of FM radios and pancit cantons

the thing speaks for itself
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“Hmm? Oo. Hmm. Yes Ma’am I understand. Opo. Sige po, thank you po. Bye” sambit ni Joohyun habang umiikot sa kanyang opisina. Pagkababa niya ng telepono ay napakamot siya ng ulo sabay napahinga ng malalim. Sobrang nakakastress. Lumipas pa ang ilang minuto nang bigla siyang may maalala. . Dali dali niyang kinuha ang cellphone niya at pinindot ang numerong nakaregister sa kanyang speed dial.

Sana di pa siya galit. Pero knowing her, malabo talagang mangyari yun.

Isang ring pa lang ang narinig niya nang biglang siyang batiin ng boses na parang bumura ng pagod na nararamdaman niya buong araw.

“Hello?”

“Seulgi!” agad na bulalas ni Joohyun. Parang kaninang umaga lang naman eh magkasama sila pero iba pa rin talaga yung pagkamiss niya sa boses ng kanyang kasintahan.

“Galit ka?” kinakabahang tanong ni Joohyun.

“Muntanga?” bato pabalik ni Seulgi. Sasagot naman sana si Joohyun kaso nagsimula nang magtanong yung isa. “Anong oras na ah, di ka pa ba uuwi? Kumain ka na ba? Ininom mo ba yung vitamins na iniwan ko para sayo? Baka naman ino-overwork mo na naman yang sarili mo. May kasabay ka ba pauwi? Me-“

“Dami namang tanong!” hirit ni Joohyun. Tinaasan niya yung tono ng boses niya pero sa totoo lang, napangiti siya kasi sobrang maalalahanin ni Seulgi.Ayaw niya lang siyempre pahalata.

“Sorry Hyun” paumanhin nito. Medyo tumahimik ang magkabilang linya. Luh. Baka naman sineryoso agad nitong kumag na to yung tono niya kanina.

Bago pa magkalabuan, nagtanong ulit si Joohyun. “Bakit gising ka pa?”

“Ahhhhh. May assignment kasi ako. Di ko pa natatapos. Bukas na kasi pasahan” napatango-tango naman si Joohyun. “Inaantay din kita..” dagdag ni Seulgi,may tonong pagkahiya sa boses niya. Naramdaman ni Joohyun na mamula ang kanyang mukha. Grabe naman magpakilig tong nasa kabilang linya.

“Aysows. Bakit kasi ngayon mo lang ginagawa yan?” litanya niya para di mahalatang na-fluster siya ng kaunti. Agad namang nagkwento ng samu’t saring dahilan at paliwanag si Seulgi. Lalong napangiti si Joohyun. Halos maubusan na ng hininga yung isa sa kaka-explain kung bakit justified yung actions niya. Tumahimik saglit si Joohyun at pinakinggan ng buong interes yung kwento ni Seulgi. Tuma-tango tango rin siya. Ang cute niya magkwento.Nai-imagine niya na nagkukwento ito sa cellphone niya with matching hand gestures.

“Eh ikaw Hyun? Kumusta ang araw mo?” tanong niya.

“Okay lang naman. Medyo pagod. Andami kasing reports na kinailangang gawin at deadlines na kailangang habulin” sagot niya. Narinig niya na tumahimik ang kabilang linya. Eto na naman siya,naisip ni Joohyun sa sarili.

“Ganun ba? Sige. Naka-off ka na ba? Umuwi ka na para makatulog ka na. Kung masyado na talagang pagod, wag mo nang pilitin na magmaneho. Iwan mo na lang muna sa parking yung auto mo” parang nanay na pagbibigay ni Seulgi ng direksyon. Minsan nakakalimutan ni Joohyun na mas matanda siya sa sobrang level headed nung bata.Pero siyempre, nahahalata pa rin niya pag nagsisinungaling to or pag may di okay sa kanya. Medyo disheartened na yung tono nung boses ni Seulgi.

“Oy. Wag ka ngang ganyan! Para kang namatayan sa tono mo eh!” pabalang na sabi ni Joohyun. Natigilan naman si Seulgi.

“Di naman ako nangongonsensya ah!! Concerned lang ako..” bato naman pabalik ni Seulgi.

“Wag ka nang mag-alala. Pauwi na ako. Di pa naman ako ganong pagod at kaya ko pang magmaneho.” Tumingin siya saglit sa orasan sa tabi ng computer niya. 10:25 pm. “Medyo late na rin kaya wala na sigurong traffic. Mabilis na lang siguro biyahe. Ikaw, kung pagod ka na, magpahinga ka na. Puros ako bukambibig mo eh. Alalahanin mo naman yang sarili mo.”

“Okay” sagot ni Seulgi. “Sige. Baba ko na to. Ingat ka pauwi.”

Napabuntonghininga naman si Joohyun. Sus.

“At Seulgi” sabi agad ni Joohyun bago mababa yung linya. “Anong gusto mong pasalubong?”

“Luh. Parang ewan naman to. Di ako nagtatampo para suyuin mo.” Aba’t nangatwiran pa tong babaitang to. “Di mo ako madadaan sa pasalubong pasalubong mo dyan. Umuwi ka na lang” dagdag pa nito.

“Parang bata!”

“Mas bata naman talaga ako sayo!” pambabara ni Seulgi. Nagpanting ang tenga ni Joohyun.

“OO NA MAS BATA KA NA!! Kaya nasasabihan akong e eh! Eh dalawang taon lang naman tanda ko sayo! Josko!” iritang sambit ni Jooohyun. Napatawa naman yung kabilang linya. Ayos. Medyo gumaan na yung loob nung bata (tch). “Pasensya na kung late na naman ako ah” panuyo nito.

Tumawa muna saglit si Seulgi sabay sabing “Okay lang. I understand” nagpaalam na sila sa isa’t isa sabay binaba na ng tuluyan yung tawag. Naiwan naman si Joohyun sa kanilang opisina. Karamihan ng mga co-workers niya ay nagsi-uwian na. Iilan lang naman silang laging napapakiusapan para mag-OT. Feeling niya tuloy napa-responsable niya at maasahan pero minsan di niya maiwasan na makonsensya kasi ang nagsu-suffer ay si Seulgi. God. Miss na niya agad yung isa. Partida kaka-kausap lang nila sa isa’t isa.

Nag-aaral pa si Seulgi. Naging sila ni Joohyun nung nasa college sila. Akala talaga ni Joohyun eh one time fling lang yung magiging peg ng relationship nila; kaya di niya ganong inisip yung at kung pano to makakaapekto sa relationship kung mag-progress. Pero ayun, pang forever na pala (hopefully). Lagi siyang inaasar kasi nagtatrabaho na siya while nag-aaral pa yung isa. Inside joke na nila yun pero naiirita pa rin si Joohyun minsan lalo na pag yung mga matronang officemate niya ang nang-aasar sa kanya. Yung akala niyang clumsy, timid at cutesy na kakilala ng friend niya na ipinakilala sa kanya sa isang mixer ay siya palang magiging mundo niya. Cheesy pero yun talaga eh. Mahal niya si Seulgi eh.

Nakatira sila sa condo ni Joohyun. Parehas OFW ang parents ni Seulgi at legal sila on both sides. Pak diba? Kaya naman napag-desisyunan na rin ni Joohyun na patuluyin na lang ang nobya sa condo nila. Ayaw niyang gamitin yung term na “live-in”, ang sagwa kasi nga estudyante pa yung isa. Lagi niya lang sinasabing “extended overnight place” (tutal mahilig sa overnight ang college students). Pero ang main reason talaga ni Joohyun ng pagpapatira kay Seulgi sa condo niya ay upang mabantayan ito; both sa perils of the world and sa mga suluterang nagtatangkang umahas sa girlfriend niya (lmao).

Sobrang ayos ng buhay ni Joohyun dahil kay Seulgi. Lagi siya nitong sinasalubong pag nakauwi na. Kung late na talaga at di na siyang kayang antayin nung isa, nag-iiwan ito ng pagkain sa mesa. Nag-iiwan rin siya ng vitamins para kay Joohyun at mga maliliit na notes of inspiration. Mas magaan din sa pakiramdam yung alam mong may uuwian ka. Kahit sa mga mumunting bagay, natutulungan siya ni Seulgi.

Kaya naman napaisip siya. Tumingin ulit siya sa orasan. 10:36 pm. Okay. “Gagawin ko para kay Seulgi..” mahina niyang bulong. Kinuha niya ang kanyang jacket na nakasabit sa likod ng upuan niya at sinukbit ang kanyang bag. Dali dali na siyang lumabas papunta sa parking lot ng kanilang opisina. Sumakay siya at naupo saglit sa driver seat. Maya maya’y tinawagan niya ulit si Seulgi.

 

Riiiiiiiing.

Riiiiiiiing.

Riiiiiiiing.

 

“Hello? Hyun? Bakit may problema ba?” tanong ni Seulgi. “Bakit napatawag ka ulit?”

“Bakit nakatatlong ring? May iba ka na ba? Parang kanina lang isang ring lang eh nasagot mo na. Nagtataksil ka ba sa akin Kang Seulgi?” may tono ng pang-aakusa sa boses niya. Nakuha naman agad ni Joohyun ang reaksyong hinahanap niya nang marinig niya nang mautal at di makasagot si Seulgi.

“Ha?A-teka.. Wait..Ano? Huh? What...I’m sorry?” tugon ni Seulgi na nagtataka at puno pa rin ng gulat ang boses.

“Ha ha ka dyan. Wag ka munang matulog. Pauwi na ako.”

“Di pa naman talaga ako matutulog eh. Di ko pa tapos tong ginagawa ko.”

“Aba aba aba. Sumasagot ka na?”

“Di po.”

Tahimik. Tapos nagtawanan ulit sila. Para silang mga bata.

“So magpapaantay ka na?” tanong ni Seulgi.

“Oo. Itatanong ko lang kung ano nga kasing gusto mong pasalubong. Di mo naman kasi sinagot nung nagtanong ako kanina” katwiran ni Joohyun.

“Sinagot naman kita ah?”

“HA?”

“Sinagot kita. Kaya nga tayo di ba?” banat ni Seulgi.

“Ikaw bata ka! San ka natuto ng ganyan?” sabi ni Joohyun habang namumula. Lintek. Kinilig siya dun ah. “Pero ilang oras mo pinraktis yan?”

“Secret” halata sa boses ni Seulgi ang pagkahiya.

“Huuuuuuuuuussss. Tsaka loko ka ah. Imbes na yung assignment mo yung atupagin mo! AND sa pagkakaalala ko, DI AKO NANLIGAW!! HELLO??? Ikaw kailangan pag babanat ka, di detached from reality. Dapat may context, dapat-“ pero bago pa man matapos ang sinasabi ni Joohyun ay humirit ulit yung isa.

“Ikaw.”

“Ha?”

“Tinatanong mo kung anong gusto kong pasalubong.” katwiran niya. “Ikaw. Umuwi ka lang ngayong araw, okay na pasalubong na yun. Tabihan mo ako ngayon. Yun. Pasalubong na sa akin yung makita ka araw-araw.”

Tumahimik na naman yung linya. Josko.

Kinailangan ni Joohyun na huminga saglit kasi na taken aback talaga siya sa mga linyahan ni Seulgi. Kinagat niya yung kamao niya para di sumigaw sa kilig.

“Joohyun? Andyan ka pa?”

“Oo. Oo. Oo.Uhhhh.” nag-stutter si Joohyun.

“Yihiiieeeee~~”

“SHHHHH!!!” suway niya. “Tumawag lang naman ako para talaga dun sa pasalubong tsaka para sabihin sayo na uuwi ako at intayin mo ako kung kaya mo pa.”

“Parang yun lang din naman yung napag-usapan natin kanin-“

“DI PA KASI TAPOOOOS!!!” iritang sabi ni Joohyun. Tumahimik naman si Seulgi sa kabilang linya.”Ano... Uhmmm... Pano ko ba sasabihin to.”

“Joohyun? May problema ba?”

“SHHHHHHHHHH!!!” hirit ulit niya. “Para kasing ano! Lalo kong di masasabi to eh!”

Tumahimik ulit ang linya. Di niya alam kung nanahimik yung isa dahil nagpipigil ng tawa o kinakabahan na. Actually, pwedeng parehas.

Huminga ng malalim si Joohyun. You can do this.

“Willing na ako gawin yung “project” na gusto mong gawin..” tahimik na nasabi ni Joohyun.

Silence.

“Talaga ba?” tanong ni Seulgi. Nahalata agad ni Joohyun ang hopeful tone sa boses ng bata.

“Oo nga.”

“Eh sabi mo sa akin, ang jologs jologs nung idea ko na yun... Tsaka nung minsan nating gina

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primafacie
Teasers teasers teasers #BadBoy :D

Comments

You must be logged in to comment
xialuhandeer
#1
Miss ko na to :(
justsomeanimelover
#2
Chapter 8: Hala otor sira ata walang next button XD
justsomeanimelover
#3
Chapter 5: Nakakakilig shemay huehue
supkfans
#4
Chapter 8: ay ang cute kayo na kayo na eh wawa na yung lovelife ko huhu thank you author
seulrenedump #5
Chapter 7: iba talaga pag matanda na, may pag-daydream daydream na lang bigla (-_-") ("-_-)
MaxTheCatnip #6
Chapter 7: tawang tawa ako sa contact name ni joohyun for seulgi ( ´▽` )ノ
supkfans
#7
Chapter 7: Eyeyyyyyyieeee i like joy's charactee haha reminds me of myself. Ang cute ng seulrene shem
BBSR23 #8
Chapter 6: Aaayyyy may pagnyan na ayan na Start of SOMETHING new exciting na ㅋㅋㅋ slamat uli authors hxhdjwnzjje dami pring seulrene but im not complaining im rejoicing ㅋㅋ keleg si aq ♡.♡