rain and stoplights

the thing speaks for itself
Please Subscribe to read the full chapter

Bawat patak ng ulan ay tila ba sinasabayan ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata. Na tila ang walang tigil na ulan ay nagiging isa kasama ng aking mga luha.

Dati madalas kong isipin na ang pag-ulan ang isa sa mga bagay na nakakapagpakalma sa akin. Na isa ito sa mga natitirang bagay sa mundo na nagpaparamdam sa akin na pwede pang maging ok ang lahat.

Pero ngayon, kinuha mo na rin ang bagay na iyon sa akin. Kasabay ng pag-alis mo ay ang pagkawala ng dating kabuluhan ng pag-ulan sa akin.

Malakas pa rin ang pagpatak ng ulan. Tila ba bawat patak ay pinaparamdam sa akin kung gaano kasakit ang ginawa mo. Kung gaano ako kalungkot ngayong iniwan mo na ako.

Pinikit ko ang aking mga mata. Nakikita ko pa rin ang mga pangyayaring para bang kahapon lang. Ilang linggo na rin pala ang lumipas pero iba talaga siguro ang epekto mo sa akin. Kahit wala ka na nakatatak pa rin sa sistema ko ang mga alaala mo.

Pero siguro pinipili ko lang talagang huwag kang kalimutan.

Ewan ko rin eh.

Minsan iniisip ko na ang sama ko ng tao dahil hinihiling ko na sana di lang ako ang nasasaktan ng ganito. Na sana ikaw rin ay di makatulog sa gabi, na sana di ka rin nakakakain, na sana nasasaktan ka rin.

Pero ikaw nga pala ang tumapos ng lahat.

Siguro isa na lamang ako sa mga alaalang pinili mong ibaon.

 

Napapikit ako ng biglang kumulog.

 

Naalala na naman kita.

 

 

"Hyun, wag kang mag-alala nandito naman ako lagi eh,"

"Alam ko, wag mo kong iiwan ah,"

"Hinding hindi kita iiwan Hyun, Mahal na mahal kita,"

 

 

Wala ka na nga pala sa tabi ko. Wala na ang taong pinangakuan kong hinding hindi ko iiwan.

 

Nabaling ang atensyon ko sa bintana kung saan nakikita ko ang patuloy pa rin na pagbuhos ng ulan. Maluwag ang daan dahil mukhang wala ng nagbabalak lumabas.

Natanaw ko ang isang stoplight. Naalala na naman kita. Naalala ko ang simula. Ang simula ng ilan sa mga pinakamasayang memoryang mayroon ako.

 

"Ano ba naman kasi Seul, sinabi ko naman sa'yo na sabi sa forecast may bagyo pero nagpumilit ka pa rin pumunta ng park, ayan tuloy" nakita ko ang pagka-irita sa mukha mo. Ang cute mo lang.

"Sorry na, pero diba ang romantic ng ulan," agad mong inagaw ang payong kung saan pilit nating pinagkakasya ang sarili natin kani-kanina lang. Tumakbo ka papalayo sa akin at iniwan akong nababasa ng ulan.

Naramdaman ko na ang pagkabasa sa akin ng ulan.

"Eh kung romantic lang din naman pala edi mabasa ka dyan aalis na ko. Date mo sarili mo" sigaw mo ng medyo nakalayo ka na sa akin.

"Hyun!!" nakita ko ang paghakbang mo sa aking papalayo. Basang basa na ko ng ulan.

Hinabol kita at agad kong inagaw ang payong na hawak mo. Agad mo naman akong pinandilatan ng mata, agad lang akong tumakbo papalapit sa pedestrian crossing. Sakto may 98 seconds bago mag-go ang mga sasakyan. May naisip ako.

"Kang Seulgi giniginaw na ko ibalik mo na yang payong. Bakit kasi ganto trip mong mga date,"

Nagkaroon ng mapaglarong mga ngiti sa labi ko "Eh bakit ka kasi sama ng sama?"

"Mukha ka kasing kawawa," mabilis mong sabi.

"Talaga ba Hyun?"

"Tae 'to oo nga!" nakita ko ang panginginig ng iyong katawan. Di ko na nga papatagalin pa.

"Hyun! Pag sinabi mong tayo na sa'yo na tong payong!" sigaw ko sa'yo. Nasa sidewalk ka pa rin kasi ako naman nasa gitna ng pedestrian. 60 secondss na lang. Pinatitinginan na rin ako ng mga driver.

"Ha? Sinong nagsabing gusto kita?"

"Di naman kailangang sabihin, kita sa mga mata mo." nginitian lamang kita, nakita ko ang pamumula mo sa kabila ng katauhan mong basang basa na ng ulan.

 

"Oo na Kang!"

"Eh mukhang pilit lang eh,". 20 seconds na lang at aandar na muli ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primafacie
Teasers teasers teasers #BadBoy :D

Comments

You must be logged in to comment
xialuhandeer
#1
Miss ko na to :(
justsomeanimelover
#2
Chapter 8: Hala otor sira ata walang next button XD
justsomeanimelover
#3
Chapter 5: Nakakakilig shemay huehue
supkfans
#4
Chapter 8: ay ang cute kayo na kayo na eh wawa na yung lovelife ko huhu thank you author
seulrenedump #5
Chapter 7: iba talaga pag matanda na, may pag-daydream daydream na lang bigla (-_-") ("-_-)
MaxTheCatnip #6
Chapter 7: tawang tawa ako sa contact name ni joohyun for seulgi ( ´▽` )ノ
supkfans
#7
Chapter 7: Eyeyyyyyyieeee i like joy's charactee haha reminds me of myself. Ang cute ng seulrene shem
BBSR23 #8
Chapter 6: Aaayyyy may pagnyan na ayan na Start of SOMETHING new exciting na ㅋㅋㅋ slamat uli authors hxhdjwnzjje dami pring seulrene but im not complaining im rejoicing ㅋㅋ keleg si aq ♡.♡