↣ Chapter 5

Third Chances (KryBer and MyungStal)

Amber's Point of View.

Malapit na mag time, wala pa rin si Krystal. Ano kaya nanyari dun? Buong weekend kase 'di siya nagpaparamdam, 'di siya nagoonline at nagtetext saakin. Joke, bakit niya 'ko itetext? Eh baka nga ngayon isang libong beses na niya 'ko sinasaksak sa isip niya. Aish! Bakit ba 'ko nagiging concern sakanya?! Pero sana hindi siya absent, gusto 'ko siyang kamustahin kung ayos na siya e. Gusto 'ko lang mag explain, gusto 'ko lang iparamdam na... Nandito lang ako para sandalan niya 'ko... Nandito lang ako para makinig sa mga kwento at problema niya sa buhay.

Dumaan na ang lunch break wala pa rin siya, nagabsent siguro yon? Kaya naman tinanong 'ko nalang si Sulli kung ano na ba kalagayan ni Krystal.

"Sulli, kamusta na si Krys? 'Di siya nagoonline buong weekend, di rin siya nagtwetweet." Nag aalala kong tinanong niya sinabi sakanya.

"Ayyiieeee, stinastalk mo siya 'no? Joke. Hahahaha!" Biro niya saakin at napatingin nalang ako sakanya. "Sa totoo lang, 'di ko din alam eh. Wala rin akong nasagap na balita sakanya nung weekend eh." Seryoso niyang sagot.

"Ah ganon ba?" Napayuko nalang ako dahil sa pagaalala, iniisip kung tama ba yung ginawa ko nung friday. "Sulli, alam mo ba saan nakatira si Krys?" Tanong 'ko sakanya, at ngumiti lang siya na parang nililigawan siya ng crush niya.

"Bakit? Bibisitahin mo 'no? Ayyiieee, ikaw Amber ha. Napaghahalataan 'ka na, sabihin mo lang saakin pag type mo bestfriend 'ko at susuportahan kita!" Kinikilig niyang sinabi.

"Sira, straight nga ako. Type ko mga boylets hindi mga panget tulad niya, hahaha!" Natatawa 'ko sakanya. "Pero seryoso, saan nga?" Dagdag 'ko pa.

"Ay malapit lang, basta dun sa may black na gate sa baba ng school. Doon bahay niya." Sagot naman niya. Ayos, ang lapit lang pala ng bahay niya e! Pupuntahan 'ko siya mamayang uwian.

 

------

 

Mabilis dumaan ang mga oras, at sa wakas! Uwian na rin! Dali dali 'kong pinuntahan ko si Krystal sa bahay niya, nagaalala lang talaga ako sakanya. At gusto 'ko din ibigay sakanya yung mga assignments.

"Tao po? Tao po?" Sabi ko habang kumakatok ako dun sa gate. Eto ba talaga yung bahay niya? Baka mamaya ginugood time lang ako ni Sulli. Makalipas ng ilang minuto, binuksan na nung katulong nila yung gate.

"Sino po sila?" Tanong nung Katulong.

"Good afternoon po, ako po si Amber. Kaibigan po ni Krystal, nandiyan po ba siya?"

"Ah oo, pasok po kayo." Pagpasok 'ko sa bahay nila Krystal. Mga painting agad ang mga bumungad saakin. Ang gaganda, parang pakiramdam 'ko na sa museum ako ng mga paintings. Ang ma-mahal siguro ng bili nila sa mga painting na 'to.

"Si Krystal gumawa niyan." Sabi nung isang babae sa likuran 'ko.

"Good afternoon po, ako nga po pala si Amber. Kaibigan ni Krystal." Bati 'ko sakanya.

"Nice meeting you, Jessica nga pala. Ate ni Krystal. Bakit pala napadaan ka dito?" Tanong ni Jessica.

"Dadalawin 'ko lang po si Krystal, di po kase pumasok kanina. Nagaalala lang po ako." Sagot 'ko.

"Ah nandun siya sa kwarto niya. Puntahan mo, pangatlong pintuan sa kanan." Tinuro niya yung hagdan. Pinasalamatan 'ko ate niya tas umakyat ako sa hagdanan. Natatanaw ko na yung kwarto niya, bubuksan ko na sana kaso bigla ako napaisip.

"Okay lang ba siya?" Bulong 'ko sa sarili 'ko. Bahala na siyang magalit o mainis saakin, basta alam 'kong ayos siya. Bumungad saakin ang mga nakakalat na litrato sa sahig kasama ang isang lalaki. Mga basag na picture frame at tissue paper sa la-mesa. At nakita 'ko siyang nakatulala sa bintana, tila may lalim na iniisip.

"Bakit ka nandito?" Seryoso niyang sagot habang nakatingin siya sa bintana.

"Ah kase gusto 'ko lang ibigay yung mga Assignments---" Di pa man din ako tapos sumabat na siya.

"I-iwan mo nalang yan sa tabi at makakaalis 'ka na." Aba papaalisin na niya ako? Wala man lang snacks?! Joke lang. Ayaw niya siguro ako makita? Oh beastmode pa din siya saakin hanggang ngayon?

"Okay ka lang?" Nagaalala 'kong sagot sakanya. "Sorry sa ginawa ko nung friday..." Dispensa 'ko sakanya, at umupo ako sa tabi niya.

"A-ayos lang." Nanginginig niya sinabi saakin. Para bang iiyak na siya anytime.

"Hindi mo naman kailangan mag sorry eh. Wala ka naman kasalanan, pinagtanggol mo lang ako." Tapos tumingin siya saakin. Nanghina ako nung nakita 'ko mukha niya, magang maga ang kanyang mga mata. Para bang buong weekend wala siyang ginawa kundi umiyak.

"Ano ba kase nanyari?" Nagaalala 'kong tinanong sakanya, at bigla na lang siya yumakap saakin at umiyak.....

"Amber *sobs* bakit ganun?" Naiiyak niyang sinabi. "Ako na nga 'tong humihingi ng sorry, ako na nga 'tong pumapayag makihati--" Bago pa man din siya matapos sumabat na 'ko sakanya.

"Makihati? Anong ibigsabihin mo?" Tanong 'ko sakanya.

"Kase Amber nalaman 'kong *sobs* pinagsasabayan niya 'ko sa tatlong babae eh..." Pinunansan niya yung luha niyang kanina pang rumaragasa sakanyang mga pisngi.

"WHAT?!" Gulat na gulat 'kong sinabi sakanya. Gago na nga, makati pa! Saan ka pa?! Pero seryoso 3 babae? Ganun ba siya ka-pogi para pumayag yung iba na kagatin yang kalandian niya?

"Tapos sabi mo ayos lang sayo makihati?! My gosh Krystal! Dinaig mo pa ang santo sa pagiging martyr ah?!" Napa-face palm nalang ako sa mga naririnig 'ko. Hindi 'ko akalain may pinagdadaanang matindi din pala 'tong bruha na 'to!

"Kase hindi mo na maalis sakanya yun, sikat siya sa school. Yung grupo niya sikat, magaling siya sumayaw at kumanta. Pogi siya, mabait, mapagalaga. Crush siya karamihan ng mga babae sa school. Pero *sobs* akala 'ko nung una si Jiyeon lang..." Nakikinig lang ako sa mga kwento niya, sinusubukan 'kong kumalma. Kahit deep inside gusto 'ko ng sapakin yung boyfriend nitong panget na 'to! "Tapos 'di nagtagal nadagdagan ng Naeun... Akala 'ko hanggang dun nalang yun eh pero nung isang araw nabalitaan 'ko may Suzy pa pala siya...." Tapos humagulgol lang siya. Wala akong magawa kundi yakapin nalang siya, at iniisip ko kung ako na sa lagay ni Myungsoo... Tuturing 'ko 'tong prinsesa, aalagaan at ibibigay ang mundo 'ko sakanya. Hinding hindi 'ko hahayaan na umiyak ng ganito. Ipaparamdam 'ko sakanya na siya lang at wala ng iba. Kaso hindi ako si Myungsoo, at mas lalo hindi naman ako lalaki para gawin yun. Inangat 'ko yung ulo niyang nakayakap saakin, tinitigan yung mga namamaga niya mata... Kailan kaya babalik 'to sa dati? Kailan babalik yung kinang nito. Inaayos 'ko yung buhok niya at hinawakan 'ko ang kanyang kamay...

"Krystal..."

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
agentllama08
#1
Chapter 21: Luhhhh ang bitin naman update na po author please
imnoGoo
#2
Chapter 21: LUUH!!! BITIN NAMAN EHHH!!!:(
imnoGoo
#3
Hala! Tagalog, ang galing!!:))
kryberholic_arrace
#4
Chapter 19: Tanginang ugali ni myungsoo dito!! Gago ba sya? Manampal daw ba ng babae!? Nakooooow -.-
kaorushin
#5
Chapter 21: kelan mo ito e a-update author-shii???T.T
HiHoHe #6
Can change it to eng ver hais i want to read omgggg
_pop_princess_22 #7
Grabe love na love ko na toh kahit prologue palang and the video makes me more interesting sa story and i have wattpad too ! At staka Author i hope i can add you even in wattpad and oh ill add you here in AsianFanfic (sabihin mo pangalan mo sa wattpad so i can add you ) ^_^
slho901
#8
so sad.... i cannot read Filipino . will sure read it if it is English.
Matthew90210 #9
It's a bummer that I can't understand Filipino but I just want to say, you did a good job with editing the video together! Hope you write more stories, maybe in English next time? :D KEEP IT UP, AUTHOR!
schindlee
#10
right click mo yung video tapos copy embed code. Then hanapin mo dito sa editor yung "Paste Link" na option, yun, malalagay mo video