Mind the Gap #4
the thing speaks for itselfWalang nagsalita agad.
Di lang dahil sa nangyari kanina dun sa labas.
Kundi dahil ayaw din muna kitang istorbohin.
Tahimik mong hinihipan yung hot chocolate na nilapag ko sa tapat mo. Nakikita ko na medyo nanginginig ka, dahil sa lamig pero malay ko kung may iba pang dahilan. Basa yung buhok mo at medyo magulo ito, dahilan para mapansin ko na may bangs ka pala. Cute.
Ayaw ko rin naman lumabas as usisera kasi di ba? Ano nga ba naman ang pake ko dun sa nangyari? I barely know you.
Pero siyempre nag-aalala pa rin ako.
Nagkasya na lang ako sa pagbibilang habang nakatitig sayo.
Binilang ko yung minutes na lumipas. 3 minutes.
I counted the drops of rain that managed to stay on your face. 7 lucky tiny droplets of rain.
Tapos napadpad yung tingin ko sa labi mo na slightly nakanguso dahil nga hinihipan mo yung hot choco mo. Isa lang yun at.... ano pa bang pwedeng sabihin? Erm, bagay sayo yung shade mo ng lipstick. It makes you look.... prettier.(lol)
“Okay lang ako if that’s what’s you’re thinking about” sabi mo. Nagulat naman ako at naantala ang aking pagsa-sightseeing. Kakatapos mo lang hipan yung inumin mo for the fifth time. You took your first sip.
“Good to hear” sagot ko. Inilag ko ng kaunti yung tingin ko kasi baka nahalata mo na I liked the view way too much. Narinig kitang bumuntonghininga.
“Sorry you had to see that”
Oh. Pag-uusapan na ba natin? Are you opening it up for discussion? Teka wait. Parang kailagan ko ng extra 5 minutes to collect my thoughts. Ano ba kasing sasabihin ko? Bakit nagpapanic ako? Pwede bang bumalik na lang tayo dun sa tahimik akong nakatitig sayo?
Don’t be insensitive Seulgi.
“Wala naman akong gaanong nakita. And, it’s not for me to witness anyways” lumabas na lang bigla sa bibig ko ng biglaan, it came out as too formal and generic. Medyo di ko nagustuhan. Parang robot yung nagsalita. Nag-inner facepalm ako. Nakita ko na medyo nag-shift ka sa upuan mo.
Did I make you uncomfortable?
You let out a weak laugh.
“Ha-ha.. I guess”
Ops. May tono ng hesitation. Na-awkwardan ka nga dun sa nasabi ko. Muntik na namang tumahimik yung paligid nang mag-clear ako ng throat ko.
“P-pero I’m just glad na okay ka lang” mabilis kong sinabi. “I-I mean... Okay as in di ka nasaktan or something.. Teka,wait. Nasaktan ka nga ba? Di ko pala natanong agad! May sugat ka ba or what? Erm... Technically di ka rin fully okay kasi you’re soaking wet.. Uhm. Sorry kung pinatong ko na lang bigla yung blazer ko sayo.. Medyo basa din yan kasi naulanan din ako kanina-“
Dinaig ko pa si Eminem sa dami ng nasabi ko. Josko.
Buti na lang naantala mo na naman ako bago pa ako makapagsabi ng kung ano ano pa.
This time, medyo tumawa ka. Mahina and maiksi, pero medyo tumawa ka.
And dahil yun sa akin.
“Ganyan ka ba talaga lagi?” tanong mo. Nilingon naman agad kita. Siguro nakakatawa yung mukha ko na na-present ko sayo pagkalingon kaya balik tawa mode ka ulit.
“H-huh?”
“Ganyan” patuloy mo. “Kahit nung una tayong nag-meet ganyan ka. Parang laging may pause bago ka gumalaw and masyadong generic yung mga sagot mo.”
“Paano?” tanong ko sabay hilig ng ulo ko sa kanan. Nginitian mo naman ako.
“Hmmmmmm.. Yung parang ano.. Iniisip mo muna yung bagay bago mo gawin? Or pag may sasabihin ka, you keep it straight to the point. Tapos at the end, it will come out as generic.”
Generic.
Amp.
No jam Seulgi ka talaga Kang.
Nayuko naman ako. Kala mo siguro na-offend ako (medyo lang naman lols) kaya bigla ka ulit nagsalita.
“I didn’t mean it in a bad way though!” agad mong bawi. “I meant it in a... nice way.”
Napatingin ulit ako sayo (kasi parang automatically namang nama-magnet yung tingin ko sa pretty face mo *slaps thyself). Binati ako nung heartwarming mong ngiti. Umuulan sa labas at nakatodo yung aircon pero bakit mainit yung mukha ko?
“Na you just care. Na you overanalyze things pero for good reasons. And when time comes na kailangan mong ipakita, medyo generic yung labas pero with all the good intentions” panapos mo habang inadjust yung blazer ko na pinatong ko sa balikat mo/
Shucks.
Kinikilig ako.
10 seconds na katahimikan.
“A-ah. Ganun? Salamat” yan yung generic kong sagot. Pota. Kahit ako na-realize ko na napaka-mundane ng mga linyahan ko. Ergh.
“See?” sabi niya tapos medyo natawa na naman siya. Magtayo na kaya ako ng comedy bar? Sinagot ko na lang si Ms. Irene ng ngiti.
Lumipas ulit ang 30 seconds ng katahimikan. Pero di ko alam. Okay lang siya para sa akin? Di siya uncomfortable na type ng katahimikan.
Hinayaan muna kitang tignan tignan yung scenery sa labas at inumin yung hot choco mo. Painom pa lang ako ng tubig nang bigla kang magsalita ulit.
“Soooooooooo.. Iniistalk mo ba ako?”
Nabuga ko yung iniinom ko.
“H-ha? H-hinde..
Comments