Special Chapter

Walang Kapalit
Please Subscribe to read the full chapter

Sa paglipat nila sa sariling bahay wala naman gaanong naging adjustment si Seungwan dahil nasanay narin siya na kasama niya si Joohyun. Ang hindi niya lang talaga makasanayan ay ang pag gising ni Joohyun nang sakto ala singko impunto ng umaga para magjogging.

Ito ang eksena ngayon, medyo late nakatulog si Seungwan dahil tinapos nito ang year-end report nila sa office, naramdaman niya ang pagtayo ni Joohyun mula sa kama nila kaya naman napabuntong hininga ang accountant bago pilit na hinila ito pahiga ulit. “Skip today, I want you here.” bulong ni Seungwan bago siya sumiksik sa may leeg ng Engineer, niyakap rin nito ang bewang ng asawa niya.

“Love, you know I can’t.” mahina lang ang boses ng Engineer habang hinahaplos niya ang maikling buhok ni Seungwan. Naramdaman niya ang pagbuntong hininga nito at ang dahan dahan na pagluwag ng yakap nito sa bewang niya. Palihim na umirap ang Accountant bago siya umayos ng higa, nagtalukbong rin ito ng kumot lalo na nung narinig niyang bumukas at sumara ang pinto ng kwarto nila.

Iritang iritang nagsisisipa si Seungwan bago siya umupo sa kama para pagmasdan ang madilim nilang kwarto, tinitigan rin ng accountant ang portrait nila nung kinasal sila bago ito tumayo mula sa kama. Nakasimangot si Seungwan at bakas pa ang antok sa mata niya habang nakatayo siya sa may hagdan.

Nakita niya ang asawa niya na kalalabas lang mula sa banyo sa baba, nakasuot na ito ng windbreaker niya habang sinusuot ang smart watch niya. Paano nagiging ganito kapogi si Joohyun sa paningin ni Seungwan for the sake of all the things in this world ala singko palang, parang gusto nalang ni Seungwan na hilain pabalik si Joohyun sa kwarto nila. Nakita ni Seungwan na nagsimula rin magstretch ang Engineer bago nito binuksan ang cabinet niya kung nasaan ang mga sapatos niya. “Ahhh saan ko ba nalagay yung vaporfly shoes ko.” napangiti si Seungwan habang pinagmamasdan ang asawa niya, ayun kasi yung binili niya kay Joohyun nung nakaraang buwan at ito na ang palaging ginagamit ni Joohyun sa bawat pagtakbo niya.

“Love, can you wait for me?” nagulat si Joohyun nung marinig niya ang boses ng accountant, nakatayo parin si Seungwan sa may hagdan bakas sa mata nito ang antok pero agad rin itong bumaba para lumapit kay Joohyun. “Pwede ba ako sumama sayo today?” napangiti naman ang Engineer bago siya tumango, di nakalimutan ni Seungwan na magiwan ng halik sa pisngi ng asawa niya.

Hindi rin naman talaga fan si Seungwan ng pag gising ng maaga para mag workout, magkaiba rin kasi sila ng routine ni Joohyun, nadala nalang rin siguro ng Engineer ang mga habit niya simula nung naging atleta siya na hindi niya na maalis kahit matagal na siyang huminto sa paglalaro ng basketball.
 

Pagkatapos ng halos sampung minuto, lumabas narin si Seungwan, nakasuot rin ito ng windbreaker at ang binili sa kaniya ni Joohyun na pang jogging, ilang beses narin kasi siya niyaya ng asawa niya pero hindi niya talagang magawang gumising ng maaga. Umupo agad si Seungwan sa tabi ni Joohyun pag kakuha niya ng sapatos niya, pero nagulat siya nung si Joohyun pa mismo ang nagsuot ng sapatos para sa kaniya. “You look good.” napairap nalang si Seungwan habang pinagmamasdan ang asawa niya na inaayos ang sintas niya.

Pagkatapos nito, tumayo narin silang dalawa bago sila lumabas sa may bahay. “Nag zuzumba parin ba sila Mama Yoona?” tanong ni Seungwan habang naglalakad sila ni Joohyun, nag wawarm up palang sila at ramdam na talaga ni Seungwan ang simoy ng Pasko, malamig narin ang hangin na sumalubong sa kanila.

“Oo, madadaanan natin sila pagkaikot natin sa may court, nandun din si Mommy Jessica.” tugon ng Engineer na inaayos ang smartwatch niya, tumingin rin si Joohyun sa kaniya dahil hindi ito nag strestretch man lang. “Mag stretch ka kahit konti love, baka mabigla ka, di ka madalas nag wo-work out.” umirap si Seungwan bago siya tumalon para makasampa sa likod ni Joohyun na natawa nalang sa ginagawa ng asawa niya. “You are not coming down?” umiling ang accountant bago sumiksik sa leeg ni Joohyun.

“Nopeeeeeee, can my y Engineer run ba while carrying me?” napabuntong hininga ang Engineer bago siya tumingin sa asawa niya. Nakataas ang kilay ni Seungwan at mukhang naghahamon ito. Hindi mapigilan ni Joohyun na magiwan ng halik sa labi ni Seungwan bago tumingin sa harap.

“Honey, nakalimutan mo atang dati akong atleta?” napairap ulit si Seungwan habang nakatingin parin sa asawa niya. “Pa kiss ulit, need ko ng lakas.” ngumiti si Seungwan bago siya na mismo ang nagtanim ng halik sa labi ni Joohyun.

“Ako ang lakas mo?” tumango ang Engineer bago siya bumuntong hininga at nagsimulang tumakbo, sinisigurado rin ni Joohyun na comfortable ang asawa niya pero naririnig niya ang pagtawa ni Seungwan kaya sigurado siya na comfortable ito at nageenjoy pa.

“Oo, simula palang nung una.” hindi parin maintindihan ni Seungwan kung bakit mabilis ang tibok ng puso niya, hindi naman siya ang tumatakbo, nakasampa lang siya sa likod ng Engineer pero sobrang bilis ng tibok ng puso niya.

“I love you.” bulong ni Seungwan kay Joohyun nung makarating sila sa kung saan sila mag jo-jogging. Tinapik niya ang balikat ng asawa niya para ibaba siya nito, pero hindi man lang gumalaw si Joohyun. “Love, bababa na ako.” medyo tumatawa si Seungwan pero wala narin siyang nagawa nung nagsimula na ulit tumakbo si Joohyun.

Hinayaan nalang ng Accountant ang asawa niya habang nagpatuloy sila sa pagtakbo. Pagkatapos ng isang lap, binaba narin ni Joohyun si Seungwan bago ito tumingin sa kaniya. “Naniwala ka na, na ikaw ang lakas ko?” pinisil ni Seungwan ang pisngi ni Joohyun bago siya tumayo at agad na hinila narin si Joohyun para makatakbo sila.

Sinamantala na ni Joohyun ang mga oras na katulad nito dahil hindi talaga madalas sumama si Seungwan dahil hindi ito morning person. “Ang kupad naman Joohyun!” tumawa ang Engineer habang hinahayaan ang gap nila na mas lumaki pa, pinagmamasdan niya kung gaano kaganda ni Seungwan habang tumatakbo, may hindi nabuburang ngiti sa mukha ng asawa niya na mas lalong nagpapatibok sa puso niya. “Ano na? Akala ko ba lagi mo ginagawa to love?” ngumiti si Joohyun bago siya nagsimulang mag catch up sa accountant na tumawa nalang rin at nagpanic.

Alam ni Joohyun na hindi ganito ang nakasanayan niya pero parang hindi niya na ito inisip, dahil para kay Joohyun, basta kasama niya si Seungwan ay mas nagiging espesyal ang isang bagay. “Pag mahabol kita, may prize ba ako?” bakas sa Accountant ang hingal niya habang tumatawa parin sila sa may gitna ng field, parang bumalik si Joohyun at Seungwan sa pagkabata, mga panahon na ang laro lang nila ay mataya taya, o agawan base, pero eto ngayon si Joohyun patuloy na minamahal at patuloy na nagmamahal.

-

Sa totoo lang, simula nung nagkaroon sila ng mga awareness sa bagay bagay, isa talaga ang pagbibigay ng regalo sa mga bagay na prinoproblema nilang dalawa. Kasalukuyang nakatulala ang Engineer sa may coffee shop, hinihintay niya kasi si Seungwan na umattend ng meeting ngayon sa Maynila. Sinara niya ang laptop niya bago nito kinuha ang cellphone niya para tignan kung may text or tawag na ba si Seungwan.

Nung makita niyang wala pa ay dali dali niyang tinext ang kaibigan ni Seungwan na si Sooyoung. Nakakunot ang noo ng engineer habang nagtytype ito.

Engineer Ortega; Hi, Sooyoung! May tanong lang sana ako, I’m around Manila, can we meet real quick if you are not busy?

Kinuha ni Joohyun ang bag niya bago siya lumabas ng coffee shop. Habang naglalakad ang Engineer ay agad ring nag vibrate ang phone nito.

Miss Sooyoung: Hello, sure nasa Greenbelt ako right now, nag lalast minute shopping.

At parang sakto talaga dahil nandito rin si Joohyun nagaantay dahil sa Makati lang naman ang meeting ni Seungwan. Agad niya ring tinawagwan si Sooyoung. “Hello Engineer, bakit anong maipaglilingkod ko?” naglalakad si Joohyun habang bitbit nito ang bag niya, agad ring itong sumakay sa may escalator.

“Hi, nasa Greenbelt din ako inaantay ko kasi si Seungwan. Can we meet somewhere?” nakatingin si Joohyun sa mga taong nag lalast minute shopping rin, isang linggo nalang rin kasi at Pasko na. Napabuntong hininga si Joohyun dahil napatanto niya na wala pa siyang nabibiling regalo para sa asawa niya.

“Sure, nandito ako sa may Guess, kakalabas ko lang.” sakto naman na nandun narin ang Engineer kaya nung makita niya si Sooyoung ay agad siyang kumaway at ibinaba ang tawag. “Hi, umattend si Seungwan ng Seminar for the units?” tumango si Joohyun bilang sagot pagkatapos niya makipag beso kay Sooyoung na napakadaming bitbit na paper bag ngayon.

“Ah, oo then may mineet rin siya na client niya today around Makati kaya dito ko nalang siya inaantay.” tumango tango naman ang kaibigan ni Seungwan bago siya ngumiti sa Engineer. Nakikita niya ang pagaalangan sa mata ng Engineer kaya naman natawa si Sooyoung.

“Wala ka pa regalo sa kaniya?” napakamot sa batok niya ang Engineer, sapat na yun para kay Sooyoung. Natawa rin ito bago niya tinapik ang balikat ni Joohyun. “Ayan din prinoproblema niya nung isang linggo pa.” sinenyasan ni Sooyoung ang Engineer na sumunod sa kaniya, agad rin sumumod si Joohyun na parang maamong tuta na sumusunod lang kay Sooyoung. “May nakita kami nung nakaraan, gustong gusto niyang bilihin kaso kasi masyado siyang mahal. Ipapaalam niya muna daw sayo.” pumasok si Sooyoung at Joohyun sa loob ng Louis Vuitton store, at alam na agad ng Engineer na mapapalaban siya ngayong gabi. Pero hindi naman issue kay Joohyun ang pera, basta mabili at mabigay niya ang gusto ng asawa niya. “Nung una namin nakita ayaw niya na sana pakawalan. I assumed di pa siya nakakabwelo sayo.” tinitigan ni Joohyun ang kulay cream na bag, dahil ayun ang tinuturo ni Sooyoung. “Two hundred thousand siya kaya siguro di niya pa nasasabi sayo.” napangiti nalang si Joohyun bago niya kinuha ang wallet niya. Nanlaki ang mata ni Sooyoung bago niya pinigilan ang Engineer. “Huy, masyadong mahal yan may iba pa naman na maganda.” umiling si Joohyun bago siya nag pa assist sa isang attendee.

Habang hinahanda ang bag, umupo muna silang dalawa sa couch. “Thank you for helping me.” hindi parin makapaniwala si Sooyoung na talagang binili ito ni Joohyun, sa isip niya ay dapat talaga magpasalamat si Seungwan sa kaniya dahil sa wakas ay mapapasakamay niya na ang pangarap niyang bag.

“Masyado bang mahal?” natawa nalang ang Engineer bago siya sumandal at saka tinitigan ang ibang mga display na bag.

“Naalala ko nung nagaaral kami sa La Salle, since student athlete ako, ang meron lang ako is allowance for playing. Palagi akong nagtitipid just to buy Seungwan some flowers for every occasion, or tuwing malungkot siya. May time na nag skiskip ako ng meals para sa kaniya. Kaya sinabi ko sa sarili ko na kapag nagsimula ma akong kumita ng pera, gagawin ko lahat para mabigay ko ang mga gusto niya.” napabuntong hininga si Joohyun bago siya ngumiti kay Sooyoung na nakangiti rin sa kaniya ngayon. “Masaya ako na umabot na ako sa punto na hindi na ako nagsasakripisyo para mapasaya ko lang siya. Basta nandito lang ako lagi para pasayahin siya.” tinawag naman si Joohyun ng attendee kaya wala nang ibang nagawa si Sooyoung kung hindi mapa sana-all nalang,

Pagkatapos magbayad ni Joohyun, agad ding inabot sa kaniya ang paper bag at sinalubong siya agad ni Sooyoung. “Happy na naman ang bading.” sabi ni Sooyoung na nagpatawa nalang kay Joohyun, nakatingin ang Engineer sa hawak niyang paper bag bago siya tumingin kay Sooyoung.

“You can get anything you want, come on, my gift.” nanlaki ang mata ni Sooyoung bago niya hinampas niya ang braso ni Joohyun na natawa nalang rin. “Come on, pamasko ko na and a way to thank you for saving my . Ilang linggo na ako nagiisip ng ibibigay sa kaniya.” pagpupumulit ng Engineer, natawa nalang rin si Sooyoung bago niya binalikan ang gusto niyang ankle boots.

“Baka kalbuhin ako ni Seungwan, Engineer.” umiling naman si Joohyun bago nito inabot ang card niya kay Sooyoung. Napatingin rin ito sa phone niya dahil nag vibrate ito.

Love: Loveeeeeee, done na me with my meeting. I’ll wait here sa lobby.

Wifey: Okayieeeeee, I’m on my way na. See you.

“Okay na ba Sooyoung? Need ko na sunduin si Wan, alam mo naman yun.” tumawa si Sooyoung bago tumango dahil na swipe naman na ang card ng Engineer, agad rin nitong niyakap si Joohyun bago ito nagmadaling pumunta sa parking lot.

Five minutes away lang naman ang cafe kung saan nakipag meet up si Seungwan sa client niya. Pagkasakay sa sasakyan agad niyang nilagay sa likod ang binili niyang regalo para kay Seungwan. Medyo kinakabahan ang Engineer dahil hindi niya alam ang isasagot niya pag nagusisa ang asawa niya.

Napangiti rin si Joohyun nung makita niya si Seungwan, kahit na andami nitong inattendan na events at meeting sobrang fresh parin nitong tignan. Napakaganda talaga ng asawa niya. Sumimangot naman si Joohyun nung makita niya ang isang lalaki na lumabas mula sa lobby, may hawak itong bulaklak bago niya inabot kay Seungwan.

Pagkahinto ng sasakyan nakita niyang napatingin ang lalaki dito kaya mas pinili ni Joohyun na bumaba para pagbuksan ng pinto si Seungwan. “Let me put your things sa backseat.” tipid na sabi ni Joohyun, inabot rin naman ni Seungwan ang mga gamit niya bago siya pumasok sa loob ng sasakyan. Ang Engineer naman ay dali dali ring nilagay ang gamit ng asawa niya sa likod bago ito pumunta sa may driver side. “How was everything?” tanong ng Engineer bago siya nagsimulang mag drive, diretcho lang ang tingin ni Joohyun sa kalsada, habang hindi parin maipinta ang mukha nito dahil asar na asar parin ito sa nakita niyang bulaklak pati narin ang pagsama ng lalaki kay Seungwan.

“Good, very tiring lang. Nag eat ka na ba?” umiling si Joohyun, hindi parin ito sumusulyap sa asawa niya. “Idaan mo muna sa drive-thru you need to eat, kumain na kami nung client ko so I guess we can just…” di natapos ni Seungwan ang sasabihin niya dahil inabot nito ang bag niya at nakita niya ang paper bag ng Louis Vuitton. “Bumili ka?” napalunok ang Engineer bago ito tumango tango.

“Gift for mama, nakita ko last na punta ko sa bahay na nagtitingin siya eh.” nakuha ni Seungwan ang bag niya bago siya tumingin kay Joohyun na salubong ang kilay.

“Can I see?” mabilis na inapakan ni Joohyun ang break sakto rin naman at nakita niya ang Jollibee kaya naman agad niyang pinigilan ang kamay ni Seungwan na halatang gulat na gulat.

“Bawal baka ikwento mo pa kay mama at arborin mo pa kung maganda.” umirap si Seungwan bago niya binitawan ang paper bag, ang Engineer naman ay agad na nagpunta sa may drive-thru. “Hello good evening.” masayang bati ni Joohyun sa cashier na sobrang ngiting ngiti sa kaniya, narinig niya ang pagpalatik ng asawa niya bago nito ipinatong ang baba niya sa balikat ng Engineer.

“Loveeeee gusto ko peach mango pie.” pinipigilan ng Engineer ang pag ngiti niya bago ito tumingin ulit sa babaeng cashie na sobrang kilig na kilig at the moment.

“Yup pa add narin ng peach mango pie, tatlo. Yep, wala na all good.” nakangiti si Joohyun sa cashier, kukuhain na sana ni Joohyun ang wallet niya nung si Seungwan na mismo ang nagpigil at nagabot ng card niya, agad rin nitong sinara muna ang bintana ng sasakyan ng asawa niya. Di mapigilan ni Joohyun ang pagtawa niya nung nakita niyang naka cross ang arms ng accountant habang diretcho ang tingin nito.

“Walang nakakatawa, okay stop chuckling.” umirap pa si Seungwan bago siya ulit ang nagbukas ng bintana ng sasakyan para kuhain ang card niya. Nakasimangot ito nung umayos ng upo at nagsuot ulit ng seatbelt niya.

Nagsimula nalang magdrive si Joohyun bago ito napailing, pagkahatid ng pagkain ay si Seungwan na mismo naglabas ng pagkain ni Joohyun. “Galit ka pero you’ll help me eat.” umirap ulit si Seungwan bago nito binuksan ang box ng chicken joy at spaghetti ni Joohyun.

“Eyes on the road! Bahala ka diyan.” tumawa si Joohyun bago siya nagiwan ng halik sa pisngi ni Seungwan, hindi naman ito lumayo o kahit ano, kaya mas lalong napangiti nalang ang Engineer. Sinubuan rin ni Seungwan ang asawa niya kahit na nakasimangot parin ito, hindi makamove on sa kung gaano kilig na kilig ang babae sa counter kanina. “You know, sometimes I’m thankful na hindi pa kita dinadate nung naglalaro ka pa ng basketball.” pinainom ni Seungwan ang asawa niya ng coke na agad namang tumingin rin sa kaniya, napabuntong hininga ang accountant bago ito tumingin sa may bintana. “Because I don’t think I can handle yung amount ng babae na super head over heels sayo.” tumingin si Joohyun kay Seungwan.

Agad namang hinawakan ni Joohyun ang kamay ni Seungwan bago ito nagiwan ng halik dito. “Di ko naman sila tinitignan noon, simula noon palang sayo lang tingin ko.” nakita niya ang unti unting pagsibol ng ngiti ng accountant, tumingin rin ito sa kaniya, at sa mga oras na ito, hindi lubos maisip ni Seungwan kung paano at gaano katagal ang taon na hinintay ni Joohyun.

“Naisip ko lang, na ngayon pa nga lang na hindi ka nila lubos na kilala nagugustuhan ka na nila, paano pa kaya pag binigyan mo sila ng time na mas makilala ka pa.” sumandal si Seungwan sa balikat ng asawa niya habang nagdridrive ito, hindi mapigilan ni Seungwan na mailabas ang insecurities niya lalo na sa nangyari kanina.

“Sus, wala akong balak mag entertain nun kasi ayaw ko makasakit, ayokong manggamit dahil una palang, high school palang alam ko na, alam ko na habang buhay nako dito para sayo.” napangiti si Seungwan bago siya hinalikan ang panga ni Joohyun na napaingit nalang bago pinisil ang pisngi ni Seungwan. “Wag ka magalala. Sayong sayo lang ako.” at sapat na yun kay Seungwan para mawala ang lahat ng takot niya, agad niya ring sinubuan si Joohyun ng spaghetti para mapatahimik ito dahil sigurado si Seungwan na hindi niya na kakayanin ang kilig kapag magsasalita pa ulit ang asawa niya.

-

Kasalukuyang nakahiga si Seungwan habang tinitignan niya si Joohyun na nagbabasa may Ipad niya. “Di ka pa matatapos?” tanong ni Seungwan habang nakatingin parin ito sa asawa niya. Nakakunot ang noo ni Joohyun bago ito tumingin kay Seungwan.

“Matutulog ka na ba? I can work sa office ko sa baba.” umiling ang accountant bago ito umusog para makasiksik siya sa Engineer, bumuntong hininga nalang si Joohyun bago inakbayan ang asawa niya. Ang kamay niya ay nasa braso ni Seungwan habang dahan dahan na tinatapik ito.

“Thank you for today pala love, for driving me to all of my appointments, nag work ka pa sa labas because of me.” hinalikan ni Joohyun ang ulo ng asawa niya bago ito umiling. Napangiti si Seungwan habang tinitignan niya ang ginagawa ni Joohyun. “What are you doing babie?” tanong ni Seungwan habang pinagmamasdan niya ang design sa Ipad ng asawa niya.

“My client asked me to revise the plan nung bahay na pinaparenovate nila, his wife informed him last week na she’s pregnant, so they wanted to make this room for their baby.” tinuro ni Joohyun ang supposed to be na office ng client niya kay Seungwan. “I was thinking that the space is quite small, so kanina ko pa dinidiskartehan kung ano ang pwedeng gawin, and I realized that I can swap it with the guest room instead.” nakatingin si Seungwan kay Joohyun, may ngiti sa labi nang Engineer nung marealize niya kung ano ba ang pwede niyang gawing solution. “Cute, kasi they are sharing with me kung ano yung mga gusto nilang bilihin at ilagay sa room.” nilapag ng Engineer ang Ipad niya bago nito hinubad ang specs niya.

Saglit na natahimik si Seungwan habang ang isip niya ay napuno ng mga bagay patungkol sa possibilidad na magsimula sila ng pamilya ni Joohyun. “Really? I’m sure they are excited.” tumango si Joohyun bago siya umayos ng higa, nilapag rin ng Engineer ang Ipad niya at salamin niya sa may bedside table.

Agad namang sumandal si Seungwan sa dibdib ng Engineer pagkatapos nito sumiskik sa asawa niya. Tinapik tapik pa ni Joohyun ang likod ni Seungwan. “They are, pinakita nga saken ni Sir Ramirez yung mga binili niyang stuff para sa baby.” bumuntong hininga ang Engineer bago niya tinignan si Seungwan, hindi niya mapigilan na mapangiti nung makita niyang tulog na ito. Marahil sa kadahilanan na sobrang pagod ito at punong puno ang schedule niya buong araw. “Sleep well.” at pinatay nalang rin ni Joohyun ang ilaw sa kwarto nila bago niya sinundan si Seungwan sa dream land.

-

Dalawang araw nalang at Pasko na, ito ang unang Pasko ni Seungwan at Joohyun sa sarili nilang bahay at di na makapagatubili ng accountant na yayain si Joohyun na makapag last minute shopping nang panghanda nila. Well, technincally kasalanan na naman ng Engineer kung bakit wala parin silang nabibili up to now. “Joohyun sinasabi ko sayo! ISA!” narinig niya ang hagikgik ni Joohyun habang naglalaro ito ng basketball, napahugot ng malalim na hininga si Seungwan bago siya sumilip sa balkonahe nila. Sumalubong sa kaniya si Joohyun na suot ang La Salle jersey niya habang nagshoshooting ito.

“Number 21! Joohyun Ortega!” natawa si Seungwan habang pinagmamasdan niya ang asawa niya na masayang nag shoshoot ng bola. Sobrang cute ni Joohyun dahil ngayon niya nalang ulit nakita itong magsuot ng jersey, naka full attire pa talaga ang asawa niya, nakasapatos pa ito.

“Ang galing niyo naman po! Ano pong course niyo?” narinig niya ang tawa ni Joohyun bago ito tumingin sa may balkonahe, kumindat pa ang Engineer bago niya nilapag ang bola para matitigna niya maigi si Seungwan.

“Engineering po, Engineer Ortega at your service.” umirap si Seungwan bago siya tumayo mula sa kinauupuan niya para makatingin ng mas malapitan sa asawa niya.

“At dahil at your service ka bilisan mo diyan at need natin mag grocery, dito magcecelebrate sila mommy at mama Yoona.” nakapamewang pa si Seungwan bago nito tinaasan ng kilay si Joohyun na natawa nalang.

“Hot mo talaga pag galit. Pa kiss muna.” dumila si Seungwan bago siya pumasok sa loob, naiwan naman si Joohyun dun na tumatawa. Napagdesisyunan nalang rin ng Engineer na pumasok sa loob ng bahay nila.

Agad rin itong nagbihis bago pa makalabas si Seungwan, nakatayo pa si Joohyun sa may tapat ng sasakyan niya habang ngiting ngiti sa asawa niya. “Kiss muna dali na.” pabirong sinakal ni Seungwan ang asawa niya bago ito umirap at nagiwan ng halik sa pisngi niya.

Hindi naman talaga kaya hindian ni Seungwan si Joohyun, isang pacute lang nito ay agad rin siyang tumitiklop. At ganoon rin naman si Joohyun, madalas niyang inaasar ang Accountant pero isang taas lang ng kilay nito ay agad rin siyang sumusunod, at eto ang eksena. Kasalukuyang naghahanap ng parking ang Engineer dahil sobrang dami nang tao na nag lalast minute shopping, nakasimangot si Seungwan habang nakatingin kay Joohyun. “Kasi nung nakaraan pa kita niyayaya.” napalunok ang Engineer at talagang lahat na ng mga anghel sa langit ay tinatawag niya na para lang may lumabas na sasakyan.

“Sorry na, di ko naman inexpect na ganito karami tao.” nakapout ang Engineer, pero hindi ito umeepekto ngayon sa asawa niya. Para namang tumama sa lotto si Joohyun nung makita niya ang isang babae na naglalakad habang tulak ang cart. “Yes!” agad na sinundan ng Engineer ang babaeng nagtutulak ng cart. “Hi, miss, excuse me, lalabas na po ba kayo?” agad namang tumingin ang babae kay Joohyun bago ito ngumiti.

“Ah yes, do you need a parking space?” mabilis na tumango tango si Joohyun kaya tinuro rin ng babae kung saan mismo nakapark ang sasakyan niya. Napakagat sa ibabang labi niya ang Engineer nung makita niya ang nakasimangot na si Seungwan.

Pagkatapos makapag park ay agad ring bumaba ang Engineer para pag buksan ng pinto ang asawa niya, pero hindi niya na ito nagawa dahil magisa nang binuksan ni Seungwan ang pinto. “Lalabas na po ba kayo?” rinig ni Joohyun na sabi ni Seungwan bago ito nagsimulang maunang maglakad.

Agad namang sumunod si Jooohyun dahil alam niyang nasa kanya ang membership card nila, nakita niyang umirap si Seungwan kaya naman nginitian niya lang ito. “Hehehe loveeeee! Naalala mo yung niluto mo nung nasa condo tayo.” parang batang nagtutulak ng cart ni Joohyun habang sinusundan niya ang asawa niya na kumukuha narin ng mga kailangan nila sa bahay.

“Tanong mo dun sa babae sa parking lot.” natawa naman ang Engineer bago siya kumuha ng isang pack ng chocolate na nakita niya. “Sinabi ko bang kumuha ka ng chocolate?” nakataas ang kilay ni Seungwan, kaya mas lalo pang ngumiti si Joohyun na parang bata. Nakita niyang pinipigilan ni Seungwan ang pag ngiti niya at umirap nalang ito.

“Darating si Minji sa bahay bukas, so I need to give her chocolates.” nakita niyang nagpatuloy nalang sa paglalakad si Seungwan, nakangiti parin si Joohyun habang masayang sinusundan ang asawa niya.

“You know seryoso siya sa pagbabasketball, I’m sure she will reject that big bag of chocolates!” natatawa si Joohyun dahil nakita niyang nasa may tapat ng ice cream section si Seungwan, kaya agad siyang nilapitan ni Joohyun.

“Can’t decide? Wag ka magaalala wala parin tatalo sa sweetness mo.” nakita niyang umirap si Seungwan bago niya kinuha ang isang box ng magnum at twix ice cream. “Yieeeeee ngingiti nayang baby ko nayan.” tinitigan ni Seungwan ang asawa niya bago nito inabot ang mga box ng ice cream at nagpatuloy nang ulit maglakad.

“Tanong mo…” di natapos ni Seungwan ang sasabihin niya dahil nabangga siya ng cart na tinutulak ni Joohyun. Napalunok ang Engineer at napadasal sa langit, lalo na nung makita niyang humugot na malalim na hininga si Seungwan. “Joohyun Ortegaaaaaaaaaaaaa” awkward na tumawa si Joohyun bago siya tumayo doon na parang batang pinapagalitan ng mama niya. Nakita ni Seungwan na tumingin si Joohyun sa may paa niya bago ito tumingin sa mga mata niya. At nung makita ni Seungwan na nakayuko ang Engineer habang mahigpit ang hawak niya sa cart ay unti unit siyang naguilty, napabuntong hiniga nalang ito bago siya tumayo sa tabi ng asawa niya. “Halika na, marami pa tayong bibilihin.” tumingin si Joohyun sa mga mata niya, napangiti nalang si Seungwan bago ito umiling at pinisil ang pisngi niya. “It’s okay, I’m just kidding kanina. Halika na, so we can prepare narin sa bahay.” tinulak narin ni Seungwan ang cart kaya sumunod narin ang Engineer. “Gusto mo magluto ako nung Wagyu beef roast with potatoes?” tumango tango ang Engineer kaya naman agad din silang nagpunta sa mga meat section.

Habang busy si Seungwan na namimili ng mga karne, nagulat siya nung maramdaman niya nalang na may humawak sa paa niya. Nakita niya si Joohyun na may hawak na band aid, nakita niyang nakasalubong ang kilay nito. “Don’t move.” hindi mapigilan ni Seungwan na mapatingin sa asawa niya, kahit na alam niyang hindi naman nito sinasadya ay talagang ginawa niya parin ito. “I’m sorry, nasugatan ka pa.” pagkatayo ni Joohyun ay agad siyang niyakap ni Seungwan, kaya napabuntong hininga nalang ang Engineer.

“No, I’m not even mad. Smile ka na, please?” nakatingin parin ang Engineer sa asawa niya, hindi parin maalis sa isip ni Joohyun na nasaktan niya si Seungwan kanikanina lang kaya nagmadali itong kumuha ng band aid sa section ng mga cottons habang busy si Seungwan. “I love you, alisin na natin yang salubong na kilay na yan.” pinitik pa ni Seungwan ang mga kilay niya kay natawa nalang si Joohyun. Napangiti rin ang accountant bago niya inilagay ang mga napiling niyang karne kanina lang. “Done na me, should we just go buy champagne and wine?” mabilis naman na tumango ang Engineer, isa talaga ang pag grogrocery shopping sa mga bagay na naeenjoy nilang gawin mg magkasama.

At dahil ito nga ang unang pasko nila sa bahay nila, maagang nagising si Seungwan, nakita niyang mahimbing parin na natutulog ang asawa niya, payapa ang mukha nito at parang bunny. Nagiwan ng halik sa noo niya si Seungwan bago ito dahan dahan na lumabas sa kwarto nila. Maganda ang sikat ng araw at sapat na ito para mapangiti si Seungwan.

Pagkatapos maghilamos at toothbrush ni Seungwan ay nagsimula narin siyang maghanda para sa Christmas dinner nila mamaya, busy na busy ang accountant na kasalukuyang nagbabake ng cake. Narinig niya ang mga yapak na pababa sa hagdan kaya sigurado siya na gising na si Joohyun. “Good morning, good sleep?” tumango ang Engineer bago niya niyakap si Seungwan mula sa likod, sinubsob niya ang mukha niya sa may leeg ng accountant.

“1 year ago today, I proposed to you.” napangiti si Seungwan dahil naalala niya pa ang araw na iyon sa may Japan. Ang araw na napatunayan niya na si Joohyun na talaga ang taong hiniling niya mula sa itaas. “And now I’m a happily married Engineer.” hinalikan ni Joohyun ang pisngi ni Seungwan bago ito ngumiti at tumingin sa binabake niya. “Red velvet? Favorite yan ni mama ha.” tumango si Seungwan habang nakasandal siya kay Joohyun dahil pinapanood niya lang naman ang mixer.

“Yes, nagrequest si mama nung nagkita kami nung isang araw.” napatango nalang si Joohyun bago siya agad na pumutna sa may ref para kumuha ng tubig. “May breakfast ka diyan love, you can heat it sa microwave.” ngiting ngiti ang Engineer dahil naghanda ng paborito niyang champorado si Seungwan. Agad din itong kumuha ng gatas mula sa ref nila.

“Do you need any help?” kumakain ang Engineer habang pinapanood niya ang asawa niya, mabilis rin na umiling ang Accountant. Masayang masaya itong kumakain at hindi mapigilan ni Seungwan na mapangiti.

“You are far from being helpful love puro kalang kulit.” napairap nalang ang Engineer, sasagot na sana ito nung marinig niyang may nag doorbell. “Open the door nalang siguro pogi.” tumayo si Joohyun mula sa kinauupuan niya, dali parin nito ang bowl niya ng champorado habang chinecheck ang tao sa monitor.

“Ang aga naman ni Mama?” sumilip si Seungwan mula sa kusina nung marinig niya ang sinabi ni Joohyun. Binuksan rin ni Joohyun ang pinto bago siya ngumiti nung makita niya ang mama niya na may mga bitbit na regalo. “Good morning, maligayang pasko anak.” ngumiti si Joohyun bago siya bumeso sa mama niya, siya pa mismo ang tumulong para maipasok ang mga regalo na dala nito. “Asaan ang Seungwanie ko?” nagmadaling lumabas ang accountant habang nakasuot pa ito ng blue niyang apron.

“Mama! Merry Christmas po!” nakangiting bati ng accountant sa mother-in-law niya bago niya ito niyakap. Natawa naman si Yoona at niyakap pabalik si Seungwan na sobrang saya ngayon. “Ma mukhang nagtitingin na nang regalo yung pasaway niyong anak.” natawa si Yoona at Seungwan habang pinagmamasdan nila si Joohyun na sumisilip sa mga regalo.

“Wala pang alas dose Joohyun!” nagulat ang Engineer bago siya tumayo ng maayos pagkatapos niya maayos ang mga regalo sa ilalim ng Chirstmas tree nila. “May maitutulong ba ako anak? Alam ko naman yang asawa mo.” nakita nila si Joohyun na naglalaro na ng nintendo switch, nakasuot pa ito ng specs.

“Love! Matagal pa ba si Minji?” napailing nalang si Seungwan bago niya niyaya ang mother-in-law niya sa kusina. Nasanay nalang rin sila dahil sobrang wala talagang ambag ang Engineer sa mga ganitong bagay.

“Talagang ganiyan lang siya?” umiling si Seungwan habang prinepreheat niya ang Oven. Pinagmamasdan ni Seungwan at Yoona ang Engineer na busy naglalaro, nakahiga pa ito sa may sofa nila habang seryosong seryoso.

“Hindi naman ma, hinahayaan ko lang since everyday din siyang may trabaho. Way niya rin nang pag stress out.” nilagay ni Seungwan ang cake sa may oven bago siya ngumiti nung makita niyang pumadyak padyak ang asawa niya nung matalo ito.

“Di na talaga siya nag vape?” mabilis na umiling ang accountant habang kumukha ito ng mga susunod nilang lulutuin. Hawak rin ni Yoona ang pack nang karne bago siya ngumiti. “Talagang natanggal niya ano?” tumango si Seungwan at napabuntong hininga siya nung makita niyang wala pala silang nabiling condense milk.

“Hyunnie loveeeeeeeeee” narinig niya ang pagpause ng laro, at pati si Yoona ay namamangha lalo na nung dumating agad si Joohyun sa may kusina, nakangiti pa ito habang nakatingin sa asawa niya. “Nakalimutan natin mag buy ng condense milk kahapon, can you buy one sa 7-1

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 6: CHAPTER 6: UMIYAK MALALA SHET
hyehye29
#2
Chapter 6: wait naiiyak din tuloy akez huhu magkaka-baby na sila waaaaaah ang ganda ng story na 'to 😭😭
SEEKER_
#3
Chapter 6: Ang swerte ni seungwan kasi nakilala, naging kaibigan, girlfriend, asawa, at patuloy siyang minamahal ni joohyun. Sobrang deserve ni joohyun ma-baby and sinuklian naman yon ni Wendy simula nang maging sila.

Excited na ko sa ganap ng pagbubuntis ni Wendy although nabasa ko na naman yung paglilihi niya sa twt. I wonder kung maaalala ni joohyun na siya nag name ng haneul kasi she was drunk nung sinabi niya yon eh.

Sobrang relate ako don sa gigising ng umaga at mag jogging ng ala singko na naka windbreaker pa 😂
crxss_d
#4
Re-reading ulit kasi hindi pa maka move on 😂
mklarisse_ #5
Chapter 5: Nakakamiss talaga sila 😭😭😭 thanks po sa update authornim, i rlly enjoyed this!
SEEKER_
#6
Chapter 5: I'll be honest haha mas nauna ko basahin yung au sa Twitter na mas lalong nagpa curious sakin why everyone's hyping this up. I already got my answer na. Gets ko kung bakit kilig na kilig yung iba kasi grabe nga yon joohyun! Grabe din yung kilig ko sa bawat eksena. Ang saya ko lang para sa kanila like sobrang deserved lalo na para kay joohyun. And fanfic character minhyuk nga pala.

May we all reach the financial stability like Engineer and accountant hahaha. Ang mahal kaya magpatayo ng bahay from scratch tapos ang dami pang aasikasuhin. Anyway, financial stability ulit para sa lahat!!!
towonderandwander #7
Chapter 5: Lord, penge naman isang Engineer Joohyun Ortega. 😂 authornim, ok lang naman kahit hindi pa into yun last special chapter. Gusto ko lang naman malaman how they are as parents. Char. 😂
reveclean
#8
Chapter 5: ano po yung move on?huhuhu ang hirap pang ilet go nila engr and acct. 😭
juhyuneeeee
96 streak #9
Chapter 5: AUTHORNIM WHAT IF MORE PA HAHAHA GUSTO KO NG LITTLE JOOHYUN AND SEUNGWAN 😭😭😭 BITIN TO AUTHOR EH BITIN NA BITIN 😭😭😭 PERO THANK YOU SA PAG SHARE MO SA AMIN NG KWENTO NI ORTEGA AT LAXAMANA 🥹😭 GUSTO KO NA TULOY NG ISANG ENGINEER ORTEGA SA BUHAY KO 😭😭😭😭😭😭
jenwanyun #10
Chapter 5: Walang magmmove on!!! Ang next special chapter buhay mag-asawa in their new house and may chikitingsz na sila wahahaha (eme di po ko nag-iimpose 🥺) ganda-ganda ng special chapteeeer kilig na kilig aq