Chapter 3

Haharapin ang Lahat

-Chapter Three-

            "Isasama mo ko sa kasal ng ate mo?!" Parang gusto ko siyang puntahan para lang mabatukan. Kausap ko lang kasi siya ngayon sa cellphone.

            "Bakit? Masama ba iyon? Girlfriend kita at ikaw ang papakasalan ko after ng graduation. Dapat lang sigurong ipakilala kita sa pamilya ko. Para makita nila kung gaano kaganda ang girlfriend ko."

            Okay, kinilig naman ako dun.. At parang magic na humupa ang galit ko sa kanya. Ay mali, hindi ako galit.. Nagulat lang pala ako. Kasi naman mamaya na kaya ang kasal ng ate niya mamayang 9 am! And 6:36 am na ngayon! Pero wala pa kong masusuot..

            Hindi sa ganon kami kahirap, ayoko lang talaga ng mga dress and gown hanggat maaari. Kaya puro jeans lang ang laman ng damitan ko.

            "But.. Wala pa kong masusuot! At isa pa, wala pang bukas na shop para makabili ako!"

            "Hintayin mo ko dyan.." Tapos ini-end na niya yung call. Jusme, ano naman kaya ang iniisip nun? Knowing Jeremy, pag sinabi niya sinabi niya.

            After 10 minutes ay dumating na siya sa bahay at agad naman akong pinasakay ng kotse niya. Pupunta daw kami sa bahay ng girlfriend ng tropa niya.Pagdating na pagdating namin sa bahay ng girlfriend ng tropa niya ay agad akong niyakap ng isang babae.

            "Sa wakas! Nakita ko na din ang babaeng kinikwento sa'kin ni Mark!" Sabi nito at saka siya kumalas sa pagkakayakap sa'kin at hinarap si Jeremy. "Hindi mo ko ipapakilala sa kanya?" Pataray niyang tanong.

            Nginitian lang siya ni Jeremy, "Hon, meet Mariel, Mark's girl, isa si Mark sa mga kaibigan ko. Mariel, siya si Kiana. Siya ang kinikwento ni Mark na  kinahuhumalingan kong babae." Namula naman ako sa pagpapakilala niya sa'kin 'kinahuhumalingan'..

            "Ano't naparito kayo sa mansyon ko?" Tanong ni Mariel.

            Maganda siya, morena, matangkad pang model ang taas. Fashionista ang dating. Damit pa lang ay sigurado na kong mamahalin. Idagdag mo pa ang heels niya. Weird.. Nasa bahay pero parang nasa party.. But she looks nice.

            "Ahm, Kiana, ganito nga pala kami mag-usap usap ng mga kaibigan ni Jeremy mo kaya sana wag kang matakot sa'kin." Natatawang paliwanag niya sa'kin.

            "Okay lang.. Masasanay din ako.. Siguro.." Mahina kong sagot at saka yumuko uli.Natawa naman siya sa inasta ko at pinaupo kami.

            "So Jeremy, anong sadya mo? Ang sabi kasi ni Mark, ay hindi mo pa pinapakilala itong si Kiana sa kanila dahil baka maagawan ka. Kaya alam kong may pakay ka sa pagpunta mo dito kasama siya.. At talaga namang dapat kang matakot maagawan dahil maganda ang gf mo at mabait pa. I like her.. Mga katangiang wala ako.."

            "Ang daldal talaga ng Mark mo. At madaldal ka din, no wonder, nagkagustuhan kayo. You compliment each other.." Natatawang sagot ni Jeremy.

            "Don't beat around the bush now Jeremy."

            "Fine. Ayusan mo siya, I want her to be more beautiful.. Before 8 dapat tapos na. Kasal ng ate ko.. At alam kong inimbitahan din naman ang lahat ng tropa.. Now move!"

            "Jeremy! Kainis ka talaga! Nakakahiya!" Angal ko sa gusto niya. Aba't akalain mong inutusan pa si Mariel.

            "Okay lang sa'kin Kiana! At sakapagagandahin kita lalo para di ka na mapakawalan nitong lalaking 'to." Kumindat pa siya sa'kin at saka hinila ako paakyat sa isang kwarto.

            Napahanga ako sa ganda ng kwartong iyon. All pink, hindi naman ako mahilig sa pink pero iba kasi ang aura nito.

            "My room.." Nakangiting sabi niya at saka ako pinaupo sa may harap ng malaking salamin.

            "Ang ganda naman ng kwarto mo.." Nakangiti ko ring papuri.

            "Thank you.. Now, shall we start?" Tumango na lang ako as my response, at sinimulan na niya akong ayusan.

            Pinilian lang niya muna ako ng dress na babagay sa'kin na ayon sa kanya ay hindi pa niya nasusuot. Madami siyang pinasubok sa'kin, hanggang sa kinuha niya ang isang napakagandang white dress.

            "Wala na kong makikitang mas gaganda pa sa'yo pag ito ang suot mo Kiana, ang hirap ngang magdecide kasi bagay naman sa'yo lahat. Upo ka na dito.." Umupo naman ako sa may upuan na nakaharap sa isang salamin. "Para maayusan na kita.."

            Minake-upan niya ko pero light lang. Tapos ay inayos din niya ang buhok ko. Kinulot niya iyon sa may bandang ibaba lang.

            Sa di malamang kadahilanan ay magaan ang loob ko Mariel. Hindi dahil sa inaayusan niya ko ngayon, kundi dahil sa mga naging usapan na din namin habang inaasikaso niya ko. Masayahin siyang tao at talagang halos matawa siya sa mga pinagkekwento ko tungkol sa'kin at kay Jeremy. Walang halong kaplastikan sa tawa niya at talagang mararamdaman mo na totoo iyon.

            "Pero sa totoo lang Kia, ngayon ko lang nakita sa mga mata ni Jeremy yung ganong mga tingin niya sa isang babae.. Those eyes of him.. Full of love.."

            "Bakit Mariel, ano ba si Jeremy dati?" Hindi naman siya siguro casanova o gangster tulad ng mga nababasa at napapanood ko.. Hindi ko din naman ma-imagine na ang isang katulad ni Jeremy ay ganon dati. I just can't.. Hindi sa hindi ko kayang tanggapin ang dating siya pero.. Hindi akma sa ugali niya..

            Sweet siya? Oo napakasweet niya na kaya niyang mapaumay ang mga langgam sa sobrang kasweetan niya, but not like those casanovas na OA na ang pagkasweet. Kung kay Jeremy ay mauumay ang mga langgam, sa mga casanova ay nakakamatay na ng langgam.

            Cool siya? Matapang siya? Malakas siya? Oo, cool, matapang at malakas ang boyfriend ko. Pero lalaki siya, and I think normal naman iyon sa lalaki. He may act like a gangster, but he's NOT a gangster. Ang mga gangster ay iyong basagulero. Ang mga gangster ay iyong weird manamit at weird din ang pagkatao.

            "Nothing.. He's nothing bago ka niya nakilala. Normal na tao siya, pero masasabi mo bang normal ang isang taong walang emosyon? Ang taong humihinga lang dahil kailangan?"

            Walang emosyon? Bakit? "Hindi kita maintindihan Mariel.. Walang emosyon? Bakit? Humihinga dahil kailangan lang? Don't tell me namatayan siya ng girlfriend, kaibigan, magulang--teka? Buhay pa naman ang mga magulang niya di ba? O di kaya ay broken hearted siya at ako ang nagpatibok mu--" Tumigil ako sa pagsasalita dahil nabitawan niya ang blower at tawa na siya ng tawa. "Mariel naman eh.."

            "Sorry na-hahaha-kakatawa-hahaha-lang ta-hahaha-laga-hahaha-eh." Hindi pa din siya matigil kaya pinanood ko na lang siya habang halos mamatay matay na siya kakatawa.

            Napatigil naman siya sa kakatawa ng may kumatok sa pinto. "Ayos lang ba kayo diyan? Hon? Mariel? May narinig kasi akong kumalabog.." Si Jeremy.

            "We're okay Jeremy, blower lang iyon at buhay pa naman ang 'Hon' mo.." Natatawa pa rin niyang sabi pero hindi niya binuksan iyong pinto sa halip ay pinulot niya yung blower at nagsimula ulit sa pag-aayos sa'kin.

            "Sunud-sunuran lang yan  kasi sa Mom and Dad niya noon. Feeling niya walang silbi ang buhay niya but nang dumating ka, I believe pinatunayan mo sa kanyang may halaga ang buhay niya.. I hope, hindi mo siyang iiwan.." Bulong niya sa'kin.

            Muli ay narinig namin ang boses ni Jeremy. "Bilisan niyo diyan. Nasa baba lang ako. Dun muna ko hon, I love you.."

            Bumilis ang tibok ng puso ko.. Simpleng 'I love you' at 'hon' lang niya nagiging ganito nanaman ako.. Mula nang mahalin ko siya naging abnormal na yata itong puso ko..

            "I-I love you too.. Hon.."

            "Ang sweet niyo ah.." Nakangiting puna ni Mariel sa'min.

           Matapos ang medyo matagal na pag-aayos sa'kin ni Mariel ay bigla akong kinabahan natatakot akong bumaba. Pero nang makumbinsi nya kong maganda ako ay bumaba na rin ako ng nakayuko. Nakayuko kasi nahihiya ako. Paano kung hindi magustuhan ni Jeremy? Paano kung malabo lang ang mata ni Mariel? Pero lahat ng mga 'paanong' iyon ay naglaho nang makita ko siyang nakangiti habang pinagmamasdan ako sa harap niya.

            "You're beautiful.." Namula naman ako sa sinabi niya.

            "Thank you.." pabulong kong sagot.

            Napansin kong nakabihis na pala si Jeremy. Nakablack siyang tuxedo at white ang necktie niya. Bagay na bagay sa kanya at talagang gumwapo pa lalo ang lalaking 'to.

            "Sige.. Kayong dalawa diyan, pag kayo nalate.." Nakangiting saway sa'min ni Mariel habang pababa siya. Nakapag-ayos na din siya ng sarili niya. Lalo siyang gumanda sa pink dress niya. Mahilig pala talaga siya sa pink..

            "Mauna na kayo, aantayin ko pa-- ayan na pala 'tong kumag na 'to!" Nakangiting sabi nito at sinalubong ng yakap ang isang lalaking pumasok. Gwapo din ito tulad ni Jeremy pero talagang mas gwapo lang talaga ang boyfriend ko. Sa'kin siya nakatingin tapos ay nilipat niya ang tingin niya kay Jeremy.

            "Don't tell me Jeremy na siya ang girlfriend mo na sinasabi mo?" Tanong nito at saka nilahad ang palad sa'kin.

            "Yeah. My girlfriend. Kiana." Nakangiti at proud na sagot ni Jeremy at inakbayan pa talaga ako.

            Tinanggap ko naman ang pakikipagkamay niya sa'kin. "Hi! I'm Mark!"

            "Hello. I'm Kiana."

            "Nice meeting you." Sabi niya't binitawan na ang kamay ko.

            "Same here."

            "Mukhang magkakilala na kayo nitong babaeng 'to kaya hindi na kailangan ng mahabang pagpapakilala." Sabi nito't inakbayan din si Mariel. Natatawang siniko naman siya nito sa may tiyan.

            "Tara na! Baka malapit na magsimula ang kasal." Yaya ni Jeremy sa'min. Napagpasyahang sa kotse na lang kami ni Jeremy sasakay para makapagkwentuhan pa habang nasa biyahe. Ako ang katabi niya habang nagda-drive sya samantalang nasa likod naman at magkatabi sila Mark at Mariel. Maingay sa buong biyahe dahil dalawang iyon. Kung anu-ano lang ang napag-uusapan. Nagtanong tanong sila kung paano kami nagkakilala.

            "School mate ko 'tong si hon. Tapos nagkakilala kami nang naglalaro kaming magkakaklase ng basketball.. Matatamaan siya ng bola pero hindi manlang siya gumagalaw para umilag kaya sinalo ko na lang agad yung bola at tinapon pabalik sa mga kalaro ko.."

            Napayuko ako nang maalala ko iyong pangyayaring iyon. Nakakahiya kasi iyong pangyayaring iyon. Talagang nakakahiya na parang gusto kong bumukas na lang bigla yung kinatatayuan ko at lamunin ako, matapos kong mapag-isipan ang ginawa ko.

            "Tapos pagkaharap ko sa kanya, sinampal niya ko--" Namula ako lalo sa ala-alang iyon. Balak ba talaga niya kong pahiyain?

            "Oh?! Bakit naman?!" Sabay na tanong ng dalawa. Kasabay ng pagtanong nilang iyon ay ang paghiling ko na sana hindi na lang nila natanong..

           "Oh bakit daw hon?" Natatawang pasa niya sa'kin ng tanong. Talagang balak niyang ako pa ang sasagot ah! Parang gusto ko tuloy siyang iumpog ngayon sa manibelang hawak hawak niya. Kaso siya kasi ang nagda-drive, ayoko pa namang mamatay. At madadamay pa sila Mariel at Mark. Hindi naman ganon kalala ang galit ko sa kanya.. Siguro pag lumala na lang..

            "K-Kasi, ako dapat magpapasa nung bola tas umepal siya.." Mahina kong sagot. Tawa naman ng tawa yung dalawa sa dahilan ko.

            Eh, kasi let me explain, ang mga pinsan ko nga kasi puros lalaki di ba? Kaya ayun, natuto akong magbasketball dahil sa kanila. Nang magcollege ako, pinastop na nila ko sa pagba-basketball, dahil dapat daw magpaka dalagang pilipina ako. Kaya simula non di na ko nakakapaglaro ng sport na yun. Kaya nung time na nakita ko yung bola, sabi ko sa sarili ko, pagkakataon ko na.. Tas ayun, biglang sumulpot yang si Jeremy, kaya nainis ako..

            "What the?! Kakaiba ka ah! Hahahaha." Natatawang sabi ni Mark.

            "I really like you Kiana! Hahahaha! Lagi mo kong pinapatawa!" Sabi naman ni  Mariel. Sige lang tawanan niyo pa ko.. Mag one on one kaya kami sa basketball? Para malaman nila kung bakit..

            "Then simula nun, niligawan ko na siya. Five months and twenty four days bago niya ko sinagot.."

          Tama, five months ko siyang pinag-antay.. Aba'y akala niyo nung lumuhod siya noong--kailan na nga ba iyon? Tama noong February 21, ay yun ang first day ng panliligaw niya sa'kin? A big NO! Hindi pa naman ako ganon ka easy to get..

            "Buti't sinagot ka? Dala ba yan ng malabo mong mata, Kiana? Nakalimutan mo siguro salamin mo nung sinagot mo siya.." Natatawang sabi ni Mark. Yes, malabo ang mata ko. Palabo na ng palabo ang paningin ko when I was fifteen years old. As much as possible ayokong magsalamin. Since nakakakilala pa naman ako ng mukha kahit walang tulong ng salamin, ginagamit ko lang iyon pag kailangan na kailangan na.

            So right now, wala akong suot na salamin. Sabi ni Papa, nasa dugo daw namin iyon.. Sabi niya swerte daw siya dahil di niya namana iyon kay Lola. Pero dahil maswerte ako, ako daw ang nagmana.. At ayokong isipin ang mga posibilidad na mangyayari sa'kin.. Hindi ko kaya..

            "Puso ang ginagamit sa pagsagot, pre.. Puso.." Nakangiting sagot ni Jeremy at tinapunan ako ng tingin. Puso? Tingin mo nakakakita ang puso? Masasabi mo pa ba iyan sa mga susunod na taon.. Pag magkasama pa tayo.. Pag tayo pa..

            Hanggang makarating kami sa simbahan ay hindi sila makaget-over sa kwentong iyon.Natapos ang kasal at nang mag party na ay biglang may lumapit na dalang lalaki at may kasama pang isang babae sa kanilang tatlo.

            "Jeremy!" Sigaw ng dalawang lalaki. Parang walang pakialam kahit pa maraming tao.

            "Kayo pala!" Sabi naman ni Jeremy nang makalapit na sila sa'min. Ako agad ang tinumbok ng tatlong pares na mata na iyon.

            "Oh, mga pre, si Kiana, girlfriend ko." Nakangiti at proud na pagpapakilala niya sa'kin sa kanila tulad ng pagpapakila niya sa'kin kay Mark kanina.

            Bineso-beso ako ng babaeng kasama nila. "I'm Johara, nice meeting you.." Nakangiti nitong pagpapakilala.

            "Same here." Nakangiti ko ding sagot. Pero bakas sa mukha ko ang pagkahiya.

            "I'm Ian. Johara's bf." Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. "Buti't nagkaplano kang ipakilala kami sa girlfriend mo." Sabi nito kay Jeremy.

            "Well, sinwerte lang kayo't kasal ng ate ko.." Nakakalokong sagot nito.

            "Bryan. Nice meeting you.." Tulad ni Ian at Mark, ay nakipagkamay din ito.

            "So, Jeremy Fuentes, wala ka bang balak, ipakilala ang girlfriend mo sa Mom mo?" Napatingin kaming lahat sa nagsalita. A beautiful woman, pero sa kagandahang iyon ay may mababakas kang ugaling hindi mo magugustuhan. A witch.. Sa tantiya ko ay mga fifty plus na siya.

            "Tita.." Gulat na bati ng lima. Samantalang parang wala lang naman ito kay Jeremy.

            "Mom, meet Kiana, my girlfriend. Kiana, my Mom Lorna." Walang ganang pagpapakilala samin ni Jeremy sa isa't isa.

            "Good morning po, Mrs. Fuentes.. Kinagagalak ko po kayong makilala." Nakangiti kong sabi.

            Hindi man lang niya ko nginitian. Tinignan lang niya ko, iniscan.. Tinignan paba't pataas. "Kiana what?" Tanong nito sa anak niya.

            "Martinez, mom."

            "Bakit kayo ng anak ko? Kilala mo ba ang pinatulan mo?"

            "Mom!!"

            "Tita.." Sabay na react ng anim..

            Matanda 'to.. Please lang, God, konting pasensya pa po. Ayoko pong mag-eskandalo dito.. "Tita Lorna, simple lang po ang dahilan. Mahal ko ang anak niyo, at opo, kilala ko ang pinatulan ko.." Taas noo kong sagot at nginitian pa siya.

            "How--"

            "Mom!!" That's Eleanor Fuentes Sy, siya ang kinasal na ate ni Jeremy kanina lang. "Leave them alone! Oh god, mom, kakakasal ko lang ko oh!" Kasama nito ang asawa niyang si Edwin Sy.

            "Ay ewan ko sa inyo!" Umalis ang Mom nila saka sabay-sabay na bumuntong hininga ang mga kaibigan ni Jeremy.

            "I'm Eleanor, Jeremy's oldest sis." Tapos ay hinug ako at bineso-beso ako.

            Tinignan naman niya ang asawa niya, "Kiana, Edwin Sy, my hubby.." Tulad ng ginawa namin ng mga kaibigan ni Jeremy ay nakipagkamay din ito sa'kin at sa mga kasama namin.

            "Napatunayan ko na rin sa wakas na lalaki talaga ang bunso namin.." Nakangiting sabi ni Ate Eleanor.

            "Psh." Tanging sagot lang nito. Habang tawa lang ng tawa ang mga kaibigan niya.

            "Hey guys! Gusto niyo bang malaman kung paano nagkakilala si Jeremy at Kiana?" Natatawang tanong ni Mark sa lahat. Inismiran ko lang siya at kwinento na niya ang lahat.

            Matapos makwento iyon ni Mark ay hindi makapaniwala ang lahat sa naging reaksyon ko. Maging ang bayaw at ate ni Jeremy ay hindi makapaniwala at tawa pa ng tawa. Samantalang ako, heto't namumula sa kahihiyan. Eh kasi naman bakit pa kaya yun kwinento ni Mark.

            Maya maya'y tumayo si Ate Eleanor. "Wait lang at may hihilain lang ako papunta dito." Paalam nito.

            "Bati na ba kayo ng mga kaibigan mo Johara?" Biglang tanong ni Ian habang kumakain kami.

            She just rolled her eyes. Hindi ko man ganon kakilala pa si Johara, nava-vibes kong may pagkamaldita't y type ito. She's beautiful, hindi mo maikakaila iyon.

            "What happened ba Jo?" Tanong ni Mariel dito. If Mariel's the good girl here, then masasabing si Johara ang bad girl.

            "Same reason. They cursed me to hell because Ian's my mine now!" Malakas na sabi nito. Walang pakialam sa eskandalong pwede niyang ma-create. Siya yung tipo ng babaeng gusto kong maging ako. Ang pagkapranka niya, ang pagiging matapang.

            Napatigil si Ian sa narinig. "Pinatulan mo pa rin ba sila?" Tanong ulit ni Ian dito. This time may bakas na ng pagkairita.

            "Malamang! I won't let them win, not again.." For the second time, she rolled her eyes heavenward. "They're a bunch of pathetic losers! Ako ang inaagrabiyado kaya dapat lang na lumaban ako." Mataray na sagot nito. "Don't tell me tama sila?" Nakataas ang isang kilay nito habang tinuro pa si Ian ng bread knife.

            I really like her! Diretso pag magsalita.. Dapat siguro'y magpaturo ako sa kanya para naman hindi ako maging mahina..

            "Of course not Jo! Ang akin lang ay wag mo na sana silang pinapansin. Pinapagod mo lang ang sarili mo.." Sagot ni Ian. Malumanay ang boses nito parang kino-comfort nya ito..

            "Yun naman pala eh! Tsaka hayaan mo na lang ako sa mga pinaggagagawa ko sa kanila." Nagpatuloy na ito sa pagkain. Habang napabuntong hininga na lang si Ian at nagpatuloy na lang din sa pagkain.

            Tumikhim na lang si Bryan bago nagsalita ulit. "I think, dapat nating i-hot seat sila Jeremy at Kiana."

            Nahawa na yata ako kay Johara kaya tumirik na din ang mata ko. Wala na kaming nagawa't tinanong na kami ng anim.

            Tawanan.. Yan lang ang maririnig mo sa table namin. Napatigil lang kaming lahat nang marinig namin si Ate Eleanor, "Kiana, my younger sister, Leonora. Leonora, meet Kiana, Jeremy's girlfriend." Automatic na tumaas ang isang kilay nito sa'kin. Aba't mana sa ina!

            "Pinapunta mo ko dito ate, para lang ipakilala siya sa'kin?" Tanong pa niya sa kapatid.

            "Umayos ka Leonora Fuentes." Pinandilatan ito ni Ate Eleanor kaya napilitan akong ibeso-beso at naupo na din. At talagang sa tapat ko pa.

            "Ate, alam mo namang madami akong kausap na tungkol sa business. Tapos akala ko kung anong importante ito."

            "Aren't you glad to meet our younger brother's love?"

            "Well, Mom told me about her.. About their business.."

            "Leonora!" Sabay na awat ng magkapatid dito.

            Business? Fine, may business kami, well, a company.. Pero hindi kalakihan tulad ng kanila.. "Excuse me ma'am, walang kinalaman ang pera dito.." Sabi ko.

            "For you wala.. Pero dahil Fuentes ang--"

            "Dahil Fuentes ang boyfriend ko, may kinalaman ang pera? So ano ang gusto niyong iparating? Di kami pwede dahil mayaman siya't--mayaman din kami, pero hindi ganon kayaman tulad niyo. Para madaling sabihin, mahirap kami para sa inyo. So paghihiwalayin nyo din kami dahil doon? Tell me, do I need to suffer tulad ng bidang babae sa Meteor Garden and Boys over Flowers? Kasi kung ganon, then bring it on. I'm ready to fight for him, for my self. Sorry for interrupting, by the way." Di makapaniwalang nakatingin sa'kin ang lahat. Parang gusto pa nila kong tanungin kung gumagana pa ba ng maayos ang utak ko.

            "Handa ka ba talaga? Kaya mo ba talagang ipaglaban yang--"

            "Leonora, kasama niya ko. Ipaglalaban namin ang isa't isa." Sabi ni Jeremy at hinawakan ang kamay ko.

            Napatingin siya sa kamay naming magkahawak. Parang nagbago ang ekspresyon niya pero binura niya agad ito. "Masyadong madrama. Ayoko sa lahat ay ang madramang eksena. Ipanood niyo na sa’kin lahat wag lang ang drama.. So.. Let's see my dear brother.." Nakangiting sabi nito. "Let's see.." Tumayo na ito at saka umalis.

            "Pasensya na sa babaeng iyon Kiana.." Sincere na paghingi ng tawad ni Ate Eleanor sa'kin.

            "Okay lang Ate, naiintindihan ko naman kasi siya.. Tama siya.." Pinilit kong ngumiti para makumbinsi silang okay lang ako.

            "You won't give up, right? Hindi tayo susuko.." Pinisil pa ni Jeremy ang kamay ko habang nakatitig siya sa mga mata ko.

            I forced a smile. "Of course hon.. I won't.. Kahit anong mangyari.."

            "Basta nakasuporta lang kami sa inyo.." Paninigurado nila sa'min.

            Wala yung Dad nila Jeremy kaya hindi ako napakilala. Ayon kila Jeremy at Eleanor ay mabait daw ito at malayo sa ugali ng Mom nila. Sayang naman.. Hindi ko man lang na-meet. Natapos ang party nang mag-aalas onse na ng gabi at hinatid na ko ni Jeremy sa bahay. May surpresa pa daw sila sa'kin bukas pagpasok. Ano kaya iyon?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet