Walang Kapalit - Fin

Walang Kapalit
Please Subscribe to read the full chapter

Nakatulala si Seungwan sa loob ng sala nila, mabigat ang puso ni Seungwan habang nakatingin siya sa ilang bote ng alak. “Hindi mo ba alam, na ilang taon ka nang gusto ni Joohyun! Hindi mo ba nakikita yun?!” tumatak sa isip niya ang sinabi ni Minhyuk nung mahuli niya ito sa may Taguig isang linggo na ang nakakaraan. Uminom ulit ang accountant mula sa paubos na bote ng alak, napangiwi naman siya bago niya padabog na nilapag ang bote.

Napasandal si Seungwan sa may sofa niya habang unti unti niyang naaalala ang mga bagay na ginawa nila ni Joohyun sa lumipas na anim na taon.

Naalala ni Seungwan ang unang beses niyang natutong maglaro ng basketball, ayun yung araw na tinuran siya ni Joohyun habang sila lang ang nasa loob ng court. Naalala niya pa kung gaano kabigat ang titig sa kaniya ni Joohyun, at ayun ang kauna-unahang beses na nakita niya ang kinang sa mga mata ng matalik niyang kaibigan. Isa yun sa mga pangyayaring hindi makalimutan ni Seungwan dahil nakita niyang masaya si Joohyun noong mga oras na iyon.

Pero nagbago ang ihip ng hangin nung dumating si Minhyuk, napalayo si Joohyun kay Seungwan dahil kasalukuyan silang naglalaro kung saan pilit inaagaw ni Seungwan ang bola kay Joohyun. “Seungwan, maaga pa tayo bukas.” napatango nalang ang accountancy student, nakita niyang nagshoshooting nalang ng bola ang kaibigan niya.

“Hyun?” tumingin si Joohyun kay Seungwan bago ito ngumiting tipid, bakas sa mata ng engineering student na wala na itong emotion at kinang katulad kanina. Narinig ni Seungwan ang pagbuntong hininga ni Minhyuk.

“Oo papasok narin ako maya maya. Happy Birthday nga pala.” napanigiti si Seungwan bago niya niyakap si Joohyun. Sa mga oras na ito, hindi alam ni Joohyun kung ano ba ang dapat niyang gagawin pero niyakap niya nalang rin si Seungwan bago nito tinapik ang ulo niya. “Sleep well, oki?” tumango tango si Seungwan bago siya kumaway sa kaibigan niya para sumunod kay Minhyuk.

Habang naglalakad sila pabalik nagsalita si Minhyuk na kinagulat ni Seungwan. “Sana di mo nalang ako sinama, nandiyan naman best friend mo.” tumaas ang kilay ni Seungwan habang nasa may tapat na siya ng pinto ng kwarto na tutulugan niya. Kasama niya rito sila Seulgi at Joohyun.

“Pinagsasabi mo? Anong gusto mo, hindi ko iinvite si Joohyun sa birthday ko?” iritang tanong ni Wendy habang nakatingin kay Minhyuk, diretcho rin ang tingin nito sa kaniya kaya napabuntong hininga ang Accountancy student. “Joohyun is my best friend, I know her bago pa tayo naging tayo. What do you want me to do? Iwan siya?” hindi nagustuhan ni Seungwan ang narinig niya kay Minhyuk, dahil kahit kailan ay hindi niya naisip na iwanan si Joohyun at isantabi siya lalo na sa mga okasyon na kagaya nito.

“I was just saying na mas pinili mo na puntahan siya kahit alam mo nang gabi na. Kaya ka ba niya protektahan kapag may nangyari ha? Babae rin siya.” napalunok si Seungwan bago niya tinaas ang kamay niya, pinapahinto niya si Minhyuk na nakakunot rin ang noo habang nakatingin sa kaniya.

“Are you underestimating Joohyun just because she’s a woman?” sandaling napahinto si Minhyuk bago ito bumuntong hininga. Nakita niyang napahakbang palayo si Seungwan bago nito binuksan ang pinto ng kwarto. “Hindi mo alam kung ilang taon na akong prinoprotektahan ni Joohyun, so please don’t underestimate her like that.” binalabag ni Seungwan ang pinto at naiwan dun si Minhyuk.

Lingid sa kaalaman ni Seungwan, ay nakatayo doon si Joohyun at narinig niya ang mga sinabi nito.

Isa rin sa mga di makakalimutan ni Seungwan na pangyayari ay noong nasa College sila, parehas sila ng University na pinasukan ni Joohyun. Isa rin sa pinaka key player ng La Salle si Joohyun kaya naman parang nagkaroon ng instant celebrity friend si Seungwan.

Kasalukuyang nakaupo si Seungwan sa may library dahil inaantay niya si Joohyun para sabay sila makapag lunch. Hindi namalayan ni Seungwan ang oras at nagulat nalang siya nung may nagtakip sa mata niya. “Hyun?” medyo natawa pa si Joohyun bago ito humila ng upuan para makaupo sa tabi ng kaibigan niya. Nakangiti ang engineering student kaya naman napangiti nalang rin si Seungwan. “Should we go? I’m hungry na.” tumango tango naman ang basketball player bago siya pa mismo ang nagbuhat ng bag ni Seungwan, isang bagay na nakasanayan na ni Joohyun at mahirap niya nang maalis.

“Sorry over-time si Engineer Santos dahil doon sa project namen kaya natagalan.” umiling nalang si Seungwan bago sila nagpatuloy sa paglalakad. Nakatingin si Seungwan sa kaibigan niya, bakas sa mukha nito ang pagod pati narin ang kakulangan sa tulog.

“After ng training mo, please matulog ka at magpahinga.” napatingin naman si Joohyun sa kaniya bago ito tumawa ng bahagya, huminto sila sa paglalakad pagkadating sa labas ng campus. “Seryoso ako, you look so tired Hyun, you need to take care of yourself too.” uminom si Joohyun ng tubig bago ngumiti sa kaibigan niya, pinisil niya ang pisngi ni Seungwan na agad na umirap at pinandilatan siya ng mata.

“Opo mama, sige po.” binatukan nalang ni Seungwan ang Engineering student bago sila sabay na natawa at nagpatuloy sa pagtawid. Naisip kasi nilang kumain ngayon ng Pares, dahil kahapon pa naghahanap si Joohyun nito.

“Kelan pala next game niyo? Malapit na ranking for final four ano?” tumango si Joohyun bago inilipat si Seungwan sa may kanan niya para malayo ito sa mga dumadaan na sasakyan. Pinasok rin ni Joohyun ang kamay niya sa loob ng bulsa ng pantalon niya.

Napapaisip si Seungwan dahil may mga bagay na ginagawa si Joohyun na hindi man lang pinaparanas sa kaniya ni Minhyuk, sa loob ng halos limang taon ay hindi minsan’y ginawa ito ni Minhyuk para sa kaniya. “Twice to beat advantage kami next week against UP. Bakit nonood ka?” hindi makasagot si Seungwan dahil siya mismo ay nalilito kung bakit mabilis ang tibok ng puso niya, nakita niyang tumaas ang kilay ni Joohyun bago ito tumingin ulit sa nilalakaran nila. “Wan? Okay ka lang ba? Sabi ko manonood ka ba?” pag ulit ni Joohyun sa tanong, agad rin na hinawakan ni Joohyun ang kamay ni Seungwan at pinatayo ito sa harap niya nung makita niyang medyo maraming tao sa may tindahan ng Pares.

“H..Ha? Oo naman ma..manonood ako.” tumango naman si Joohyun bago ito tumingin sa nagtitinda, nagpapasalamat si Seungwan dahil hindi na tumingin si Joohyun sa kaniya dahil kahit siya mismo ay nalilito at kinakabahan. “I can bring Minhyuk naman diba?” tumingin si Joohyun sa kaniya bago ito tumango at ngumiting tipid.

“Of course, I can ask if we have a few tickets to give, luluwas din kasi si Mama mula Batangas para makanood.” nakita ni Seungwan kung paano nagbago ang mood ni Joohyun, hindi na ito muling nagsalita simula nung kumain sila, tahimik na nakaupo si Seungwan habang pinapanood niya si Joohyun na kumakain.

Sandaling napaisip si Seungwan kung ano ba ang nararamdaman niya. “See you later?” tipid ang naging sagot ni Joohyun dahil tumango lang ito matapos siyang maihatid sa building nila. May training pa kasi si Joohyun pagkatapos ng huling klase niya at magkikita lang sila para ibigay ni Seungwan ang pinadouble check na papel ng kaibigan niya sa kaniya.

“Or you can just drop it sa locker ko, nasabi mo na you’ll meet Minhyuk tonight or you can give it to the guard sa dorm ko.” hindi na inantay ni Joohyun na sumagot ang kaibigan niya kaya naiwan si Seungwan doon na nakatingin kay Joohyun na naglalakad palayo. Nakita niya ang mga babaeng nakangiti habang kumakaway sa kaibigan niya pero tumango lang ito at ngumiting tipid.

Napagtanto ni Seungwan na talaga palang maraming tao ang umaasa na mapaglaanan sila ng attention ng basketball player. Nakita rin ni Seungwan na napatingin ang mga babae sa kaniya kaya napaismid nalang siya bago pumasok sa loob.

At kung akala ni Seungwan ay doon nagwawakas ang mga weird interaction niya mula sa fangirls at fansclub ni Joohyun, yes, nagkaroon ng fansclub si Joohyun ay nagkakamali siya. Hindi makalimutan ni Seungwan ang isang instance kung saan nanood siya ng finals game ni Joohyun kasama niya si Minhyuk na parang sobrang napipilitan lang. “Chick manget pala yang tropa mo eh.” sinamaan ni Seungwan ng tingin si Minhyuk bago ito tumingin sa mga bagong pasok na player sa loob ng araneta, hindi magkamayaw ang mga fangirls ni Joohyun na may dala pang mga banner na pilit pang binabasa ni Seungwan kanina pa.

“Pinagsasabi mo diyan, baka ikaw nga itong maramig chix.” iritang sagot ni Seungwan bago ito sumandal sa kinauupuan niya, dumekwatro pa ang accountancy student bago ibinaling ang tingin niya kay Joohyun na tumitingin sa buong Arena. Nakita niyang ngumiti ito nung makita niya si Mama Yoona niya na kumakaway. Nakita rin ni Seungwan na tinuro ni Yoona ang section kung saan siya nakaupo kaya dali daling tumingin si Joohyun doon at kumaway. “Hyunnie! Good luck!” nag thumbs up si Joohyun sa kaniya kaya naman narinig ni Seungwan ang bulungan ng mga nasa likod niya. Palihim na umirap ang dalaga.

“Damn, she’s really famous. Parang babalatan ka na ng buhay ng fans niya.” siniko ni Seungwan ang boyfriend niya bago ito umayos ng upo. Napailing nalang rin si Minhyuk, agad namang nag ring ang cellphone ni Minhyuk kaya napatayo ito. “I need to take this call.” wala namang nagawa si Seungwan kung hindi tumango nalang. Napapansin niyang napapadalas rin na hawak ng boyfriend niya ang cellphone nito sa tuwing magkasama sila.

Napabuntong hininga nalang si Seungwan bago ito tumingin sa bench ng La Salle, at nakita niya rin na nakatingin si Joohyun sa kaniya, kaya ngumiting tipid nalang ito bago nilabas ang cellphone niya.

Kung sana alam lang ni Seungwan kung gaano nagaalala si Joohyun para sa kaniya at para sa feelings niya.

Kaya eto ngayon si Seungwan, nakatulala habang hawak ang bote ng alak, gulong gulo ang utak niya at hindi niya maintindihan ang mga bagay bagay. Narinig niya ang katok mula sa pinto kaya pinilit niya ang sarili niya na tumayo para mabuksan ang pinto. Pagbukas niya ng pinto ay bumungad si Joohyun na nakaleather jacket, plain white shirt at fitted na jeans. Bakas sa mata nito ang pagaalala. “Seungwan, nakarami ka na. I’ll take this.” kinuha ni Joohyun ang hawak nitong bote ng alak, hindi naman umangal ang accountant pati narin nung tinulungan siya nitong maglakad pabalik sa sala kung saan siya nakaupo kanina. “Upo ka lang okay? Lilinisin ko lang to. Tapos ihahanda ko yung pampaligo mo.” tumango tango si Seungwan bago siya tuluyang tumumba sa sofa, humiga nalang ang accountant habang pinapanood niya si Joohyun na nagliligpit, nakatupi ang sleeve ng suot nitong shirt at ang jacket niya ay nakasabit sa upuan sa may dining area ni Seungwan. “Iwasan mo ang pag-inom Seungwan, masama sa katawan yan.” ngumisi si Seungwan bago niya inayos ang paghiga niya, kumuha pa ito ng isang unan para maindantay niya ang ulo niya bago nito tinuro si Joohyun na natawa nalang. Lasing na lasing na talaga si Seungwan kaya wala nang filter ang sinasabi nito.

“Eh gago ka! Ikaw nga vape ka ng vape! Mas bad yun!!!’ natawa lalo si Joohyun bago ito lumapit sa kaibigan niya habang hawak ang mop ni Seungwan. Tinaasan siya ng kilay ni Seungwan kaya napailing nalang ang Engineer. “Baket?” umiling si Joohyun bago hinaplos ang buhok ng kaibigan niya. Hindi niya mapigilan ang pagsibol ng ngiti niya dahil sobrang cute ni Seungwan lalo na at namumula ang pisngi nito.

“Oo bad mag vape, pero ayun lang kasi way ko para makapagalis ng stress.” sumimangot si Seungwan bago crinoss ang dalawang braso niya, nakapout ang accountant at hindi mapigilan ni Joohyun na mapatingin sa mapupula nitong labi. Nagpapasalamat ang Engineer sa utak niya dahil napipigilan niya ang sarili niya sa mga oras na ganito.

“Eh bakit hindi mo ko yayain para mag stress out? Andito naman ako palagi para sayo.” napangiti si Joohyun bago siya umupo sa sahig para makalevel niya ang mga mapupungay na mata ni Seungwan. “You are always there for me, pero I can’t even help you stress out.” napabuntong hininga si Seungwan bago niya pinalapit si Joohyun sa kaniya, medyo nagtataka ang Engineer pero agad din siya lumapit. “Ayaw ko na mag vape ka, kasi ayaw ko magkasakit ka.” mahinang bulong ni Seungwan bago siya tumingin kay Joohyun na may mga luha sa mata niya. “Kasi ayaw ko mawala ka…” bumilis ang tibok ng puso ni Joohyun bago niya tinapik ang ulo ni Seungwan, napalunok nalang ang Engineer bago siya tumayo saka nagsimulang mag mop ulit ng sahig. Akala ni Joohyun matatapos na ang pagpapahirap ni Seungwan sa kaniya pero nagkamali siya. “IKAW!!!! Crush mo ko no?” naubo si Joohyun at nabitawan niya ang mop. Bumilis ang tibok ng puso ng Engineer bago siya nag busy-busyhan.

“Alam mo matulog ka na muna diyan gigisingin nalang kita pag mag shoshower ka na! Masyado ka nang maraming nalalaman!” tumawa si Seungwan bago niya tinuro ulit si Joohyun na pilit na tinatago ang namumula niyang mukha.

“Crush mo ko no? Yieeeeeeeee!” napailing nalang si Joohyun bago niya itinabi ang mop at saka lumapit kay Seungwan. Narinig niya ang pagsinghap ni Seungwan nung ilapit nito ang mukha niya sa kaniya. Kung namumula na si Seungwan kanina ay hindi niya akalain na may mas ipupula pa pala ang mukha ng Accountant.

“Oh ano naman ngayon kung crush kita? May problema ba dun?” napalunok si Seungwan bago siya di nagisip at agad na umupo sa sofa, at nagkamali siya dahil mabilis na dumampi ang labi niya sa labi ni Joohyun kaya naman parang biglang nawala ang tama ni Seungwan at nagmadali siyang tumakbo papasok sa kwarto niya at agad na sinara ito.

Napasandal si Seungwan sa may pinto habang hawak niya ang labi niya na kani-kanina lang ay dumampi sa labi ng Engineer. “Tangina Seungwan, lasing ka na talaga.” mahinang bulong ng accountant bago ito pumasok sa banyo.

Naiwan naman ang Engineer doon na nakangiti sa may pinto bago ipinagpatuloy ang pagliligpit ng mga kalat ni Seungwan.

Nagising si Seungwan na sobrang sakit ng ulo niya, napapamura siya dahil kumikirot talaga ito kaya napagpasiyahan niya na takpan ang ulo niya ng isa pang unan. “Oh, tagay pa tayo?” narinig ni Seungwan ang boses ni Joohyun pagkatapos niya marinig ang katok sa pinto.

“Alis tangina mo.” natawa si Joohyun bago nito nilagay ang tray ng soup na ginawa niya at sa tabi nito ay isang baso ng tubig at gamot. Napaungot na naman si Seungwan dahil alam niya na hindi agad aalis si Joohyun. Naalala niya rin kasi ang mga katarantaduhan niya kagabi kaya bigla siyang nahiya.

“Oo aalis ako kailangan ako sa site ngayon, pero kainin mo muna ito, tapos inumin mo ang gamot bago ako umalis.” parang batang nagmamaktol si Seungwan bago ito umupo sa may kama niya, natawa nalang rin si Joohyun habang pinagmamasdan si Seungwan na mukhang pinagkaitan ng tulog. “Bili pa kitang alak?” tanong ni Joohyun habang pinapanood si Seungwan na humihigop ng mainit na sabaw, nakita niyang nakasimangot ito bago tumingin sa kaniya.

“Sabi mo kagabi masama uminom!” ngumisi si Joohyun bago ito umupo sa may kama ni Seungwan, para namang kinabahan bigla ang accountant dahil napagtanto niya na parang binulgar niya rin kayJoohyun na may naaalala siya sa mga nangyari kagabi.

“Uy may naaalala siya. Ano pa naaalala mo?” tinaas ni Seungwan ang middle finger niya kaya mas lalong natawa ang Engineer, namiss ni Seungwan ang mga moments na ganito. Dahil napagtanto niya na halos hindi nila nagawa ito ni Joohyun simula nung naging sila ni Minhyuk. Maraming bagay na napalampas si Seungwan, at isa ang mga ganito sa mga iyon.

“Napakawalanghiya mo talaga umalis ka na nga!” tumango si Joohyun bago niya kinuha ang suot niyang jacket na nakapatong sa upuan sa may office area ni Seungwan sa loob ng kwarto niya. Bahagya namang napasimangot si Seungwan nung seryosohin siya ni Joohyun dahil nagsusuot na ito ng jacket. “Naka motor ka padin?” tumango ang engineer bago ito ngumiti, siya pa mismo ang nagbukas ng gamot ni Seungwan. “Ride safe hmm?” sumaludo si Joohyun bago ito tumingin sa relo niya.

“Sige na, I should get going. Just call or text me if you need something.” tumango si Seungwan habang nakatingin kay Joohyun na palabas na nang kwarto niya, hindi mapigilan ni Seungwan ang pag ngiti niya lalo na nung dahan dahan na sinasara ni Joohyun ang pinto. “Ay reminder nga pala. Wag mo ako mamiss ha.” umirap si Seungwan na muling nagpatawa kay Joohyun bago nito tuluyang sinara ang pinto habang bitbit parin ang tray na pinagkanan ni Seungwan.

“What an idiot.” nakangiting sabi ni Seungwan bago siya humiga at kinuha ang cellphone niya. Napabuntong hininga ang accountant. “Well practically she’s my idiot, and I always miss my idiot.” pabulong na sabi ni Seungwan bago niya sinampal ang sarili niya dahil hindi niya lubos akalain na masasabi niya iyon.

-


Dalawang linggo na ang lumipas simula nung araw na iyon, unti unti narin na nakakarecover si Seungwan sa mga ganap niya kay Minhyuk. Natanggap niya narin na hindi niya kasalanan kung bakit niloko siya ng Dentista. Kakaclock out lang ni Wendy mula sa trabaho kaya naman nilabas nito ang cellphone niya para mag book ng grab pauwi.

Pero agad itong nabago nung makita niya ang text mula kay Joohyun na agad namang nagpangiti sa kaniya.

Joohyunnie: Ride tayo? Gusto ko lang magpahangin sa Antipolo. Sunduin kita sa office niyo.

Alam naman ni Seungwan na hindi niya rin mahihindian si Joohyun kaya naman naglakad na ito palabas ng building nila. Nakita niya si Joohyun na may kausap na dalawang babae, mukhang kinikilig pa ang mga ito, si Joohyun naman nakasandal lang sa motor niya habang nakatingin sa kanila. “Oo nga, hindi ka na ba ulit maglalaro ng basketball?” narinig ni Seungwan ang boses ng isa sa mga babae, nakita niya pang hinawakan nito ang braso ni Joohyun na agad namang napaayos ng tayo para maka atras. “Omg grabe! Di ko inexpect na makikita ka namin dito!” nakita ni Seungwan kung paanong tipid na tumango si Joohyun, kaya naman hindi na nagpatumpik tumpik ang accountant at dali daling lumapit kay Joohyun.

“Hyun? Kanina ka pa?” umiling si Joohyun bago niya kinuha ang bag ni Seungwan, napatingin naman ang dalawang babae at nung narealize nila na isa sa mga head pala ng department ang nasa harap nila ay dali dali silang tumakbo. “Bakit daw?” nakasimangot si Seungwan habang hinahayaan niya si Joohyun na isuot ang helmet sa kaniya. Napailing si Joohyun habang inaayos ang mic para sa intercom.

“Wala nakilala lang ako mga fan ko daw nung UAAP.” ipinasuot rin ni Joohyun ang jacket niya kay Seungwan dahil narealize niya na manipis ang suot nito. “They were asking di na daw ba ako babalik sa pag babasketball.” nakatingin si Seungwan kay Joohyun habang zinizipper nito ang suot na jacket ni Seungwan. “Wala naman akong balak.” natawa ng bahagya si Joohyun bago niya inoffer ang kamay niya para maalalayan niya si Seungwan sa pagsama sa motor niya.

“But what if I tell you na I want to see you play again?” sumandal si Seungwan sa likod ni Joohyun saka niya hinigpitan ang yakap nito sa may tiyan ng basketball player. Narinig niya ang tawa ni Joohyun bago ito tumingin sa side mirror. “What?” natawa si Joohyun bago binaling ulit ang attention niya sa kalsada.

“Baket gusto mo ako ulit makita maglaro?” mabilis na tumango ang accountant bago tumingin kay Joohyun sa may side mirror, kahit na halos natatakpan ang mukha ni Joohyun dahil sa helmet, ay hindi mapigilan ni Seungwan na mapatingin sa mga mata ng Engineer.

“Hmm, I think you look so good playing.” napailing si Joohyun bago narinig ni Seungwan ang mala music sa tenga niyang tawa ng Engineer. Sa mga oras na ito ay unti unting naiintindihan ni Seungwan kung gaano kaganda hindi lang ang ugali ni Joohyun, pati narin ang panlabas nitong katauhan. “So, will I see you again, Jersey number twenty one, archer Joohyun Ortega?” tumingin si Joohyun sa may side mirror bago ito tumango, humigpit ulit ang yakap ni Seungwan kay Joohyun nang maramdaman niya ang malamig na hangin.

At eto ngayon si Seungwan, nakaupo sa may motor ni Joohyun habang may hawak siya na kape. Walang nagsasalita sa kanila pero ramdam ni Seungwan ang saya at ang gaan sa pakiramdam niya. Sabado bukas kaya parehas silang walang pasok kaya sigurado si Seungwan na magtatagal sila dito. “How’s work this week?” tanong ni Joohyun habang nakatingin lang ito sa may view ng Antipolo, nakasandal siya sa may motor niya habang ang kamay niya ay nakadantay sa may likod ng accountant.

“Hmm, okay lang, nakakapagod lang since alam mo naman year end.” tumango si Joohyun bago ito kumuha ng chewing gum, napatingin si Seungwan sa kaibigan niya dahil ito ang unang beses na nakita niyang nag chewing gum ni Joohyun. “A gum?” napailing ang Engineer bago siya tumingin rin kay Seungwan. Bumilis ng bahagya ang tibok ng puso ni Seungwan dahil sobrang ganda ng mga mata ni Joohyun, hindi napigilan ni Seungwan ang pag lunok habang nakatingin rin siya sa mata ng Engineer.

“I’m trying to stop vaping, kasi you told me to stop.” diretchong sabi ni Joohyun bago niya inipit ang mga takas na buhok na nahulog sa mukha ng accountant. Hindi maintindihan ni Seungwan kung ano ang nararamdaman niya, kaya nagpasalamat siya nung tuluyan ng putulin ni Joohyun ang ungnayan ng mga mata nila.

Hindi mapigilan ni Seungwan ang pagbilis ng tibok ng puso niya, hindi niya rin maalis ang tingin niya kay Joohyun na nakatingin lang rin sa mga ilaw sa overlooking view. Maraming mga tanong si Seungwan na natatakot siyang malaman ang sagot, kaya mas pinili nalang ni Seungwan na idantay ang ulo niya sa balikat ni Joohyun. “Thank you for trying your best.” pinisil ni Seungwan ang kamay ni Joohyun bago siya tumingin rin sa view. Hindi pa malalim ang gabi kaya gusto pa ni Seungwan na makasama si Joohyun. “Do you have a crush? Di man lang kita nakita na nakipagdate. May mga nagkacrush sayo noon sa La Salle pero no one really caught your attention?” nakita ni Seungwan na napaayos ng tayo si Joohyun, umigting rin ang panga nito habang diretcho padin ang tingin niya.

“Alam mo nung nakaraan mo pa ako hinohotseat ha.” medyo natatawa si Joohyun bago siya kumuha ulit ng isang chewing gum, medyo namumula rin ang tenga ni Joohyun kaya hindi mapigilan ni Seungwan na panoorin ang bawat kilos nito.

“Madaya ka, ikaw alam mo lahat nang about samen ni Minhyuk noon.” naramdaman ni Seungwan na hinila siya ni Joohyun palapit, inakbayan siya nito pagkasabi niya ng pangalan ng ex-boyfriend niya, nakita niya rin na kumunot ang noo nito kaya naman hindi na maalis ang tingin niya sa kaibigan niya.

“Ikaw tong nagsh-share!” pilit na tumawa si Joohyun kaya naman sumimangot si Seungwan bago niya pabirong sinakal si Joohyun. Natawa si Joohyun bago niya hinawakan ang kamay ni Seungwan. “Ano ba gusto mo malaman?” tanong ni Joohyun bago siya uminom sa hawak niyang tubig. Inabutan niya rin si Seungwan nito bago siya bumuntong hininga.

“So meron nga? I mean ano nagustuhan mo sa kaniya? Kilala ko ba?” interesadong interesadong tanong ni Seungwan, samantalang si Joohyun ay kinakabahan sa tabi niya. Napatingin lang ang Engineer sa accountant bago ito ngumiti.

“Oo naman, medyo matagal ko narin naman siyang gusto.” nakatingin si Seungwan kay Joohyun, hindi nito magawang makatingin sa kanya, nakita niyang nanginginig ang engineer kaya hindi mapigilan ni Seungwan na kabahan rin. “Ano, siguro kasi sobrang clueless niya sa mga bagay bagay, pero hindi ko mapigilan na mamangha kung gaano siya ka passionate sa mga bagay na gusto niyang gawin. Mapagmahal siya kahit alam ko na yung pagmamahal na natatanggap ko ay iba sa gusto kong makuha, pero masaya ako kasi hindi niya pinagkakait sa akin yung bagay na gusto kong gawin.” may mapait na ngiti sa labi ni Joohyun bago siya bumuntong hininga, malalim ito at ramdam ni Seungwan ang lalim ng pinaghugutan nito. “Tapos ano, mabait siya, kahit na minsan napapatanong ako kung ginagamit niya pa ba ang utak niya sa mga ginagawa niyang desisyon, matalino rin siya pero hindi niya minsan inaapply sa mga bagay kaya palagi akong nandun para linisin yung kalat niya o kaya naman pag kailangan niya nang makakasama.” tumawa si Joohyun bago siya napakamot sa may batok niya. Hindi parin tumitingin si Joohyun sa kaniya pero kita ni Seungwan ang ningning sa mga mata niya. “Grabe, ngayong sinasabi ko ito, napagtanto ko na ikaw lang ang unang nakakaalam maliban kay mama. Kahit na ilang taon na ang lumipas, kahi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 6: CHAPTER 6: UMIYAK MALALA SHET
hyehye29
#2
Chapter 6: wait naiiyak din tuloy akez huhu magkaka-baby na sila waaaaaah ang ganda ng story na 'to 😭😭
SEEKER_
#3
Chapter 6: Ang swerte ni seungwan kasi nakilala, naging kaibigan, girlfriend, asawa, at patuloy siyang minamahal ni joohyun. Sobrang deserve ni joohyun ma-baby and sinuklian naman yon ni Wendy simula nang maging sila.

Excited na ko sa ganap ng pagbubuntis ni Wendy although nabasa ko na naman yung paglilihi niya sa twt. I wonder kung maaalala ni joohyun na siya nag name ng haneul kasi she was drunk nung sinabi niya yon eh.

Sobrang relate ako don sa gigising ng umaga at mag jogging ng ala singko na naka windbreaker pa 😂
crxss_d
#4
Re-reading ulit kasi hindi pa maka move on 😂
mklarisse_ #5
Chapter 5: Nakakamiss talaga sila 😭😭😭 thanks po sa update authornim, i rlly enjoyed this!
SEEKER_
#6
Chapter 5: I'll be honest haha mas nauna ko basahin yung au sa Twitter na mas lalong nagpa curious sakin why everyone's hyping this up. I already got my answer na. Gets ko kung bakit kilig na kilig yung iba kasi grabe nga yon joohyun! Grabe din yung kilig ko sa bawat eksena. Ang saya ko lang para sa kanila like sobrang deserved lalo na para kay joohyun. And fanfic character minhyuk nga pala.

May we all reach the financial stability like Engineer and accountant hahaha. Ang mahal kaya magpatayo ng bahay from scratch tapos ang dami pang aasikasuhin. Anyway, financial stability ulit para sa lahat!!!
towonderandwander #7
Chapter 5: Lord, penge naman isang Engineer Joohyun Ortega. 😂 authornim, ok lang naman kahit hindi pa into yun last special chapter. Gusto ko lang naman malaman how they are as parents. Char. 😂
reveclean
#8
Chapter 5: ano po yung move on?huhuhu ang hirap pang ilet go nila engr and acct. 😭
juhyuneeeee
96 streak #9
Chapter 5: AUTHORNIM WHAT IF MORE PA HAHAHA GUSTO KO NG LITTLE JOOHYUN AND SEUNGWAN 😭😭😭 BITIN TO AUTHOR EH BITIN NA BITIN 😭😭😭 PERO THANK YOU SA PAG SHARE MO SA AMIN NG KWENTO NI ORTEGA AT LAXAMANA 🥹😭 GUSTO KO NA TULOY NG ISANG ENGINEER ORTEGA SA BUHAY KO 😭😭😭😭😭😭
jenwanyun #10
Chapter 5: Walang magmmove on!!! Ang next special chapter buhay mag-asawa in their new house and may chikitingsz na sila wahahaha (eme di po ko nag-iimpose 🥺) ganda-ganda ng special chapteeeer kilig na kilig aq