↣ Chapter 10

Third Chances (KryBer and MyungStal)

Krystal's Point of view.

"Oh tapos, tapos?! Anong nanyari girl?!?!" Naeexcite na tinanong saakin ni Vic.

"Hinaan mo nga boses mo, baka mamaya may makarinig saatin eh." Saway 'ko sakanya. Break kase namin ngayon, kaya napagdesisyonan namin ni Vic na dito muna kami sa library mag stay. Habang yung iba nasa canteen, kumakain. "Yun na nga, diba nagkalapit yung mukha namin? Tapos..."

 

FLASHBACK

 

"Kr-krys---" Nanginginig niyang sinabi.

"A-amber, yung niluluto natin nasusunog na." Sabi 'ko sakanya habang awkward pa din akong nakatingin sakanya.

"Oo nga 'no? Kaw kase maka-lingon ka naman saakin, wagas. Parang walang bukas." Aba, ako pa talaga sinisisi nitong paa na 'to? Eh siya na nga 'tong sobrang dikit saakin eh. Kapal talaga ng mukha!

"Wow. Ikaw nga diyan maka-dikit saakin wagas, 'di uso sayo space?" Naiirita 'kong sinabi sakanya. "Ayoko na nga magluto, ikaw na bahala diyan." Inirapan 'ko siya with matching walk out. Feel na feel 'ko mag walk out, 'di 'ko pala bahay 'to HAHAHAHA. Akala 'ko sasabat pa siya, pero wala siyang sinagot ni-isa. Kaya umupo nalang ako sa sofa at tiningnan yung phone 'ko. Baka may missed calls or texts akong 'di napansin.

"Wala naman. Psh, siguro nasa training si unnie." Sabi 'ko sa sarili 'ko, tapos tiningnan 'ko kung ilang bars nalang battery 'ko. lowbatt na, kaya naman inoff 'ko nalang 'to para 'di maubos yung battery.

'Di nagtagal, lumabas na rin ng kusina si Amber. "Kain na." Yaya niya saakin, lumapit naman ako agad sa mesa pero nanatili akong tahimik. Medyo na-awkwardan pa rin kase ako dun sa nanyari kanina eh. "Hinahanap 'ka na ba sa bahay mo?" Tanong niya habang sinusubo niyang yung spam. "Di nga eh, siguro na sa training si unnie." Sagot 'ko naman habang nakatingin ako sa ibang direksyon, 'di 'ko kase kayang titigan siya eh. "Sige sa sofa na 'ko matutulog, at dun 'ka na sa kwarto 'ko."

"Ano?! Seryoso 'ka ba diyan?!" Gulat na gulat 'kong sinabi sakanya.

"Oo nga, saka ayos lang naman saakin. Sanay rin naman ako." Aba may pagka-gentlewoman rin pala 'tong paa na 'to eh.

"Uy wag na ayos na 'ko dito sa sofa, dun 'ka na sa kwarto mo. Ako na nga 'tong nakikitulog eh." Nahihiya 'kong sinagot 'ko sakanya.

"Wag ka ng makulit, dun 'ka na nga sa kwarto 'ko." Pagmamatigas niya.

"Ganito nalang, tabi nalang tayo sa kama mo. Mukhang kasya naman tayo eh." Suggestion 'ko.

"Ayos lang ba sayo? Baka 'di 'ka sanay may ka-hati sa kama?" Nagaalala niyang tinanong saakin.

"Ano 'ka ba!" Hinampas 'ko siya. "Okay lang 'no, okay na okay."

 

Pagkatapos namin kumain, hinugasan 'ko na yung plato. Kase syempre siya na nga yung nagluto siya pa rin maghuhugas? Nako, may hiya rin naman ako kahit papaano 'no.

"Buti nalang dala 'ko palagi 'tong kit na 'to." Sabi 'ko sa sarili 'ko habang nagto-toothbrush ako. Pagkalabas 'ko ng banyo, bigla akong hinagisan ng tshirt ni Amber. "Oh hiramin mo muna yan, labhan mo pagkatapos." Tapos umupo siya sa higaan. "Bastos 'ka talaga 'no?" Inirapan 'ko nalang habang naka-ngisi naman siyang tumitingin saakin.

Pumunta ako sa sulok para palitan yung t-shirt 'ko nang bigla na lang ako nakarinig ng sigaw.

"Uy ano ba yan Krystal! Sa banyo 'ka nga mag bihis!" Suway nito saakin. Aba ang arte nito ah? Kaya humarap ako sakanya kahit naka bra nalang ako. "Bakit naman? Eh girlaloo naman tayo pareho ah?!" Sagot 'ko sakanya habang nakalagay pa sa bewang yung mga kamay 'ko. "Oh sorry na, 'di lang kase ako sanay." Paghihingi niya saakin ng paumanhin, habang namumula mukha niya. "Pwes, masanay 'ka na!" Tumalikod ako para suotin na yung t-shirt, at humiga ako sa tabi niya.

"Good night." Sabi 'ko sakanya at tumalikod ako sakanya.

"Matutulog 'ka na agad?" Tanong niya.

"Bakit? Gusto mo pa ba makipagkwentuhan?" Nilingonan 'ko siya.

"Ayos lang, may naisip 'ka na bang pwede natin pagusapanan?"

"Hm. Wala eh, pero mag truth or dare nalang tayo para may thrill." Umupo ako.

"Ge, magandang idea yan. Ikaw muna." Epal talaga ako pa talaga pinauna niya. "Truth or dare?" Untag niya.

"Truth." Ngumiti na lang ako. Kahit deep inside kabadong kabado ako sa tanong niya, baka kase mamaya related 'to kay Myungsoo eh.

"Anong favourite sports mo?"

"Hm. Marami eh, pero pinaka-gusto 'ko mag figure ice-skating." Sagot 'ko. "Okay ako na! Truth or dare?"

"Truth." Diretso niyang sinabi, hm. Ano kaya magandang tanungin sakanya? May ex ba siya? Bakit epal siya? O... Alam 'ko na! Tatanungin 'ko nalang kung type niya ba si Sulli.

"Gusto mo ba si Sulli?" Walang paligoy ligoy 'kong tinanong at napalaki nalang yung mga mata niya, para bang... Gulat na gulat siya sa tinanong 'ko.

"Hindi 'no!" Pagtatanggi niya. "Ano ba Krys, ilang beses 'ko bang sasabihin sayo na mas straight pa 'ko sa ruler?!" Dagdag pa nito.

"Oh chill. Nagtatanong lang eh."

"Bakit mo naman yan natanong?" Huminga siya ng malalim.

"Wala lang, bagay kayo eh. Parang nagma-match yung ugali niyo." Pangaasar 'ko sakanya. "Amber, bakit 'di 'ka nalang naging lesbian? Pogi 'ka naman, ma-appeal. Bakit mo ba pinagigitgitan na straight as a ruler 'ka?" Umiling lang siya saakin

"Alam mo Krys, bakit mo ba pinagpipilitan na lesbian ako? Eh sadyang boyish lang talaga ako." She insisted. "Ako pogi at ma-appeal? Psh, sinasabi 'ko na nga ba." She smirked.

"Wait lilinawin 'ko lang, yun yung sabi nila. Epal nito, kailan 'ka pa naging pogi sa paningin 'ko? Siguro mukhang paa pwede pa." Pagpapaliwanag 'ko sakanya. "Pero realtalk ha, bagay kayo ng bestfriend 'ko. May pa-endear endearment pa kayong nalalaman ha. Snow white pala tawag mo sakanya, eh ikaw? Anong endearment niya sayo? Witch?" Natatawa 'kong sinabi sakanya. "Saka Amber 'di naman high maintenance yang si Sulli eh, sa totoo lang simple lang talaga yan. Medyo conyo nga lang minsan."

"Straight nga ako Krystal, kaya hindi kami pwede."

"Pero siya hindi straight. Nako, yan din sabi saakin ni Sulli noon. Forever straight daw siya, pero tingnan mo naman ngayon? Ako nalang ang straight saamin dalawa. Nababaluktot din ang straight epal." Natawa nalang siya sa pinagsasabi 'ko, at ako rin natatawa nalang. Wala lang, trip 'ko lang makisabay sa tawa niya bakit ba.

"Hay nako, oo tama 'ka. Mabait, maganda, at simple lang si Sulli. At ang straight, nababaluktot rin. May point 'ka naman pero matulog na tayo, dahil maaga pa tayo bukas." Inoff niya yung lamp sa gilid niya.

"Good night Krystal."

"Good night din Amber."

 

END OF FLASH BACK

 

"So yun na nga yung nanyari, sinabi niyang mabait, maganda, at simple lang si Sulli. Shet!!" Kinikilig 'ko sinasabi kay Vic with matching hampas pa sa braso niya.

"Oo nakakakilig nga pero mas nakakakilig kayo ni Amber eh!" Napatigil naman ako sa sinabi niya.

"Kami mas nakakakilig? Ayos 'ka lang?" Tanong 'ko sakanya habang nilalagay 'ko yung kamay 'ko sa noo at leeg niya. Baka nilalagnat 'to eh. Kung ano ano kase pinagsasabi.

"Sus, mas bagay nga kayo. Promise!" Tinaas niya pa yung kanan kamay niya. "Cross my heart"

"Eh straight nga ako Vic, mas straight pa sa ruler! Kaya pwede ba wag mo na 'kong asarin sakanya, kay Sulli na yun." Napipikon 'kong sinabi sakanya.

"Pero Krystal, ikaw na rin nagsabi kay Amber, ang straight nababaluktot rin."

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
agentllama08
#1
Chapter 21: Luhhhh ang bitin naman update na po author please
imnoGoo
#2
Chapter 21: LUUH!!! BITIN NAMAN EHHH!!!:(
imnoGoo
#3
Hala! Tagalog, ang galing!!:))
kryberholic_arrace
#4
Chapter 19: Tanginang ugali ni myungsoo dito!! Gago ba sya? Manampal daw ba ng babae!? Nakooooow -.-
kaorushin
#5
Chapter 21: kelan mo ito e a-update author-shii???T.T
HiHoHe #6
Can change it to eng ver hais i want to read omgggg
_pop_princess_22 #7
Grabe love na love ko na toh kahit prologue palang and the video makes me more interesting sa story and i have wattpad too ! At staka Author i hope i can add you even in wattpad and oh ill add you here in AsianFanfic (sabihin mo pangalan mo sa wattpad so i can add you ) ^_^
slho901
#8
so sad.... i cannot read Filipino . will sure read it if it is English.
Matthew90210 #9
It's a bummer that I can't understand Filipino but I just want to say, you did a good job with editing the video together! Hope you write more stories, maybe in English next time? :D KEEP IT UP, AUTHOR!
schindlee
#10
right click mo yung video tapos copy embed code. Then hanapin mo dito sa editor yung "Paste Link" na option, yun, malalagay mo video