Walang Kapalit

Walang Kapalit
Please Subscribe to read the full chapter

Sa buhay natin, sabi nila magkakaroon tayo ng tatlong uri ng pagibig, pero paano kung sa isang tao mo lang matagpuan ang tatlong uri ng pagmamahal? Ayan ang patuloy na tanong ni Joohyun sa kaniyang sarili. Napalunok si Joohyun habang nakaupo siya sa may motor niya habang pinagmamasdan si Seungwan na umiiyak habang nakatayo sa may tulay. Madaling araw na, halos lahat ng tao ay natutulog na, pero eto ngayon si Joohyun sinasamahan ang matalik niyang kaibigan na si Seungwan. “Sobrang sakit! Hindi ko akalain na kaya mo akong lokohin!!!!” napabuntong hininga nalang si Joohyun bago ito humithit mula sa vape niya, nagbuga ito ng usok bago pinagmasdan ang kaibigan niya. Alam ni Joohyun na maaga pa ang pasok niya bukas sa trabaho, pero wala siyang pake.

Simula nung matanggap niya ang tawag ni Seungwan na umiiyak at nagmamakaawa na sunduin siya sa may Taguig ay parang nakalimutan na ni Joohyun ang lahat ng obligation niya at mga bagay na kailangan niya pang gawin. “Sabi ko naman kasi sayo.” mahinang bulong ni Joohyun bago siya muling nagbuga ng usok na parang dragon. Tuluyan narin itong tumayo at hinubad ang jacket na suot niya. Hindi siya umimik bago niya ipinatong ang jacket niya sa balikat ni Seungwan. “Nilalamig ka na.” ayun lang ang sinabi ni Joohyun bago niya ipinasok ang kamay niya sa loob ng bulsa niya.

Tumayo lang si Joohyun doon dahil alam niyang sa mga oras na tulad nito ay kailangan ni Seungwan ng taong masasandalan niya. Nasanay nalang rin ang Engineer sa mga ganitong pangyayari, dahil likas talagang magaling si Seungwan na gumawa ng mga maling desisyon sa kaniyang buhay, at naging saksi si Joohyun dito.

Simula bata palang sila, likas na marami na talagang kalokohan si Seungwan, simula nung mag krus ang mga landas nila dahil sa mga magulang nila ay parang nagkaroon ng batang alagain si Joohyun. Unang nagtagpo ang landas nila noong six years old sila, sa birthday party ni Seungwan. Naimbitahan ang mama ni Joohyun na si Yoona sa birthday ni Seungwan dahil ka-zumba niya ang mama ni Seungwan na si Jessica.

Hindi kagaya ng ibang mga bata, likas na mahiyain si Joohyun kaya naman nasa tabi lang siya ng mama niya hanggang sa lumapit si Seungwan sa kaniya, malawak ang ngiti nito habang may hawak itong bubbles. “Halika sali ka sa games!” at kagaya ng ibang mga bata hindi na nagawa ni Joohyun na tumanggi, tumayo rin siya bago siya hinila ni Seungwan papunta sa harap. “Mamaya sabi ni mommy may magic! Manonood tayo ha!” napatango nalang si Joohyun bago siya napalunok at umupo sa tabi ni Seungwan. Nakita niyang magkasiklop ang mga kamay nila at hindi man lang tinangka ni Joohyun na alisin ang magkasiklop nilang kamay.

At hindi lubos akalain ni Joohyun na magbabago ang takbo ng buhay niya pagkatapos ng birthday party na ito.

Ayun narin ang naging simula ng kanilang pagkakaibigan. Madalas naring nagpupunta si Joohyun kina Seungwan dahil madalas ay hindi ito pinapayagang lumabas. “Promise mommy, I’ll behave kasama ko naman si Joohyun!” nakatayo si Joohyun sa may malaking sala ng mga Laxamana, hindi rin alam ng pitong taon na si Joohyun kung ano ba ang dapat niyang gawin. Takot rin kasi ito kay Jessica dahil sa matatalim na titig nito. Kahit anong paliwanag ni Seungwan na mabait ang mommy niya ay parang hindi handang maniwala si Joohyun dito.

“Seungwan, bakit, marami ka namang toys dito, you can play dress up with Joohyun and with your dolls.” napalunok ulit si Joohyun nung marinig niya yun, dahil narin siguro sa mga nakasanayang kalaro ni Joohyun, mas gusto niyang maglaro ng mga bola, baril at kung ano pa, dahil narin sa impluwensya ng mga pinsan niyang mga lalaki. Madalas rin kasing naglalaro si Joohyun sa labas.

“Mommy, Joohyun doesn’t enjoy playing with dolls nga! Sabi niya she will teach me how to play pika? Tama ba yun?” natawa si Jessica bago tumingin kay Joohyun na mabilis na umiling. Tumingin rin si Seungwan sa kaibigan niya, sa unang pagkakataon sa loob ng halos kalahating oras nakapagsalita narin si Joohyun.

“Piko” nakapagsalita ito ng isang salita na nagpatawa ulit kay Jessica, tumayo ang mama ni Seungwan bago ito lumapit kay Joohyun na agad na namang napalunok at napaatras. Nakatingin si Joohyun kay Jessica na ngumiti at tinapik ang balikat niya.

“Make sure Seungwan is safe okay?” tumango tango si Joohyun na sumaludo pa nga sa mama ng kaibigan niya. Natawa nalang rin si Jessica bago nilagyan ng mosquito patch ang damit ni Seungwan.

Masayang tumakbo si Seungwan kasama si Joohyun papunta sa may labas, nakakita si Joohyun ng ilang mga batang naglalaro, lahat sila ay nakatingin kay Seungwan dahil ito ang unang beses ni Seungwan na maglaro sa labas. “Bakit sila nakatingin sa akin?” natawa nalang si Joohyun bago siya kumuha ng bato sa gilid, nakatayo lang si Seungwan habang pinapanood niya si Joohyun na nagdradrawing.

“Humanap ka ng pamato mo, ituturo ko sayo kung paano pagkatapos ko magdrawing.” pero hindi gumalaw si Seungwan, nakatingin lang siya sa kamay ni Joohyun at sa hawak niyang bato. Marahil nagtataka kung paano nagagawang panulat ang bato na hawak ni Joohyun. “Seungwan kumuha ka na ng pato mo.” nagulat naman si Seungwan kaya dali dali itong naglakad.

“Joohyun, how can I find a pato here, wala naman tayo sa farm.” natawa na naman si Joohyun bago ito umupo sa may kalsada, pinagmamasdan niya ang kaibigan niya na nakakunot ang noo, nakapamewang pa si Seungwan habang nakatingin sa kaniya. “Niloloko mo ba ako?” napailing nalang ulit si Joohyun bago ito tumayo at pinunasan ang kamay niya gamit ang dala niyang towel.

“Sabi ko pamato, bato yun Seungwan. Kailangan mo yun para makapaglaro ng piko.” pinanood ni Seungwan si Joohyun na kumuha ng bato sa may gilid, inabot niya ito kay Seungwan habang nakangiti. “Yung mga ganitong pato ang maganda, magaan at di tumatalbog. Sayo na ito, hahanap nalang ako ng iba.” ngumiti si Seungwan bago niya hinawakan ang bato at sumunod sa kaibigan niyang si Joohyun, nakita niya kung paano ito humakbang sa mga harang na parang sanay na sanay. Manghang mangha naman si Seungwan lalo na nung makita niya si Joohyun na pabalik na may hawak na bato at gumamela. Dahan dahan na lumapit si Joohyun bago niya inipit ito sa may tenga ni Seungwan. “Sabi na eh, bagay sayo. Halika na.” napangiti nalang si Seungwan bago ito sumunod kay Joohyun.

“How?” tumingin si Joohyun kay Seungwan bago ito ngumiti, hinagis rin ni Joohyun ang pamato niya para makita kung sino ang mauuna sa kanila. “Should I throw too?” tumango si Joohyun habang pinapanood si Seungwan, bakas sa mata ni Seungwan ang saya lalo na nung nakita niyang nasa pang number 6 ito na box. “Nanalo ba ako?” tumatawa si Joohyun bago siya na mismo ang kumuha ng mga pamato nila at naglagay sa number one.

“Hindi, dapat kung sino ang pinaka malapit sa line sa number 5 ayun ang mauuna.” nagpout si Seungwan bago ito umupo sa may tabi, nakatingin lang siya kay Joohyun. “So kung nasaan ang pato mo, ayun yung box na hindi mo dapat tatapakan. Pag isang box lang ang meron isang paa lang ang pwede. Pag dalawa sabay dalawang paa mo. Gets mo ba?” umiling si Seungwan kaya napabuntong hininga nalang si Joohyun. “Sige panoorin mo muna ako.” nagsimula nang tumalon si Joohyun, madali lang naman itong larong piko para sa kanya dahil madalas na silang naglalaro nitong magkakaibigan. Nakikita niya kung gaano katalas ang tingin ni Seungwan sa ginagawa niya. “Ayan nakabalik na ako so kailangan ko kuhain yung pato ko.” kinuha ni Joohyun ang pato niya bago siya tuluyang tumayo.

“I get it! Can I try?” tumango si Joohyun bago binigyan ng space si Seungwan, pinanood niyang tumatalon ang kaibigan niya, nakangiti siya dahil ito ang unang beses na nakapaglaro sa labas si Seungwan. Mabilis rin namang naintindihan ng kaibigan niya ang laro kaya walang naging problema si Joohyun.

Spoiler alert, nagkaroon siya ng problema nung maout of balance si Seungwan at matumba ito habang nasa number three siya. Nataranta si Joohyun napatayo dahil nakita niyang umiiyak si Seungwan. “Seungwan!” agad na lumuhod si Joohyun sa harap ni Seungwan para tignan ang sugat ng kaibigan niya, nagasgasan ang tuhod nito kaya naman nataranta si Joohyun agad niya ring tinulungan na makatayo si Seungwan na umiiyak padin. Pagkaupo nila sa may gilid, tinignan maiigi ni Joohyun ang tuhod ng kaibigan niya, nakita niyang may gasgas ito kaya tumingin siya sa mga mata ni Seungwan. “Seungwan, nagasgas yung tuhod mo, huwag ka na umiyak.” pinunasan ni Joohyun ang mga tumulong luha sa mata ng kaibigan niya. Hindi rin nagatubili si Joohyun na tulungan si Seungwan na makapaglakad siya pauwi. “Pag umiyak ka lalong di na tayo papayagan maglaro sa labas.” tumingin si Seungwan sa kaniya bago ito humikbi at yumakap kay Joohyun.

At sa unang pagkakataon, naramdaman ni Joohyun ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Hindi alam ni Joohyun kung bakit? Pero para sa batang Joohyun, sigurado siya na dahil ito sa kaba dahil sigurado siyang mapapagalitan siya ni Jessica.

At sa paglipas ng mga taon, napagtanto ni Joohyun na maraming bagay pala siyang matututunang gawin dahil kay Seungwan.

Isa ang pagsisinungaling sa mama Yoona niya, para lang masamahan ang kaibigan niyang si Seungwan na kitain ang nagkaka crush sa kaniya sa school nila noong sixteen years old sila. Naalala pa ni Joohyun na sinabi niya sa mama Yoona niya na kailangan niyang magpractice ng Basketball kaya hahapunin siya ng uwi, pero dali dali siyang sumakay ng bike niya para puntahan si Seungwan sa school nila na ilang kilometro ang layo. “Sigurado ka ba dito ha?” iritang tanong ni Joohyun habang hinuhubad niya ang suot niyang jacket dahil sinuot niya ito nung nagsend siya ng picture sa mama Yoona niya. “Alam ba ni Tita Jessica to?” nakatingin si Seungwan kay Joohyun na nakakunot ang noo, kaya naman dali dali itong pinitik ng volleyball player at siya na mismo ang umirap.

“No! Bakit ba ang dami mong tinatanong, just support me okay!” napabuntong hininga nalang si Joohyun bago sumunod kay Seungwan na naglalakad. “You can just stay there sa swing and just watch okay?” wala naman nang nagawa si Joohyun, dahil simula bata palang sila ay hindi niya na kayang humindi sa kung ano mang sinasabi ng kaibigan niyang si Seungwan.

Nakaupo si Joohyun sa may swing habang hawak niya ang cellphone niya, nakatingin lang si Joohyun sa kaganapan sa may di kalayuan. Nakita niyang nakaupo si Wendy sa tabi ng isang lalaki habang masaya silang naguusap. Hindi mapigilan ni Joohyun na mapabuntong hininga, tumingin siya sa may langit bago pinikit ang mga mata niya, maraming mga bagay na gumugulo sa isip ng dalaga, maraming bagay na bumabagabag sa kaniya, marami siyang tanong na kahit siya mismo ay hindi niya masagot. “Joohyun, ano ba.” mahinang bulong ni Joohyun bago siya tumingin ulit sa eksenang natatanawan niya, nakita niya rin na tumayo ang dalawa kaya nagmadali rin itong tumayo para sumunod.

Hindi rin nagpahalata si Joohyun dahil ayaw niya namang masira ang araw ni Seungwan. Bilang matalik na kaibigan ng dalaga, nandito lang si Joohyun palagi para samahan at suportahan siya sa mga bagay bagay. Kahit ang ibig sabihin nang pag suporta ay ang mas lalo pang gumulo ang mga bagay sa utak niya. “Pwede kita ihatid sa inyo? May dala akong motor.” nagulat si Joohyun nung marinig niya yun, pero mas nagulat siya nung tumango si Seungwan. Hindi alam ni Joohyun kung ano ba ang dapat niyang maramdaman.

Kaya naman nung makita niya si Seungwan na sumunod nalang sa lalaki at naiwan si Joohyun doon na nakatingin sa kanila. Napalunok ang dalaga bago ito bumuntong hininga. Napagdesisyunan nalang ni Joohyun na kumain muna ng tindang kwek-kwek sa may tabi ng park. “Joohyun, kaibigan mo siya.” bulong niya sa sarili niya habang nakatingin sa baso ng kwek-kwek. Litong lito ang dalaga sa nararamdaman niya, hindi niya maintindihan kung bakit nasira ang mood niya.

Narinig ni Joohyun ang pagkulog, kaya dali dali niya naring sinuot ang bike niya at saka siya sumakay sa bike niya. Napabuntong hininga nalang ang dalaga at napagdesisyunan niya muna na dumaan sa bahay nila Seungwan para makita kung nakauwi ba ang kaibigan niya kahit na uulan na.

At sa mga oras na iyon, napagtanto ni Joohyun na marahil iba na talaga ang nararamdaman niya.

Humantong rin sa pagkakataon na napagtanto ni Joohyun na iba na talaga ang tingin niya sa matalik niyang kaibigan. Nakatanggap ng text si Joohyun mula kay Seungwan bago siya magtraining ng basketball kasama ang buong team nila.

Seungwan: Need ko mag buy ng project sa mall :((( kaso wala si Minhyuk, pwede mo ba ako samahan?

Matagal na tinitigan ni Joohyun ang cellphone niya hanggang sa tuluyan itong namatay. “Joohyun, hanap na tayo ni coach.” narinig niya ang boses ng ka-team niyang si Moonbyul, kaya tumango si Joohyun bago ngumiting tipid.

Ilalagay na sana ni Joohyun ang cellphone niya sa loob ng bag niya nung mapagpasiyahan niyang replayan nalang si Seungwan.

Joohyun: Sige, after training samahan kita.

Minumura na ni Joohyun ang sarili niya pagkatapos niyang isend ang message. Hindi niya alam kung bakit isang text o tawag lang ni Seungwan ay dali dali siyang nandiyan para sa kaibigan niya. Kahit na madalas lang siya nitong naalala sa tuwing wala na siyang ibang makasama o sa tuwing wala si Minhyuk na kasintahan niya.

Dali daling tumakbo si Joohyun palabas ng locker-room at agad na sumunod sa mga kateam mate niya sa court. “Oh Ortega! Late ka na naman!” sinalo agad ni Joohyun ang bola na hinagis ng coach niya bago siya nagsimulang mag warm up. Passion naman talaga ni Joohyun ang paglalaro ng basketball, kaya naman nung nagkaroon ng pagkakataon para makapaglaro siya ay talagang grinab niya na ito. “May mga nanonood na mga coaches from different universities pala, kung gusto niyo makakuha ng scholarship aba galingan niyo.” tumingin si Joohyun sa paligid at nakita niya ang apat na babaeng coach na nakaupo sa bench. Napabuntong hininga ang dalaga bago siya nagsimulang tumakbo.

Mabilis na sinalo ni Joohyun ang bola na pinasa ng assistant coach nila bago siya tumira sa may three point line, swabe at kalkulado ni Joohyun ang tira niya. Narinig niya ang hiyawan ng ibang mga nanood nung tumira siya at mas lalo itong lumakas nung tuluyang pumasok ang bola. “Grabe ka talaga Joohyun crushie kita!!!” natawa nalang si Joohyun bago siya ulit tumakbo papunta sa kabilang ring, kung saan nagaantay ang coach niya na hawak ulit na bola.

“Isa pang tres Joohyun.” tumango ang basketball player bago niya sinalo ang bolang pinasa sa kanya ng coach niya, kagaya nang una niyang tira, kalkulado niya ang paghagis ng bola, nakita niya rin ang attention ng mga coach sa iba’t ibang school na nakatingin sa kaniya kaya naman nung muling pumasok ang bola napangiti nalang siya.

Pero napalitan ang ngiti niya nang pagbilis ng tibok ng puso nung marinig niya ang boses ng taong hindi niya lubos inaasahan. “Bestfriend ko yan! Go Joohyun!” nakita niya si Seungwan na nakangiti habang nakatayo sa may pinto ng gymnasium.

Pansamantalang nakalimutan ni Joohyun ang sama ng loob niya, lalo na nung makita niya ang mga ngiti ni Seungwan. “Joohyun, lay up naman daw practice.” siniko siya ni Moonbyul kaya dali dali na siyang tumakbo at pinilit na alisin ang imahe ni Seungwan sa utak niya.

Nang matapos ang practice, dali daling lumapit si Seungwan kay Joohyun habang may bitbit itong gatorade. “Hyun oh, favorite mo color blue.” nakatingin si Moonbyul kay Joohyun habang nakangisi, samantalang si Joohyun ay walang ibang magawa kung hindi mapaayos ng upo at kuhain nalang ang bote ng gatorade. “Galing galing mo today, I think ready na you for the finals.” napailing si Joohyun habang nagpupunas siya ng pawis gamit ang towel pero parang nalagutan siya ng hininga nung kuhain ni Seungwan ang tuwalya at siya na mismo ang nagpunas ng pawis niya.

Alam ni Joohyun na mali, mali na maramdaman niya ito, dahil kaibigan niya si Seungwan, kaibigan lang siya ni Seungwan, at higit sa lahat, kailangang respetuhin ni Joohyun ang katotohanan na nasa isang relationship si Seungwan. Napalunok ang basketball player bago niya pinigilan ang kamay ni Seungwan. “Ako na Wan, okay lang.” tipid ang mga salitang sinabi ni Joohyun, dahil sa totoo lang ayaw niya talagang matigil kung ano man ang ginagawa ni Seungwan kani-kanina lang. Pero pinairal ni Joohyun ang kaniyang utak at ayaw niyang lumikha ng gulo na ikasasakit ni Seungwan.

Dahil para kay Joohyun, basta masaya si Seungwan ay sapat na iyon.

Matapos makapagshower at magbihis ni Joohyun, nakita niyang nakaupo si Seungwan sa may bench kaya naman napangiti siya bago umupo sa tabi nito. “Done ka na?” tumango si Joohyun bago isinukbit ang bag niya sa may balikat niya, dali dali narin silang tumayo para maglakad palabas sa school ni Joohyun.

“Di ko inaasahan na manonood ka ng practice. Sabi mo you hate seeing me play.” natatawang sabi ni Joohyun habang nagaantay sila na makatawid. Mahigpit ang kapit ni Joohyun sa may bag niya dahil gusto niyang hawakan ang kamay ni Seungwan habang patawid sila sa busy na kalsada.

Pero simula nung sinabi ni Seungwan sa kaniya na sinagot niya na si Minhyuk

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 6: CHAPTER 6: UMIYAK MALALA SHET
hyehye29
#2
Chapter 6: wait naiiyak din tuloy akez huhu magkaka-baby na sila waaaaaah ang ganda ng story na 'to 😭😭
SEEKER_
#3
Chapter 6: Ang swerte ni seungwan kasi nakilala, naging kaibigan, girlfriend, asawa, at patuloy siyang minamahal ni joohyun. Sobrang deserve ni joohyun ma-baby and sinuklian naman yon ni Wendy simula nang maging sila.

Excited na ko sa ganap ng pagbubuntis ni Wendy although nabasa ko na naman yung paglilihi niya sa twt. I wonder kung maaalala ni joohyun na siya nag name ng haneul kasi she was drunk nung sinabi niya yon eh.

Sobrang relate ako don sa gigising ng umaga at mag jogging ng ala singko na naka windbreaker pa 😂
crxss_d
#4
Re-reading ulit kasi hindi pa maka move on 😂
mklarisse_ #5
Chapter 5: Nakakamiss talaga sila 😭😭😭 thanks po sa update authornim, i rlly enjoyed this!
SEEKER_
#6
Chapter 5: I'll be honest haha mas nauna ko basahin yung au sa Twitter na mas lalong nagpa curious sakin why everyone's hyping this up. I already got my answer na. Gets ko kung bakit kilig na kilig yung iba kasi grabe nga yon joohyun! Grabe din yung kilig ko sa bawat eksena. Ang saya ko lang para sa kanila like sobrang deserved lalo na para kay joohyun. And fanfic character minhyuk nga pala.

May we all reach the financial stability like Engineer and accountant hahaha. Ang mahal kaya magpatayo ng bahay from scratch tapos ang dami pang aasikasuhin. Anyway, financial stability ulit para sa lahat!!!
towonderandwander #7
Chapter 5: Lord, penge naman isang Engineer Joohyun Ortega. 😂 authornim, ok lang naman kahit hindi pa into yun last special chapter. Gusto ko lang naman malaman how they are as parents. Char. 😂
reveclean
#8
Chapter 5: ano po yung move on?huhuhu ang hirap pang ilet go nila engr and acct. 😭
juhyuneeeee
96 streak #9
Chapter 5: AUTHORNIM WHAT IF MORE PA HAHAHA GUSTO KO NG LITTLE JOOHYUN AND SEUNGWAN 😭😭😭 BITIN TO AUTHOR EH BITIN NA BITIN 😭😭😭 PERO THANK YOU SA PAG SHARE MO SA AMIN NG KWENTO NI ORTEGA AT LAXAMANA 🥹😭 GUSTO KO NA TULOY NG ISANG ENGINEER ORTEGA SA BUHAY KO 😭😭😭😭😭😭
jenwanyun #10
Chapter 5: Walang magmmove on!!! Ang next special chapter buhay mag-asawa in their new house and may chikitingsz na sila wahahaha (eme di po ko nag-iimpose 🥺) ganda-ganda ng special chapteeeer kilig na kilig aq