chapter 2

ang paybtawsan o ako?
Please Subscribe to read the full chapter

dumating na sa wakas ang pinakahihintay na kababata ni winter na si minju ang kanyang ultimate crush pati nga din ang friends niyang sina ningning at lia ay nagka-crush din kay minju. bata pa lang sila kapansin-pansin na kasi ang kagandahan at kabaitan ni minju, sabay-sabay silang nagtapos ng high school sa lugar din lang din nila. halos pitong taon din na pabalik-balik si minju sa canada habang sila winter, lia at ningning ay may kanya-kanya na ring trabaho.

 

isang araw kasi matapos dumating ni minju ay nag-imbita ito ng mga kaibigan para sa isang maliit na get together kasi namiss daw nito ang mga kababata niya sa lugar nila. todo pa ang paghahanda ni winter sa simpleng invitation ni minju, nagpa-salon pa siya at bumili pa ng bagong dress. noon pa kasi hindi lang crush ang nararamdaman niya para kayy minju, special siya para sa kanya dahil siya lang ang babaeng natipuhan ni winter  na naging malapit sa kanya at naging kaibigan pa niya at mas napatunayan niya yun dahil sa madaming taon na ang lumipas narooon parin yung excitement at pagtingin niya para kay minju tapos sakto pa alam niyang single pa ito.

 

iba't-ibang kwento at syempre nagkakamustahan na nag magbabarakada, nabanggit ni minju na kahit daw matagal siyang nawala ay miss na miss niya ang pilipinas at gustong gusto niya na makapasyal para makapag-relax. "tamang-tamang. may pilgrimage na gagawin ang church community sa paranaque na sinisimbahan ko. batanes ang destination this year. baka gusto mong sumama? maraming tourist spot doon mag-eenjoy ka din" suggestion ni winter
siniko siya ni ningning na parang nagpapahiwatig ng nice one girl!


"ganun ba? kelan ba yan?"
"next sunday na, pero one week yun malayo kasi kaya dapat sulitin. kailangan din kasing sundin ang availability ng mga lugar na pupuntahan"


"next sunday kaagad? mukhang malabo akong makasama may iba kasi akong plano sa sunday eh" sagot ni minju
nalungkot naman agad si winter sa narinig.

saglit na nag-isip si minju. "pero pag-iisipan ko pa rin"
     "okay! sabihan mo ko agad ha? kaibigan ko naman ang organizer nun kaya pwede kitang ihabol na lang"
"ah, talaga? wow! eh, ikaw ba? gusto mo bang sumama?" parang wala sa loob na tanong nito na ikinakilig naman agad ni winter
     "O-oo naman! sasama talaga ako dun"
"ayos! pag nagkataon magkakasama tayo sa batanes" natuwa naman si minju. natuwa din si ningning at lia sa narinig nila.

 

pagkatapos makipagkwentuhan, na-corner na si minju ng iba pang mga kababata nila at nag-aaya na nang inuman pero hindi na sumama sila winter dahil nagyaya na umuwi sila ningning at lia dahil may pasok pa sila sa trabaho kinabukasan.
masaya at punong puno ng inspirasyon si winter habang naglalakad sila pauwi. "Oh aminin niyo lalong nadagdagan ang kagandahan ni minju at sabi pa ni tita hanggang ngayon eh single pa ang kababata natin hay..." saglit na tumingala si winter na parang nangangarap nang gising.


"eh ano naman ngayon kung single pa?" nang-aasar na tanong ni ningning.
    "ano pa ba? single siya, single ako..." sagot ni winter hindi na niya tinuloy kasi alam naman niyang gets na ng dalawa niyang kaibigan ang ibig niyang sabihin pero nang asar parin si ningning na nakangisi pa rin tulad ni lia. "eh ano nga kung pareho kayong single?"

napalitan ng pagkadismaya ang kilig niya. "ito namang dalawa na to! alam naman natin noon pa na type ko si minju, at naging crush niyo rin naman siya diba? at noon hindi siya makapag confess sa isa sa atin kasi ayaw niyang may masaktan sa ating tatlo. kaya ngayon na nakabalik na siya at may boyfriend ka na lia at ikaw naman ning may girlfriend na, kami na talaga ni minju ang match made in heaven!"

    "ay wow? at sino namang may sabi sayo na ayaw niya tayong masaktan noon at magko-confess siya sa isa sa atin? girl may amats ka na ba?" sabi ni lia na nakataas pa ang isang kilay.
    "wala siyang pinormahan sa atin noon dahil ayaw niya sa atin ganun lang kasimple yun wag ka ngang feeling diyan" dagdag pa ni ningning
"kayo naman. malay natin, one of these days magustuhan niya ako besides alam naman nating gusto din niya sa mga babae at magtityiga ba siyang magmessage at magreply sa akin sa chats para lang kamustahin ako kung hindi rin siya interested sa akin? look hindi pwedeng i-deny na bagay naman kaming dalawa diba? aminin niyo parehas kaming maganda"
sumagot naman agad si ningning "diyan talaga kami bilib sa confidence mo eh, wala kang katulad, alam din naman natin na hindi ganun kaganda--"
"grabe ka naman!" hinampas agad ni winter si ningning
"aray naman! hindi pa kasi ako tapos winter" pagpapatuloy ni ningning, "hindi ka ganun ka-level sa ganda kay minju pero, pero at isa pang pero, hindi ka panget!" masayang pang-aasar ni ningning nagtawanan naman silang dalawa ni lia.


"so nasaan ako ngayon sa level ng kagandahan?" tanong ni winter na kunwari naiinis
"ahm.. hindi ko rin alam eh" mahinang sagot ni ningning kasunod ang tawanan nilang magkaka-ibigan

hindi naman sumasama ang loob niya sa asaran nilang magkaka-ibigan ang ikinasasama ng loob niya eh ang tanong na bakit ang mga babaeng hindi naman kagandahan o panget talaga ay nakakapag asawa na o nagkakaroon ng mga jowa na gwapo at magaganda pero mas ikinasasama ng loob niya ang sagot doon: dahil ang mga bababeng yun ay malakas ang appeal
ouch yun yata ang eksaktong wala sa akin? akala ko namana ko man lang kay ate seulgi o kay ate taeyeon ang malakas nilang appeal pagdating sa mga kababaihan at kalalakihan, ahmm scratch na yung sa kalalakihan! kahit wag na! hays, ano na ang future ko nito? ang tanging naisip na lang ni winter.

 

--

"O anak mabuti't andito ka na kanina pa may naghihintay sayo" bungad sa kanya ng mama niya pagpasok pa lang niya sa bakuran nila.
"bisita? sino po ma?" nagtatakang tanong niya na hindi pa nakakapasok sa pinto. wala naman kasi siyang inaasahan na bisita bukod lang kina

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
stoicme
thank you for 100 subs!

Comments

You must be logged in to comment
emotaeyeon #1
Chapter 8: wng galing mo talaga mag write tor🙏🏻 salamat sa pagsulat 🙏🏻
syrenity
#2
Chapter 4: Hala 🥲
elevenelevenfine
#3
i like this. ang gaan lang
crimson_snow #4
Chapter 8: Awww thanks for this short but sweet special chap! 🥹
13luvsfriday
#5
Chapter 7: Moreee
_multiplayer__troy #6
Chapter 7: aww ang wholesome 🥺💖
EzraSeige
#7
Chapter 7: 😍😍😍💙❄
cleofierayne #8
Chapter 7: Yieeeeeeeeee!! Salamat huhu at sila na rin sa huli. Paka bitter mo naman Yeji hahaha ayan tuloyyyyy. Pero happy ako para sa dalawa 😭💗💗💗
crimson_snow #9
Chapter 7: Aww it's done already 🥺 This is a really nice story! Light lang and I liked their dynamics a lot. Looking forward to reading more of your works!
_multiplayer__troy #10
Chapter 6: kahit ako yung ka-officemate ni winter ililista ko din yung number ni karina para iabot sa kanya eh 😭