short special chapter
ang paybtawsan o ako?-after one year
"bunso, masaya kami para sayo basta kung ano man ang magiging problema, laging bukas ang bahay natin para sayo" naluluha pa na nagdarama ang ate taeyeon niya. talo pa ang mga magulang nila sa pagdadrama.
papunta na sila sa simbahan kung saan unang nagkita si winter at karina, gusto nilang doon din ganapin ang kasal nila.
"ano ka ba naman ate, ikakasal lang ako o? problema agad? palibahasa kasi naunahan pa kita.. ano pa bang hinihintay niyong dalawa ni ate fany?" natatawang biro niya sa ate niya. tinapik naman siya ng ate niya sa balikat. "pagbalik niya dito sa Pilipinas aayain ko na siya, wag kang mag-alala. hindi naman ako papakawalan pa ni tiffany, patay na patay kaya sa akin yun" natatawa nang biro ni taeyeon sa kanya.
"naku ate, matawagan nga si ate tiffany mamaya isusumbong lang kita, nakita ko nung isang araw kasama mo na naman si ate Heize" banat naman ni seulgi. "woah woah isumbong na yan, isumbong na yan" dagdag pa ni winter sa pang-aasar sa ate taeyeon nila. kukurutin na sana ni taeyeon ang mga kapatid nang biglang magsalita ang mama nila.
"ano ba naman kayong tatlo, hanggang dito sa kasalan nag-aasaran kayo" sabi ng mama nila na nagpipigil lang din ng luha.
sa totoo lang naluluha na din si winter, pero hindi siya pwedeng umiyak kasi masisira ang make-up niya. kaya dinadaan na lang nila sa biruan pero nang tignan naman niya ang nananahimik niyang papa ay kitang-kita niyang wala na palang hinto ang pag-luha nito.
"ma, pa, hindi naman ako mawawala, dadalaw ako palagi. magluluto tayo, manonoood ng movies tulad ng dati, wag na kayong umiyak pa. mama masisira ang make-up mo niyan sige ka" pigil na pigil si winter sa emosyon niya.
"masaya lang ako nak, at alam kong para sayo talaga yan, napakarami mo pang pinagdaanan bago i
Comments