Prologue

Haharapin ang Lahat

Sabi nila mahirap daw pag nagtatalo na ang utak at puso mo.

 

Mahirap din daw pag pinamimili ka na sa tama at mali.

 

Pag pinamili ka kung kasiyahan niyo o kasiyahan nila.

 

Lahat ng iyan tinawanan ko. Isipin niyo nga ang mga sitwasyon na iyan. Di ba nakakatawa naman talaga? Ang emo ng dating di ba?

 

Yung mapapasabi ka pa ng 'Ano ba naman yan? Ang drama lang ah!' o kaya naman, 'Oh eto blade! Maglaslas ka na lang!'

 

Karamihan ayaw ng kadramahan sa buhay. Dahil buhay pa lang natin ay isang napakalaking DRAMA na.

 

Pero ano nga ba ang drama? Sasabihin niyo iyong iyakan. Iyong may mamamatay tas bida pa. Iyong may pasampal sampal pa yung kontrabida sa mga minamahal nating bida.

 

Pero hindi ba't gusto natin ang drama kung happy ending? Na ang ending ay kinasal iyong bidang lalaki at bidang babae. Tapos wala ng kontrabida.

 

Ano bang sense ng pinagsasabi ko? Para sa inyo wala.

 

Para sa inyo nagdadrama din lang ako.

 

Baka nga gusto niyo na kong sapakin ngayon habang sinisermonan, 'Wake up! Masyado ka ng mukhang tanga diyan.'

 

Isa lang ang itatanong ko sa inyo ngayon, kaya niyo bang tanggapin ang katotohanan?

 

Katotohanang hindi pwedeng takasan. Katotohanang walang happy ending ang buhay ng tao.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet