Chapter 2

Haharapin ang Lahat

-Chapter Two-

            Lumipas ang mga araw na akala mo ay dumadaan lang sandali para bumati. Pero kasabay ng paglipas ng mga araw na iyon ay ang paglalim pa ng pagmamahal namin ni Jeremy. Never niya kong binigo. Never. Hindi siya nagsasawang iparakita’t iparamdam sa’kin na mahal niya ko.

            Ganon din naman ako sa kanya. Sa ngayon ay kasalukuyan kaming bumabiyahe papunta sa isang restaurant para magdate. Kahit pa sabihing araw araw na kaming nagda-date ay hindi ko parin maalis ang kaba at excitement. Hindi pa siya pumapalyang pakiligin ako sa bawat date namin.

            Para naman akong natauhan nang pagbuksan na niya ako ng pinto. Nandito na pala kami. Nginitian ko siya bago tuluyang bumaba. Naglakad kami papasok na magkahawak ang aming mga kamay.

            Pagpasok namin ay napansin kong walang mga kumakain. ‘Hindi na ba kilala ang resto na ito?’ Nang marinig ko ang mga tumutugtog ay parang lumalakas ang kutob ko.. Hindi kaya..

            “Tayong dalawa lang ang nandito, hon. Para lang ito sa date natin.” Nakangiting sabi niya sa’kin. So tama ang hinala ko talagang sinadya niya ito..

            Hindi ko maiwasang kiligin.. Isiping Malaki talaga ang ginastos niya para lang sa date naming ito. At isa pa ay napakalaking effort nito.

            “Hindi mo naman kailangang gawin ito..”

            “Gusto lang naman kitang mapasaya.. Hindi ka ba masaya?”

            “Hindi! Hindi sa ganon hon.. Masaya ako.. Sobrang saya ko..  Wala na yatang mas sasaya pa sa’kin ngayon.. Sino ba ang hindi sasaya sa ganito? Pero.. Alam kong gusmastos ka at---”

            “Hindi ako maghihinayang gumastos ng kahit magkano basta’t para sa’yo.. Para sa ikakasaya mo.. Tandaan mo iyan Kiana.. At isa pa, ako ang lalaki.. Hayaan mo kong mahalin ka hon..” At sa sinabi niyang iyon ay tuluyan ng natunaw ang puso ko.

            Matapos naming kumain ay dinala naman niya ako sa isang garden na malapit lang naman sa resto. Napakaganda ng garden na iyon.. Parang paraiso.. May mga butterflies.. Maraming bulaklak at talagang iba ang aura sa lugar na iyon.

            “Pinagawa ko ito sa magulang ko noong highschool pa lang ako.. Pinangako ko sa sarili ko na wala akong ibang dadalhin dito bukod sa babaeng papakasalan ko..”

            Common na iyong mga iyon hindi ba? Iyong may lugar na pagdadalhan ang isang lalaki tapos sasabihing.. Ganon na nga.. Pero hindi ko maiwasang kiligin kahit pa ilang beses na kong nakakapanood at nakakabasa ng mga ganitong scenes.

            “So bakit mo ko dinala dito?” Ayokong mag-assume, kasi baka masaktan lang ako. Malay mo gusto lang niya talaga akong dalhin dito para ipaalam iyon. Mahirap na, mas gusto kong marinig iyon mula sa kanya.

            “Kasi ikaw lang ang gusto kong pakasalan.. Ikaw lang at wala ng iba pa.. Hinding hindi ako papakasal sa iba anuman ang mangyari.. Tandaan mo iyan Kiana.. Handa kong gawin ang lahat ako lang din ang pakasalan mo.. Pangako ko iyan sa’yo.”

            Napaluha ako sa sinabi niya. Masyado pa kaming bata kung tutuusin pero heto’t naiisip na niya agad ito. Ganito niya ba ako kamahal?

            “Don’t cry hon.” Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang mga kamay niya. “I love you..”

            “I love you too..” Then he kissed me. My first kiss..

 ----------------------------------------------------------------------

            Napagdesisyunan kong ipakilala na si Jeremy sa magulang ko. Hindi naman siguro sila magagalit.. Malaki naman na ako at saka mabait naman ang boyfriend ko eh..

            “Sige pupunta na ko diyan.. Bye hon.. I love you..”

            “Bye.. Ingat ka ha? I love you too..” Ini-end ko na ang call para makapaghanda na ko at masabihan ko na ang parents ko.

            “Mama! Papa!”

            “Oh Kiana? May problema ba?” Tanong ni Mama.

            “Wala naman po. Darating po ang boyfriend ko para maipakilala ko na siya sa inyo.”

            “May boyfriend ka na?” Gulat na tanong ni Dad. Napalakas iyon kaya nagulat kami ni Mama.

            “Roman! Wag ka namang sumigaw at baka atakihin ako sa puso!” Saway dito ni Mama.

            “Pero hindi man lang sinabi ng anak mo na may boyfriend na pala siya. Hindi ko tuloy napahirapan.”

            “Pa!”

            “Roman!” Magkasabay naming sita kay Papa.

            “Oo na sige na mali na ako. Pinagtulungan niyo nanaman akong mag-ina. Gusto ko siyang makilala.” Natatawang sabi ni Papa kaya napangiti ako.

            “Malapit na siyang dumating dito pa. Maya maya lang ay nandito na iyon.”

            “Dalaga na talaga ang anak ko..” Naiiyak na sabi sa’kin ni Mama at saka ako niyakap.

            “Ma, ako pa rin naman ang nag-iisang anak niyo. Ang prinsesa niyo ni Papa. At hindi iyan magbabago kahit makailang boyfriend man ako. Magka-asawa’t anak man ako. Magulang ko pa din kayo at anak niyo pa din ako.”

            Matapos ng pag-uusap naming nila Mama ay nag-ayos na ko ng sarili ko at tamang tama naman na dumating si Jeremy nang makababa na ako.

            “Good morning po ma’am and sir.” Nagmano pa siya kila Mama at Papa.

            “Nako iho! Napakapormal mo naman. Pwede mo naman akong tawaging tita at tito naman ‘tong asawa ko.”

            “Sige po Tita.”

            Binigyan ko sila ng makakain at maiinom. Pagkakita naman sa’kin ni Jeremy ay hinalikan lang niya ako sa pisngi na siyang ikinamula ko.

            “Kamusta naman kayo ng anak ko?” Tanong ni Papa.

            “Nagmamahalan pa rin po.” Lalo akong namula sa sagot niya at talagang ngumiti pa sa’kin. Err! Kainis ka talaga.. Lagi mo na lang akong pinapakilig!

            Napangiti naman sila Mama sa sagot niya. “Hindi ka ba inaaway ng anak ko?” Tanong naman ni Mama.

             “Ma!”

            “Hindi po.” Natatawang sagot ni Jeremy. “Mabait po ang Kiana ko, at maswerte po ko't sinagot niya ako.” Pagpapatuloy pa niya.

            “Sabi sa inyo good girl ako eh.” Walang gana kong pagmamalaki sa kanila na siyang ikinatawa nung tatlo.

            Nagpatuloy lang ang pagke-kwentuhan naming apat. Madalas na ako ang usapan. Minsan lang na malipat kay Jeremy ang spot light. Kwinento nila na hindi ako marunong magluto’t muntik ko ng masunog ang bahay naming noong nagtangka akong magluto noong wala sila Mama. Mabuti na lang daw at dumating sila agad kundi baka abo na daw ang bahay.

            Welcome naman si Jeremy kila Mama at Papa. Kaya base sa nakikita ko ay wala naman problema.

            “She’s our only child, our only princess.” Biglang sabi ni Papa kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

            “Pa..”

            “She’s my only princess too, sa ngayon..” Seryosong ring sabi ni Jeremy.

            Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niyang iyon. ‘Sa ngayon..’ So may balak siyang lokohin ako? May isasabay siya sa’kin? I want to ask him pero wala akong mapaghugutan ng lakas ng loob para gawin iyon.

            “Anong ibig mong sabihin?” Si Papa na ang nagtanong ng mga tanong sa isipan ko.

            “Sa ngayon she’s my princess. Pero kung papayagan niyo po ako, ay gusto kong siya ang papakasalan ko pagtapos naming ng college.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinagot niya. Like seriously? Hindi siya nagloloko? Ako talaga ang gusto niyang pakasalan? Pero teka, wala pa naman kaming kalahating taon. Tapos.. Tapos gusto na niya akong pakasalan?! Malapit ko na bang mabasa ang ‘And they live happily ever after’

            Maging sila Mama ay nagulat. “Iho, maghunos dili ka.. Ganyan mo ba kamahal ang anak namin?”

            “Opo Tita, sa harap niyo po pinapangako kong siya lang ang papakasalan ko. Kahit kalian.. Kahit saan.. Basta siya po ang kasama kong haharap sa altar ay ayos lang..”

            “Bakit ganyan mo kagustong pakasalan ang anak namin?”

            Parang gusto kong batukan si Papa sa tanong niya. Narinig naman na niyang mahal ako ni Jeremy at mahal ko din siya. Ganyan ba siya kakalimutin?

            “Simply because I want her to be my queen.. Not my princess..”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet