Special Chapter

Walang Kapalit
Please Subscribe to read the full chapter

Walanag mapaglagyan ang saya ni Seungwan, dinilat niya ang mata niya at bumungad sa kaniya ang maamong mukha ni Joohyun, tulog pa ang Engineer kaya naman dahan dahan na tumayo mula sa kama ang Accountant bago niya tinitigan ang suot niyang singsing ngayon, hindi parin makapaniwala si Seungwan na nag propose na talaga si Joohyun sa kaniya sa araw pa mismo ng Pasko.

Naginat si Seungwan bago siya pumunta sa may banyo para makapag freshen-up, walang pasok ngayon si Joohyun kaya naman napagpasiyahan nila na lumabas ngayon, may halos isang linggo pa naman si Seungwan sa Japan pero napagpasiyahan na niya na bumili ng pasalubong sa mommy niya na may bilin na mas mahaba pa sa naging pasensya at pagaantay ni Joohyun sa kaniya.

Napangiti naman ang accountant dahil naisip niya na kahit gaano man katagal ang inabot ay nandito parin sila ni Joohyun. Habang nagsesepilyo si Seungwan ay naramdaman niya nalang na may yumakap sa may likod niya kaya naman napangiti nalang ang accountant. “Good morning, good sleep?” tumango si Joohyun bago siya bumuntong hininga, humigpit ang yakap ng Engineer sa kaniya kaya naman napangiti nalang ulit si Seungwan bago niya hinayaan ang mahal niya na magpakaclingy ng maaga.

“Napanaginipan ko si Tita Jessica.” nag hum si Seungwan habang nilalagyan niya ng toothpaste ang toothbrush ni Joohyun, inabot niya rin ito sa Engineer na agad ding nagsimulang magsepilyo, nakatayo lang si Seungwan sa tabi niya habang hawak niya ang towel ni Joohyun. Pagkatapos makapaghilamos at si Seungwan na mismo ang nagpunas sa mukha ng Engineer. “Hanggang sa panaginip ko takot padin ako sa kaniya.” natawa nalang sila pareho bago sila bumalik sa may kama para maupo. Pinagsiklop rin ni Joohyun ang kamay nila bago siya napangiti nung makita niya ang singsing na nagdedecorate ngayon sa kamay ni Seungwan. Hinalikan naman ng engineer ang kamay ng mahal niya bago siya ngumiti. “I don’t know if nasabi sayo ni Tita ito, but before I flew to Japan, nagpunta ako sa inyo to talk to her.” nagulat naman si Seungwan dahil alam niya na sobrang takot si Seungwan sa Mommy Jessica niya simula nung bata palang sila. Kaya malaking news ito kay Seungwan na nagpunta ang future asawa niya sa bahay nila para kausapin ang mommy niya.

“Are you serious?” natatawang tumango ang Engineer habang nakatingin rin kay Seungwan. Hindi parin makapaniwala si Seungwan, bahagya siyang napalunok bago siya muling nagtanong. “Anong ginawa niyo? I mean ano pinagusapan niyo.” dumila si Joohyun kaya pabiro niya itong sinakal bago sila parehas na natawa nalang rin.

Saglit na nabalot ng katahimikan ang silid bago naglakas ng loob si Joohyun na magsalita ulit. “My original plan was to propose sayo pagbalik ko sa Pinas. Pero plan ko na talaga bumili ng ring sa Japan kaya nagpaalam ako kay Tita.” nakatingin lang si Seungwan kay Joohyun habang patuloy niya itong pinapakinggan. “Ayun, I drove straight sa office after my last shift. That was the time na I told you na may farewell dinner kami and I’m glad na naniwala ka.” medyo natawa ang Engineer bago siya bumuntong hininga, napasandal nalang si Seungwan sa balikat ni Joohyun. “Kaya nabigla si Tita nung nakita niya ako doon kasi unannouced. Nakakatawa kasi love, up to this day sobrang takot parin ako sa kaniya, it’s like the seven year old Joohyun na pinapaalam ka maglaro sa labas again. Pero imagine, now I went there to personally ask for your hand in marriage.” napangiti si Seungwan bago siya nagiwan ng halik sa pisngi ng Engineer, sobrang ideal woman talaga si Joohyun at alam ni Seungwan na wala na siyang ibang mahihiling pa at this point of time. “Akala ko di ako papapasukin, kasi disappointed di naman kita kasama. Ayun, we sat sa living room, and super daming memory na nag flashback saakin when I entered your childhood house, naalala ko how I usually spend time there playing with your barbie dolls kahit na ayaw ko siya because I love to spend every afternoon with you.” pinagmasdan ni Seungwan si Joohyun, may hindi maburang ngiti sa labi ng Engineer habang nagkwekwento ito kaya naman puno ng kagalakan ang puso niya dahil alam niyang hindi lamang siya ang masaya sa mga oras na ito. “Di ako makapagsalita at first, kaya si Tita na mismo yung nagtanong. I told her na I’m planning to propose sayo paguwi ko sa Manila and plan ko bumili ng ring sa Japan. Kaya takot na takot na ako umuwi ng Pilipinas kasi nag propose na ako sayo dito sa Japan.” hindi napigilan ni Seungwan na matawa bago niya pinisil ang pisngi ni Joohyun, napaingit ng bahagya ang Engineer pero sumuko nalang rin siya bago natawa rin. “She cried by the way, kasi walang ibang hiling si tita na mahanap mo yung taong magmamahal sayo ng buo, yung hindi ka kayang lokohin, and aalagaan ka.” napalunok si Seungwan dahil naguumpisa na magbadya ang pagtulo ng luha niya.

“And I found you, ikaw yun Hyun, ikaw ang gusto ko makasama hanggang sa huli.” ngumiti si Joohyun nang nakakaloko bago niya hinalikan ang labi ni Seungwan na natawa nalang rin.

“Okay sabi mo yan, maumay ka sakin mahal.” tumayo si Joohyun kaya naman agad ring sumampa si Seungwan sa may likod ng Engineer na natawa nalang at sinigurado na comfortable si Seungwan sa likod niya.

“Ay sobrang sweet mo pero di ka nakakaumay, gusto mo sample ngayon para proof ko na di ka nakakaumay?” bulong ni Seungwan sa may tenga ni Joohyun, nakita ni Seungwan kung gaano namula ang tenga at ang leeg ng Engineer, hindi rin ito umiimik at parang na estatwa nalang rin ito.

At alam na alam ni Seungwan kung ano ang pinaka kahinaan ni Joohyun, napangisi nalang ang accountant bago niya kinagat ang earlobe ng Engineer.

Safe to say na naudlot ang pag sho-shopping ni Seungwan para sa mga bilin ni Mommy Jessica.

-

Busy si Joohyun na ayusin ang hardhat na suot ni Seungwan, sinama niya kasi ito para matour niya ito sa may site nila. “Cutie naman ng mahal ko.” napairap nalang si Seungwan na nagpatawa nalang rin sa Engineer, “What do you think?” tanong ni Joohyun habang naglalakad sila ni Seungwan, nakita niyang nakatingin ang ibang mga staff nila na karamihan ay Pinoy rin kay Seungwan, kaya dali daling inakbayan ng Engineer si Seungwan na parang batang nag fie-fieldtrip ngayon.

“Galing galing naman ng Engineer dito, balita ko pogi yun.” natawa nalang si Joohyun bago niya tinuro kay Seungwan ang ilan sa mga importante na details sa project na ito. Nakita niya namang napangiti ang girlfriend niya habang nag vivideo pa. “Papakita ko kay Tita Yoona, di mo daw kasi siya pinapadalan ng video.” sinamaan siya ng tingin ni Seungwan kaya naman napailing nalang si Joohyun, sobrang cute cute talaga ng fiancée niya.

“Mama naman kasi gusto kada araw.” pinisil ni Seungwan ang pisngi ni Joohyun habang naglalakad sila palabas ng site. Nagpout naman ang Engineer kaya naman bumilis bigla ang tibok ng puso ni Seungwan.


“You can update tita lang naman, I’m sure nagaalala lang siya.” tumango tango naman na parang bata ang Engineer bago sila nagpatuloy sa paglalakad, Magkasiklop ang kamay nila para bang siinasamantala na ni Joohyun ang mga nalalabing araw na kasama niya si Seungwan. “Ang bait bait naman ng baby ko nayan.” natawa nalang ulit ang Engineer bago sila tuluyang sumakay sa company car nila Joohyun.

“Syempre I'm always a goodie.” natawa nalang si Seungwan habang pabalik na sila sa hotel. Alam naman ni Seungwan na totoo yun pero mas pinili niyang asarin ang Engineer. “Huy! Diba I'm a goodie!” di parin umiimik si Seungwan kaya naman nagpa cute nalang ang Engineer, nakapout ito habang nakacross ang beaso niya. Nakasandal pa ito sa may bintana kaya mas lalo itong naging cute tignan.

“I love you! My goodie goodie baby.” at hindi na napigilan ng Engineer ang pag ngiti niya bago agad na niyakap si Seungwan.

Sapat na ang ganito kay Joohyun, basta kasama niya si Seungwan ay wala na siyang ibang mahihiling pa.

-

Dumating ang araw ng paguwi ni Seungwan sa Manila. Kasalukuyang nasa airport sila habang nakapila sa check-in counter ang accountant. “You got everything na ba? Are you sure?” tumango si Seungwan bago siya uminom sa tea na binili nila kanina sa may starbucks. “Remove your jacket na here love, baka mabigla ka sa init sa Manila. May heater naman here sa airport.” tinulungan ng Engineer na mahubad ni Seungwan ang jacket na suot niya. Si Joohyun pa mismo ang naghawak dito habang inaantay ni Seungwan ang boarding pass niya.

Pagkatapos niyang makuha agad din siyang tumingin kay Joohyun. “Be well hmm? Just a few more weeks, mahal.” niyakap ng Engineer ang accountant bago siya nagtanim ng halik sa sintido nito. Alam ni Joohyun na malulungkot na naman siya pero sobrang nagpapasalamat siya sa girlfriend niya dahil sinurpresa siya nito. “I'll see you in Manila. I love you.” napangiti si Joohyun nung maramdaman niya ang labi ni Seungwan.

“I'll miss you, call me pag nasa Manila ka na, okay?” tumango tango ang account bago siya bumuntong hininga at tumingin sa relo niya. “Sige na, you need to go baka di pa kita pakawalan.” napairap nalang si Seungwan bago niya hinawakan ang maleta niyang hand-carry.

Tinaas pa nito ang kamay niya kung nasaan ang engagement ring bago siya tuluyang natawa. “Sorry parang wala ka naman na talagang balak na pakawalan ako.” kumaway na si Seungwan bago siya nagpatuloy na pumasok sa loob ng airport.

At balik na naman silang dalawa sa LDR at walang ibang hanggad si Joohyun kung hindi ang makabalik na sa Maynila.

-

Nagmamadali na si Seungwan dahil late na siya, halos madapa na ito nung bumaba siya sa may grab na nasakyan niya. Ito ang unang trabaho niya pagkatapos ng holiday break niya. Pagkadating niya sa floor nila, nakita niyang nakatayo ang lahat at parang may pinaguusapan sila. Dahan dahan na binukas ni Seungwan ang pinto kaya naman napatinin ang lahat sa kaniya. “Andito na pala si Seungwan, Mister Reyes, ito nga pala si CPA Laxamana.” nagulat si Seungwan nung makita niya si Minhyuk doon na nakatayo sa tabi ng boss ni Seungwan. Hindi lubos mainintidihan ni Seungwan ang mga nangyayari pero agad siyang tinawag ng boss niya kaya dahan dahan siyang lumapit.

Simula nung nahuli niya si Minhyuk ay ito lang ang unang beses na nagkita sila ulit. “Hi, long time no see.” hindi naman makaimik si Seungwan, kaya ngumiting tipid nalang siya at nakipagshake hands. Nakita niyang napatingin si Minhyuk sa singsing na suot niya kaya naman dali dali rin nitong binawi ang kamay niya.

“OMG! Seungwan! Nag propose na siya sayo? Yung pogi mong Engineer na super galing mag basketball?” rinig niyang tili nang officemate niyang si Sooyoung, ngumiti naman ito bago tumango at nagpunta narin sa loob ng office niya. Agad ding sumunod si Sooyoung at nakita ni Seungwan na nakangisi si Minhyuk habang nakatingin sa kaniya.

“Baket daw nag hire ng new employee?” tanong ni Seungwan bago siya umupo sa swivel chair niya, binuksan ng accountant ang laptop niya habang nakatingin kay Sooyoung na nakataas ang kilay habang nakatingin kay Minhyuk.

“Magkakilala ba kayo teh?” tanong ni Sooyoung bago ito umupo sa isa sa mga upuan sa loob ng opisina ni Seungwan, ang accountant naman ay busy na nagtitingin sa inbox niya at buti nalang walang masyadong backlog ang accountant kaya dali dali siyang umupo at bumuntong hininga.

“Ex-boyfriend ko, six years kami.” napatayo si Sooyoung bago siya umupo sa may mesa ng accountant, napatingin naman si Seungwan sa kaniya bago ito bumuntong hininga. “He used to hate Joohyun so much, palaging issue si Joohyun sa amin noon.” gulat na gulat si Sooyoung habang si Seungwan naman ay hindi maipinta ang mukha dahil sa kaba at pagkagulat. “I don’t know what to say, ayokong magisip isip si Joohyun since she needs to focus on her international project. Maybe it is better if I don’t tell her about it nalang.” nakita ni Sooyoung kung gaano naistress ang kaibigan niya kaya naman hinawakan nito ang kamay niya bago siya ngumiti.

“Wag muna for now, pero kapag alam mong ginagago ka niya, maybe you can tell your future wife about it. I’m sure she’ll know how to handle things.” napatango nalang si Seungwan bago siya napatingin nalang sa cellphone niya. “Tandaan mo na kapag nagtago ka sa jowa mo lalabas at lalabas rin naman yan.” wala namang ibang nagawa si Seungwan kung hindi ang bumuntong hininga nalang saka ngumiting tipid kay Sooyoung.

-

Mabilis na lumipas ang mga araw, bukas ay birthday na ni Seungwan, malapit narin matapos ang project nila Joohyun kaya walang ibang nararamdaman ang accountant kung hindi ang excitement na makasama fiancée niya. “Do you mind me seating here?” napatingin si Seungwan kay Minhyuk habang kumakain siya sa may cafeteria, may hawak na tray ng pagkain ang lalaki habang nakangiti sa kaniya. Hindi nalang umimik ang accountant bago siya nagpatuloy sa pagkain. “Silence means yes, no?” napabuntong hininga naalng si Seungwan bago niya tinignan si Minhyuk. “Birthday mo na tonight ah, kaso over time ka? Want to welcome it with me?” binaba ni Seungwan ang hawak niya kutsara bago siya tumayo mula sa kinuupuan niya, kinuha rin ng accountant ang tray bago niya ito binalik sa may station.


Nakita niyang nakangisi si Minhyuk kaya wala nalang ginawa si Seungwan kung hindi bumalik sa opisina niya. Nakatingin lang ang accountant sa kawalan habang hawak nito ang cellphone niya. “, I really need to tell Joohyun about this.” mahinang bulong ni Seungwan bago siya sumandal sa swivel chair niya at ipinikit ang mata niya.

Sa mga oras na ito nagsisi si Seungwan dahil hindi niya agad ito nasabi kay Joohyun, alam niyang sobrang busy ang Engineer ngayon dahil sa patapos na proyekto nila at kailangan niya naring umuwi sa Pilipinas.

Mas nagpadesisyon nalang ni Seungwan na magtrabaho para matapos niya ang mga gawain niya para sa araw na ito. Nanatil nalang ang accountant sa loob ng opisina niya at kahit dumating ang oras ng hapunan napagdesisyunan niya nalang na magpadeliver ng pagkain, si Sooyoung pa mismo ang nagdala nito. “Girl anong oras na di ka pa ba uuwi?” umiling ang accountant bago siya sumandal sa swivel chair niya. Napatingin pa si Seungwan sa oras at halos mag aalas dose narin pala.

“Malapit na ako matapos actually tinatapos ko lang lahat.” tumango naman si Sooyoung bago ito kumaway at nagpaalam. Napatingin nalang si Seungwan sa laptop niya pati sa cellphone niya, simula kanina pa hindi tumatawag o nagtetext man lang si Joohyun kaya hindi niya mapigilan na magalala. “Is she okay?” nag shrug ang accountant bago siya nagsimulang magtrabaho ulit, isa nalang naman ang kailangan niyang gawin at pwede narin siyang umwi.

Hindi rin nakalimutan ni Seungwan na itext si Seulgi para masundo siya dahil sigurado siya ay mahihirapan siyang makauwi. Pagkatapos ng halos bente minutos, natapos narin si Seungwan kaya dali dali niyang shinurdown ang pc niya. Naginat pa ang accountant habang inaayos ang gamit niya sa bag.

Natapos ang isang linggo at sa wakas ay makakatulog siya at makakapagpahinga bukas, wala naman siyang plano sa birthday niya. Baka matulog lang siya dahil hindi niya rin naman gustong icelebrate ito lalo na at wala naman si Joohyun.

Nagaantay ng elevator si Seungwan nung makita niya si Minhyuk, bitbit ng lalaki ang bag niya habang nakatayo ito sa tabi ni Seungwan. “Happy Birthday.” nag hum nalang si Seungwan bago niya kinuha ang cellphone niya, pumasok narin siya sa loob ng elevator habang binabasa niya ang text ni Seulgi. “May plans ka? Inom tayo sa BGC.” hindi parin umiimik ang accountant habang nakatingin lang ito sa may cellphone niya. Hindi niya rin lubos maintindihan kung bakit ba siya ginagambala ni Minhyuk.

Pagkadating sa ground floor, lumabas narin si Seungwan ng elevator, palabas na sana siya nang bigla siyang hilain ni Minhyuk, nagulat ang accountant kaya dali niyang binawi ang kamay niya at agad na tinitigan ang lalaki. “Gago ka ba?!” pabalang na sigaw ni Seungwan bago siya nagmadaling lumabas ng building.

Pero agad rin siyang napahinto nung marinig niya ang sinabi ni Minhyuk. “Talaga bang pinagpalit mo ako kay Joohyun?” umigting ang panga ng accountant bago siya humarap kay Minhyuk, nakakuyom ang mga kamay ni Seungwan habang pinagmamasdan niya ang nakakagagong mukha ng ex-boyfriend niya na akala mo ay hindi nanloko. “Six years of having me around tapos babagsak ka lang sa kauri mo?” at hindi na napigilan ni Seungwan ang sarili niya, dali dali niyang sinampal si Minhyuk na natawa nalang habang nakangisi parin. Dali daling hinawakan ni Minhyuk ang wrist ni Seungwan para mapigilan itong makaalis. “Ano! Ayun lang kaya mo?” tumawa si Minhyuk, at nung makita niya si Joohyun sa may di kalayuan ay agad niyang hinila si Seungwan palapit sa kaniya.

Napalunok nalang ang Engineer na nakatayo sa may di kalayuan, binitawan rin ni Joohyun ang bulaklak na hawak niya bago nagmadaling umalis. Nung makita ni Minhyuk na naglakad na palyo si Joohyun ay agad niya ring binitawan si Seungwan na kanina pa nagpupumiglas. Puno ng mga luha ang mata ni Seungwan bago niya dinampot ang bag niya na nahulog.

At nung makita niya ang isang familiar na motor, ay parang nawala ang lahat ng ulirat ni Seungwan. Mabilis na pinaharurot ni Joohyun ang motor niya at hindi man lang ito tumingin kay Seungwan. “NAPAKA HAYOP MO MINHYUK!” ayun nalang ang nasabi ni Seungwan bago siya dali daling pumara ng taxi at pinasundan si Joohyun.

-

Kaya eto ngayon si Seungwan nakatayo sa may harap ni Joohyun, nasa may tapat sila ng condo unit ng Engineer. “Would you please let me explain first?” hindi umiimik ang engineer, nakatingin lang ito sa kaniya, ang kamay ay nasa loob ng bulsa ng suot niyang slacks. “Joohyun…” bumuntong hininga ang engineer bago niya binuksan ang pinto ng condo niya, binigyan niya ng space para makapasok si Seungwan, pagkapasok sa loob ay hindi alam ni Seungwan kung ano ba ang dapat niyang gawin. “I…I’m sorry alam kong dapat sinabi ko sayo nung unang araw palang na nalaman ko.” nakita ni Seungwan na nanginginig ang kamay ni Joohyun, nakita niyang malalim rin ang paghinga ng Engineer. “But I think you misunderstood a lot of things. I don’t care about him anymore, hindi ko siya kinakausap or what.” nararamdaman ni Joohyun ang pagsikip ng dibdib niya, kaya mas pinili niya nalang na yumuko para maitago ang nararamdaman niya. “I know I’m wrong for not saying na doon na siya nagwowork sa company namen. But please understand na I’m not doing anything wrong or anything na makakasira sa kung anong meron tayo.” napalunok si Joohyun bago siya naglakas ng loob magsalita at tumingin ulit sa mga mata ni Seungwan.

“Manhid ka parin ba? Hindi mo ba nakikita na gusto ka parin niya.” nagsimula nang tumulo ang mga luha ni Joohyun, mabibilang lang ang mga beses na umiiyak ang Engineer dahil madalas ay mas pinipili nito na maging matapang at pinipili na sarilihin kung ano man ang nararamdaman niya. Kahit simula bata palang sila ni minsan ay hindi umiyak si Joohyun sa harap ni Seungwan, ito ang unang beses na makita siya ni Seungwan na ganito. “Putangina naman, putangina. Akala ko okay na lahat. Akala ko okay na, hindi na ako masasaktan o kung ano pa.” kahit nanginginig ang engineer ay pinunasan niya ang luha niya para maitago ito. Hindi lubos akalain ni Joohyun na ganito ang bubungad sa kaniya pagkatapos ng isang buwan na pagbibilang at paga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 6: CHAPTER 6: UMIYAK MALALA SHET
hyehye29
#2
Chapter 6: wait naiiyak din tuloy akez huhu magkaka-baby na sila waaaaaah ang ganda ng story na 'to 😭😭
SEEKER_
#3
Chapter 6: Ang swerte ni seungwan kasi nakilala, naging kaibigan, girlfriend, asawa, at patuloy siyang minamahal ni joohyun. Sobrang deserve ni joohyun ma-baby and sinuklian naman yon ni Wendy simula nang maging sila.

Excited na ko sa ganap ng pagbubuntis ni Wendy although nabasa ko na naman yung paglilihi niya sa twt. I wonder kung maaalala ni joohyun na siya nag name ng haneul kasi she was drunk nung sinabi niya yon eh.

Sobrang relate ako don sa gigising ng umaga at mag jogging ng ala singko na naka windbreaker pa 😂
crxss_d
#4
Re-reading ulit kasi hindi pa maka move on 😂
mklarisse_ #5
Chapter 5: Nakakamiss talaga sila 😭😭😭 thanks po sa update authornim, i rlly enjoyed this!
SEEKER_
#6
Chapter 5: I'll be honest haha mas nauna ko basahin yung au sa Twitter na mas lalong nagpa curious sakin why everyone's hyping this up. I already got my answer na. Gets ko kung bakit kilig na kilig yung iba kasi grabe nga yon joohyun! Grabe din yung kilig ko sa bawat eksena. Ang saya ko lang para sa kanila like sobrang deserved lalo na para kay joohyun. And fanfic character minhyuk nga pala.

May we all reach the financial stability like Engineer and accountant hahaha. Ang mahal kaya magpatayo ng bahay from scratch tapos ang dami pang aasikasuhin. Anyway, financial stability ulit para sa lahat!!!
towonderandwander #7
Chapter 5: Lord, penge naman isang Engineer Joohyun Ortega. 😂 authornim, ok lang naman kahit hindi pa into yun last special chapter. Gusto ko lang naman malaman how they are as parents. Char. 😂
reveclean
#8
Chapter 5: ano po yung move on?huhuhu ang hirap pang ilet go nila engr and acct. 😭
juhyuneeeee
96 streak #9
Chapter 5: AUTHORNIM WHAT IF MORE PA HAHAHA GUSTO KO NG LITTLE JOOHYUN AND SEUNGWAN 😭😭😭 BITIN TO AUTHOR EH BITIN NA BITIN 😭😭😭 PERO THANK YOU SA PAG SHARE MO SA AMIN NG KWENTO NI ORTEGA AT LAXAMANA 🥹😭 GUSTO KO NA TULOY NG ISANG ENGINEER ORTEGA SA BUHAY KO 😭😭😭😭😭😭
jenwanyun #10
Chapter 5: Walang magmmove on!!! Ang next special chapter buhay mag-asawa in their new house and may chikitingsz na sila wahahaha (eme di po ko nag-iimpose 🥺) ganda-ganda ng special chapteeeer kilig na kilig aq