Mind the Gap #5

the thing speaks for itself
Please Subscribe to read the full chapter

                Masama ba na sabihin na ang nagiging highlight ng araw ng isang tao eh ang pag-akyat sa isang overpass?

                Masyado na bang tunugang baliw?

                Lol.

                Well, wala namang pakialam si Seulgi kasi truth be told, mas sumaya siya.

                Alam niyang nakikisuyo lang si Ms. Irene para magpatulong pero di niya talaga mapigilan.

                Siya pa rin yung Seulgi na mahilig magbilang ng kung ano-ano. Nahalata nga lang ng Mama at Papa niya na mas excited na siyang umalis ng maaga at ika nga na ng mga matanda pag trip ka nilang asarin, “blooming daw kasi inlove”.

 

                Minsan di rin alam ni Seulgi kung saan nahuhugot ng mga matatanda yung mga kasabihan nila.

                Balik tayo.

 

                Si Seulgi pa rin yung dati; mahilig magbilang tapos tumantya tantya here and there.

                Pero siguro nga may nagbago ng kaunti.

                Kasi yung binibilang niya, di na basta basta. Di para ‘hindi siya malate’ o ‘para makarating siya sa pupuntahan niya on the dot’.

                Nope.

                Napangiti na lang siya.

 

                “Huy!” biglang singit ni Ms. Irene. “Narinig mo ba ako?”

                Kasalukuyan silang nasa baba ng overpass. Paakyat na sana sila kaso may sinabi ata yung isa na di narinig ni Seulgi na busy sa pagde-daydream.

                “Huh.. Sorry-What?” maang ni Seulgi. Napatawa naman si Irene.

                “Harojosko. Di ko akalain na hihingi ako ng tulong sa isang taong mas tuliro pa kaysa sa Spongecola”

                “Spongecola?”

                Napabalikwas yung tingin niya sa akin, medyo malaki ang mata.

                “WHAT?! Don’t tell me na di mo nagets?”

                “Uhmmmmm..” nag-alangan sumagot si Seulgi. Napahawak naman si Irene sa ulo niya. Di siya makapaniwala sa asal nung tao sa harap niya. Medyo na-realize niya na kahit may pagka-systematic etong kasama niya, medyo airhead din siya. Nakakafrustrate na nakakatawa kasi minsan cute din naman.

                “Haynako” sabi ni Irene habang hawak yung noo niya sabay bulong, “kung di ka lang cute nakotongan na kita”.

                “Ano yun?”

                “Walaaaaaaaaa. Di mo ba talaga alam yung kantang yun?”

                “Hmmm.. Familiar?”

                Tinawanan na lang siya ni Irene.

                “Sabi ko kanina, i-drop mo na yung ‘Miss’. Feeling ko mas matanda ako sayo masyado eh.”

                “Mas matan-“ pero bago pa man matapos ni Seulgi ang sasabihin eh tinignan na siya ng masama ni Irene, dahilan para matikom ang bibig nito.

                “SABI NA DAPAT DI KO SINABI YUNG AGE KO SAYO EH!!!!!” hiyaw niya. Medyo pinagtiniginan sila kasi bukod sa kanina pa sila nakatayo dun eh medyo malakas yung pagkakasabi ni Irene. Akmang lalayo sana si Irene mula kay Seulgi kaso san naman siya pupunta? Eh nahaharangan ng fences yung daan kasi bawal tumawid dun. Alangan namang umakyat siya di ba? Kaya nga nandun si Seulgi eh.

                Magmamaktol effect na nga lang din, poor planning pa. Lol.

                Nagpanic naman tong isa. Sa sobrang di niya alam yung gagawin eh tinakpan na lang niya yung bibig nung isa gamit yung bag niya.

                3 segundo na katahimikan.

                Tinignan nila yung isa’t isa pati yung situation nila tapos biglang napatawa sa kaitsurahan nila.

                “Oo na, oo na” panimula ni Seulgi. “Di na kita tatawaging ‘Miss’.”

                “Good” maikling tugon ni Irene sabay tango. Maya maya eh iniabot na niya yung kamay niya para matulungan na siya ni Seulgi na makatawid. Napayuko si Seulgi para tignan yun at para na rin itago yung pamumula ng kanyang pisngi.

                “Tara na”

                At inabot ni Seulgi yung kamay ng dalaga na aakayin niya sa overpass.

 

======

               

                Ilang araw rin silang magkasabay. Medyo pinapatagal nga nila yung paglalakad everytime, pansin ni Seulgi. Unknowingly? Ewan. Bawat hakbang, bawat paglapat ng paa sa semento, bilang ni Seulgi.

                Di dahil tinatantya niya kung male-late siya ah?

                Kundi dahil kasama niya si Irene sa mga oras na yun.

 

                “Uhmm.. Favorite color?” tanong ni Seulgi kay Irene na nakahawak sa kamay niya na sobrang higpit habang tumatawid.

                “Hmmmmm... Violet” sagot niya habang iniiwasan na tumingin sa magkabilang gilid nung overpass. “Ikaw?”

                “Pastel yellow” sagot agad ni Seulgi. “Fave na hayop?”

                “Shark?” (cue shark song hahaha) “Ikaw?”

                “Dinosaur”

                Napatingin naman si Irene kay Seulgi, medyo nagpipigil ng tawa.

                “Dinosaur? Ano ka? Bata?” natatawang sagot ni Irene.

                Namula naman yung tenga ni Seulgi.

                “Wag ka nang mang-asar~ Ikaw nga shark eh”

                “Yah!” suway ni Irene. Nanahimik naman si Seulgi. “Kala ko kasi iba yung hayop na gusto mo”

                Napataas yung kilay ni Seulgi.

                “Talaga? Anong akala mo?”

                Nakangiti siyang tinignan ni Irene saka sinagot.

                “Bear”

                “Bear?”

                Tumango tango naman si Irene.

                “B-bakit naman?” tanong ni Seulgi.

                “Mukha ka kayang oso!”

                Di alam ni Seulgi kung offensive ba yun o ano. Inassume na lang niya na compliment kasi bigla na lang napatawa yung isa. Naramdaman niya kahit papano na nag-loosen up yung muscles ni Irene kasi nakakahinga na ng bahagya yung kamay niya. Well kebs lang naman sa kanya either way. Tinignan niya na lang ulit kung paano ngumiti yung isa.

               

Maya maya eh nahuli na rin niya yung sarili niya na ngumiti.

                Pang-ilang beses na ba ngayong araw? Seulgi lost track of counting. First time yun.

                Ah.

Di bale.

 

                Magmula nung nagkakasabay na sila palagi ni Irene, mas dumadalas na niyang nahuhuli ang sarili niya na ngumingiti.

 

======

 

                “Ingatingatingat!” sabi ni Seulgi kasi for the nth time, nabiktima na naman si Irene nung cursed 23rd at 24th step pababa ng overpass.

                “Aypukengkalabaw” mabilis na sabi ni Irene, di na umabot yung warning ni Seulgi kasi natapilok na siya. Sumabit yung heels niya sa di pantay na hakbang nung overpass.

                “A-ayos ka lang ba?” tanong ni Seulgi. Napakapit dun sa handrails si Irene.

                “Oo?” di niya siguradong sagot. Sinubukan niyang igalaw yung kanan niyang paa. Napapikit siya sa kirot.

                Binilang ni Seulgi yung natitirang hakbang. 20 mahigit.

                Binilang niya rin sa isip niya kung gaano kalayo yung opisina ni Irene. One block lang naman di ba? Kaya yan.

                Nanahimik siya for 10 seconds.

 

                “Ayos lang ako Seulgi wag mo na akong alalahanin” sabi ni Irene.

                Kumunot naman yung noo ni Seulgi.

                “Nonsense. Ihahati-“

                “Wag na” sabi naman agad nung dalaga sa harap niya. “Kaya ko to! Konsensya ko pa kung malate ka”

 

                Actually, sa apat na araw na nagkasabay sila, lagi nang nala-late si Seulgi.

                Pero kebs lang. Lagi din namang late yung boss nila eh.

                Wow. So monkey see, monkey do?

                Tsaka binabawian niya sa OT. Kayo ha? Di naman siya puro landi.

                Ngayon pa ba siya matatakot na malate kung kelan kailangan nitong isa yung tulong niya?

 

                “Sige nga, tumayo ka mag-isa” hamon niya.

                Napalakas naman yung buga ng hinga ni Irene. Competitive talaga dis gerl. Kaya naman tinangka niya na itulak yung sarili niya patayo.

                Pero alaws, di kinaya yung paa niyang napihitan ata.

                “Aypukengkalabaw” sabi na naman niya.

                Tinignan siya ni Seulgi na smug yung muk

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primafacie
Teasers teasers teasers #BadBoy :D

Comments

You must be logged in to comment
xialuhandeer
#1
Miss ko na to :(
justsomeanimelover
#2
Chapter 8: Hala otor sira ata walang next button XD
justsomeanimelover
#3
Chapter 5: Nakakakilig shemay huehue
supkfans
#4
Chapter 8: ay ang cute kayo na kayo na eh wawa na yung lovelife ko huhu thank you author
seulrenedump #5
Chapter 7: iba talaga pag matanda na, may pag-daydream daydream na lang bigla (-_-") ("-_-)
MaxTheCatnip #6
Chapter 7: tawang tawa ako sa contact name ni joohyun for seulgi ( ´▽` )ノ
supkfans
#7
Chapter 7: Eyeyyyyyyieeee i like joy's charactee haha reminds me of myself. Ang cute ng seulrene shem
BBSR23 #8
Chapter 6: Aaayyyy may pagnyan na ayan na Start of SOMETHING new exciting na ㅋㅋㅋ slamat uli authors hxhdjwnzjje dami pring seulrene but im not complaining im rejoicing ㅋㅋ keleg si aq ♡.♡