Special Chapter

Walang Kapalit
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi lubos akalain ni Seungwan na ganito pala kahirap magplano ng kasal, kasalukuyan siyang nakaupo sa sala ng bahay nila, kasama niya si Sooyoung at ang Mommy Jessica niya habang inaayos nila ang ilang wedding invitations. “Saan ba pogi mong engineer?” tanong ni Jessica habang umiinom ito ng green tea na kadadala lang ng helper nila, napatingin si Seungwan sa mommy niya bago niya nilapag ang katatapos niya lang ayusin na invitation.

“Nag site visit ma, tapos sinamahan rin ni Tita Yoona na maghanap ng suit niya.” nakangiting sagot ni Seungwan habang umiinom ito ng juice na binigay sa kaniya ni Sooyoung. Inabot rin ni Seungwan sa kaibigan niya ang isang invitation na natapos niya.

“Talagang ikakasal ka na ano, anak? Ano naman nararamdaman mo?” hinampas ni Seungwan si Sooyoung na agad namang napaingit bago sinamaan ng tingin ang kaibigan niyang si Seungwan na kasalukuyang namumula.

“Mommy!!” natawa si Jessica bago inilagay ang sunod na invitation na natapos nila, natawa nalang rin si Sooyoung dahil sobrang pula rin ng mukha. “Kinikilig ako, ang saya saya ko kasi ano hala mommy!” hindi mapigilan ni Sooyoung ang hagikgik niya kaya sinabunutan siya ni Seungwan na namumula parin.

“Sabi ko na nga ba dati palang crush mo na si Joohyun eh!” umirap si Seungwan sa sinabi ng mommy niya magsasalita pa sana si Seungwan pero narinig niya ang pagbukas ng pinto ng bahay nila.

Nakatayo doon si Joohyun habang may suot itong specs at naka plain black na shirt at pantalon. Hindi naman mapigilan ni Wendy na mas lalo pang mahulog kay Joohyun lalo na nung nagtama ang mga mata nila at dali dali siya nitong nginitian. “Good evening po tita.” magalang na bati ni Joohyun bago siya dali daling nagmano kay Jessica na nakatingin rin sa kaniya. Hindi malaman ni Joohyun kung ano ba ang gagawin niya, kaya naman nung tinapik ni Seungwan ang space sa tabi nito ay dali dali rin itong umupo sa tabi niya.

“Kumusta? Everything good for the project?” tanong ni Seungwan bago niya inabutan si Joohyun ng ilang pirasong invitation na kailangan niyang lagyan ng ribbon at ilagay sa envelope. Tumango naman ang Engineer bago siya nagsimulang gumawa ng tahimik, nakita ni Joohyun na tumingin si Jessica sa kaniya kaya naman napalunok ito bago mas sumiksik sa tabi ni Seungwan.

“What were you talking about kanina? You are blushing.” tanong ni Joohyun bago siya uminom sa baso ni Seungwan, nakita niya si Sooyoung na tumatawa kaya naman tumingin ang Engineer sa kaibigan ni Seungwan.

“Pinaguusapan ka Engineer, kilig na kilig naman tong future asawa mo. Nanghahampas at sabunot pa.” pinandilatan ni Seungwan si Sooyoung pero likas na kampon ng kadiliman ang kaibigan niya kaya nagpatuloy pa ito, at mas pinili niyang idamay si Madam Jessica na nakangisi rin ngayon. “Diba tita? Kilig na kilig si Seungwan?” tumawa si Jessica bago tumango at saka tumingin kay Joohyun na halatang iniiwasan ang tingin ni Jessica.

“Sabi ko na baka noon palang talaga, crush ka na niya Joohyun.” natawa ng bahagya si Joohyun bago siya sumulyap kay Seungwan. Alam ni Joohyun na impossible ito, pero nung makita niyang napalunok si Seungwan ay napailing nalang siya.

“Nako tita malabo, sigurado di niya pa naisip na possible ito noon.” sa pagkakataon na ito, si Seungwan naman ang napatingin kay Joohyun, nakita niyang may tipid na ngiti mula sa Engineer bago nito nilagay ang natapos niyang mga invitation.

Hindi alam ni Seungwan kung ano ba ang dapat niyang gawin o sabihin, pero nakita niyang natahimik ang Engineer hanggang sa matapos sila.

Kasalukuyang nakaupo ang Engineer sa may kama ni Seungwan habang nakasuot ito ng specs at hawak ang Ipad niya. Tahimik parin si Joohyun at napagpasiyahan niya muna na umakyat sa taas pagkatapos nila magayos ng mga invitation. Sa mga oras na ito hindi rin maintinidihan ng Engineer kung bakit bigla siya nalungkot, iritang binato ni Joohyun ang ipad niya bago niya itinumba ang sarili niya sa may kama. Sandaling pinikit ni Joohyun ang mga mata niya bago niya narinig ang pagbukas ng pinto. “Oh, tulog?” narinig niya ang boses ng isa sa mga maids nila Seungwan kaya pinili nalang ng Engineer na ipikit ulit ang mata niya. Narinig niya muli ang pagsara ng pinto kaya napabuntong hininga nalang siya ulit.

Pinili ni Joohyun na ipikit ang mata niya hanggang sa marinig niya ulit ang pagbukas ng pinto. “You can place it diyan nalang sa table.” nanatiling nakapikit si Joohyun hanggang sa marinig niya ang pag thank you ni Seungwan at ang muling pagsara ng pinto. Hindi parin umiimik si Joohyun hanggang sa naramdaman niya nalang na inaangat ang ulo niya at ang malambot na unan. “I know you are awake, by the way.” hindi umiimik si Joohyun kaya naman napabuntong hininga nalang si Seungwan bago siya sumiksik sa tabi ni Joohyun, niyakap niya ito bago siya bumuntong hininga. “I’m sorry, na ruin ng topic yung mood mo. I was wrong na hindi ko pinigilan si mommy with what she said.” hindi parin umiimik si Joohyun, hinahayaan niya lang si Seungwan na magsalita habang niyayakap siya nito. “But what she said made me think, and I somehow realized a few things.” napalunok si Joohyun lalo na nung naramdaman niya ang pagbuntong hininga ni Seungwan. “Na maybe they were right, noon palang nandoon na pero mas pinili ko lang isantabi.” at parang bumalik si Seungwan at Joohyun sa nakaraan.

Nakatulala si Joohyun habang pinapanood niya si Seungwan na gumagawa ng project sa bahay ng classmate niya. Halos mag aalasais narin at sigurado siya na mapapagalitan silang dalawa ni Jessica, higit na mas mapapagalitan si Joohyun at tanggap niya na ito. “Sa tingin mo ba okay na ito?” tanong ni Seungwan sa kaklase niya pagkatapos niya ipakita ang naisulat niya nang report para sa Marketing subject nila. Napatingin rin si Seungwan kay Joohyun, nakita niyang nakasandal ito sa may upuan, suot pa nito ang jacket niya dahil pagkatapos ng training niya sa basketball ay dumiretcho siya dito.

“Cute ng friend mo.” hindi umiimik si Seungwan dahil diretcho lang ang tingin niya kay Joohyun, nakasuot ito ng salamin niya dahil tinanggal niya na ang contact lense niya dahil tapos narin naman ang training niya ng basketball, nakita ni Seungwan na unti unti nang dumudulas ang ulo niya sa may upuan kaya siya na mismo ang sumalo sa ulo ni Joohyun at hinayaang idantay ito sa balikat niya. “Baka naman pwede ko mahingi number niya or kahit friendster lang.” hindi padin sumasagot si Seungwan dahil hindi niya lubos maintindihan kung ano man ang bumabagabag sa kaniya ngayon.

“No!” pati ang classmate ni Seungwan ay nagulat dahil hindi naman siya madalas sumisigaw o sumasagot ng pabalang. Napalunok pa ito bago tumingin kung nagising ba si Joohyun sa lakas ng boses niya, hindi napigilan ni Seungwan ang pag ngiti niya lalo nung makita niyang mahimbing parin ang pagtulog niya. “Sorry, it’s just hindi siya nagbibigay ng number or anything else sa di niya kilala. Rare din siya mag social media since she’s a very private person.” napatingin naman si Seungwan sa orasan niya bago siya bumuntong hininga, tinapik niya rin ang balikat ni Joohyun na umingit lang. “Hyun, uwi na tayo.” narinig ni Seungwan ang pagsabi ni Joohyun ng five minutes kaya naman pinisil nalang ni Seungwan ang kamay nito.

Agad namang napaayos ng upo ang basketball player bago nito kinusot ang mga mata niya at tinulungan na magligpit si Seungwan. “Tapos ka na ba? I can still wait and explain naman kay tita.” tumango si Seungwan bago nito nilapag ang report na natapos niya na, agad rin siyang tumayo mula sa upuan, mabuti nalang rin at nasa may garden area sila gumagawa kaya nagpaalam lang si Seungwan sa mama ng kaklase niya bago niya dali daling hinila palabas si Joohyun.

Simula nung magkaroon ng boyfriend si Seungwan ay hindi na tinangka ni Joohyun na hawakan ang kamay niya. Bitbit ni Joohyun ang bag ng kaibigan niya habang naglalakad sila pauwi.

Pagkadating nila sa may bahay nila Seungwan, ay nakita nilang nakatayo si Jessica sa may gate, kaya agad na napalunok si Joohyun bago niya inabot ang bag ng kaibigan niya. “At saan naman kayo nanggaling ngayon?” tumingin lang si Seungwan sa mama niya bago siya bumuntong hininga. “At sino si Minhyuk, Seungwan?” bakas sa mukha ni Joohyun ang pagkabigla pero nakatayo lang doon ang basketball player.

“Ma, gumawa ako ng project, inantay ako ni Joohyun matapos. Pwede na ba siyang umuwi?” umiling si Jessica bago tumingin kay Joohyun, humigpit ang hawak nito sa strap ng backpack niya habang pilit na diretchong tumingin kay Jessica. Pero hindi kinakaya ng basketball player ang kaba.

“Sino si Minhyuk, Joohyun?” napalunok ang basketball player bago siya tumingin kay Seungwan, nakita niyang umiling ito kaya mas lalong naguluhan si Joohyun. “Ayaw ko nang sinungaling Joohyun, alam mo yan.” bumuntong hininga ang basketball player bago siya naglakas ng loob na tumingin kay Jessica.

“B..Boyfriend po ni Seungwan.” narinig ni Joohyun ang pagmumura ni Seungwan kaya napapikit nalang siya, pinapasok nalang ni Jessica si Seungwan bago siya tumingin ulit kay Joohyun.

“Sige na makakauwi ka na.” yumuko si Joohyun bago nagmamadaling tumakbo pauwi dahil nagbabadya narin ang malakas na ulan. Wala namang nagawa si Jessica kung hindi bumuntong hininga at pumasok narin sa loob.

Kinabukasan, dinaanan ni Joohyun si Seungwan pero hindi niya ito naabutan, hindi rin ito sumasagot sa kahit anong tawag o text man lang, kaya naman napagtanto ni Joohyun na galit ang kaibigan niya sa kaniya. Hindi naman ito ang unang beses na nagaway sila pero alam ni Joohyun na ito na ang pinaka naging malaki nilang away.

Pagkatapos ng training niya ay nagpunta siya sa may library para kitain ang kagroup niya sa assignment nila sa calculus na si Jiho. “Sorry, kanina ka pa ba nagaantay?” umiling naman ang classmate niya kaya ngumiting tipid nalang si Joohyun.

“Gawin nalang natin sa may coffee shop doon sa labas ng school, malapit narin kasi magsara yung library eh.” tumango naman ang basketball player bago siya sumunod sa classmate niya.

Pagkalabas nila ng school ay nakita niya si Seungwan na kasama si Minhyuk, kita niya kung paano agad na iniwasan ni Seungwan ang mga mata niya. Si Seungwan naman ay parang nagiba ang mood kaya dali dali nitong hinila si Minhyuk.

“Uuwi na ako, may assignment pa ako sa accounting na kailangan tapusin.” ayun lang ang sabi ni Seungwan bago siya nagmadaling umuwi. Habang naglalakad ay hindi mapigilan ni Seungwan na mainis at malito dahil hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya.

Pagkadating niya sa bahay ay dali dali siyang pumasok sa kwarto niya at humiga. “Joohyun bakit ba ako naiinis!” ayun lang ang huling nasabi ni Seungwan dahil pinilit niyang iwaksi ang pakiramdam na yun.

Dumating din sa pagkakataon na sobrang litong lito si Seungwan, nakatingin siya kay Joohyun habang nagpapapicture ang ilang mga blockmate niya. “Swerte ni Seungwan, taga hatid, sundo ka lang niya.” natatawang sabi ni Solar pagkatapos niya makapag papicture kay Joohyun.

Hindi naman umimik ang Engineer student, bagkos ay ibinaling niya ang attention niya kay Seungwan. “Can he pick you up later? Kailangan mo ba ako?” tanong ni Joohyun habang hawak nito ang tumbler niyang purple at nakatingin rin kay Seungwan.

“No, sabi niya hell week nila and he can’t pick me up.” tumango tango ang basketball player bago siya tumingin sa relo niya. Nakatingin rin ang mga kaibigan ni Seungwan sa kanilang dalawa.

“Okay then, mga seven siguro tapos na training ko, I’ll pick you up.” ngumiti naman si Seungwan nung narinig niya iyon. “I’ll text you.” kumaway nalang si Seungwan kay Joohyun na nagmamadaling tumakbo.

“Single ba yun?” tanong ni Solar bago siya tumingin kay Seungwan, nakita niyang matalim na tumingin ang accountancy student bago ito pumasok sa loob ng classroom nila. Hindi maintinidihan ni Seungwan kung ano ba itong bumabagabag sa kaniya.

Napalunok nalang si Seungwan bago niya kinuha ang cellphone niya at nagtext.

Seungwan: Ingat sa practice later, oki?

At mas lalo nalang siyang naguluhan nung mabasa niya ang reply ni Joohyun.

Joohyun: Yes boss, need mo pa ko as your taga linis so need ko magingat.

At kahit mismo si Seungwan ay nalilito narin.

At ang pinaka turning point ni Seungwan ay nung malaman niya ang isa sa mga bagay na kinakatakutan niya. Hindi talaga mahilig si Seungwan manood ng mga laro ni Joohyun dahil natatakot siya sa tuwing nakikita niyang naglalaro ito, alam niyang likas na competitive ang bestfriend niya kaya talagang buong puso ang binibigay nito sa tuwing naglalaro siya.

Kasalukuyang katatapos lang ng klase ni Seungwan nung marinig niya ang commotion sa may canteen. “Oo nga daw eh may natumba daw na player.” napahinto sa paglalakad si Seungwan dahil sakto naalala niya ay finals game nga pala ni Joohyun. Ito ang second third playing year ng bestfriend niya. “Ahhh oo si Ortega daw, tinulungan ng coaching staff para mailabas ng court. Mukhang ACL nga.”parang binuhusan ng malamig na tubig si Seungwan kaya dali dali niyang kinuha ang phone niya para tignan ito sa twitter.

Hindi namalayan ni Seungwan na tumulo ang mga luha niya lalo na nung nakita niya si Joohyun sa court na umiiyak habang kitang kita ang nararamdaman nitong sakit. Walang ibang nagawa si Seungwan kung hindi umuwi sa may dorm niya, at magantay ng tawag.

Pagkaring ng cellphone niya agad niyang sinagot ang tawag ni Joohyun. “Hello?” mahina ang boses ng basketball player kaya mas pinigilan ni Seungwan ang paghikbi niya. “Sorry, ngayon lang ako nakatawag, nakauwi ka na ba? How’s your exams?” sumisikip ang dibdib ni Seungwan, hindi niya lubos maisip na kahit na may nararamdaman si Joohyun ay mas iniintindi parin siya nito. Napakapit si Seungwan sa hawak niyang libro habang pilit na pinipigilan ang gustong kumawala na hikbi.

“Can I see you?” naramdaman ni Seungwan ang pagtulo ng luha niya, lalo na nung narinig niya ang pagbuntong hininga ni Joohyun sa may kabilang linya. “Kumain ka na ba?” hindi alam ni Seungwan kung ano ba ang nararamdaman niya, isa lang ang gusto niyang mangyari ngayon.

“Gabi na Wan, magpahinga ka na muna alam kong napagod ka this week sa puro review. Uuwi ka ba bukas?” tuluyan ng lumabas ang pinipigilang hikbi ni Seungwan, hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin, sobrang nalilito na siya. “No need to cry, Okay lang ako. Don’t wor….” napapikit si Joohyun nung marinig niya na tuluyan nang naiyak si Seungwan kaya naman wala na siyang ibang nagawa kung hindi hayaan ang kaibigan niya na mapuntahan siya nito.

Kaya eto ngayon si Seungwan namamaga ang mata habang bitbit ang favorite ni Joohyun na Mang Inasal. Hindi parin magawang pumasok ni Seungwan dahil nasa pinto palang siya ay patuloy na bumabagsak ang mga luha niya. “Pwede ka naman pumasok.” narinig niyang sabi ng Nurse na siya pa mismo ang nagbukas ng pinto, agad namang napatingin si Joohyun sa may gawi ng pinto kaya wala nang ibang nagawa si Seungwan kung hindi pumasok habang umiiyak.

Lalo na nung nakita niya si Joohyun na nakahiga sa may kama niya habang nakatingin lang sa kaniya. “Wag ka na umiyak, okay lang ako.” mahina ang boses ni Joohyun habang pilit nitong umupo sa may kama niya, narinig ni Seungwan ang pag ingit ng basketball palyer kaya dali dali siyang lumapit dito para pahigain ito ulit.

“Gago ka, you were sreaming kanina nung bumagsak ka. You are clearly not okay.” patuloy sa pagiyak si Seungwan habang nakatingin lang kay Joohyun, napangiti naman ang engineer student bago niya pinisil ang pisngi ng bestfriend niya. “Kain ka na muna, okay?” pinunasan ni Seungwan ang luha niya bago niya hinila ang isang upuan para makaupo siya at maihanda niya ang pagkain ng basketball player.

“Wag ka na umiyak, baka dumating si tita Jessica at mapagkamalan pa ako na pinapaiyak ka.” umirap si Seungwan bago niya sinubuan ang kaibigan niya ng pagkain na dala niya. Nakita niyang ngumiting tipid si Joohyun habang kumakain ito.

“Never mo ako papaiyakin, I know that.” seryosong sabi ni Seungwan, unti unti narin siyang nahimasmasan narin ang accountancy student habang pinagmamasdan niya lang si Joohyun. “You promised to be always there for me, and di ka naman nagkukulang.” napatingin si Joohyun sa kaniya puno ng kinang ang mata ng basketball player bago ito ngumiting tipid. “And I’m always here for you too, kahit ano mang mangyare.” tumango si Joohyun bago niya hinawakan ang kamay ni Seungwan, naramdaman ni Seungwan ang pagbilis ng tibok ng puso niya lalo na nung marinig niya ang sunod na sinabi ni Joohyun.

“Thank you, kasi nandito ka ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung ako lang magisa ngayon dito.” napangiti nalang si Seungwan bago niya hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

Sa araw ng surgery ni Joohyun, ay talagang nagstay si Seungwan sa loob ng hospital. Kasama niya si Yoona na nagaantay at nung makita niya si Joohyun na natutulog pagkatapos sa malipat sa recory room ay napagtanto niya ang isang bagay, hindi kaya ni Seungwan na salubungin ang mga araw na wala siya sa tabi ni Joohyun.

Habang nagrerecover ang basketball player ay sobrang hands-on sa kaniya ni Seungwan, mas hands-on pa nga ito sa Therapist niya. Pero hindi talaga maalis ang mga sandali na nagaaway sila, well to be honest dahil naman ito sa katigasan ng ulo ng Engineering student. “Sinabi ko naman na need mo nung brace sa leg mo! Bakit ba ang kulit kulit mo!” iratang iritang sabi ni Seungwan pagkatapos niya pumasok sa loob ng dorm ni Joohyun. Napagpasiyahan rin kasi ni Seungwan na doon muna magstay for now since wala ring kasama si Joohyun para maalalayan niya ito. “Sinabi ng surgeon and PT mo na you need that for six weeks!” napalunok si Joohyun habang dahan dahan siyang umuupo sa may sofa niya, para itong bata na pinapagalitan ng mama niya. “Ano ba hindi mo maintindihan dun! Joohyun matalino ka! All you need to do right now is to follow the doctor’s order!” napalunok si Joohyun dahil nakikita niya kung gaano kagalit si Seungwan ngayon, tumayo lang naman ang basketball player para sana ihanda ang mga gagamitin nila ni Seungwan sa pag kain dahil bumaba si Seungwan para kuhain ang pinadalang pagakain ni Yoona sa kanila. “You know what! Bahala ka na sa buhay mo! Hindi ka ba marunong mag appreciate!? Napapagod rin ako Joohyun!” padabog na dinampot ni Seungwan ang cellphone niya bago siya nagsimulang maglakad palabas ng dorm.

Si Joohyun naman ay napabuntong hininga bago siya tumayo para pigilan si Seungwan, pero dahil wala pa siyang masyadong lakas ay agad rin itong natumba at tuluyan nalang na naluha. Hindi narin nagkaroon ng lakas ng loob si Joohyun na magsalita.

Naiwan si Joohyun sa may sahig bago siya pilit na umupo at sumandal nalang sa pader. Nakayuko ang basketball player habang pinagmamasdan niya lang ang kabuuan ng dorm niya. Maraming mga bagay ang tumatakbo sa isip niya, at isa dito ang sakit na unti unting bumabalot sa puso niya. Nakatingin si Joohyun sa may tuhod niya bago itong ngumiting mapait. “You are right, baka nga nakakapagod talaga ako.” pinikit nalang ng Engineering student ang mata niya bago hinayaan ang mga luha na bumagsak sa mata niya. Hindi na talaga kinaya ni Joohyun ang mga bumabagabag sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi niya parin matanggap na siya ang naging dahilan kung bakit natalo ang team nila, hindi niya matanggap na ganito isya ngayon, masakit para sa kahit sinong atleta ang nararamdaman ni Joohyun, at ngayon dumagdag pa ang galit ng isang tao na pinaghuhugutan niya ng lakas. “Napaka wala mong kwenta Joohyun.” bulong ni Joohyun sa sarili niya bago niya hinampas ang ulo niya gamit ang kamay niya. Humigpit rin ang hawak ng basketball player sa buhok niya habang pinipigilan ang pagsigaw niya.

Napupuno ng sakit ang puso ni Joohyun at wala siyang ibang matakbuhan. Nalulunod siya sa sakit at napagtanto niya na palagi siyang nariyan para kay Seungwan, pero ito siya ngayon nagiisa.

Hindi na nabilang ni Joohyun kung ilang beses niya na nasabunutan at napalo ang ulo niya, nanginginig at humihikbi pa si Joohyun hanggang sa maramdaman niya na may humawak sa kamay niya. “Stop hurting yourself, please.” nagpatuloy sa pagbagsak ang mga luha ng basketball player bago siya umiling, at pilit na binabawi ang kamay niya. Pero wala nang nagawa si Joohyun kung hindi sumuko nung agad siyang yakapin ni Seungwan. “I’m sorry, Hyun. I’m sorry pinangunahan lang ako ng pagod at galit. It was not my intention to hurt you at all.” umiiling parin si Joohyun habang umiiyak, ito ang unang beses na sobrang naging vulnerable ang Engineering student dahil madalas ay siya ang nanatiling malakas at si Seungwan ang nagbrebreakdown. Nasanay si Joohyun na manatiling malakas dahil alam niyang kailangan siya ni Seungwan.

“No, you are right, nakakapagod ako, and makulit ako for not following the doctor’s order. I…I just want to help and ayaw kong maging burden.” humigpit ang hawak ni Seungwan kay Joohyun dahil nararamdaman niya ang panginginig nito. “I don’t want to tire you out, I don’t want you to do everything around just because I’m like this. Hindi mo kasalanan, kasalanan ko ito.” tuluyang tumu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 6: CHAPTER 6: UMIYAK MALALA SHET
hyehye29
#2
Chapter 6: wait naiiyak din tuloy akez huhu magkaka-baby na sila waaaaaah ang ganda ng story na 'to 😭😭
SEEKER_
#3
Chapter 6: Ang swerte ni seungwan kasi nakilala, naging kaibigan, girlfriend, asawa, at patuloy siyang minamahal ni joohyun. Sobrang deserve ni joohyun ma-baby and sinuklian naman yon ni Wendy simula nang maging sila.

Excited na ko sa ganap ng pagbubuntis ni Wendy although nabasa ko na naman yung paglilihi niya sa twt. I wonder kung maaalala ni joohyun na siya nag name ng haneul kasi she was drunk nung sinabi niya yon eh.

Sobrang relate ako don sa gigising ng umaga at mag jogging ng ala singko na naka windbreaker pa 😂
crxss_d
#4
Re-reading ulit kasi hindi pa maka move on 😂
mklarisse_ #5
Chapter 5: Nakakamiss talaga sila 😭😭😭 thanks po sa update authornim, i rlly enjoyed this!
SEEKER_
#6
Chapter 5: I'll be honest haha mas nauna ko basahin yung au sa Twitter na mas lalong nagpa curious sakin why everyone's hyping this up. I already got my answer na. Gets ko kung bakit kilig na kilig yung iba kasi grabe nga yon joohyun! Grabe din yung kilig ko sa bawat eksena. Ang saya ko lang para sa kanila like sobrang deserved lalo na para kay joohyun. And fanfic character minhyuk nga pala.

May we all reach the financial stability like Engineer and accountant hahaha. Ang mahal kaya magpatayo ng bahay from scratch tapos ang dami pang aasikasuhin. Anyway, financial stability ulit para sa lahat!!!
towonderandwander #7
Chapter 5: Lord, penge naman isang Engineer Joohyun Ortega. 😂 authornim, ok lang naman kahit hindi pa into yun last special chapter. Gusto ko lang naman malaman how they are as parents. Char. 😂
reveclean
#8
Chapter 5: ano po yung move on?huhuhu ang hirap pang ilet go nila engr and acct. 😭
juhyuneeeee
96 streak #9
Chapter 5: AUTHORNIM WHAT IF MORE PA HAHAHA GUSTO KO NG LITTLE JOOHYUN AND SEUNGWAN 😭😭😭 BITIN TO AUTHOR EH BITIN NA BITIN 😭😭😭 PERO THANK YOU SA PAG SHARE MO SA AMIN NG KWENTO NI ORTEGA AT LAXAMANA 🥹😭 GUSTO KO NA TULOY NG ISANG ENGINEER ORTEGA SA BUHAY KO 😭😭😭😭😭😭
jenwanyun #10
Chapter 5: Walang magmmove on!!! Ang next special chapter buhay mag-asawa in their new house and may chikitingsz na sila wahahaha (eme di po ko nag-iimpose 🥺) ganda-ganda ng special chapteeeer kilig na kilig aq