si coach ngayon kaya ako muna ang sasalo sa kanila.” Tumangu-tango ako sa kanya. Ganoon pala, so no choice ang mga batang ‘to kay Chae. 


“Anong oras ba kayo matatapos?” 


Muli niya akong nilinga at tinaasan ng kilay. “At bakit mo tinatanong?” Bawal na ba talaga mag tanong ngayon? Sagutin niyo ako! 


“Balak kasi kitang hintayin. Hatid kita sa inyo. Dali na…” natutop ko ang bibig ko ng mapagtanto kong mali pala ang naisagot ko sa kanya. Ihahatid ko siya? Paano?


“Ihahatid mo ko? Really? How?” sunod-sunod na tanong nito. Iyan nga rin ang gusto kong itanong sa sarili ko. Boba ka, Self! 


Nag-iisip ako ng isasagot sa kanya nang muli siyang magsalita. “Well, that sounds good. Okay, ihatid mo ko.” Hindi na ako naka react dahil tinawag na siya no’ng isang ka teammate niya. Ni hindi man lang niya hinintay ang isasagot ko at eksaheradang um-oo na lang siya basta-basta. Tsk. 


***


“DALI NA KASI, YENA! Itakas uli natin iyong kotse ng kuya mo. Shige na…Yena.” Pagmamakaawa ko kay Yena na kulang na lang ay lumuhod ako sa harap niya. Kailangan ko ng kotse nila ngayon kasi paano ko ihahatid si Chaeyeon kung wala ako niyon.


“Aanhin mo naman kasi ang kotse ni kuya? Atsaka hindi ka naman marunong mag drive, ha!” Aray naman. Para akong sinampal sa sinabi niya. Pero oo nga pala, hindi ako marunong mag drive ng sasakyan. Hehe. 


Napayuko ako. “Paano ko ba siya ihahatid nito?”


“Sinong ihahatid mo bakla?” tanong ni Nako.


 Ngumuso ako. “S-si Chaeyeoen…s-sabi ko kasi ihahatid ko siya, eh.” Napatakip ako ng tainga nang tumili silang dalawa. Mabuti na lang at sumasabay lang ang tili nila sa ingay dito sa canteen kaya walang nakapansin sa amin.


“Ano na naman ba ang tinitili niyo riyan? Eh, kung tulungan niyo kaya ako, ‘no?” bulalas ko sa kanila. Tumahimik ang dalawa at nilalantakan na ulit ang banana chips sa lamesa. “Umaangkas kaya siya sa bike?” tanong ko pa. Nagkibit-balikat lang ang dalawa. Ihatid ko kaya siya gamit ang bike ko, ‘no? 


“Teh, mag ba-bike kayo na ganyan ang suot mo? Hello, isang nursing student na naka all white uniform. Take note, naka skirt pa, ang mag ba-bike angkas ang isang ubod ng gandang babae na hindi nababagay sa isang bike lang.” Naisalampak ko ang mukha ko sa lamesa. Lamunin na sana ang baklitang ito ng lupa. Sa tuwing magsasalita talaga ito’y laging tama at sapul sa akin.


“Baka madumihan at makalibreng pulbo pa sa mukha si Chaeyeon dahil sa alikabok, Saku! Naku, hindi magandang ideya ang pagba-bike sa labas ng campus lalo na kung siya ang angkas mo!” Nasapo ko ang noo ko sa sinabi ni Yena. Mas concern pa talaga siya kay Chaeyeon kaysa sa uniform ko, ‘no. Paano naman ako? Baka maging kulay itim na ‘tong uniform ko pagka-uwi ko ng bahay. Ang hirap pa namang paputiin nito.


“Mga kaibigan ko ba talaga kayong dalawa? I hate youuu…” Tumawa lang sila na may kasama pang pag talsik ng mga nanguya na nilang chips. Eww.


“Ikaw na lang kaya magpahatid sa kanya bakla. Total naman siya ang may sasakyan sa inyong dalawa. Try mo maghubad sa harap niya, papayag na iyon!” Tumangu-tango lang si Yena sa suhestiyon ni Nako. Nakakaloka!


 Hinampas ko siya sa balikat niya at sinamaan ko siya ng tingin, maarte naman siyang napa ouch sabay pout. 


“Gaga! At bakit naman daw ako maghuhubad sa harap niya? Aber.” Magsasalita pa sana si Nako nang bigla siyang matulala. 


“Kanino ka maghuhubad, Sakura?” Mabilis akong napalingon sa likod ko nang marinig ang boses na iyon. Kaya pala natulala ang baklita, may dyosa—este may demonyita palang dumating. 


“C-Chaeyeon! Hi, w-wala iyon. Hehe.” 


Mukhang kakatapos lang ng practice nila dahil bitbit niya pa ang gym bag niya pero nakabihis na siya. Ang bango bango niya na naman. Hindi ko napansin na napatulala na rin pala ako. Naramdaman ko nablang ang masuyong pag pisil niya sa tungki ng ilong ko. 


“Tara na. Ihahatid mo pa ako, ‘di ba?” Saka siya ngumiti ng pagkatamis-tamis. Napakurap ako.


“O-okay,” parang nahihipnotismong sagot ko.


“Hinay hinay lang Chaeyeon at baka mahimatay naman iyang kabigan namin.” Natatawang saad ni Nako. Napa-irap na lamang ako sa kanya sabay tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko.


 “Alis na kami ni Chaeyeon! Bye, mga baklush!” saka ko hinila si Lee papaalis. Narinig ko pa ang panunukso sa akin ng mga baklita. 


“Umuwi agad, ha! Sa bahay niyo na lang gawin iyon! H’wag na sa motel!” Patay ka talaga sa akin bukas, bakla ka! 


“So…saan tayo, Sakura?” Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. 


Ano raw? bahagyang uminit ang magkabilang pisngi ko sa tanong niya na iyon. Parang may double meaning kasi siya sa akin o assumera lang ako.


 “A-ano…ihahatid na kita agad sa inyo, ‘no!”


Magkasalubong ang kilay niya nang tingnan ako. “May sinabi ba ako na may pupuntahan pa tayong iba? What I mean is…saan tayo sasakay para makarating tayo sa amin?” Sabi ko nga, ako na ang assumera. 


Napakamot ako sa ulo ko. “Sumasakay ka ba ng jeep? O kaya ng tricycle?” 


Ngumiti siya at tumango. “Of course. Nag je-jeep naman ako minsan, ha. Kaya nga lang iyon iyong dito lang nangunguha ng pasahero sa loob ng campus.” Tumingin siya sa relo niya bago magsalita uli. “Wala na iyon ngayon. Ang alam ko hanggang 4pm lang iyon si manong dito.”

 

Oh? Nakasakay na rin pala ng jeep ang prinsesa na ‘to. Akala ko pa naman hindi siya sumasakay ng mga public vehicles. Hindi naman pala siya ganoon ka arte.


“Sa labas na lang tayo mag-abang ng jeep. Madali lang naman makasakay r’on, eh. Pero teka, sa’n pala kotse mo?


“Iniwan ko kanina. Tara na.” Ako naman ang hinila niya. Sa kamay ko pa talaga siya mismo nakahawak. Mahihimatay yata ako sa lambot ng kamay niya. Ugh!

 

***


Nakabusangot ang mukha ko habang nakatingin kay Chaeyeon na kaharap ko lang. Nasa jeep kami ngayon at hindi ko gusto ang tingin sa kaniya ng mga katabi niyang puro lalake. Lalo na iyong nasa kanan niya na nakangisi habang nangungulangot. Kadiri. Gandang-ganda yata sila sa babaeng katabi nila. Ngayon lang ba sila nakakita ng dyosa—este, ng demonyitang parang anghel? At itong si ate Chaeyeon naman ay parang wala lang sa kaniya ang kakaibang tingin ng mga lalake sa tabi niya, pati na rin dito sa tabi ko. Bakit ba kasi siksikan dito sa jeep, eh, hindi naman biyernes ngayon. Nanggigigil talaga ako.


Isang babae ang biglaang pumara sa kalagitnaan nang mabilis na pagpapatakbo ni manong ng jeep niya kaya ay kamuntik na akong mapasubsob sa maasim na kili-kili ng katabi ko. Mabuti na lang at mabilis na nahawakan ako ni Chae kaya hindi ako napasubsob doon, mag-aamoy kili-kili na rin siguro ang mukha ko. May iilan na nag reklamo kay manong driver at napagalitan pa iyong babaeng pumara. 


“Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni Chae. Nag-aalala siya? Wee?


“Ah…o-oo. Ayos lang ako,” ngumiti pa ako sa kaniya at tipid na nginitian niya ako pabalik. 

 

Lumipas ang ilang minuto’y napapapikit-pikit na ako. Pansin kong dumidilim na rin at medyo traffic pa. Inaantok plus nagugutom na ako. Tiningnan ko si Chaeyeon at nakatingin rin pala siya sa akin. Nahiya tuloy ako kasi baka nakita niya iyong ilang beses kong pag hikab ng bongga.


 “B-bakit?” tanong ko pa sa kaniya.


Inalis niya ang tingin sa akin. May dinukot siya sa bulsa ng bag niya at iniabot iyon kay manong driver. “Bayad po, dalawa. Dito na lang kami bababa. Thank you.” 


Ano raw sabi niya? Bababa na kami rito? Eh, malayo pa ‘to sa village nila.


“Te-teka…” Hindi na ako nakapagsalita pa dahil maingat niya na akong nahila pababa ng jeep. “Bakit tayo bumaba?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako sinagot sa halip ay inginuso niya ang magkakatabing stall ng street foods na nasa gilid lang. Anong gagawin namin dito?


“Kakain tayo.” Pagkasabi niya n’on ay siya namang pagkalam ng sikmura ko. Napahawak ako sa tiyan ko. Nakakahiya ka tyan! Natawa siya dahil d’on at hinila na naman ako. Ang hilig niyang mang-hila ngayon.


Lumapit kami sa mga stall. Pinapili niya na ako kung ano ang mga gusto ko dahil libre niya raw. O, ha, sini-swerte yata ako ngayon. Sana naman lagi siyang ganito kabait para ilibre niya rin ako lagi. Uhaw ka talaga sa libre, self!


“Bakit mo naman naisipang dito bumaba? Eh, hindi ka naman mahilig sa mga street foods, ha.” Tanong ko sa kaniya habang naglalagay ng kalamares sa plastic na baso.


“Naalala ko lang noon na gustong-gusto mo rito. Isa pa, kumakain na rin ako ng mga ganito. Lagi rin kaya akong dumadaan dito.” aniya. Busy din siya sa pagtutusok ng pugo na kwek kwek. Hindi ako nakasagot agad. So…hindi niya pa pala nakakalimutan iyon. Napangiti na lang ako.

 

Pagkatapos namin mamili ng mga kakainin ay naupo kami sa isang bakanteng lamesa. Malapad ang ngiti ko nang maka-upo na kami. Tiba tiba na naman kasi ang mga bulate ko sa tiyan nito. At libre pa ‘to kaya masayang masaya rin ang butas kong wallet.


“Kumakain ka na niyan? Diba nandidiri ka diyan dati?” Turo ko pa sa isaw na nasa plato niya. 


Tumango siya. “Masarap naman pala.”


“Masarap talaga iyan, ‘no! Sabi ko naman kasi sayo, eh. A-arte arte ka pa kasi n’on.” 


“Nakakadiri lang siya tingnan pero masarap. Yeah, nang judge agad ako.” 


“Okay lang iyan, Chaeyeon! Ang importante ay kumakain ka na niyan ngayon. Pero hindi ko talaga ma imagine na dumadaan ka rito every uwian na naka ganyan.” Kumunot ang noo niya. “Uh, I mean…ang gara mo kasi tingnan, parang hindi ka nababagay sa mga ganitong lugar.” 


“Iyan din ang sinabi mo sa akin noon, Sakura. Tell me…” tumigil siya sa pag subo ng kwek kwek at tiningnan ako ng deritso sa mata. Nakaramdam tuloy ako ng niyerbos at pinapapawisan na ang parehong kamay ko. Hindi na ba siya  manhid ngayon? Gaaash. “Do you like my friend. . . Hyewon? At kaya mo ako pinapansin ngayon dahil gusto mong ilakad kita sa kaniya?” Nalaglag ang balikat ko. Akala ko sasabihin niya na iyon.


“Ba’t mo naman daw nasabing gusto ko si Hyewon? Ikaw pwede pa, pero siya? Hindi, ah!” Gaaassh! Natutop ko na naman ang bibig ko. So stupid mo, Sakura! Pinagalitan ko ang sarili ko dahil sa nasabi ko. 


Tumaas ang isa niyang kilay. At isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. Napalunok ako at umiwas nang tingin sa kaniya. Ano na? Dapat ay hindi ako kinakabahan ngayon dahil parte naman ‘to ng mga plano ko. Mas maaga, the better. Pero hindi ko maiwasan na kabahan ng sobra. Baka kasi maulit…nah, hinding hindi ko hahayaan na maging unsuccessful ‘tong misyon ko na ‘to. Paano na lang ang benefit na makukuha ko? Si lola? Kaya think positive, Sakura!


“Oh, so you like me?” deriktang tanong niya.


“A-a-ah…e-eh…” parang may nakabarang isang buong itlog sa lalamunan ko. Nahihirapan akong lumunok, “B-bakit m-mo t-ti-tinatanong?” Pinunasan ko ang pawis na gumulong mula sa noo ko.


Umiling siya. “Uh, nevermind. Kumain na lang tayo.” 


Oh, no, no, no, h’wag niyang sabihin na…? Kamuntik ko nang sabunutan ang sarili ko. At gusto ko na ring sabunutan ang Chaeyeon na ‘to. Bakit ba sa tuwing—uh, nakakainis! Pinapahirapan niya na naman ako, ha. Akala niya siguro’y susukuan ko na lang siya basta basta dahil lang sa hindi niya na pinansin ang pagpapahiwatig ko. Ipapangako kong one of these days ay mahuhulog ka rin sa bitag ko, Chaeyeon Lee!

 


Tahimik kaming kumain na dalawa hanggang sa matapos kami. Inaya niya pa akong maglakad lakad muna sa may katabing park. Pumayag naman ako dahil pakiramdam ko ay lumulubo na ang tiyan ko. 


“Um, sorry. . .” basag niya sa katahimikan naming dalawa. 


Nagtataka akong lumingon sa kamya,“S-Sorry? P-Para s-saan?” Susmaryosep! Baka sabihin niyang may nanliligaw na sa kaniya o kaya’y may gusto na siyang iba kaya siya nag so-sorry? Hindi ‘to maaari. Hindi ko papayagang may maging hadlang na naman sa amin—este, sa misyon ko.


“Sa nangyari sa atin way back in elementary?” Tumigil siya sa paglakad, kaya napatigil din ako. “I-I’m really really sorry about—uh, alam mo na iyon,” patuloy pa niya.


“Past is past na nga, eh. Hayaan mo na iyon, Chaeyeon. Wala na iyon sa akin.” Naglakad na ako ulit. Sumunod naman siya.


“Really? So…pinapatawad mo na ako?” Tiningnan ko siya. 


Ngumiti ako, “Oo naman! Wala ka rin namang kasalan n’on sa akin, ha. Kasalanan ko iyon. Nabigla kasi yata kita.” 


Naupo kami sa isang bench. Tama ba ‘tong pag-usapan pa namin ang mga nangyari noon? Kailangan na mag pokus ako sa misyon ko. Pero alam ko na n’ong una pa lang na tinanggap ko ang misyon na ‘to ay ma-uungkat talaga ang mga bagay na matagal ko ng kinalimutan.


“Mga bata pa lang talaga tayo noon kaya ko iyon nagawa. Sana talaga ay mapatawad mo ‘ko, Sakura. Sa mga araw na alam kong naiinis ka sa akin dahil sa sobra na ang pagiging masungit at maldita ko sayo. Bakit nga ba naging ma-ilap ka sa akin simula n’ong nangyari iyon?” Halatang seryoso siya dahil hindi siya tipid magsalita ngayon.


“Sino bang hindi magiging ma-ilap pagkatapos mo ako—ah, basta! Hay…Chaeyeon. Kalimutan mo na nga. ‘Di ba? Okay naman na tayo uli ngayon, ah. Iyon iyong importante at h’wag ka na mag-isip ng kung anu-ano riyan.” 


“Is this for real, Sakura?” napa-irap ako. In the name of love—este, para sa misyon ko. Lulunukin ko lahat ng sakit na dinulot mo sa akin noon, Lee. I mean, sa mga pag-agaw niya sa mga naging crush ko noon. Kaloka.


“Oo, nga.” Tumayo ako at inilahad ang isa kong kamay sa kaniya. Tiningnan niya ito. “Ihahatid na kita. Tara!” Napapailing na napapangiti na lamang siya. 

 

 

Imbes na ako ang maghatid sa kaniya pauwi ay ako na ang hinatid niya. Pumunta lang pala kami ng bahay nila para kunin ang kotse niya at para ako naman ang maihatid niya. Ang sarap niya tuloy kurutin ng nail cutter sa mukha. Siya dapat ang nakakaramdam ng kilig ngayon…hindi ako. 


“Pasok ka muna sa loob,” aya ko sa kaniya nang makarating kami rito sa bahay.


“Hindi na, Sakura. Next time na lang. Ikamusta mo na lang ako kina tita.” 


“S-Sige. Salamat sa paghatid at sa pag libre mo sa akin,” nahihiya kong saad. Marunong pa pala ako mahiya, ‘no?


“No problem. Pasok ka na.” 


“I-ingat k-ka p-pala. Bye, Chaeyeon.” Kumaway ako sa kaniya bago tumalikod. Ano na, Sakura? Dito na lang ba matatapos ang gabi ninyo? Dapat may gawin ka na ngayon or else. . .


Hinarap ko ulit si Chaeyeon. Akmang papasok na siya sa kotse niya nang tawagin ko siya. “Ah…Chaeyeon!” mabilis niya akong nilingon.

 

Pinagsiklop ko ang nanlalamig, namamawis at nanginginig kong mga kamay. Sa pangalawang pagkakataon ay nakadama uli ako ng sobrang kaba at nerbiyos. Ilang malalalim na paghinga ang ginawa ko para pakalmahin ang sarili ko. Nakikita ko naman sa mukha ni Chaeyeon ang pagtataka. Alam niya na kaya ang sasabihin ko? Hindi ba pamilyar sa kaniya ang senaryong ‘to.


“Yes, Sakura?” halatang naiinip na tanong niya sa akin.


Nang matiyak ko na okay na ako ay tiningnan ko siya ng deritso sa mga mata niya.


“Gustokitaatliligawankitasaayawosagustomo!” deri-deritso. Walang hinga-hinga kong sabi sa kaniya. Hindi ko na hinintay ang isasagot niya at dali-dali na akong pumasok sa loob. 

 

Napangiti ako nang sa wakas ay nasabi ko na rin iyon sa kaniya. Ito na ang totoong simula ng misyon mo, Sakura.

 

'Misyon ba talaga?'  Ugh.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Mitangkyut #1
Chapter 16: Shuta late nako may kasunod pa ba ito author huhuhuhu
kkuchaeng123 #2
Chapter 16: Updatee
DefinitelyAShyTurtle
#3
Chapter 16: Since Im new here, I give all my thanks to you Author-san. Thank you for your hard work~
Also I'll be waiting for your update~
kangintobae
#4
Chapter 16: Cant w8 na landiin ni saku c chae.hhahaah
vousmevoyeznini #5
Chapter 15: Sino si sam at levacque
crownprincessstar
#6
Chapter 15: I want a friend like Nako.. benta ang kalandian nya. Hawang hawa si Sakura sa kabaklaang ito. LOL
go na akitin na si Chaeyeon Lee!! go go go!

update agad plithhh naman sobrang nakakabitin!
lol ang demanding lang. me sapi ako ni Nako. LOL
sierra_0029 #7
Chapter 14: Hahahah natatawa talaga ako sa character dito ni saku ahahahaha~ XD salamat sa update Author-nim :)
cccccjjjjjj
#8
Chapter 14: shet na tetense ako HAHAHAHAHAHAHAHA update ka na agad agad author nim!!!!!! plsssss hahahahhahahahha
sierra_0029 #9
Chapter 14: Si yerin? I smell something fishy~ salamat sa update Author-nim :)
moonbliss
#10
Chapter 12: Puta sakura GAHAHHAHAHA GRABE GALING MO PO AUTHOR-NIM