↣ Chapter 3

Third Chances (KryBer and MyungStal)

Amber's Point of View.

Sa sobrang pagod ko kanina sa school, napahiga ako agad sa kama ko. Pero 'di ko mapigilang matawa dun sa pinagagawa ko kay Krystal kanina. Ang cute niyang magalit-- teka sinabi 'kong cute?! Aish! Erase erase! Epal nga nun eh, ang panget na nga napagkamalan pa kong tomboy? Hala. Porket boyish tomboy na agad? Baka pag nag gown ako, nako. Baka taob ko pa siya! Pero seryoso...

Ang cute niya...

Yung ngiti niya... pati yung boses niya. Basta lahat sakanya cute. Hahaha baliw na siguro ako 'no? Nacu-cute-an ako sa taong mukhang stick! Hahaha! Joke pero asa, cute lang siya kase mukha siyang ewan. Panget panget nga nun.

 

Tas bigla akong may natanggap na text galing kay Ailee.

"From: Ailee

Uy, bukas daw ididistribute na daw yung mga sections."

Yes! Sana maging kaklase ko siya 'no? At di ko na maging kaklase yung panget na yun.

"To: Ailee

Yes!! Sana magkaklase tayo! Magkita nalang tayo bukas sa quadrangle."

 

------------------

 

"Omg magkaklase tayo Vic!!" Masayang sinabi ni Luna habang tinitingnan yung sections na naka-post sa board.

"Oo nga eh! Magkakaklase tayo!" Dagdag pa ni Vic.

"Hala nakakainis naman, naligaw pa ng section si Krys." Naiinis na sinabi ni Sulli.

Habang tinitingnan 'ko yung listahan ng mga sections,  nakita ko yung pangalan namin nitong Krystal panget na to at nung akin magkasunod.

"What the-" Bulong 'ko sa sarili 'ko. Magkaklase kami, badtrip. "Ka-malasan nga naman oh!" Napa-face palm nalang ako, puta bakit siya pa? Bakit si Krystal Soo Jung pa? 

 

Krystal's Point of view.

Mukhang sunod sunod na nga ang kamalasan ng school year na 'to. Kainis, hindi ko na nga naging kaklase sila Sulli. At naging kaklase ko pa 'tong paa na 'to. Oo putrag kaklase ko siya, pero bahala siya hindi 'ko siya papansinin! Aba! Hindi pa rin ako nakakamove on sa mga pinagagawa niya saakin kahapon!

Uupo na sana ako sa vacant chair sa harapan ng may biglang sumitsit saakin.

"Pst. Krystal." Tas pagtingin 'ko, tinatawag pala ako ng paa na yan. (Si Amber)

"Problema mo?" Seryoso 'kong tinanong sakanya.

"Upo ka dito." Tinuturo niya yung vacant chair na katabi niya.

"Ayoko kitang makatabi." Inirapan 'ko siya. Totoo naman kasi, magiging epal lang yan sa buhay 'ko.

"Aba tingin mo ginusto ko maging katabi kita? By alphabetical order kase panget, psh! Ako na nga 'tong concerned kase baka mamaya mag mukhang tanga ka nanaman." Tiningnan 'ko nalang siya ng seryoso at tahimik na umupo sa tabi niya. Sa sobrang bagot 'ko, naisip 'kong itext nalang si Myungsoo.

"To: Myungsoo

Jagi, anong section mo?"

Tas nagreply siya agad.

"From: Myungsoo

Section E ako Jagi, ikaw ba?" Bago ako makareply sa message niya biglang nakiepal 'tong si Amber.

"Ikaw pala ha, may Jagi ka pala. Di mo man lang shina-share saakin."

Napatingin nalang ako sakanya. "What the hell? Nagbabasa ka ba ng text ko?!" Hinampas ko sakanya yung libro ko. "At hindi tayo close para magshare ako sayo." Dagdag ko pa.

"Edi maging close tayo." Sabat niya.

"Umasa ka!" Tapos sabay inirapan 'ko siya at pinagpatuloy 'ko nalang ang pagtetext.

"Hays. Ang sungit sungit talaga 'tong panget na 'to." Bulong ni Amber sa sarili niya.

"Bubulong 'ka nalang maririnig pa! Sana pinagsigawan mo nalang yang binulong mo diba?" Ang tanga talaga nitong paa na 'to.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" Nangaasar niyang tinanong.

"Oo." Tumingin ako sakanya.

"Sige, sabi mo yan." Tumayo siya bigla "Attention!" Sigaw niya pa.

"Uy Amber, anong ginagawa mo?!" Natataranta 'kong tanong. Lahat kase ng mga classmates namin nakatingin na sakanya.

"Edi pinapanindigan yang sinasabi mo." Bulong niya saakin tapos sabay wink. Aba mukha siyang nakahithit nung winink niya ko. Akala mo naman ikina-hot o pogi niya, pwe.

"Ha? Anong ibigsabihin mo--" Di pa man ako tapos sa sasabihin ko. Bigla na siyang sumigaw.

"Alam niyo bang panget 'tong katabi ko?" Sigaw niya. Nagtawanan naman silang lahat, nakakainis! Nakakahiya ka Amber. Ang sarap mong hampasin ng kaldero! "Biro lang, ako talaga yun hahaha." Dagdag niya pa. Aba buti aminado na siyang panget siya.

"Hindi kaya, ang hot mo kaya."

"Hala!! Ang pogi mo kaya oppa huhuhu."

"Crush kaya kita!!!" Sabi ng iba namin kaklase na mukhang patay na patay sakanya. Pwe, ang sarap nilang bigyan ng salamin. Mukha kaseng nanlalabo paningin nila eh.

"Oh masaya 'ka na?" Umupo siya.

"Mukha 'kang tanga." Inirapan ko siya at tumingin ako sa board.

"Pero 'di naman kasing tanga mo." Nangaasar niyang sinabi saakin.

"Oo na ako na mas tanga..." Napayuko nalang ako habang binubulong 'ko yun sa sarili 'ko.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
agentllama08
#1
Chapter 21: Luhhhh ang bitin naman update na po author please
imnoGoo
#2
Chapter 21: LUUH!!! BITIN NAMAN EHHH!!!:(
imnoGoo
#3
Hala! Tagalog, ang galing!!:))
kryberholic_arrace
#4
Chapter 19: Tanginang ugali ni myungsoo dito!! Gago ba sya? Manampal daw ba ng babae!? Nakooooow -.-
kaorushin
#5
Chapter 21: kelan mo ito e a-update author-shii???T.T
HiHoHe #6
Can change it to eng ver hais i want to read omgggg
_pop_princess_22 #7
Grabe love na love ko na toh kahit prologue palang and the video makes me more interesting sa story and i have wattpad too ! At staka Author i hope i can add you even in wattpad and oh ill add you here in AsianFanfic (sabihin mo pangalan mo sa wattpad so i can add you ) ^_^
slho901
#8
so sad.... i cannot read Filipino . will sure read it if it is English.
Matthew90210 #9
It's a bummer that I can't understand Filipino but I just want to say, you did a good job with editing the video together! Hope you write more stories, maybe in English next time? :D KEEP IT UP, AUTHOR!
schindlee
#10
right click mo yung video tapos copy embed code. Then hanapin mo dito sa editor yung "Paste Link" na option, yun, malalagay mo video