Chapter 1

Haharapin ang Lahat

-Chapter One-

            Kalma Kiana. Kalma. Hindi na dapat niya ako naaapektuhan. Pero bakit ganito? Ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Kinakabahan pa rin akong parang ewan.

            Hindi naman na ko teenager para makaramdam ng ganito. Twenty eight na ko, jusme! Pero bakit parang bumabalik ako sa pagkabata pag nakikita ko siya? Am I that hopeless? Am I that.. That.. Broken but still inlove with him..

            Ha! This guy. The only reason of my happiness and sadness at the same time. Weird right? Masaya pero malungkot. Malungkot pero masaya. Malaki ang pagkakaiba, kaya paano nagtagpo?

            “Halos halughugin ko ang buong mundo para mahanap ka. Dito lang pala kita matatagpuan.” Naninikip ang dibdib ko.. Halos hindi ako makahinga pagkarinig ko ng boses na iyon. Kailan ko ba huling narinig ang boses niya? Three years ago. Tatlong taon akong nabuhay ng may napakalaking puwang sa puso ko.

            “J-Jeremy? What are you doing here? Anong ginagawa mo dito sa Urdaneta?” Masakit.. Pero kasabay ng sakit na nararamdaman ko ay ang pagsaya ko.. Masakit kasi alam kong nasaktan ko siya at ang boses niya.. Wala akong marinig na emosyon..

            Pero may part pa rin sa puso ko na tumatalon sa tuwa. Dahil makalipas ng tatlong taong pangungulila sa kanya ay narinig ko na rin sa wakas ang boses niya. Masaya na ko dun.. Boses lang niya handa na kong harapin ang lahat. Lahat lahat kahit gaano pa kahirap.

            “Mayor ang uncle ko dito, nakalimutan mo na ba?”

            ‘Hindi.. Hindi ko makakalimutan ang kahit anong bagay na may kaugnayan sa'yo.’ Gusto ko yang sabihin. Gusto kong malaman niyang mahal ko pa rin siya. Pero para saan pa? Hindi naman niya ako matatanggap sa ginawa ko sa kanya at sa sitwasyon ko ngayon. “Hindi..”

            “Tatlong taon Kiana. Tatlong taon! Hindi mo manlang ba naisip ang pamumuhay ko sa loob ng mgataong iyon? Kung paanong buhay pa din ako hangang ngayon? Hindi mo ba tinanong sa sarili mo kung tama ba ang ginawa mo? Kiana, wala akong pakialam kung anuman ang dahilan mo! Wala akong pakialam kung bakit. Mahal kita. Mahal na mahal kita.. Hindi pa ba sapat iyon? Ano pa ba ang kailangan mo? Pera? Bahay at lupa? Sabi--”

            “I don't need your money!” Kahit kailan hindi ako humingi ng kung anu-ano sa kanya. “Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na perahan ka. Wala akong pakialam sa pera mo. Mahirap ka man o mayaman.. Mamahalin--”

            “Naririnig mo ba ang sinasabi mo Kiana Martinez? Tama ba ang rinig ko? Mamahalin mo pa rin ako? Kung ganon bakit mo ko iniwan? Bakit mo nagawa sa'kin iyon? Punyeta naman oh! Hindi kita maintindihan! Mahal mo ko pero iniwan mo ko? Ginagago mo ba ko?”

            Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala. Mga luhang hangga't maaari ay ayokong ipakita sa kanya. Dahil alam ko ang magiging epekto niyon.

            “Nakikita mo ba ko Jeremy? Nakikita mo ba ko ngayon? Kasi kung hindi please lang. Imulat mo yang mata't utak mo para naman makita't maintindihan mo..”

            Kahit gusto ko pa siyang makausap ng matagal hindi ko kaya.. Hindi pwede.. Dahil lalo lang kaming masasaktan. Lalo lang siyang mahihirapan. I was about to leave nang marinig ko ang isang boses.. Boses na kahit di ko pa naririnig ay pamilyar na para sa'kin. Boses ng isang batang babaeng anghel.

            “Dad siya ba ang sinasabi mo? Siya ba ang Mom ko?” I want to hug her.. I want to tell her how much I love her.. I want to tell her how much I miss her.. I want to tell her how I badly need her.. That I need my baby.. I want to tell her everything that I can't voice out.. Everything that a Mom like me should say..

            “Sino ang kasama mo?”

            “Dad..” Rinig kong tawag pa nung boses na iyon.

            “Jeremy! Sagutin mo ko! Sino iyan? S-si A-Angelica ba iyan?” Lalong nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko sa ideyang iyon..

            “Hindi mo na ba siya makilala?”

            Hindi makilala? Pwede ba iyon? Makalimutan ko na ang lahat pero silang dalawa? Hindi. Hinding hindi.

  -------------------------------------------------------------------

            “Tigilan mo na nga yan Jeremy! Mukha kang tanga.” Natatawa kong sabi sa kanya at pinapatayo siya sa pagkakaluhod niya.

            He’s asking me to be his girlfriend sa harapan pa ng maraming tao. It's so embarrassing pero natatabunan iyong pagkakilig. Ideya pa lang na isang Jeremy Fuentes ang nanliligaw sa'yo ay para ka ng tumama sa lotto. He’s almost perfect. Gwapo, mayaman, matalino, gentleman, ano pa ba ang mahihiling mo?

            Siya ang pangarap ng lahat ng babae dito sa university na 'to. At ako na yata ang pinakamaswerte sa lahat! Dahil ang katulad ko ang ginusto ni Jeremy Fuentes.

            “So sinasagot mo na ko?” Nakangiting tanong niya pero hindi pa din tumatayo. Napangiti naman ako sa tanong niya. “Ayaw mo?” Agad naman siyang tumayo at niyakap ako ng sobrang higpit.. “I love you. I love you Kiana Martinez. I love you so much..”

            “I love you so much more Jeremy Fuentes. I love you so much more than you know..” Nakita kong nakangiti ang mga nanonood at nagpapalakpakan sila.

            “Narinig niyo ba iyon? Mahal daw niya ko! Mahal din daw ako ni Kiana!” Sigaw niya sa mga nakapaligid sa'min.

            “Jeremy!” Awat ko sa kanya. Pulang pula na kasi ako dito. Hinalikan lang niya ko sa noo na naging dahilan ng lalo kong pamumula. “I love you Kiana.. Always and forever..”

            Isa ba ito sa mga kwentong nababasa na may 'And they live happily ever after'? Kaya ba naming malagpasan lahat ng pagsubok?

 -------------------------------------------------------------------

     “Good morning hon.” Nakangiting bati sa'kin ni Jeremy nang makalabas na ko ng bahay.

Ngumiti din ako sa kanya. “Good morning din hon.”

            Nagpilit siyang sunduin ako everyday para sabay kaming pumasok sa school. Ang sweet niya ano? Siya ang ideal guy para maging first boyfriend ko. He’s my prince charming, my knight in a shining armor o kung anuman ang gusto niyong itawag sa kaniya.

            “You’re idling, Hon. May problema ba?”

            Pinagbukas na pala niya ako ng pinto ng kotse niya para makapasok na ko. “Wala.” Ngumiti pa ko para makumbinsi ko siya. “Wala naman akong dapat problemahin di ba? I’m just so happy..” Sabi ko at pinisil pa ang magbilang pisngi niya at saka pumasok na sa kotse niya.

            Hindi nakalampas sa mata ko ang pagngiti niya bago tuluyang pumasok sa kotse niya at pinaandar na ito patungong school. Hindi ko maiwasang titigan siya habang nagda-drive siya. His eyes.. That brown eyes of him.. His pointed nose.. Na sa sobrang pagkatangos nito at pagkaperfect ay parang mahihiya ang mga nilikha ng mga propesyonal na sculptor. His lips.. A perfect lips na kahit sinong babae ay kakainggitan.

            Then suddenly may ngiting sumilay sa mga labi niyang iyon. “Quit starring hon, natutunaw na ko.”

            That made me blush. Ano ba naman kasi ang naisip ko at tinitigan ko siya ng ganon? Matino pa ba ang pag-iisip ko. But hey! Masisisi niyo ba ako kung napakaperfect ng boyfriend ko at talagang kaya kong umupo na lang dito at titigan siya maghapon?

            “I’m sorry hon..” Nakayuko kong sabi para hindi niya makita kung gaano na ko kapula ngayon.

            “It’s alright hon.. Dahil kung ako ang nakaupo diyan at ikaw ang nakaupo dito malamang ay iyan din ang gagawin ko.” Nakangiti niyang sabi at naramdaman kong tinapunan niya ako ng tingin. Na nagging dahilan ng lalo kong pamumula.

            Hindi na ko nagtangkang mag-open pa ng usapan dahil sa nahihiya na talaga ako.. Una, nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Pangalawa, dahil sa sinabi niyang iyon. Nanatili kaming tahimik sa buong biyahe papuntang school at hinalikan lang niya ako sa noo pagkababa ko ng sasakyan at binilinang mag-aral ng mabuti at huwag kong kakalimutang mahal niya ako.

            Wala namang bagong nangyari sa maghapong iyon. Ganong pa rin sa klase, maingay magulo. Pagdating ng teacher naming tatahimik at mag-aaral. Pag wala na ulit kaming teacher maingay na ulit. Ang nabago lang ay ako ang center of attraction ngayon sa room dahil sa nang yari sa’min ni Jeremy kahapon. Nung sinagot ko siya.

            Sinubukan kong hindi sumagot sa mga tanong nila. Pero dahil makulit sila ay sinasagot ko na lang ang mga tanong nila. Matitipid lang na sagot ang sinasagot ko. Baka kasi kung ano pang masabi ko sa kanila na lalo nilang ikakilig.

            Sa lahat ng nangyari sabuhay ko ito ang pinaka hindi ko inaasahan. Iyong maligawan at maging boyfriend ang isang Jeremy Fuentes. Bakit sino ba naman kasi ako? Isa lang naman akong simpleng babaeng may simpleng buhay. Hindi kami mayaman pero hindi rin naman kami mahirap. Tama lang para makaraos sa araw-araw na pamumuhay at may kaunting luho, pero hindi katulad nila.

            Nag-iisa lang akong anak nila Mama at Papa. Ang mga pinsan ko naman ay karamihang puros lalaki. Kung meron mang babae ay nasa probinsya iyon. Nasa Urdaneta, pero hindi ko naman sila kaedad para maging ka-close. Hindi sa hindi kami magkasundo. Magkasundo kami pero siyempre iba naman ang pananaw ko sa pananaw nila. May mga trabaho na kasi sila samantalang ako, heto third year palang sa kurso ko na Civil Engineering.

            Kaya ang dalawang pinsan kong lalaki dito sa bahay ang kasundo ko. Magkapatid silang dalawa. Ang panganay mas matanda lang sa’kin ng tatlong buwan. Kaya naman parehas na kami ng year. Iyong bunso naman mas matanda kami ng kuya ng dalawang taon. Hindi ko naman ramdam ng mas bata siya sa’kin dahil hindi na niya ko ina-ate maging ang kuya niya ay tinawag lang niya iyon sa pangalan nito. Idaggad pang mas matangkad pa siya sa’kin na halos pumantay na sa kapatid niya.

            Si Jeremy kasi ay pinanganak na mayaman. Iyong tipo na kung anong gusto niya ay makukuha niya agad. Pag sinabing gusto niya ng bagong kotse isang pitik lang ng daliri niya ay nandiyan na agad. Bukod kasi sa mayaman sila ay nag-iisa din siyang lalaki sa kanilang taltong magkakapatid at talagang bunso pa siya. May dalawa siyang kapatid na babae at parehas na itong may trabaho.

            Balita ko ay engaged na ang panganay nila at ikakasal na sa susunod na dalawang lingo. Ang isa naman niyang kapatid ay trabaho muna ang  inaatuupag, ang katwiran daw kasi nito ay masyado pa siyang bata para mag-asawa. Kaya ganon nalang ang pagmamahal nila kay Jeremy. Nag-iisang lalaki. Nag-iisang tagapagmana ng kumpanya nila.

            Napakalaki ng agwat naming di ba? Langit siya lupa ako. Kaya talagang hindi ko inaasahan na magiging kami pala. Alam niyo iyon? Parang napakaimposible kasi.. Marinig palang na Jeremey Fuentes ang boyfriend ko, parang isang napakalaking biro lang iyon.

            Maraming natatanong, ano daw ba ang meron ako at ako pa ang nagustuhan niya. Ano nga ba ang meron ang isang Kiana Martinez at nagustuhan niya ang katulad ko? Wala naman akong maipagmamalaki para magustuhan niya ko sa libu-libong babaeng nagkakandarapa sa kanya.. Sa atensyon niya..

            Maraming gossips ang kumakalat na ginayuma ko siya, kinulam, inakit at kung anu-ano pa. Gusto kong silang awayin. Gusto kong sabihing hindi totoo iyon. Alam niyo na, iyong magi-iskandalo ako kasi talagang nakakainsulto di ba?

            Pero masisisi ko ba sila? Kung maging ako nagtataka din kung bakit.. But still, hanggang pinaparamdam niya sa’king mahal niya ko, ipaglalaban ko siya. Maniniwala ako sa kanya.. Kasi mahal ko din siya..

            Gusto kong patunayan naming na pwedeng magkatuluyan ang katulad namin kahit na napakalayo naming sa isa’t isa..

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet