Final Chapter

Walang Kapalit
Please Subscribe to read the full chapter

Kung akala ni Seungwan ay sweet na si Joohyun, hindi niya lubos akalain na may mas isw-sweet pa pala ang Engineer. Bilang girlfriend ng isang three-time UAAP champion and MVP, likas na maraming enerhiya ang girlfriend niya. Kaya naman minsan ay nahihirapan nang magcatch up ang Accountant sa ganap ng girlfriend niya.

Eto si Seungwan ngayon, nakaupo sa may opisina niya habang hawak ang cellphone niya. Nakatanggap siya ng text mula sa girlfriend niya na magpapadala ito ng lunch dahil nasabi ni Seungwan na hindi siya makalabas dahil tambak ang work sa finance department ngayon. “I sent you the tracking link, kumain ka okay? I don’t want you skipping meals just because you have a lot of work to do.” nakatingin si Seungwan sa screen ng phone niya, busy ang Engineer na nagbabasa ng plan at hindi mapigilan ni Seungwan na ienjoy ang view, seryoso ang tingin ni Joohyun sa hawak niyang folder habang hawak nito ang ballpen sa isa niyang kamay. “Seungwan?” nag hum lang ang Accountant bago siya kumuha ng screenshot, hindi niya mapigilan na mapangiti lalo na nung tumaas ang kilay ni Joohyun bago nito nilapag ang folder na hawak niya para tumingin sa may screen.

“Sorry, I was busy admiring my y Engineer.” napairap nalang si Joohyun bago ito sumandal sa may swivel chair niya, tumingin rin ito sa wrist watch niya bago siya tumayo mula sa upuan niya. “You need to go?” tumango si Joohyun habang kinukuha nito ang susi ng sasakyan niya mula sa drawer. Ngayon lang mas lalong napagtuunan ng pansin ni Seungwan ang suot ng girlfriend niya, naka tucked in ang suot nitong plant white shirt sa may slack niya. Kitang kita rin ang suot nitong casio watch na bigay niya sa girlfriend niya. “Babie, your hardhat baka makalimutan mo.” napangiti si Joohyun bago ito lumapit sa may screen habang kinukuha ang hardhat niya. Hindi mapigilan ni Seungwan na bumilis ang tibok ng puso niya sobrang attractive tignan ng girlfriend niya. Hindi mapigilan ni Seungwan na imginin kapag pawisan si Joohyun, at amoy baby parin ito.

“Wan, stop looking at me like that. I can’t kiss you right now.” napalunok si Seungwan bago siya umirap pero gusto niya lang talaga itago ang namumula niyang mukha. Nagpasalamat rin sa langit si Seungwan dahil may kumatok sa pinto niya. “Nandiyan na ata food mo love, sige na. I need to go. See you later. Kiss kita maraming marami mamaya.” natatawang sabi ng Engineer bago siya kumaway, ibaba na sana ni Joohyun ang tawag pero parehas silang natawa nung nagsabi sila ng “I love you.” ng sabay.

-

Pagkadating ni Joohyun sa may site dali dali niyang kinuha ang vest at hardhat niya sa may tabi niya. Tinitigan niya rin ang on-going project nila at hindi niya mapigilan na maging proud dahil malapit na talaga itong matapos. Nagulat si Joohyun nung may kumatok sa may bintana niya, nakita niya ang co-engineer niya na si Jennie. “Lunch?” umiling si Joohyun bago niya isinuot ang vest niya pati rin ang hardhat niya. Inayos niya rin ang buhok niya bago niya sinira ang pinto ng sasakyan.

“I’m good. Need ko lang mag visit sa site.” tipid na tugon ni Joohyun bago siya nagsimulang maglakad, pinasok ni Joohyun ang kamay niya sa loob ng bulsa niya habang tinitignan ang kabuuan ng project. Ilang buwan naring binabantayan ni Joohyun ito at natutuwa siya dahil malapit na itong matapos at mukhang may naka-line up agad na project para sa kaniya.

“Heard from boss na they might send us abroad for like 3 months for a project.” napatingin si Joohyun kay Jennie, may hawak na kape ang kapwa engineer niya habang nakangiti sa kaniya. Tumaas naman ang kilay ni Joohyun bago nito tinawag ang isang worker.

“Please ensure na enough yung sockets for this place, since this will be the conference room.” tumango naman agad ang nakausap ni Joohyun kaya naman nagpatuloy sa paglalakad ang Engineer. “Really? Saan naman daw?” tanong ni Joohyun bago siya huminto sa paglalakad. Napahinto naman si Jennie bago ito tumingin sa mga mata ng kapwa Engineer niya.

“Sa Japan daw, naeexcite nga ako since buti nalang kasama parin kita.” hindi nalang umimik si Joohyun bago siya nagsimulang maglakad ulit. Kinuha rin nito ang cellphone niya para kuhaan ng picture ang langit, napangiti si Joohyun dahil excited siyang ipakita ito mamaya sa girlfriend niya. “Maybe after iannounce ni boss for good, sabay tayo magshop ng clothes.” hindi parin umiimik si Joohyun dahil hindi niya rin naman alam kung paano ituturn down ang offer.

Pababa na sana ulit si Joohyun nung dumating ang boss nila, nakangiti ito lalo na nung makita niya si Joohyun. “Buti naman nandito ka Ortega. Kayong dalawa ha, lagi kayong magkasama may dapat ba akong malaman?” natawa si Jennie bago hinampas ang braso ng boss nila na natawa nalang rin. Si Joohyun naman nakatayo lang doon habang nakatingin sa boss niyang si Engineer Sotto. “Another successful project Engineer Ortega, sobrang pulido ng bawat detail ng project na ito. Super satisfied ang client natin.” nagbow nalang ang Engineer bago ito ngumiting tipid. “Ayun, they are expanding a branch din sa Japan so they asked if we can work on this. I told them I’ll consult it with you. I will send the contract sa email mo so you can review this later.” tinapik naman si Joohyun ng Engineer kaya naman nagbow ito ulit, pati narin si Jennie.

“Thank you Engineer Sotto.” agad rin namang nagpaalam si Joohyun dahil nacheck niya narin naman lahat. Habang naglalakad pabalik si Joohyun agad naman siyang hinila ni Jennie kaya nahulog ang hawak niyang hardhat.

“Sorry! Gusto ko lang sana itanong if you will agree with the proposal?” bumuntong hininga si Joohyun bago nito kinuha ang hardhat niya. Tinitigan niya ang kapwa Engineer niya na diretcho lang ang tingin sa kaniya.

“I need to consult this with some people muna before I can decide.” tipid na tugon ni Joohyun bago siya nagsimulang maglakad papunta sa sasakyan niya. Agad niya ring pinatunog ito para makapasok na siya. Nilapag rin agad ni Joohyun ang hardhat at vest niya bago niya kinuha ang cellphone niya.

Agad niyang tinawagan si Yoona habang nakasandal siya, tinignan ni Joohyun ang dashboard niya pwede niya pang sunduin ang mama niya at bumalik sila ng Manila, sakto lang yun para masundo niya si Seungwan mula sa office.

“Hello, anak?” napangiti naman si Joohyun bago niya inistart ang ignition ng sasakyan niya. Matagal tagal rin kasi siyang hindi nakakauwi sa Batangas. Ang huling uwi nila ay nung sinagot siya ni Seungwan, halos anim na buwan narin ang lumipas kaya naman parang naexcite ito.

“Ma, sunduin kita, tapos dito ka tulog sa condo ko. May need lang ako idiscuss sa inyong dalawa ni Seungwan.” nagantay si Joohyun ng sagot mula sa mama niya. Pero agad na nanlaki ang mata niya nung marinig niya ang sinabi ng mama niya.

“Bakit? Magpapakasal na kayo?” parang nalagutan ng hininga si Joohyun, hinubad niya pa ang suot niyang seatbelt para madefend ang sarili niya. Hindi mapigilan ni Joohyun na mamula ang tenga niya.

“MA! Hindi!” ngayon naman si Yoona ang natawa kaya naman napapout nalang si Joohyun dahil inaasar na naman siya ng mama niya, parang kagaya lang noong nasa high school siya at hopeless siyang in love kay Seungwan.

“Hay nako, ikaw ha. Sige anak magingat ka ha. Antayin kita dito.” agad ring binaba ni Yoona ang tawag kaya wala nalang ibang nagawa ang Engineer kung hindi mapailing. Habang tinatahak ang daan ikinabit niya ang earpiece niya para idial ang number ni Seungwan.

Habang inaantay niya na sumagot ang girlfriend niya, hindi mawaksi sa isip niya ang sinabi ng mama niya. Sandaling napaisip ang Engineer kung paano pag dumating na sila sa punto na kailangan nila mag settle down. Alam ni Joohyun na ilang buwan palang silang official na mag girlfriend pero hindi mapigilan ni Joohyun na isipin na ang mga bagay bagay. Dahil para kay Joohyun, simula palang nung una ay sigurado na siya kay Seungwan.

“Hello?” narinig ni Joohyun ang boses ni Seungwan kaya naman napangiti siya habang patuloy na binabaybay ang daan pauwi ng Batangas. Napalunok si Joohyun dahil narealize niya na ilang buwan din siyang malalayo kay Seungwan, hindi naman ito ang unang beses, pero ito ang magiging pinakamatagal. Minsan ay nagpupunta si Joohyun sa Cebu at sa Davao para sa ilang project pero pinakamatagal na ang isang linggo.

“On the way ako sa Batangas, susunduin ko si mama. Then I’ll pick you up later. May gusto ka ba ipabili? Buko Pie? Galapong?” narinig ni Joohyun ang pagsara ng pinto sa kabilang linya, kasunod nito ang pagbuntong hininga ni Seungwan. “Tired already?” nag hum si Seungwan kaya naman napangiting tipid nalang ang Engineer.

“Take care babie, I want some galapong and kisses from you.” natawa nalang si Seungwan sa sinabi niya bago ito bumuntong hininga. Sa mga oras na ganito, walang ibang hiling si Seungwan kung hindi makita si Joohyun para makapagrecharage siya at mayakap niya ang Engineer.

“Okay, I’ll see you later. Magpahinga ka muna if you are very tired.” nag hum nalang ang accountant kaya naman binaba narin ni Joohyun ang tawag bago siya nagfocus sa pagdridrive. Sa totoo lang hindi rin talaga alam ni Joohyun kung igragrab niya ba ang pagkakataon pero gusto niyang ipaalam muna ito sa dalawa sa pinaka importanteng tao sa buhay niya.

Hindi nakalimutan ni Joohyun na dumaan sa paboritong bilihan ni Seungwan ng galapong, bago siya dumiretcho sa bahay nila. Napakalaki na nang pinagbago ng bahay nila dahil ipinagawa ito ni Joohyun nung nakaraang taon. “Oh, Joohyun nandito ka na pala.” nagmano si Joohyun sa lola niya bago siya pumasok sa loob ng bahay nila, Nakita ng engineer ang mama niya na nakaupo sa may sala kaya dali dali rin itong nagmano.

“Gusto mo muna bang uminom ng tsaa?” umiling naman ang Engineer bago kinuha ang bag nang mama niya. Ngumiti nalang si Yoona bago sila tuluyang lumabas, hindi nakalimutan ni Joohyun na magmano bago sila sumakay ulit sa sasakyan niya. Napangiti si Yoona bago ito umupo sa may shotgun seat. “Pag dating ni Seungwan, lilipat nalang ako.” natawa naman si Joohyun bago niya sinenyasan ang mama niya na isuot ang seatbelt niya.

“Thank you ma, alam ko kasi na mas maganda na sabay ko nalang sabihin sa inyo ni Seungwan.” nagstart na magdrive si Joohyun, nakasuot ng earpiece ang engineer habang diretcho ang tingin sa daan. Napatingin si Yoona sa anak niya, kita niya ang pagod sa mga mata nito kaya naman naisip ni Yoona na ipagluto bukas si Joohyun tutal sabado naman.

“Mukhang mahalaga ito anak ah.” natawa nalang si Joohyun bago siya sumulyap sa mama niya na natawa nalang rin. Simula nung nag college si Joohyun ay bibihira niya nalang ito makasama, lalo na nung nagsimulang magtrabaho na ang Engineer. Kung dati ay training lang ang nagiging hadlang sa paguwi ni Joohyun sa Batangas, ngayon ay mga project na hinahawakan niya na.

Proud na proud naman si Yoona dahil lumaking tama si Joohyun, may respeto ito sa kapwa at talagang pulido ang trabaho. Kilalang Engineer si Joohyun at isa siya sa mga gem ng kumpanyang pinagtratrabahuhan niya, kaya walang araw na hindi ipinagmamalaki ni Yoona ang anak. “Takot lang ako sa reaction niyong dalawa.” sagot ni Joohyun, sabay na napatingin si Joohyun at Yoona sa may dashboard nung makita nilang may tumatawag.

“Engineer Jennie Alvarez?” takang tanong ni Yoona habang nakatingin kay Joohyun na napabuntong hininga nalang. Hindi sinagot ng Engineer ang tawag kaya naman nagtaka si Yoona kaya agad niyang kinalabit ang anak niya. “Sino siya anak?” nakita ni Yoona ang pagka asar sa mata ng Engineer.

“Workmate ko ma.” tipid na tugon ng Engineer, diretcho lang ang tingin ni Joohyun sa daan, napailing nalang si Yoona lalo na nung tumawag ito ulit. Humugot ng malalim na buntong hininga si Joohyun bago ito sinagot. “Hindi ko na office hours, Engineer Alvarez.” malamig ang boses ng Engineer, malayong malayo ito sa Joohyun na kilala ni Yoona, nakakunot ang noo niya habang patuloy sa pagmamaneho.

“Gusto ko lang sana itanong if nareceive mo na yung file from Engineer Sotto?” napairap si Joohyun bago tumingin sa may orasan sa dashboard niya, malapit narin sila sa office ni Seungwan dahil wala namang traffic ngayon. Napatingin nalang si Joohyun sa mama niya bago ito tipid na sumagot ulit.

“Sinabi ko sayo kanina na I need to discuss pa with some people. So, please stop calling me about this one. Hindi naman sa akin nakasalalay ang mga desisyon mo sa buhay.” natawa nalang si Yoona sa narinig niyang sinabi ni Joohyun, napailing nalang rin ang mama niya bago tumingin sa bintana.

“What do you mean, sayo nakasalalay lahat, Joohyun. If di ka pupunta then I won’t.” napabuntong hininga nalang ulit ang Engineer, hindi rin kasi sinasabi ni Joohyun sa trabaho niya na nasa isang relationship na siya dahil mas pinili niyang itago ito dahil sigurado siyang mauusisa lang siya at pati narin si Seungwan.

“Bye.” binaba ni Joohyun ang tawag bago niya tiningan ang message na kapapasok lang sa may dashboard, nawala ang inis niya nung makita niya ang message ni Seungwan.

My love

Currently waiting sa may lobby, drive safe, mahal.

Natawa nalang rin si Yoona bago pinisil ang pisngi ng Engineer na nagulat nalang rin sa ginawa ng mama niya. “Aba’y in love na in love ang anak ko ha.” natawa nalang rin sila parehas at hindi na naglakas ng loob si Joohyun na ideny ang lahat.

Dahil sigurado naman siya na in love na in love talaga siya kay Seungwan.

-

Pagkadating sa may tapat ng building ng office ni Seungwan agad ding lumabas ang Accountant. Pasakay na sana siya sa may backseat nung buksan ni Yoona ang bintana. “Ay tita! Magandang gabi po.” gulat na bati ni Seungwan bago siya nagmano, napangiti naman si Yoona bago tinuro ang upuan sa harap. Sakto naman ay nag cr ang Engineer.

“Sa harap ka na anak. Badtrip yang si Joohyun may tumawag sa kaniya kanina na babae. Mukhang iritang irita.” tumaas ang kilay ni Seungwan sa narinig niya, kaya naman nagpasalamat siya kay Yoona bago umupo sa may shotgun seat.

Pagkabalik ni Joohyun, agad rin nitong inabot ang seatbelt ni Seungwan.

“Good evening, may gusto ka ba kainin tonight?” tanong ng Engineer habang nakatingin lang sa girlfriend niya. Seryoso lang ang mukha ni Seungwan bago ito tumingin sa may rearview. Nagtama ang mata nila ni Yoona at agad namang naintindihan ni Seungwan na kailangan niya munang palipasin ito at pakinggan si Joohyun.

“Hmm, baka si Tita may gustong kainan? Or pwede natin dali si Tita doon sa kinainan natin last monthsary natin.” sagot ng accountant pagkatapos niya magiwan ng halik sa pisngi ng Engineer. Tumingin naman si Joohyun kay Yoona bago ito ngumiti.

“Ma, gusto mo ba kumain ng Italian tonight?” napatango nalang si Yoona dahil sa totoo lang naman ay kahit ano ay pwede niyang kainin. Nagsimula narin mag drive ang Engineer kaya napagpasiyahan nalang ni Seungwan na kausapin ang mama ng girlfriend niya.

“Tita, kamusta naman po kayo?” tanong ni Seungwan habang nakatingin siya kay Yoona. Nakita ng accountant ang pag ngiti ng mama ng girlfriend niya.

“Ay eto, okay naman. Naiinip lang ako kasi di nako pinayagan ni Joohyun na magluto luto.” napatingin naman ang accountant sa girlfriend niya. Tahimik lang ito habang diretcho ang tingin sa may kalsadang tinatahak nila. “Ikaw ba anak, kamusta? Akala mo naman hindi mo ako tinatawagan ano.” parehas nalang natawa si Yoona at Seungwan.

“Ayaw lang po siguro ni Hyun na mapagod pa kayo tita. Gusto niya enjoyin mo na daw po ang buhay.” nakita ni Seungwan na tumango si Yoona bago ito ngumiti para tumingin kay Joohyun. “Okay lang naman po ako, masyado lang hectic sa work kasi malapit na po ang year end.” napatingin si Seungwan nung makita niyang may nag flash sa may dashboard ni Joohyun, napalunok ito nung makita niya ang message.

Hindi naman pinapakielamanan ng Accountant ang cellphone ni Joohyun, ni minsan ay hindi ito nagbasa ng messages dahil nirerespeto niya ang privacy ng girlfriend niya. Kaya naman hindi lubos akalain ni Seungwan na ganoong message pa ang makikita niya.

Engineer Jennie Alvarez

Hey, nasabi ni Engineer Sotto na ikaw nalang ang inaantay. I hope you will agree. Can't wait to explore more with you.

Agad namang inalis ni Joohyun ang notification bago siya dali daling tumingin kay Seungwan. Nakatingin ang accountant sa may harap kaya naman napalunok nalang si Joohyun.

Naisip ni Seungwan na ito siguro ang kausap na babae ni Joohyun kanina na sinabi ni Yoona. Pilit na inaalis ni Seungwan ang mga bagay na tumatakbo sa isip niya pero nahihirapan talaga siya.

Gusto ni Seungwan na bumaba ng sasakyan para maglakad at magisip isip. Pero mas pinili niya nalang na itago ang takot.

Kaya pagdating nila sa may restaurant, agad siyang bumaba, hindi niya na hinayaan pa si Joohyun na pagbuksan siya ng pinto kagaya ng nakasanayan nila. Napalunok naman ang Engineer bago pinaunang makapasok si Seungwan at ang mama niya.

Nagpapasalamat si Seungwan dahil agad rin naman silang inabutan ng menu. Kaya para mawala ang mga bagay bagay sa utak niya ay mas pinili niyang kausapin si Yoona. “Tita masarap po yung Pizza Carnivora dito.” nakangiting sabi ni Seungwan sa mama ng girlfriend niya. Nakita niyang napatingin ang Engineer sa kaniya pero mas pinili niyang hindi pansinin ito. “I'll take the usual, then Patron Silver.” tipid niyang sabi kay Joohyun.

Si Yoona naman napatingin lang sa dalawa. Nakita niya ang stress sa mata ni Joohyun habang sinasabi ang order nila. “So, bakit mo nga pala ako pinapunta dito anak?” napatingin rin si Seungwan sa Engineer na kasalukuyang nagpupunas ng kamay. Nakalapag ang cellphone nito kaya naman nung muli itong umilaw sabay sabay na naman silang napatingin dito.

Engineer Jennie Alvarez

Joohyun?

Napatingin si Joohyun kay Seungwan, nakita niyang uminom ito sa order niyang tequila. “Uhm…” inabot ni Joohyun ang baso ni Seungwan dahil nakita niya kung gaano kabilis itong ininom ng girlfriend niya. “Stop, ambilis mong uminom.” nakipagtitigan lang ang accountant bago ito palihim na umirap at umayos ng upo. Ramdam ni Seungwan ang guhit ng tequila sa may lalamunan niya kaya mas pinili niya nalang ibaling ang attention niya sa interior ng restaurant. “I received an offer today from my boss. I wanted to discuss it muna and consult sayo ma, and of course sayo Seungwan.” kinakabahan ang Engineer dahil hindi niya alam kung tama ba na pagusapan nila ito ngayon lalo na at may mga gusto pang linawin si Joohyun kay Seungwan. “Our recent client is expanding a branch overseas. So, naconsider yung team namen to construct and work on the project and expansion.” nakita ni Joohyun kung paano tumingin si Seungwan sa kaniya, nagiba ang expression ng mata ng accountant at pansamantalang nawala ang kaba ni Joohyun. “My boss sent me the contract earlier. I was able to review it. So basically the project will take place in Japan and if I say yes I'll probably stay there for three months.” napalunok si Joohyun dahil hindi niya lubos mabasa ang ekspresyon ni Seungwan at pati narin ng mama niya. “Uhm… I don't know if I should say yes to the offer.” napakamot sa batok niya ang Engineer bago ito uminom ng tubig. Nakatingin siya sa girlfriend niya na nakatingin rin sa kaniya.

Pero nagulat si Joohyun nung sabay na nagsalita si Seungwan pati ang mama niya. “Do you want to do it?” nagkatitigan pa si Yoona at Seungwan bago ngumiti si Yoona para hayaan na magpatuloy si Seungwan. “If you want to do it, then go. Magandang stepping stone siya for your career.” napalunok ang accountant bago siya nagsimulang kumain nalang. Hindi pa man nakakaalis si Joohyun ay nalulungkot na agad si Seungwan. Pero wala siyang magagawa, kailangan niyang suportahan ang girlfriend niya lalo na sa trabaho nito.

“Tama si Seungwan, gawin mo kung gusto mo anak.” napatingin ang Engineer sa mama niya bago ito ngumiti. Napatingin rin siya kay Seungwan na pinaglalaruan ang pasta dish na inorder niya. “Mag c-cr muna ako.” kaya naman ito sila naiwan sa may table, nababalot ng katahimikan.

Bumuntong hininga ang Engineer bago siya naglakas ng loob na magsalita. “Do you want me to go?” nagulat ang accountant sa tanong, magsisinungaling si Seungwan kung sasabihin niyang oo, pero ayaw niyang maging hadlang sa growth ni Joohyun bilang Engineer.

“Joohyun, don't think about me. Kung gusto mo gawin. Then go, I'll be supporting you even from a far.” sagot ni Seungwan pagkatapos niya tumingin sa mga mata ni Joohyun. Nakita niya ang pagbuntong hininga ng girlfriend niya bago ito umupo sa tabi niya. “J..Just promise me na you'll be healthy, happy, and safe there.” niyakap nalang ni Seungwan ang bewang ng Engineer bago ito sumiksik sa may leeg ni Joohyun.

“I can't promise staying happy there, wala ka doon eh.” natawa nalang si Seungwan bago siya tumingin kay Joohyun. Gusto na lubusin ni Seungwan ang mga oras na katulad nito. “Thank y

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 6: CHAPTER 6: UMIYAK MALALA SHET
hyehye29
#2
Chapter 6: wait naiiyak din tuloy akez huhu magkaka-baby na sila waaaaaah ang ganda ng story na 'to 😭😭
SEEKER_
#3
Chapter 6: Ang swerte ni seungwan kasi nakilala, naging kaibigan, girlfriend, asawa, at patuloy siyang minamahal ni joohyun. Sobrang deserve ni joohyun ma-baby and sinuklian naman yon ni Wendy simula nang maging sila.

Excited na ko sa ganap ng pagbubuntis ni Wendy although nabasa ko na naman yung paglilihi niya sa twt. I wonder kung maaalala ni joohyun na siya nag name ng haneul kasi she was drunk nung sinabi niya yon eh.

Sobrang relate ako don sa gigising ng umaga at mag jogging ng ala singko na naka windbreaker pa 😂
crxss_d
#4
Re-reading ulit kasi hindi pa maka move on 😂
mklarisse_ #5
Chapter 5: Nakakamiss talaga sila 😭😭😭 thanks po sa update authornim, i rlly enjoyed this!
SEEKER_
#6
Chapter 5: I'll be honest haha mas nauna ko basahin yung au sa Twitter na mas lalong nagpa curious sakin why everyone's hyping this up. I already got my answer na. Gets ko kung bakit kilig na kilig yung iba kasi grabe nga yon joohyun! Grabe din yung kilig ko sa bawat eksena. Ang saya ko lang para sa kanila like sobrang deserved lalo na para kay joohyun. And fanfic character minhyuk nga pala.

May we all reach the financial stability like Engineer and accountant hahaha. Ang mahal kaya magpatayo ng bahay from scratch tapos ang dami pang aasikasuhin. Anyway, financial stability ulit para sa lahat!!!
towonderandwander #7
Chapter 5: Lord, penge naman isang Engineer Joohyun Ortega. 😂 authornim, ok lang naman kahit hindi pa into yun last special chapter. Gusto ko lang naman malaman how they are as parents. Char. 😂
reveclean
#8
Chapter 5: ano po yung move on?huhuhu ang hirap pang ilet go nila engr and acct. 😭
juhyuneeeee
96 streak #9
Chapter 5: AUTHORNIM WHAT IF MORE PA HAHAHA GUSTO KO NG LITTLE JOOHYUN AND SEUNGWAN 😭😭😭 BITIN TO AUTHOR EH BITIN NA BITIN 😭😭😭 PERO THANK YOU SA PAG SHARE MO SA AMIN NG KWENTO NI ORTEGA AT LAXAMANA 🥹😭 GUSTO KO NA TULOY NG ISANG ENGINEER ORTEGA SA BUHAY KO 😭😭😭😭😭😭
jenwanyun #10
Chapter 5: Walang magmmove on!!! Ang next special chapter buhay mag-asawa in their new house and may chikitingsz na sila wahahaha (eme di po ko nag-iimpose 🥺) ganda-ganda ng special chapteeeer kilig na kilig aq