chapter 4

ang paybtawsan o ako?
Please Subscribe to read the full chapter

next destination nila sa sumunod na araw ay ang arrangement of stone walls na nasa bayan lang din ng basco. doon na rin sila inabot ng tanghalian kaya naghanap na sila ng makakainan at dahil si karina ang manlilibre ng lunch, todo kung omorder itong si winter. inaasar pa niya si karina, ramdam niyang may dala itong budget.
"okay lang order anything you want basta ba uubusin mo ha?" nakangiting sabi ni karina.
"correction, uubusin natin. kaya kumain ka din ng madami diyan. pasalamat ka sakin dahil naisip kong magpagod tayo so kailangan nating bumawi ng energy, lalo na ikaw kaya kumain ka ng marami para may energy ka sa mga susunod na pupuntahan natin."

"sa Japanese tunnel? bakit naman?"
"tunnel nga eh so maglalakad tayo nang mahabang-mahaba sa madilim na tunnel na yun. siyempre kailangan ko ng mag-aalalay sa akin dun at ikaw ang maswerteng gagawa nun for me" tumataas baba pa ang mga kilay na paliwanag ni winter.
hindi naman nakapagsalita si karina.
"uy joke lang yun, ikaw naman natahimik ka agad. alam mo kahit hindi ka magkwento alam kong mahal na mahal mo ang girlfriend mo at kahit sinong tao kapag nalaman na may ibang inaalalayan ang jowa niya, siguradong magwawala ang hair niya kaya hindi tayo talo. Go, kain na tayo"


hapon na nang makarating sila sa harap ng Japanese tunnel nakapaskil doon ang isang banner na patungkol sa tunnel. ipinahanda na muna ang flashlight ng bawat isa madilim kasi sa loob ng tunnel kaya pinayuhan ang lahat na magdahan-dahan at huwag bibitawan ang flashlight. lihim na inihanda naman ni karina ang sarili para kay winter.
alam niyang kahit napakalaki ng confidence sa sarili ng babae eh panigurado matatakutin ito at madaling masaktan kahit galos lang. nasa likuran lang siya ni winter o di kaya nasa tabi nito lalo na nang makita nila ang entrance ng tunnel. kailangan 'duck walk' para makapasok doon. "kaya mo ba?" tanong niya na nakaalalay sa likuran ni winter.

"oo naman yakang-yaka" sagot nito habang pumupwesto na papasok. habang papasok ang grupo nila, ikinwento ng tour guide ang history ng tunnel. "ang tunnel na ito ang nagsilbing hideout ng mga japanese soldiers noong panahon ng world war two... ito rin ang nagdudugtong sa batanes at sa bayan ng rizal. ganoon kahaba ito..."
humanga naman si karina sa naririnig na impormasyon pero mas lamang ang pagkamangha sa nakikita niya. malawak pala ang loob ng tunnel. parang isang hotel ang kanilang pinasok may mga division din iyon na nagsilbing mga kwarto. tuloy-tuloy ang kanilang paglalakad hanggang sa makarating sila sa paibabang bahagi na walang hagdan tanging mga bato lang pwedeng tapakan iyon na din ang nagsisilbing daan papunta sa lagusan para makalabas ulit sila, kaysa naman bumalik pa sila sa pinasukan na napakalayo na, siguradong kailangan ni winter ng tulong ni karina.

naramdaman niya na hindi kakayaning bumaba ni winter nang walang kakapitan kaya hinawakan niya ang kamay nito. "let's go, wag kang matakot kumapit ka lang ng mahigpit sa akin, makakababa din tayo"


nang makarating sila sa ibaba, naunang bumitaw si winter kay karina. "S-salamat" anito saka naglakad kasunod ng mga naunang mga kasamahan.
ang akala nila ay tapos na ang mahihirap na daanan sa loob ng tunnel pero marami pa palang delikadong parte sa loob. naroon ang napakadilim at sandamakmak ang nagliliparang mga insekto. agad namang hinubad ni karina ang jacket niya at mabilis na tinalukbong kay winter pagkatapos nun ay inakbayan niya at inalalayang makapaglakad nang mabilis. nang makawala na sila sa mga insekto, tinulungan pa niya si winter na tanggalin ang jacket. "are you alright?" tanong niya
"O-oo. okay lang. thank you pala sa jacket mo ha? i-ikaw ba? hindi ba pinasok ng isekto tenga mo?"
"hindi naman. I'm okay, sanay naman ako kasi madalas kaming mag hiking ng mga friends ko mas malalaki pa ang mga insects doon"
"eh hindi na yun insekto" pabirong sabi ni winter.
"ano? flying animals?"
imbes na sumagot ay nagtawanan na lang sila saka nagpatuloy sa paglalakad hindi man aminin ni karina ay may nagbabago sa tono ng pag-uusap nila ni winter kung noon ay puro asaran at kalokohan, ngayon ay may kasama ng concern sa isa't-isa.

 

natapos na naman ang isang araw at magkatabi na sila uli sa higaan at yun ang dahilan sa pag-aalala ni winter. parang hindi niya kayang makipagbiruan ulit pagkatapos ng nangyari sa japanese tunnel. nang alalayan kasi siya ni karina, parang may naramdaman na siyang kakaiba sa babae. hindi niya maipaliwanag pero naiilang na siya rito. hindi yun katulad ng naramdaman niya sa ibang mga babae na nagustuhan niya noon na para bang pinilit niya. iba si karina.
alam niyang may girlfriend na yung tao at wala sa isip niya na magkagusto rito kaya ganun na lang ang madalas niyang pang-aalaska sa babae. wala siyang maalala na nagpakita siya ng motibo o sweetness para siya magustuhan pero hindi talaga niya maintindihan kung bakit may kakaiba sa pag-aalalay ni karina sa kanya. siguro kasi ay first time lang na may gumawa sa kanya ng ganun para bang may touch of jowa factor lang. huh! napabangon si winter at tiningnan niya karina,
nakatalukbong ito ng kumot. kinuha niya ang cellphone at lumabas ng kwarto, naghanap siya ng magandang pwesto dahil may tatawagan siya.

 

"hello ning!" malakas na sabi ni winter. wala naman kasing makakarinig sa kanya dahil malayo sa pintuan ng kwarto. pinili niyang maupo sa hagdan ng corridor papunta sa kanilang kwarto.


"Oh bakit? hatinggabi na ah? may problema ka ba?" sagot ng kaibigan sa kabilang linya
"problema agad? kamusta na kayo diyan?"
"pwede ba winter? hindi ka naman tatawag nang ganitong oras para lang kamustahin kami noh! alam kong may problema ka diyan so spill!" natahimik muna siya saglit bago sumagot "ano kasi eh..." at ikinwento na nga ni winter ang nagpapalito sa kanya.


"hay naku friend! ilang beses na bang nangyari yan? at ang latest nga eh yang si minju na inakala mong ikaw ang kasama pero mali ka diba?"
"so ibig sabihin..." hindi niya maituloy ang sasabihin.

"yes friend, tigilan mo na yan, maawa ka sa sarili mo. tama na, ilang beses ka nang nasaktan. kung anuman yang nararamdaman mo para sa babae na yan na sabi mo may kakaiba sa kanya.. wag mo na lang pansinin. pwedeng maling akala na naman yan tutal sabi mo may girlfriend yung tao so dun pa lang stop ka na! gawin mo lang normal ang lahat okay?"
"O-okay thank you ning, sige pahinga ka na ulit wag kang mag-alala susundin kita normal lang ang lahat. sige bye" pagkasabi niya niya nun ay tinapos na niya ang pakikipag-usap. napag isip-isip din ni winter na tama ang kaibigan niya maraming beses na siyang nagkamali pagdating sa ganitong sitwasyon. lagi na lang akala, feeling niya, o kaya naman puro asa.
"tama siya.. it's over so, normal lang ang lahat winter normal lang ang lahat" sabi niya sa sarili niya nang makapag-isip saka tumayo at bumalik na uli sa kwarto.

 


--
excited na si winter na makita ang sikat na coffe shop sa batanes- ang honesty coffe shop. 

"picture taking muna dito. para makita ang name ng store" inabot niya ang camera kay karina. nakaramdam siya ng hiya sa pagpo-pose na hindi tulad noong nasa marlboro country sila.
"tayong dalawa naman para may souvenir tayo dito" sabi ni karina at dali daling naghanap ng kukuha sa kanila ng picture. maya maya nga ay nakisuyo ito sa isa nilang kasamahan. hindi naging komportable si winter sa ginawang pag-akbay ni karina pero pilit siyang ngumiti at pinaalalahanan ang sarili winter, normal ang lahat..kasunod ang malalim na buntong-hininga

pumasok na sila sa loob at namangha siya sa nakita sa loob ng shop. ang mga mesa at upuan ay sadyang nakaayos na parang nasa isang restaurant. hinanap niya ang cashier's area, walang tao. may nakita siyang maliit na box na may nakasulat na: please pay here
inikot pa ni winter ang mga mata nag-iisip siya ng pwedeng bilhin, kumuha siya ng dalawang tasa at nagtimpla ng kape para sa kanila ni karina. pumwesto siya sa isang table at sinenyasan si karina, naupo na rin ito na nangingiti dahil sa ibang klaseng tindahan. muli siyang tumayo para kumuha naman ng sitsirya.

"this is good, ito na ba ang snack natin?" tiningnan pa ni karina ang iniabot ni winter na pulang chippy na may nakasulat na P20.00
"pwede na yan malamig naman eh so magkape tayo wag kang mag-alala libre ko na to" natutuwa pang sabi niya.
"magkano lang naman to, tapos ako ang taya sa mas mahal na kakainin natin mamaya" reklamo ni karina.


nang matapos silang kumain ay napatingin siya sa mga naghuhulog ng bayad sa box. "but i wanna experience din yung nagbabayad dito sa honesty coffe shop, nandito na rin ako eh. ganito na lang kanya-kanya tayo ng bayad para pareho nating masulit ang lugar."
"good idea, may bright idea ka rin naman pala eh sige ako ang mauuna" sabi ni winter saka kumuha ng pera sa dala niyang bag. buong isang daan ang kinuha niya at nakangiting inihulog sa box.
"wow galante"
"keep the change" mayabang na sagot ni winter na para bang kausap ang box, malaki pa kasi ang sobra sa binayad niya pero wala nang suklian yun dahil eksakto lang dapat ang ihuhulog o di kaya ay tip na lang ang sobra. "o ikaw naman"

para silang mga batang naglalaro lang dahil talagang naaaliw sila. bumunot na din si karina sa wallet niya at masaya ding inihulog ang isang daan sabay sabing "keep the change" kasunod ang kindat niya kay winter kaya nawala naman ang ngiti nito. natulala siya sa napaka-gandang mukha ni karina nang kindatan siya parang may kung ano na namang damdamin ang bumangon sa kanya.
hanggang sa hilahin na lang ulit siya ni karina palabas ng coffee shop.


dumiretso na ang bus nila pabalik sa hotel. retreat naman ang acitivity nila ngayon sa isang room sa hotel. after lunch ang simula nun kaya pagdating palang nila ay naghanda na kaagad sila. plano sanang mauna ni winter sa cafeteria para um-order ng makakain nila ni karina gaya ng nakasanayan niya gusto niya kasing pag gising o pagbaba ni karina ay handa na ang kanilang pagkain pero paglabas niya ng banyo ay wala na si karina.
hinanap niya ito at pagbaba niya sa kainan ay naroon na pala siya at busy sa pag-aayos ng mga pagkaing in-order para sa kanila.

"Winter! come here let's eat na" tawag sa kanya ni karina.
"oh bakita ikaw ang gumawa niyan? nagtatakang tanong niya. "bababa na nga sana ako para um-order ng food natin kaso hinanap kita sa taas bigla kang nawala. inunahan mo na pala ako dito"
"naisip ko lang kasi na ako naman ang mag-asikaso for us ngayong lunch, malapit na rin kasi tayong umuwi sa manila right? since we got here kasi sa batanes ikaw na ang umaasikaso sa akin kahit di naman tayo magkakilala talaga"
gosh ginawa ko yun para sa kanya? parang hindi ko yata sinasadya yun ah. nakaka-touch naman. na-aappreciate niya pala yung mga ganung bagay na ginagawa ko na balewala lang naman para sa akin... na walang halong motibo

"winter? okay ka lang? may nasabi ba akong hindi maganda?"
"ah... wala... may naalala lang ako. kain na tayo."

 

 

partner sa retreat activities sina winter at karina at isa sa mga highlight ng program ay ang pagtanggal ng stress, trauma, lungkot o kahit anong problema sa pamamagitan ng pagtawa na parang wala nang bukas.
"okay sa panahon ngayon na napakaraming stress sa tabi-tabi, we have to smile and laugh. all we have to do at this time, stay close to your partner at wag titigilan ang pagkiliti hanggang sa maubusan siya ng tawa!" ang malinaw na paliwanag ng instructor sa lahat.

nagkatinginan si winter at karina, parang nagkakahiyaang magkilitian. hindi kasi sila katulad ng iba na magkakasama at magkakakilala talaga. nang makita nila na naghihiyawan na ang marami sa kakatawa dahil sa kilitian ay nakaramdam ng excitement at takot si winter na makiliti ni karina kaya inunahan na niya ang kapartner at pinagsusundot ito sa tagiliran. 
"inunahan mo pa ako ah, sandali etong sayo!" saba

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
stoicme
thank you for 100 subs!

Comments

You must be logged in to comment
emotaeyeon #1
Chapter 8: wng galing mo talaga mag write tor🙏🏻 salamat sa pagsulat 🙏🏻
syrenity
#2
Chapter 4: Hala 🥲
elevenelevenfine
#3
i like this. ang gaan lang
crimson_snow #4
Chapter 8: Awww thanks for this short but sweet special chap! 🥹
13luvsfriday
#5
Chapter 7: Moreee
_multiplayer__troy #6
Chapter 7: aww ang wholesome 🥺💖
EzraSeige
#7
Chapter 7: 😍😍😍💙❄
cleofierayne #8
Chapter 7: Yieeeeeeeeee!! Salamat huhu at sila na rin sa huli. Paka bitter mo naman Yeji hahaha ayan tuloyyyyy. Pero happy ako para sa dalawa 😭💗💗💗
crimson_snow #9
Chapter 7: Aww it's done already 🥺 This is a really nice story! Light lang and I liked their dynamics a lot. Looking forward to reading more of your works!
_multiplayer__troy #10
Chapter 6: kahit ako yung ka-officemate ni winter ililista ko din yung number ni karina para iabot sa kanya eh 😭