Mind the Gap #1

the thing speaks for itself
Please Subscribe to read the full chapter

Di pa nahuhuli sa pagpasok si Seulgi.

                Ni minsan eh hindi pa siya na-late. Laging on the dot. Kung naging delivery girl siya eh baka bayaran pa siya ng extra kasi kaya niyang madala yung pagkain na parang fresh pa from the kitchen kung saan yun ginawa.

                Para sa kanya kasi, kapag maaga pumasok, magiging organized ang buong araw niya; lagi siyang may spare time na mailalaan kung magka-aberya man o magkaproblema. Pag nanatiling spotless ang record niya, madali ring makakahingi ng day-off at bonus and kahit ano pang under the counter benefits kay bossing. Basta sa pagpasok on time, kalkuladong-kalkulado na ni Seulgi ang oras, ruta, at hakbang papasok sa opisina.

                Halimbawa.

                159 RSS (Regular Seulgi Steps) ang kinakailangan upang makarating siya dun sa terminal ng FX malapit sa kanila.

                45 minutes naman ang biyahe sa FX. Tuwing Monday at Friday eh nag-eextend to hanggang 1 hour and 30 minutes.

                Pagbaba eh maglalakad ulit siya ng 216 RSS papunta sa unang overpass.

                Yung unang overpass na yun ay may 35 steps pataas, 47 RSS across at 35 steps ulit pababa.

                Pagtapos eh maglalakad ulit siya ng 129 RSS papunta sa huling overpass na katapat na mismo ng opisina niya.

                Aakyat siya ng 36 steps pataas, 68 RSS across, at 35 steps pababa (may nagkamali sigurong magsemento nung steps 23 at 24 kaya naging notorious itong mantitisod).

                Sa ganitong sistema, 30 minutes early siya laging dumadating sa opisina nila. Makakapag time-in nang maaga at bonus pa na makakapagkape.

                Araw-araw eh ganyan ang tumatakbo sa isip niya. Maagang gigising para maghanda. Maagang aalis para di malate. Maagang dadating sa opisina. At on the dot din siyempre ang pag-uwi.

                Maraming nagtatanong kung bakit kating-kati lagi si Seulgi na pumasok. Wala pa naman siyang asawa; wala ring ganong tinutustusan. Di kasi demanding ang parents niya sa pera dahil bukod sa nag-iisang anak lang naman siya eh wala din siyang mga kapatid. Both ng parents niya eh kumikita sa maliit nilang hardware at tindahan. Kaya bakit nga ba?

                Ewan. Di niya rin alam. Nagkaroon na rin naman siya ng jowa pero usually nagkakasawaan lang din sila agad. Pinakamatagal niya na siguro yung 6 months. Di naman niya priority ang pagjojowa. Kung bibigyan, bibigyan. Bilang lang sa daliri ang naging kasintahan ni Seulgi at ang panahon na nilagi niya sa buhay ng bawat isa sa kanila ay maikli; madaling natapos; napakadaling bilangin at limutin.

                Sa dami ng ng numero na nabasa niyo ngayon eh akala niyo siguro magaling siya sa math. Isang malaking N to the O. Mahilig lang siyang magbilang. There’s a difference. Kung may makikita siyang bagay na pwedeng bilangin, bibilangin niya agad ito. Nagtataka nga ang parents niya dahil di pa naman uso yung batikang magbibilang na si Dora dati para maimpluwensyahan siya.  Medyo borderline obsessive na nga daw sabi nung kakilala niya na psychologist. Pag may nagsasabi ng mga ganyan kay Seulgi eh lagi niya lang itong binu-brush off. Wala siyang pake. Mas komportable siya sa kalkulado niyang hakbang at biyahe.

                Kaya pag na off schedule siya ng kahit 10 minuto eh halos magpanic na siya. Gaya ng nangyari nung Monday. Oo. Lintek. Monday talaga.

 Kasi kung may kampon man ng kadiliman sa mga araw sa isang linggo, Lunes yun.

                Kapag Lunes at Biyernes, 4:15 ng umaga siya umaalis ng bahay. Pero nung Lunes na yun eh 4:25 na siya nakaalis sa kanila sa kadahilanang huminto ang orasan niya. Agad na nagmadali si Seulgi sa paghahanda. Binagtas niya yung daan gamit ang sitematiko niyang paglalakad. Pagdating na pagdating niya eh may pila na. Agad niyang tinapik ang paa niya. Mga 10 minutes na naman ang inabot bago siya nakasakay.

                Di naman humaba yung biyahe sa tantya niya.

                “Okay lang okay lang okay lang” bulong niya sasarili habang naglalakad. “May sampung minuto pa ako para magkape. I can still make it early.”

                Mas dinagdagan pa niya yung bilis sa bawat hakbang niya.

                Kailangan maging on time. Kailangan maging on time. Repeat until true.

 

                Kaso walang pake si fate sa most punctual award na pwedeng matanggap ni Seulgi.

 

                Pagdating niya sa pinakahuling balakid na naghihiwalay sa kanya at sa kanyang opisina eh may isang bagay palang di niya maiisip na kalkulahin ever.

                Mahilig siyang magbilang, pero gaya ng nabanggit kanina, yun na yung pinakamalapit sa math na pwede niyang magustuhan.

 

                Ang pinakaayaw niya talaga ay yung probability.

                Probability is the measure of the likelihood that an event will occur. Probability is quantified as a number between 0 and 1. Dalawa lang yung numero. Pero napakadaming possibilities kung san ka pwedeng da

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primafacie
Teasers teasers teasers #BadBoy :D

Comments

You must be logged in to comment
xialuhandeer
#1
Miss ko na to :(
justsomeanimelover
#2
Chapter 8: Hala otor sira ata walang next button XD
justsomeanimelover
#3
Chapter 5: Nakakakilig shemay huehue
supkfans
#4
Chapter 8: ay ang cute kayo na kayo na eh wawa na yung lovelife ko huhu thank you author
seulrenedump #5
Chapter 7: iba talaga pag matanda na, may pag-daydream daydream na lang bigla (-_-") ("-_-)
MaxTheCatnip #6
Chapter 7: tawang tawa ako sa contact name ni joohyun for seulgi ( ´▽` )ノ
supkfans
#7
Chapter 7: Eyeyyyyyyieeee i like joy's charactee haha reminds me of myself. Ang cute ng seulrene shem
BBSR23 #8
Chapter 6: Aaayyyy may pagnyan na ayan na Start of SOMETHING new exciting na ㅋㅋㅋ slamat uli authors hxhdjwnzjje dami pring seulrene but im not complaining im rejoicing ㅋㅋ keleg si aq ♡.♡