Mind the Gap (fin)

the thing speaks for itself
Please Subscribe to read the full chapter

 

Sampung beses siyang nagpalit ng pwesto sa higaan niya.

                Limang beses siyang tumayo para uminom ng tubig.

                Walong beses siyang naghilamos.

                Tatlong beses nagsipilyo.

                Uminom ng dalawang baso ng gatas.

 

                At di pa rin talaga siya agad nakatulog.

 

                Humiga na siya nun for the nth time bago niya kinuha niya yung cellphone niya sa bedside table niya, agad niya itong binuksan. Kakarelax palang nung likod ni Seulgi sa foam ng higaan niya nang bigla na naman siyang mapaupo.

 

Message from: Irene the Bunny Shark; 11:34 pm

Irene the Bunny Shark: Uy! Haha. Nakalimutan kong magpasalamat dun sa kanina. Salamat!
                                                Alsooooo...
                                                Tandaan mo yung sinabi ko ah? Wag mo nang alalahanin yun #voldemort!
                                                Good night :* <3

 

                Napangiti naman si Seulgi nung binasa niya yung message. Magrereply sana siya kaso natandaan niya na isa nga pala siyang ganap na loner at walang kalaman-laman ang kanyang phone.

 

                Gusto niya rin sanang mag-good night pabalik.

                Gusto niya rin sanang magsabi ng “you’re welcome, basta ikaw”

                Gusto niya rin sanang mag-send ng mga emoticon na pa-vague at may mga hidden meaning. (kasi yun naman talaga ang purpose ng mga emoticon di ba? *wink)

                At gusto niya rin sana na basta sinabi niyang wag na ‘yun’ alalahanin, oks na.

                Napangiti siya.

                Hmmm.. Sasabihin niya na lang siguro bukas.

                Nung inisip niya yung mukha ni Irene bukas pagtawid nila, agad siyang nakatulog.

 

                Di na siya makapaghintay.

 

                Eh ang kaso nga lang, umulan ng malakas.

 

                “Seulgi anak, pakinggan mo yung balita sa radyo. May bagyo daw na papasok mamayang tanghali” sabay tingin ng nanay niya sa bintana. “Nakupo. Eh medyo malakas na rin yung ulan. Magdala ka na ng payong bata ka! Mamaya maulit na naman yung nangyari nung nakaraan at maistranded ka na naman kung saan!”

                “Opo Ma, opo” nakangiting sinabi ni Seulgi habang nagpupungas pa ng mata.

                Mahihirapan siguro kaming tumawid sa gantong klase ng panahon naisip niya sa sarili niya.

                Maya maya eh may nareceive siyang text.

 

Message from: Irene the Bunny Shark; 04:12 am

Irene the Bunny Shark: Rainy morning >.<
                                                Nakakatamad gumalaw~
                                                Di na nga pala muna ako sasabay, ihahatid daw kami ng Dad ni Joy :D
                                                Mag-uber ka na lang din para mas safe :) Ingat ka papasok!

 

                Medyo nalungkot si Seulgi.

                Kaso nabawi din naman agad yun.

                Onga naman. Mas safe kung magpapahatid na lang siya, di rin hassle.

 

                At natuwa na lang din siya kasi maynagtext sa kanya ng ganun kaaga.

 

======

 

                Malakas pa rin yung ulan sa labas.

                Nasermunan si Seulgi for the first time. Di ng boss nila kundi ng nanay niya, dahil sa sobrang pagmamadali niyang pumasok ng maaga kanina para di maabutan ng traffic dala ng ulan, naiwan niya yung baon niya.

                Pininyahan kasi yung ulam.

                So she may or may not have done it on purpose.

                Kaya naman nag-OT na lang muna siya para pahupain yung malakas na bugso ng ulan at yung galit ng nanay niya.

                Wala na halos tao sa opisina nila. Tapos na rin naman niya lahat ng gawain niya kay nagpapaikot ikot na lang talaga siya sa upuan niya.

 

                Siyempre, di niya rin naiwasan na maalala yung nangyari kahapon ng umaga.

                Pagbigyan niyo na. May sepanx kasi di niya nakita si Irene ng isang umaga. (huwaw)

                Napahawak tuloy siya sa kanan niyang pisngi at napangiti.

                Siguro namumula siya ngayon ng sobra sobra.

                Di talaga mawaglit sa isip niya yung ginawa ni Irene.

 

                “Oy Seulgi baka mahanginan yang mukha mo dyan. Permanente kang magiging mungewan sige ka” sabi bigla ni Wendy na nagliligpit na ng desk niya. “Di ka pa ba uuwi?”

                Napakurap kurap naman si Seulgi. Napalingon siyasa orasan niya sa desk.

                8:45 pm

                “Mukhang di na titila yang ulan boi. Gusto mo sabay na kita?” alok ni Wendy.

                “Knowing you, alam ko na gi-gimick ka na naman” sabi ni Seulgi sabay iling.

                “Edi sama ka! Para naman may wingman ako! Malay mo? May makilala ka~ Yihieeee~”

                Sinagot na lang siya ni Seulgi ng isang malaking ngiti tsaka siya umiling iling ulit.

                Napahilig naman yung ulo ni Wendy pakaliwa.

                “Yah! KkangSeul!” sita niya. “Don’t tell me... May nakilala ka na?!”

                Di sumagot si Seulgi.

                “Wag mong sabihing hindi! Mas mapula pa sa bandera ng komunista yang mukha mo!” tapos napapunta si Wendy sa desk ng kaibigan sabay hinawakan siya sa magkabilang balikat, “Yah! Sabihin mo sa akin bago mawala yang mata mong singkit kakangiti!!!!”

                Niyugyog siya ng kasama. Natawa na lang siya eh.

                “Sino ang nakapukaw sa puso ng aking kaibigan?!”

                “Sasabihin ko na, sasabihin ko na!” suway ni Seulgi. Tinigilan na naman ni Wendy ang pangto-torture sa kaibigan.

                “So meron nga?!”

                “Hehe”

                “Wag ka na ngang magpabebe KkangSeul! Spill the tea! San mo siya nakilala? Gano katagal na kayong nagkikita? Ikwento mo in full detail!!”

                “Well, nakilala ko siya habang tumatawid sa overpass. Actually, tinulungan ko siyang-“

                Tinaas ni Wendy ang kamay niya sa harap ni Seulgi.

                “Tekatekateka..Tinulungan mo siyang?”

                “Tumawid”

                Napataas naman yung kilay ni Wendy. Hinilig ni Seulgi yung ulo niya, di niya magets kung bakit siya pinatigil ng kaibigan sa pagkukwento.

                “Tumawid????”

                “Oo” tango naman si Seulgi. “Tumawid ng overpass.”

                Biglaang napaatras si Wendy na ikinagulat ni Seulgi.

                “D-d-di siya marunong tumawid.. ng overpass???”

                “Uhmm.. Bale-“

                Pero lalong lumayo si Wendy mula sa nagkukwento niyang kaibigan. Maraming tumatakbo sa isip niya. Kaya kailangan niyangmagtanong at i-confirm ang kanyang agam agam.

 

                “Di marunong tumawid? Baka naman....”

                “Bata ang natipuhan mo Seulgi?!”

 

                Nanlaki naman yung singkit na mata nung isa.

                “Y-YAH! Anong tingin mo sa akin?!”

                “Eh kasi sabi mo-“

                “Di mo pa kasi ako pinatapos magkwento!” alam ni Seulgi na namumula ang mukha niya dahil sa hiya. “AND, mas matanda siya sa akin”

                Napatawa naman si Wendy.

“So lolang uugod ugod na di makatawid?”

                “Yah Wanda!”

                “Joke lang!!!!!! Hahahahaha”

                Nagmaktol tuloy si Seulgi. Inalo alo naman siya nung kaibigan.

                “To namaaaaaaaan Nabibiro lang ako. Madalang kasi kitang makausap sa mga gantong bagay so akala ko nang go-good time ka lang.” Katwiran naman niya. “Sige na. Ituloy mo na yung kwento mo.”

                Nilingon naman siya ni Seulgi.

                “Di mo na ako aasarin?”

                “Di na swear”

                Tinignan ni Seulgi. Mukha naman na di na naman nantitrip yung kaibigan niya.

                Napabuntonghininga siya.

                “Her name is Irene. Like I said earlier, nakilala ko siya habang tumatawid ng overpass kasi tinulungan ko siyang makatawid kasi meron siyang malalang takot sa heights-“

“So parang yung weird habit mo ng pagbibilang?” singit ni Wendy.

“Shhhhh!!!” suway ni Seulgi. Napahawak naman sa bibig si Wendy. “Uhmmm.. Pero parang ganun na nga.. Isang linggo na rin kami halos nagkakasabay..”

                “Taposssss???”

                “Yun.”

                “Yun nga lang ba talaga?” ngisi ni Wendy.

                “Oo nga” nakangiting sagot ni Seulgi.

                Tinignan pa siya ulit saglit ng kaibigan niya. Tapos tumayo na to sabay sinukbit na ulit yung bag niya.

                “Pakilala mo sa akin minsan, para naman makasigurado ako na di ka nagdedelu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primafacie
Teasers teasers teasers #BadBoy :D

Comments

You must be logged in to comment
xialuhandeer
#1
Miss ko na to :(
justsomeanimelover
#2
Chapter 8: Hala otor sira ata walang next button XD
justsomeanimelover
#3
Chapter 5: Nakakakilig shemay huehue
supkfans
#4
Chapter 8: ay ang cute kayo na kayo na eh wawa na yung lovelife ko huhu thank you author
seulrenedump #5
Chapter 7: iba talaga pag matanda na, may pag-daydream daydream na lang bigla (-_-") ("-_-)
MaxTheCatnip #6
Chapter 7: tawang tawa ako sa contact name ni joohyun for seulgi ( ´▽` )ノ
supkfans
#7
Chapter 7: Eyeyyyyyyieeee i like joy's charactee haha reminds me of myself. Ang cute ng seulrene shem
BBSR23 #8
Chapter 6: Aaayyyy may pagnyan na ayan na Start of SOMETHING new exciting na ㅋㅋㅋ slamat uli authors hxhdjwnzjje dami pring seulrene but im not complaining im rejoicing ㅋㅋ keleg si aq ♡.♡