Chapter 4

Haharapin ang Lahat

-Chapter Four-

            "Ma? Pa?" Mukhang wala yata sila dito sa bahay. 'Di naman nila kasi ugaling di sumagot eh. Sige na nga papasok na lang ako. Teka, susunduin nga pala ako ni Jeremy.

            "Kia." Hindi pa naman pumapalya ang pandinig ko.. Pero totoo ba? Narinig ko ang boses niya? Tumingin ako sa nagsalita't tama nga ako!

            "Richard!" Sigaw ko't niyakap siya agad. "Namiss kitang lalaki ka!" He's my cousin. Ang panganay sa dalawa kong pinsan dito sa Manila. Actually tatlong buwan lang ang tanda niya sa'kin kaya naman ka-year ko siya.

            "Isip bata!" Natatawa niyang sabi at pininch pa ang ilong ko. "Ni hao?" Ni hao means kamusta. Chinese kaming tatlong magpipinsan. Half chinese. Magkapatid ang Dad nila at si Mama. Hindi ganon kaclose ang mga magulang namin pero dahil close kaming magpipinsan ay naging dahilan na iyon para maging maayos naman ang pakikitungo nila tita't tito sa'min and vice versa.

            "Hao. Ni?" /Fine. You?/ Pag magkasama kami sa mall ay napagkakamalan kaming lovers. Pero ang totoo magpinsan kami, pero kapatid ang turing namin sa isa't isa.

            Napakagentleman ng pinsan kong ito, he's almost perfect kaya di na ko nagtataka kung paano siya naging habulin ng mga babae. Well, he's the ideal guy para sa mga babae. Pero wala siyang pinapansin. 'Loving someone more than you love your self would be your greatest mistake in life' yan ang motto niya sa buhay. Dahil minsan na siyang nagmahal at nang iwan siya nito ay ayan! Ayaw na niyang magmahal. That's why nagpapakabusy na lang siya sa kumpanya nila. Ang katwiran niya dadating din daw ang time na magmamahal siya ulit. But not now.. Masyado niyang minahal ang first love niya kaya masyado din siyang nasaktan.

            "Wo ie hao." /I am fine./ Parehas kaming lumabas nang may nagdoorbell. Baka si Jeremy na iyan..

            "Good morning hon.." Nakangiting bati sa'kin ni Jeremy pero bahagyang kumunot ang noo niya nang mapansing may katabi pala ako.

            "Who's that Kia?"

            "Sino siya hon?"

            Sabay nilang tanong. Pinakilala ko naman sila sa isa't isa at nagshake hands naman sila. Pero bakit parang may tensyon? O napapraning lang ako? Nagpaalam na lang ako kay pinsan na mauna kami ni Jeremy dahil baka malate pa kami sa klase kahit masyado pang maaga. Tumango lang si insan at pinag-iingat na lang kami.

            Tahimik lang kami habang on the way kami papuntang school. "Hon, ano ba yung surprise na sinasabi niyo kagabi?"

            "Pagdating na lang natin sa university." Nakangiting sagot niya. Hindi na lang ako kumibo at naghintay hanggang makarating na kami sa university.

            "Kiana!" Ito ba yung surpresang sinasabi nila sa'kin?

            "Kiana! Hindi ka ba masaya't andito kami?" Nagtatakang tanong ni Mariel sa'kin.

            "Masaya syempre!" Sabi ko't ngumiti sa kanila ni Johara.

            Nakita ko namang nagtatawanan sila Jeremy, Mark, Ian at Bryan. Great. Sa wakas madami na din kami pagbreak time na. Mararanasan ko na ding magkaroon ng kaibigan sa school na ito.

            Dahil matagal pa naman ang start ng klase namin ay nagkwentuhan muna kami. Madami akong nalaman tungkol sa kanila.

            Si Mark ay ang pinakabaliw sa magkakaibigan, ayon sa kanila ay lapitin daw ito ng mga babae dahil madali lang naman daw itong mahalin, pero wala naman daw siyang nagustuhan sa mga iyon hanggang sa dumating daw si Mariel sa buhay niya. Since second year highschool pa daw silang mag-on.

            Si Mariel naman daw ay mahilig sa mga parties at ayon sa kanya ay sa isa sa mga parties na nadaluhan niya nakilala si Mark. Mahilig daw siya sa pag-aayos ng sarili.

            Si Ian naman ay ang dating heartbreaker. Siya daw ang collector ng mga babae. Pero nakahanap daw siya ng katapat nang makilala niya si Johara.

            Johara, siya ang y type ng grupo. Ayon kay Mariel at Bryan, mga pinsan niya, si Johara ang pinakamabait na taong makikilala mo noon. Pero bigla na lang daw siyang nagbago matapos ang mga masasakit na pinagdaanan niya.

            Ang single ng grupo, si Bryan. Namatay daw ang first gf niya't di pa siya nakakapagmove-on. Tahimik lang daw ito pero magulo na pag silang magbabarkada na ang magkakasama.

            Lahat sila mayayaman. Kapantay ng tatlong lalaki si Jeremy sa yaman. Magkababata din daw sila kaya ganon na lang ang pagsasamahan nila.

  ----------------------------------------------------

            Sumasakit ang ulo ni Lorna dahil sa babaeng pinakilala sa kanya ng anak niya kagabi. Kanina pa siya nag-iisip kung paano sila mapaghihiwalay. Alam niyang hindi nila kapantay ito sa lipunan kaya't hindi niya hahayaang mapalapit ito sa pamilya nila. Hindi niya hahayaang masira ang plano niya dahil lang sa babaeng iyon. Matagal ding panahon ang sinakripisyo niya sa kanyang mga anak, kaya hindi siya makakapayag na masira ang buhay ng kahit sinuman sa mga ito. Lalong-lalo na ang nag-iisa nilang anak na lalaking magmamana ng halos lahat ng pagmamay-ari nilang mag-asawa, si Jeremy. Ang tinatak niya sa isip niya ay kailangang iligpit lahat ng nakakalat, at sa ngayon ay ang babaeng ito ang kalat na kailangan niyang iligpit.

            Agad niyang kinuha ang cellphone niya at nagdial, "Hello.. Yes, Kiana Martinez is the name.. Wala akong pakialam.. Basta lahat ng bagay na may kinalaman sa kanya.. As soon as possible.. Bye!" Isang ngiting puno ng tagumpay ang makikita ngayon sa mukha ng isang Lorna Fuentes. "One wrong move, and you're dead.."

 ----------------------------------------------------

            "I'm warning you Kiana, hindi basta basta ang makakabangga mo.. Kailangan mong maging matatag.." Paalala sa akin ni Johara. Kanina pa ko kinukulit nito at ni Mariel na kailangan ko daw maging matatag at wag daw agad akong patatalo. Pero hindi naman nila sinasabi kung bakit. Pag tinatanong ko, iiling lang sila at ngingiti. Ang weird nila ngayon at talagang hindi ko sila maintindihan.

            "Pag kailangan mo ng tulong, andito lang kami Kiana.. Handang tumulong sa iyo.." Sabi pa ni Mariel na lalong nagpagulo ng  magulo kong utak. Kaya lumabas na lang kami at dumiretso na sa table namin. Yes may table na nakalaan para sa aming pito. Ganyan talaga pag kaibigan mo ang may-ari ng school, wala kang problema sa paligid. Si Bryan kasi ang may-ari nito kaya wala ng problema..

            “Tingin niyo manggugulo talaga si Tita?” Biglang tanong ni Mark nang matahimik kami. Kanina pa kasi kami maingay dito sa canteen dahil sa mga pinagke-kwentuhan naming.

            “Alam mo naman si Tita pre, hindi siya tumitigil hanggang hindi niya nakukuha ang gusto.” Walang ganang sagot ni Bryan.

            Hindi na nila kailangan pang sabihin kung sino. Maliwanag naman na ang Mom ni Jeremy ang tinutukoy nila at kami ang sinasabi nilang guguluhin nito. Pero ang pinagtataka ko lang bakit parang napaka big deal sa kanila iyong “panggugulong” sinasabi nila.

            “Subukan lang niya..” Malamig. Iyong salitang iyon lamang ang makakapaglarawan sa boses ni Jeremy nang sabihin niya iyon. Tila ba nagbabanta siya.

            Para namang nagflashback ang mga sinabi kanina sa akin nila Johara at Mariel. Siguro ay ito din ang tinutukoy nila kanina. Hindi lang nila masabi sa akin ng diretso. Pero sana sinabi na lang nila kanina para naman hindi na ko nag-isip pa.. Lalo lang gumulo ang utak ko.

            “Jeremy, alam nating lahat ang kayang gawin ni Tita. Sigurado ka bang makakaya niyo?” Tanong ni Ian. Si Jeremy ang kausap niya pero sa akin siya nakatingin. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Johara.

            “Ayoko ng pinagsasabi mo, Ian.. Hindi ko nagugustuhan ang ideyang pumapasok diyan sa utak mo..”

            “Pero alam naman natin ang katotohan..” Dipensa naman ni Ian sa sarili niya.

            “Alam na kung alam. Pero may mga katotohanang hindi na dapat sinasabi pa lalo na kung nakakasakit ng iba. Just shut your mouth honey.. Just shut up.”

            “Katotohanan lang ang alam natin Ian. Wag mong mamasamain pero hindi pa natin alam ang mangyayari. Dahil walang kwenta ang katotohanang iyan kung hindi rin naman iyan ang mangyayari sa huli..” Nakangiti kong sabi naman kay Ian na siyang naging dahilan ng paghigpit ng hawak ni Jeremy sa kaliwang kamay ko.

            “Basta andito lang kami pre. Hindi ka naming iiwan.” Nakangiting pangungumbinsi ni Bryan kay Jeremy at mahina pa itong sinuntok sa kaliwang braso. Nakita ko namang napangiti si Jeremy sa narinig at binawian din ang kaibigan.

            Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Matapos ang klase ay inihatid ulit ako ni Jeremy pauwi. Pagbaba ko ng sasakyan niya, nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Parang wala ng bukas.. “Just promise me one thing hon..”

            Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Promise? Susuko ba siya? “S-sige.. Ano ba iyon hon?” Nauutal kong tanong sa kanya. Para ba kasing ayaw makisama ng dila ko. Pakiramdam ko noong mga oras na iyon ay naubusan ako ng mga salita.

            “Never leave me. Ano man ang mangyari.. ‘Di mo ko iiwan.. Ipangako mo sa’kin..”

            Para bang kung may anong kumirot at nagpasikip sa puso ko.. Maipapangako ko nga ba? Kaya ko ba talaga? Kasi kung mangangako ako, hindi ba parang unfair sa kanya? Kaya niya akong ipaglaban. Pero ako hindi sigurado kung kaya ko ba talaga.

            “Hon..”

           “Mangako ka lang.. Iyon ang panghuhugutan ko ng lakas sa mga susunod na araw nakakaharapin ko.. Natin.. Ipangako mo sa akin na makakasama kita sa mga darating na araw.”

            “Promise.. Hindi kita iiwan. Promise, kasama mo ko sa mga laban na iyan.. Promise, walang makapaghihiwalay sa atin.. Hindi ko papayagan ang sinuman na manggugulo sa atin.. Promise ‘yan..”

            Promises are meant to be broken.. Kaya ayokong mangako kasi masasaktan ko lang siya.. Kasi ayokong nangangako, gusto ko basta na lang gagawin. Kasi tulad ng sabi niya iyong promise ko ang panghahawakan niya sa mga darating na araw. Pero walang nakakaalam na kung ang pangakong binitiwan ko rin ba ang makakapanakit sa kanya sa mga darating na araw.

            Hindi ko sinasabing iiwanan ko siya.. Hindi ko sinasabing may balak akong saktan at paasahin siya. Pero hindi ko alam ang pwedeng magyari sa mga susunod na araw. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang lumaban kung.. Kung iba na ang sitwasyon ko.. Kung ang pagsabay ko sa paglaban niya para sa amin ay masasaktan ko na siya.. Paano kung ang tamang pinaglalaban namin ay maging mali? Ni minsan ay hindi ko naisip na darating iyong araw na kailangan na naming mamili kung ano ang susundin namin..

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet