↣ Chapter 4

Third Chances (KryBer and MyungStal)

Amber's Point of View.

Isang linggo na nakakaraan simula nung nagstart yung klase. Ayon walang ipinagbago, lagi pa rin kami nag aaway ng seatmate 'kong Panget. (Sino pa ba? Edi si Krystal!) Pero kahit ganon, tawang tawa pa rin ako sakanya. Lalo na tuwing namumula na siya sa inis, yung tipong daig niya pa yung puputok na bulkan? Hahahaha! Kaya ang sarap niyang asarin e.

Uwian na namin, kasama 'ko si Ailee ngayon. Sasamahan ko kase siya bumili ng materials para dun sa project nila. Pababa na kami ng biglang nagkakaroon ng kaguluhan dun sa dulo ng hallway.

"Uy anong meron dun?" Tanong ni Ailee saakin.

"Ewan 'ko, tara tingnan natin saglit?" Sabi 'ko sakanya. Oo na ako na yung chismosa. Curious lang ako e. Habang palapit na ng palapit kami dun sa gulo, paunti onti kong namumukhaan yung babae. Umiiyak na babae, tas biglang lumuhod dun sa lalaki?

"I'm sorry na kasi Myungsoo, baka pwede natin 'to pagusapan?" Sabi nung babae.

"Please? Okay lang kahit makihati nalang ako, pero wag mo lang ako iwan please." Pagmamakiawa pa nito. Psh, daig pa ata nila yung makikipagbreak na mag-on sa teleserye eh. Pero parang pamilyar yung boses nung babae. Kaya laking gulat 'kong si Krystal pala 'tong lumuluhod sa harap ng lalaki na umiiyak. Kaya dali dali ko siyang nilapitan at pilit itinayo.

"Krystal! Tumayo ka nga diyan!!" Sigaw ko sakanya habang inaalalayan 'ko siyang tumayo. "Hoy ikaw! Ka-lalaki mong tao, hinahayaan mo lang lumuhod yung mga babae sa harapan mo?!" Sabi 'ko dun sa lalaki. Eh totoo naman e, kahit anong angulo mo tingnan mali pa rin yung ginawa niya!

"Sino ka ba? Psh. Hindi mo nga alam yung buong kwento e." Ngumingisi lang yung lalaki saakin. Mukhang nangaasar ata.

"Amber bitawan mo 'ko." Sabi ni Krystal.

"Bakit mo hinayaan 'to manyari? Bakit ka lumuhod?" Tanong 'ko sakanya. Mas hinigpitan 'ko ang paghawak 'ko sakanya.

"Bitawan mo nga ako sabi eh!" Pumilit siya pumiglas. Pero 'di ko pa din siya binibitawan.

"Bakit nga muna?!" Seryoso 'kong tinanong, habang tinitingnan 'ko yung namamaga niyang mga mata.

"ANO BA AMBER! WALA AKO DAPAT SABIHIN SAYO OKAY?!" Tapos bigla siya tumakbo pababa ng hagdan. At napatingin nalang ako sa lalaking niluhuran niya.

"See? Wag 'ka ngang mag inarte na ikaw yung bida dito." Ngumisi siya saakin.

"Akala mo ikinapogi mo na yan? Bakit mo hinayaan paluhurin si Krystal!" Nangagalaiti 'kong tinanong sakanya.

"Bakit sinabi 'ko bang lumuhod siya? Teka, bakit ka ba nakikisaw-saw sa away namin ng girlfriend 'ko ha?!" Naiinis niya din sinagot saakin habang tinitigan niya 'ko ng masama sa mata.

"Ikinapogi? Psh. Atleast ako tunay na lalaki, eh ikaw? Pinagpipilitan mong maging lalaki kahit hindi naman talaga!" Dagdag pa nito. Aba gago, sinong nagsabing pinagpipilitan 'ko maging lalaki?! Mas straight pa 'ko kaysa sa ruler. Pakita 'ko sakanya yung bikini 'ko sa bahay eh.

"Aba gago ka din pala, sinong nagsabing pinagpipilitan 'ko maging lalaki?! Baka mamaya mas straight pa 'ko sayo!"

"Uy Amber tama na!" Nagaalalang sinabi saakin ni Ailee, habang hinihila niya 'ko palayo sa lalaking yun. Pero tila mukhang ayaw magpatalo ng gagong yun.

"Oh? Sino niloloko mo?!" Nangaasar niyang sinabi saakin.

"Baka ikaw---" Sasabat pa sana ako kaso sinigawan ako ni Ailee. "Amber sabi na ngang tama na diba!"

Nung nakalayo na kami pinaupo ako ni Ailee sa bench "Anong pumasok sa isip mo at nakikiepal ka sa eksena ha?!" Sigaw niya. "Ano kasama ka sa eksena nila? May alam 'ka ba? Girlfriend mo ba yang si Krystal kaya ganyan mo siya depensahan sa lalaki na yun?!" Tiningnan 'ko lang siya sa mata. Ayoko na sumagot, baka mamaya kami pa magaway nito.

Dinepensahan 'ko lang naman si Krystal dahil una sa lahat kaibigan ko rin siya, hindi porket lagi 'ko siyang inaasar ibigsabihin hindi 'ko na siya tinuturing na kaibigan. Ayaw 'ko lang naman siya mag mukhang tanga kanina, hindi rin kase makatarungan na babae pa yung luluhod sa lalaki!

"Hoy Amber, sumagot ka!" Sigaw saakin ni Ailee.

"Hays. Nakita mo ba yung nanyari kanina? Tsyaka kaibigan ko rin yung naapi dun e!" Inis 'kong sinabi sakanya.

"Sabagay, pero sa susunod wag naman aabot sa ganun. Kulang nalang pag sapakan kayo dun eh."

"Sorry na." Mahinahon 'kong sinabi sakanya. Oo na, aminado naman akong may mali rin naman ako.

"Sorry din kase napagtaasan kita ng boses, nagaalala lang." Mahinahon niya rin sagot. "Halika na nga, samahan mo na ko bumili ng materials." Dagdag niya pa at sabay hinila ako.

 

---------------

 

Krystal's Point of View.

Dali dali akong bumaba at umuwing luhaan. Oo luhaan, ang sakit kasi e. Ang sakit sakit, ako na nga 'tong humihingi ng sorry kahit siya may kasalanan ayaw pa rin niyang tanggapin?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
agentllama08
#1
Chapter 21: Luhhhh ang bitin naman update na po author please
imnoGoo
#2
Chapter 21: LUUH!!! BITIN NAMAN EHHH!!!:(
imnoGoo
#3
Hala! Tagalog, ang galing!!:))
kryberholic_arrace
#4
Chapter 19: Tanginang ugali ni myungsoo dito!! Gago ba sya? Manampal daw ba ng babae!? Nakooooow -.-
kaorushin
#5
Chapter 21: kelan mo ito e a-update author-shii???T.T
HiHoHe #6
Can change it to eng ver hais i want to read omgggg
_pop_princess_22 #7
Grabe love na love ko na toh kahit prologue palang and the video makes me more interesting sa story and i have wattpad too ! At staka Author i hope i can add you even in wattpad and oh ill add you here in AsianFanfic (sabihin mo pangalan mo sa wattpad so i can add you ) ^_^
slho901
#8
so sad.... i cannot read Filipino . will sure read it if it is English.
Matthew90210 #9
It's a bummer that I can't understand Filipino but I just want to say, you did a good job with editing the video together! Hope you write more stories, maybe in English next time? :D KEEP IT UP, AUTHOR!
schindlee
#10
right click mo yung video tapos copy embed code. Then hanapin mo dito sa editor yung "Paste Link" na option, yun, malalagay mo video