↣ Chapter 2

Third Chances (KryBer and MyungStal)

Krystal's Point of view.

"Okay class, break time na. Be sure na babalik kayo before 10 or else malo-lock-an kayo ng pinto." Sabi ni Ms. Lee. Hay salamat, makakawala na rin ako dun sa mukhang paa na yon. Na ubod ng yabang! Nakakagigil siya, nakakainis!

"Uy Krys, okay ka lang? Parang gigil na gigil ka diyan huh." Nagaalalang tanong saakin ni Sulli.

"Eh paano naman kasi, nakatabi ko pa yung mayabang na yon! Kala mo kung sino!" Naiinis kong sagot. Eh paano kase, sobrang naiinis na 'ko sa paa na yun. Bakit ko pa kase siya ka-seat mate!

"Uy diyan nagsisimula yan!" Pangaasar niya saakin. Pa-ngiti ngiti pa 'tong bestfriend 'ko, mukha tuloy siyang ewan.

"Tigilan mo nga ako Sulli, naiinis ako sa ginawa niya saakin kanina!"

 

*Flash back*

"Bakit ang panget mo?" Oh wow ang gago pala nito. Ang kapal ng mukha!

"Bakit mo tinatanong sarili mo?" Inirapan ko siya at sabay tumingin sa harapan. Nakakabwiset siya, kailangan talagang ipamukha?

"Wow, mataray ka na niyan?" Natatawa niyang sinabi saakin, habang ngumingisi siya.

"What the hell? Sino ka para ganyanin ako? Eh kaka-kilala nga lang natin e!" Sinigawan ko siya. Ang epal niya kase akala niya kung sinong gwapo-- I mean maganda pero mukhang paa naman!

"Kakaintroduce ko lang diba sa sarili ko? Oh sige uulitin ko para sayo, ako si Amber. At ako yung maganda mong seatmate. Pikunin pala 'tong panget na 'to." Napaka-pilosopo niya rin pala. Psh.

"Aba? Ang hangin mo huh. Muntikan na kong matangay sa kahanginan mo!"

"Atsaka for your information, hindi ako pikunin. Sadyang epal ka lang talaga." Dagdag ko pa.

"Sayang, sana natangay ka na. Tibay nitong stick na 'to." Nangaasar niyang sinabi saakin. Hala? Ngayon naman pinagsasabihan ako stick ako? Kanina panget ngayon stick, ano kaya isusunod nito?

"Wala akong pake." Walang modo kong sinabi sakanya, bahala siya! Nakakainis talaga!

*End of flashback.*

 

"Hoy Krys? Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?" Sabi ni Sulli habang kinakalabit niya ko.

"H-ha? Ano bang sabi mo ulit?" Lumingon ako sakanya.

"Sabi ko, pogi naman siya. Bagay kayo." Pangaasar saakin ni Sulli.

"Nangaasar ka ba Sulli?! Ako? Magkakagusto sa babae? Asa." Pasigaw kong sinabi sakanya. Eh totoo naman, ang babae ay para sa lalaki. At ang lalaki para sa babae. Hays, mga kalokohan talaga nito ni Sulli ibang level na! Saka 'di ayaw 'ko sa mga mukhang paa na katulad niya.

Tapos biglang dumating sila Vic kasama yung paa 'kong ka-seatmate.

"Uy, pwede muna ba sumabay saatin si Amber? Kawawa naman kase yung mga kaibigan niya nasa ibang room e. Eh mamaya pa break nila, wala siyang kasama." Sabi saamin ni Vic. Awang awa naman 'to sakanya. Bakit ba sila naaawa?! Buti ngang walang siya kasama, karma na niya yan sa panglalait saakin kanina sa classroom!

"What?!" Gulat kong sinabi sakanya. Parang tumigil yung mundo 'ko nung narinig ko yun. Pati ba naman breaktime makakasama ko siya?!

"Uy kalma girl, pagbigyan mo na." Pakiusap saakin ni Luna.

"Eh may magagawa pa ba ako?!" Inirapan ko sila sabay tinalikuran. Hays nakakabadtrip talaga, nakakainis naman talaga oh.

 

-----------------------

 

Nandito kami sa canteen, si Sulli kasama ni Vic bumili ng fries tas si Luna naman bumili ng inumin. Kaya kami nalang ni Amber natira dito sa table namin.

"Uy." Sabi niya. Bahala siya diyan, hindi ko siya papansinin kasi bwiset na bwiset nga ako sakanya. Kotang-kota na talaga siya saakin kanina pa sa classroom!

"Panget." Pangaasar niya saakin. Ang kapal talaga ng mukha ng paa na 'to. Makapagasar saakin akala mo sobrang close na namin. 'Di ba siya nakakaramdam na nabwi-bwiset na 'ko sakanya?

"Ano ba talagang problema mo ha?!" Naiirita kong tinanong sakanya. 

"Ikaw...

Joke lang.

Sorry kanina." Sincere niyang sinabi. Marunong din pala mag sorry 'to no?

"Wow, may kapal pa pala yang mukha mo mag sorry sa lagay na yan?" Inirapan 'ko lang siya at pinagpatuloy yung pag kain ko.

"Sorry, akala ko kasi hindi ka pikunin. Friends?" Nag offer siya saakin ng shake hands.

"Hindi naman ako pikunin, pero napaka-wrong timing mo lang talaga at nakidagdag ka pa sa kamalasan ko!" Sumubo ako ng kanin.

"Kaya na nga nag so-sorry diba?"

"Ok fine. Pero wag ka ng umasa na magiging magkaibigan tayo. Dahil hindi ako nakikipagkaibigan sa mga mukhang paa tulad mo!"

"Woah there. Ako mukhang paa? Ang ganda ko kaya psh." Ayan nanaman, nagiging mahangin nanaman 'tong paa na 'to!

"Wala akong pake."

"Oh?"

"Wala nga!!!"

"Oh talaga?!"

"Tokwa, wala nga sabi e!" Sigaw ko sakanya. Muntikan ko na ma-bato sakanya yung kutsara 'ko sa sobrang inis.

"Oy ano ba? Para kayong mga batang nagaaway eh!" Sita ni Luna saamin. Siya naman kase nagsisimula ng away eh, kung maayos lang sana niya 'ko kinausap kanina at di niya 'ko nilait lait edi sana ayos kami!

"Sorry na girl, ang kapal kase ng mukha ng babaeng yan! Mukha naman paa!" Inirapan ko lang siya.

"Woah ako pa mukhang paa sa lagay na 'to?" Sabi naman ni Amber a.k.a mukhang paa.

"Oo!" Sigaw 'ko at kinuha ko yung bag ko at umakyat na sa classroom. Goodluck saakin, sana naman sa pagshuffle ng sections di na kami magkaklase 'no? Para matapos na 'tong paghihirap 'ko.

 

 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
agentllama08
#1
Chapter 21: Luhhhh ang bitin naman update na po author please
imnoGoo
#2
Chapter 21: LUUH!!! BITIN NAMAN EHHH!!!:(
imnoGoo
#3
Hala! Tagalog, ang galing!!:))
kryberholic_arrace
#4
Chapter 19: Tanginang ugali ni myungsoo dito!! Gago ba sya? Manampal daw ba ng babae!? Nakooooow -.-
kaorushin
#5
Chapter 21: kelan mo ito e a-update author-shii???T.T
HiHoHe #6
Can change it to eng ver hais i want to read omgggg
_pop_princess_22 #7
Grabe love na love ko na toh kahit prologue palang and the video makes me more interesting sa story and i have wattpad too ! At staka Author i hope i can add you even in wattpad and oh ill add you here in AsianFanfic (sabihin mo pangalan mo sa wattpad so i can add you ) ^_^
slho901
#8
so sad.... i cannot read Filipino . will sure read it if it is English.
Matthew90210 #9
It's a bummer that I can't understand Filipino but I just want to say, you did a good job with editing the video together! Hope you write more stories, maybe in English next time? :D KEEP IT UP, AUTHOR!
schindlee
#10
right click mo yung video tapos copy embed code. Then hanapin mo dito sa editor yung "Paste Link" na option, yun, malalagay mo video