chapter 1

ang paybtawsan o ako?
Please Subscribe to read the full chapter

"terry, hindi ko na alam ang gagawin ko. mahal ko siya at alam kong mahal niya din ako. sa ngayon, hindi ko alam kung ano ang mas mahirap
ang patuloy na mahalin ang lalaking nagpapaligaya sa akin kasabay ng pagsisinungaling sa mga anak ko o ang mamili sa pagitan ng mga anak na
nagsilbing buhay ko at ng isang lalaki na siya namang ikalawang pag-ibig ko..."


seryoso at halos maluha-luha pa sa pakikinig itong si winter sa programang 'wag mo kong ma-terry terry' ni DJ terry sa radyo, isa lang naman to
sa mga sinusubaybayan niya sa hapon. tungkol sa mga letter o caller na may mga problema sa love life at syempre humihingi ng payo kay DJ Terry.


kahit pa nga nasa opisina si winter at nakaharap sa computer patuloy parin ang pakikinig niya dito gamit ang cellphone niya, nagsasalpak na lang siya ng earphone sa isang tenga niya kasi nga na-eenjoy niya talagang makinig sa mga problema at payong pampuso. halos isang oras din tong radio show ni DJ terry pero hindi naman napapabayaan ni winter ang trabaho niya bilang financial staff sa isang kumpanya sa manila.

si winter ay graduate sa isang hindi gaanong mamahaling university sa Maynila pero kilala naman. hindi din siya galing sa mayaman na pamilya na at walang maipagmamalaking ari-arian dahil simple lang naman ang pamilya nila pero! pero sapat naman ang pagmamahal at kabutihan sa mga puso nila para maging masaya kasama ang mga magulang niya at dalawa pang kapatid na babae. Bonus na ang napagtapos siya ng pag-aaral sa marangal na paraan at hanapbuhay. mananahi ang mama niya habang ang papa naman niya ay isang staff sa munispyo ng Taguig, hirap man ang mga magulang na tustusan ang pag-aaral nilang magkakapatid
ay sinikap parin nilang maipagtapos ang ate taeyeon niya bilang panganay, alam ng mga magulang niya na makaka-tulong siya para sa pagpapa aral sa kanya at sa isa pang kapatid niyang si ate seulgi. at hindi naman sila binigo ni taeyeon dahil napagtapos sila ng ate niya at with flying colors pa at ngayon na nga ay empleyado na siya sa isang matatag na kumpanya.

masaya ang pamilya ni winter pero minsan ay nag-aasaran silang magkakapatid kapag tungkol na sa pagkakaroon ng kasintahan o pag-aasawa ang pinag-uusapan lalo na kapag pinagsasabihan ng ina ang dalawang kapatid na pilya at naikukumpara sa kanya. 

"sikapin niyo munang makapag-ipon ng malaking pera bago kayo mag-isip ng pag-aasawa, puro kayo gelpren gerlpren" pangaral ng mama nila sa ate taeyeon at ate seulgi niya, hindi din naman lihim sa mama nila ang pagiging bakla ng mga anak niya at tingin naman ni winter ay okay lang sa mama at papa niya ang pagkakaroon ng tatlong anak na babae na ang hanap din ay babae. "gayahin niyo itong bunso niyong kapatid na si winter, iniisip muna tayong pamilya niya bago ang sarili niya"
alam na alam din ng mga magulang ni winter na mas uunahin niya ang mapaganda pa ang buhay nila at maipagpatayo ng magandang bahay ang mfa magulang niya bago ang sarili para lumandi at isipin ang pag-aasawa, bawi na lang ito ni winter sa ate niyang si taeyeon na inunang pag-aralin sila bago humarot noon.

"eh ma, kahit naman isipin ni winter ang sarili niya parang malabo parin siyang makapag-asawa agad eh hanggang ngayon nga hindi parin yan nagkaka-girlfriend o kahit boyfriend man lang" nakangiting sabi ng ate taeyeon niya na ikinalaki naman ng mata ni winter.
"oo nga naman winter kelan ka ba magpapakilala sa amin ng girlfriend mo? o kahit manliligaw na lalaki wala ba? sa batch mo kasi ikaw na lang ang wala pang jowa" dagdag pa na pang-aasar ng ate seulgi niya.

napatayo si winter sa kinauupan niya at namaywang siya nang humarap sa mga kapatid. "ate taeyeon, ate seulgi hintayin niyo lang dalawa dahil isa sa mga araw na to, ihaharap ko na sa inyo ang makakasama ko pang habang-buhay hmp!" sabay talikod at pasok sa kuwarto niya

alam niya na tinatawanan siya ng mga ate niya dahil paulit-ulit na lang ang linya niya na kahit minsan ay hindi naman nangyari pati mga magulang nila ay alam niyang naghihintay na lang din dahil tanggap naman nila ang mga kanya kanyang relasyon ng ate taeyeon at ate seulgi niya, pero wala siyang magagawa dahil mismong siya ay naghihitay rin sa kanya future jowa.

madalas napapaharap si winter sa salamin ng kanyang tokador at kahit paulit-ulit niyang tignanang sarili niya ay hindi parin naman nagbabago ang katotohanang ang ganda ganda naman niya. napapakunot ang noo niya dahil hindi naman talaga siya pangit, sa katunayan nga sa kanilang magkakapatid ay magka-hawig na magka-hawig talaga sila ng ate taeyeon niya na nakaka-ilang girlfriend at manliligaw na, at kung tutuusin eh hindi basta basta ang taglay nilang ganda, ang ate seulgi niya naman bukod sa maganda na malakas pa ang appeal na sa tingin niya ay meron din naman siya. maputi naman si winter at makinis ang balat, asset din niya na maituturing ang ganda ng boses niya, actually silang magkakapatid ay nabiyayaan ng magagandang boses. mapungay din ang mga pilikmata niya medyo manipis ang labi pero matatawag namang kissable lips. wala ding bungi ang ngipin niya at matangos pa ang ilong niya, katamtaman ang height at katawan niya hindi payat hindi rin naman mataba kung tutuusin eh y nga ang pwedeng itawag sa katawan niya dahil makurba naman ito. pero bakit siya ang founder at president pa ng never been girls community.

sa edad niyang bente-kwatro ay hindi man lang siya nagkakaroon ng girlfriend, naliligawan naman siya pero mangilan ngilan lang ang mga lalaking nagtatangka dahil alam naman nilang babae din ang gusto ni winter. normal pa naman sa 24 years old ang hindi pa magkaroon ng jowa at ng kahit anong experience diba? diba?!
meron naman siyang mga inspirasyon, pangarap, crush, prospect sa mga babaeng natitipuhan niya pero ang lahat ay hanggang doon na lang dahil hindi naman siya marunong magtapat or manligaw at bakit naman daw siya manliligaw? sa ganda kong to?,

at isa na nga sa mga babaeng nagugustuhan o prospect niya ay ang kababata niyang si Kim Minju na nang maka-graduate sila ng highschool eh nagpunta na agad sa canada para doon na mag tuloy ng pag-aaral at magtrabaho.
mabait na kaibigan si minju, hindi din naman nakakalimot sa mga kababata sa kanilang lugar malamang ay dahil narin sa pangungulit ni winter sa kaibigan mula nang umalis ito, ay hindi sila nawalan ng connection. nakakapag-usap pa rin sila sa facebook account niya kaya updated ang bawat isa ng tungkol sa mga nangyayari sa kanilang buhay. tuwang-tuwa siya na kahit nasa malayo ang babaeng nagpapatibok ng puso niya ay nagbabalitaan parin sila at nakikita niya ang pagbabago sa itsura ni minju.

linggo ngayon, 6am pa lang ay nasa simbahan na si winter, 7am kasi ang simula ng misa sa simbahan na pupuntahan niya, kung tutuusin naman ay merong walking distance lang na simabahan sa parokya nila kung saan sila nagsisimba ng pamilya niya pero pansamantalang hindi muna siya nagsimba doon. pinakiusapan kasi siya ng baklang kaibigan na sa paranaque muna siya na may kalayuan sa maynila, isang jeep at tricycle pa ang dapat sakyan para marating. may mga project kasi ang kaibigan niya at hinihingi ang suppport ni winter na syempre hindi naman niya tinanggihan. pagkatapos ng misa ay may mahalagang announcement ang staff ng simabahan kaya hindi pa siya nakakaalis agad
"anunsyo lang po para sa mga nagnanais sumama sa pilgrimge bilang activity ng ating church community sa susunod na buwan, pwede na po kayong magpalista. paalala lang po na isang linggo ang ating gagawing pagbisita sa iba't ibang simbahan at tourist spot sa batanes. kasama na doon ang biyahe pag-attend ng mga misa, pasyal at retreat o study meditation kaya ganoon po katagal. isa pang dahilan kaya one week ay dahil na rin sa availability ng promo at ticket accomodation natin doon. magkahiwalay kasi ang date ng promo kaya yun ang susundin natin para afford ng lahat dahil mura na lang at naka discount na tayo, kaya five thousand pesos

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
stoicme
thank you for 100 subs!

Comments

You must be logged in to comment
emotaeyeon #1
Chapter 8: wng galing mo talaga mag write tor🙏🏻 salamat sa pagsulat 🙏🏻
syrenity
#2
Chapter 4: Hala 🥲
elevenelevenfine
#3
i like this. ang gaan lang
crimson_snow #4
Chapter 8: Awww thanks for this short but sweet special chap! 🥹
13luvsfriday
#5
Chapter 7: Moreee
_multiplayer__troy #6
Chapter 7: aww ang wholesome 🥺💖
EzraSeige
#7
Chapter 7: 😍😍😍💙❄
cleofierayne #8
Chapter 7: Yieeeeeeeeee!! Salamat huhu at sila na rin sa huli. Paka bitter mo naman Yeji hahaha ayan tuloyyyyy. Pero happy ako para sa dalawa 😭💗💗💗
crimson_snow #9
Chapter 7: Aww it's done already 🥺 This is a really nice story! Light lang and I liked their dynamics a lot. Looking forward to reading more of your works!
_multiplayer__troy #10
Chapter 6: kahit ako yung ka-officemate ni winter ililista ko din yung number ni karina para iabot sa kanya eh 😭