↣ Chapter 1

Third Chances (KryBer and MyungStal)

Krystal's Point of view.

 

"Nakakainis naman!" Bulong ko sa sarili ko habang nagmamadali ako papasok sa school. Eh paano naman kasi? First day na first day, late ako nagising! Hindi pa siguro nakakamove on 'tong katawan ko sa bakasyon, puro puyat kase ginawa ko hahaha. Ayan tuloy, nahirapan mag adjust.

Kaya tinext ko si Sulli, tinanong ko sakanya kung anong room number namin. Same room daw kase kami. Buti naman mabilis siyang nakapag-reply.

"From: Sulli

Room 112 tayo, hahaha. Bilisan mo baka dumating na yung teacher!"

Nung tapos ko na basahin yung message, dali dali ako umakyat papunta sa room. Mahirap ng malate, madadagdagan lang kamalasan ko ngayon araw.

Si Sulli yung bestfriend ko since birth. Oo, since birth. Mag bestfriends din kase mga Mama namin. Kaya ayon, kung saan siya nandun ako. Kung nasaan ako nandun rin siya. Para nga kaming kambal kase di kami magawang ipaghiwalay. Siya yung tipong tao na ang daming alam pagdating sa kalokohan!

Sa wakas, pagkatapos ng ilang minuto nakarating na rin ako sa room ko. Halos malaglag panga ko pagka pasok ko, eh paano naman kase? Puro lalaki dito sa room, wala man lang ni-isang babae! Wala rin ako ni-isang kakilala, puro mga hindi 'ko naging kaklase. Nasaan na ba 'tong si Sulli? Sabi niya magka-room kami?! Hays. Ginu-good time nanaman siguro ako nun. Humanda talaga yun saakin pag nagkita kami!

Napaface palm na lang ako at yumuko habang tahimik na pumunta sa bakanteng upuan sa harapan. "Dapat talaga lumipat na ko ng school e." Bulong ko sa sarili ko na halos mangiyak-ngiyak na. Eh paano ba naman? Pinaguusapan ako ng mga lalaki sa likuran!

"Hi miss, vacant ka ba mamayang lunch?" "Miss, dito ka nalang umupo sa tabi ko oh."
"Uy pahingi nga ng digits mo." Tapos magtatawanan sila. Bwiset talaga pag ako lang talaga yung babae dito magpapadrop talaga ako ng wala sa oras. Tapos may biglang tumabi saakin at sabay kumalabit.

"Uy Krystal, mukhang naligaw ka ata?" Sabi saakin ni Sehun. Salamat sa Diyos may kakilala rin pala ako dito kahit pa-paano!

Si Sehun, kaklase ko siya last year, medyo close din kami kahit pa-paano kase naging ka seatmate ko siya nung 3rd Quarter last year. Buti nalang nandito siya, pero ano? Anong pinagsasabi nito? Anong naligaw? Nababaliw na ba 'to?

"Uy hahaha, anong naligaw? Di kita gets." Tanong ko sakanya.

"Sa room 112 kasi kayong mga babae, tas kaming mga lalaki dito sa room 111. Hindi mo ba narinig yung announcement kanina?" Napalaki nalang mata ko sa sinabi niya.

"Pinagloloko mo nanaman ako Sehun, eh room 112 'to eh"

Binatukan niya 'ko "Baliw! Room 111 kase 'to!" Tas bigla siyang tumawa ng malakas.

Kamalasan naman talaga! Na-mali pa yung pasok kong room, pinasalamatan ko siya at agad agad akong pumasok sa kabilang room. Hays, nandito pala mga ka-uri ko. Nakita ko rin tong sila Sulli, Luna at Victoria na naguusap.  Silang tatlo yung mga ka-barkada 'ko dito sa school, ang dami rin nilang alam na kalokohan sa buhay e. Nahawa siguro kay Sulli, hahahaha.

"Uy girl! Bakit ngayon ka lang?" Tanong saakin ni Luna.

Inirapan ko siya "Naligaw lang naman ako ng room." Sabi ko sakanya.

"Omg don't tell me napunta ka dun sa room 111? Hahahahaha!" Tawang tawa silang tatlo sa sinabi ko.

"Pwede ba? Tigil-tigilan niyo 'ko! Ang malas na nga ng araw ko tas makikisabay pa kayo?!" Naiinis kong sinabi sakanya.

"Sorry sis, upo ka nalang sa tabi--" Tas biglang nagulat si Sulli. "Wtf? Nasaan na yung vacant chair dito?!" Sigaw niya.

"Obviously, may nakaupo na. Uupo nalang ako dun sa vacant chair banda sa likuran." At umupo na 'ko dun. Ang tagal pa nung teacher namin dumating kaya napagisipan ko muna maglaro ng games, ang boring kasi.

Hindi nagtagal dumating na rin 'tong teacher namin, ang lupet niya huh? 25 minutes late. Sana hindi nalang siya pumasok, ano?

"Good morning class!" Bati nung teacher namin. "I'm Mrs. Lee. Sorry kung late ako, nagkaroon kase ng emergency meeting sa faculty tungkol sa mga sections."

Tapos may biglang pumasok sa back door, nung una hindi ko nalang siya pinansin at patuloy pa rin ako sa paglalaro ng cellphone ko. At bigla siyang umupo sa tabi ko kaya napatingin ako sakanya.

"Sir, naligaw ba kayo ng room?" Bigla nalang lumabas sa bibig ko. Nako, hindi lang pala ako yung ta-tanga dito sa mundo! Pero pagkatapos 'kong sabihin yun bigla silang nagsi-tawanan. Hala? Hindi naman ako nagjojoke, bakit sila tumatawa? Ako na nga 'tong concerned sa tao, ako pa pagtatawanan?!

"Babae ako miss." Seryoso niyang sinabi saakin. "Good morning pala Mrs. Lee, sorry po kung late po ako." Dagdag niya pa. Namula nalang ako sa sobrang hiya. Mukha naman kasi talaga siyang lalaki! Huhuhu ang malas talaga ng araw na 'to.

"It's alright Amber. Pwede ka ng umupo." Sabi ni Ms. Lee.

Amber pala pangalan niya? Pfft ang girly. Hahahahaha! Kung ano naman ikina-angas ng porma niya, yun naman ikina-girlaloo ng pangalan niya?! Hahahaha!

"Okay class, since hindi naman tayo magkakakilala lahat dito. Naisip 'kong magkaroon muna tayo ng short activity. What do you think?" Sumangayon naman yung mga classmates ko, maliban saakin. Nagfofocus kase ako dito sa nilalaro ko.

"Okay class, face your seatmate. Bibigyan ko kayo ng 20 minutes para magusap."

Inoff ko yung cellphone ko at humarap ako sakanya ng dahan dahan. Eh nahihiya pa rin kasi ako sa ginawa ko kanina, hindi ko nga siya magawang tingnan sa mata e.

"Hi I'm Amber, at babae ako. And you are?" Nakipagshake hands siya saakin.

"Krystal. Sorry dun sa sinabi ko kanina, akala ko talaga lalaki ka." Nakipagshake hands din ako.

"Ah wala yon, sanay na ko." Walang gana niyang reply.

"Pero sana hindi ka ma-offend sa tanong ko, lesbi ka ba?" I curiously asked her.

"Nah, straight ako Krys. Mas straight pa 'ko sa ruler, hahahahaha! Boyish lang talaga ako." Patawa niyang sagot. "Eh ako may tanong sayo." Dagdag niya pa.

"Ano yun?" Seryoso kong sagot.

"Bakit ang panget mo?"

 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
agentllama08
#1
Chapter 21: Luhhhh ang bitin naman update na po author please
imnoGoo
#2
Chapter 21: LUUH!!! BITIN NAMAN EHHH!!!:(
imnoGoo
#3
Hala! Tagalog, ang galing!!:))
kryberholic_arrace
#4
Chapter 19: Tanginang ugali ni myungsoo dito!! Gago ba sya? Manampal daw ba ng babae!? Nakooooow -.-
kaorushin
#5
Chapter 21: kelan mo ito e a-update author-shii???T.T
HiHoHe #6
Can change it to eng ver hais i want to read omgggg
_pop_princess_22 #7
Grabe love na love ko na toh kahit prologue palang and the video makes me more interesting sa story and i have wattpad too ! At staka Author i hope i can add you even in wattpad and oh ill add you here in AsianFanfic (sabihin mo pangalan mo sa wattpad so i can add you ) ^_^
slho901
#8
so sad.... i cannot read Filipino . will sure read it if it is English.
Matthew90210 #9
It's a bummer that I can't understand Filipino but I just want to say, you did a good job with editing the video together! Hope you write more stories, maybe in English next time? :D KEEP IT UP, AUTHOR!
schindlee
#10
right click mo yung video tapos copy embed code. Then hanapin mo dito sa editor yung "Paste Link" na option, yun, malalagay mo video