Mind the Gap #3

the thing speaks for itself
Please Subscribe to read the full chapter

Sampung minuto.

Sampung minuto nang nagpapasirko sirko si Seulgi sa higaan niya. Sampung minuto na siyang nagtatangkang matulog at magpahinga. Sampung minuto na niyang iniisip yung mga nangyari kaninang umaga. Sampung minuto na ang lumipas mula nung magsipilyo siya. Sampung minuto na niya halos mabunot ang buhok niya kakahila.

Pero sampung minuto na rin siyang nagsisinungaling; nagdadahilan.

Kasi sa totoo lang, sa sampung minutong lumipas, tanging ang isipin lang ang ngiti na kaninang umaga niya lang nakilala ang laman ng kokote niya.

Normal ba to?

Na imbis na ang iniisip niya eh yung halos mamatay yung kamay niya sa sakit at sobrang higpit ng pagkakakapit ni Ms. Irene kaninang umaga, mas naisip niya kung gaano kalambot yung kamay niya at gano niya kaayaw yun bitawan.

Imbes na ang isipin niya eh yung muntik niyang pagiging late for the first time ever dahil sa pagtulong niya dun sa babaeng di naman niya kakilala eh mas naisip niya kung ang pagiging late lang din naman ng 45 minutes ang kapalit ng pagkakaroon ng kahit 1 extrang minuto kasama si Ms. Irene eh tatanggapin niya.

At imbes na tanggapin niya na lang na one time thing lang yung nangyari; na nataon lang na nakita niya si Ms. Irene at an inconvenient time, ewan. Nageexpect pa rin siya na baka sakali; baka sakali lang naman; makita niya ulit yung babaeng takot tumawid sa overpass at mahawakan niya ulit ang kanyang kamay.

Mas iniisip niya pa rin na kung “one in a million” yung tyansa; mas malaki yung chances against her pero meron pa ring isang maliit na pag-asa na pwede ulit silang magkita.

Ilang beses na niya yung binilang.

Nababaliw na ata siya.

Kinuha ni Seulgi yung cellphone niya mula sa bedside table niya saka tinignan yung oras. Lampas 11:00 pm na. Minsan lang mapuyat si Seulgi. Oo. Puyat. Puyat na para sa kanya yan kasi nga diba bear siya? Nature na nila ang matakaw sa tulog lols. Lampas na ng isa’t kalahating oras sa usual niyang oras ng pagtulog. Mukhang malalate ata siya bukas ah? Ayos.

Anong ayos ka dyan Kang Seulgi? Ikaw ang umayos! Kailangan mong kumita! Praktikalan.

Napabuntonghininga na lang ang pagod na katawang lupa niya at hinayaang mag-away saglit yung utak niya at yung laman ng dibdib niyang may sinasabing iba.

=+=+=+

Susundin ko yung routine.

Susundin ko yung routine.

Susundin ko yung routine.

Sinabihan ni Seulgi yung sarili niya ng tatlong beses sa harap ng salamin pagkagising na pagkagising niya kinaumagahan. Agad siyang kumain ng agahan, naghanda at umalis ng eksakto sa oras. Napagdesisyunan niyang wag munang isipin yung nangyari. Lilipas din yun gaya ng paglipas ng araw.

Yun na lang yung sinabi niya sa sarili niya para labanan yung urge niya na magbaka sakali.

Di namalayan ni Seulgi na nakarating na pala siya sa overpass sa tapat ng opisina niya. Nakarating na pala siya na huling balakid sa pagitan niya at ng kanyang papasukan.

Pero kahit kailan di na magiging parehas yung iisipin niya habang tumatawid dito. Naks. Ang lakas naman po pala ng tama sa utak.

Pag-akyat niya at paghakbang sa huling hakbang papanhik eh napalingon siya dun sa spot kung saan una niyang napansin si Ms. Irene; nakapako pwestong yun at nanginginig na hawak yung handrails ng overpass.

Nung nagsimula na siyang maglakad, naalala niya kung paano niya nilampasan nung una yung babaeng di gumagalaw mula sa kinatatayuan niya. Pinagsisihan niya na di niya agad siya kinausap.

Nung nasa bandang gitna siya, naalala niya kung gaano kahigpit yung pagkakahawak sa kamay niya nung babaeng tinulungan niya; medyo pasmado pero ramdam niya na pinagkatiwalaan siya nito kahit halos kakakilala pa lang nila.

Nang magsimula na siya sa pagbaba, tinignan niya yung dalawang hakbang na muntik matisod yung babaeng nagmamadaling bumaba para matapos na yung lahat at makarating na ulit siya sa comfort niya sa kapatagan.

Nang tuluyan nang makababa si Seulgi, naalala niya kung paano nagpasalamat si Ms. Irene sa kanya pero bago pa siya makalayo, tinanong niya muna yung pangalan ni Seulgi. Nung sinagot niya na yung tanong (di yung kung bakit siya mahalaga ah char), naalala niya kung pano ngumiti si Ms. Irene bago siyang umalis.

Ngiti na lagi niyang matatandaan.

Wala na.

Kung may tama man si Seulgi, malala na. Nagiging makata na eh! Kala mo naman....

Napabuntonghininga na lang siya saka tuluyang pumasok sa opisina. Nagpatuloy yung araw niya ng wala namang nangyaring espesyal. Wala din gaanong ganap sa opisina nila maliban sa kumakalat na chismis na may nabuntis daw na house helper yung boss nila and nagdedemand daw ng kasal si ate girl. Maaga din natapos ni Seulgi yung mga gawain niya kaya maaga din siya nakaalis.

Paglabas niya sa opisina, medyo umaambon. Great. Wala siyang dalang payong. Tumingin siya sa paligid niya. Karamihan kasi sa officemates niya eh may mga asawa na kaya may tagahatid at sundo. May nag-alok naman sa kanya na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primafacie
Teasers teasers teasers #BadBoy :D

Comments

You must be logged in to comment
xialuhandeer
#1
Miss ko na to :(
justsomeanimelover
#2
Chapter 8: Hala otor sira ata walang next button XD
justsomeanimelover
#3
Chapter 5: Nakakakilig shemay huehue
supkfans
#4
Chapter 8: ay ang cute kayo na kayo na eh wawa na yung lovelife ko huhu thank you author
seulrenedump #5
Chapter 7: iba talaga pag matanda na, may pag-daydream daydream na lang bigla (-_-") ("-_-)
MaxTheCatnip #6
Chapter 7: tawang tawa ako sa contact name ni joohyun for seulgi ( ´▽` )ノ
supkfans
#7
Chapter 7: Eyeyyyyyyieeee i like joy's charactee haha reminds me of myself. Ang cute ng seulrene shem
BBSR23 #8
Chapter 6: Aaayyyy may pagnyan na ayan na Start of SOMETHING new exciting na ㅋㅋㅋ slamat uli authors hxhdjwnzjje dami pring seulrene but im not complaining im rejoicing ㅋㅋ keleg si aq ♡.♡