chapter 6

ang paybtawsan o ako?
Please Subscribe to read the full chapter

dalawang buwan na rin ang lumipas mula nang magpunta si winter sa batanes. ganun na rin katagal ang pananahimik niya. umiiyak pa rin siya sa gabi. aminado siyang minahal niya agad si karina sa maiksing panahon na nakasama niya ito mula sa pag gising hanggang sa pagtulog.


hindi siya makatulog, pinilit niyang kalimutan, wag na isipin, at hayaan na lang maging masaya si karina kasama ang girlfriend nito. alam naman niyang mahal ni karina ang girlfriend nito, nagkalabuan lang ang dalawa kaya nang dumating siya sa buhay ni karina ay nakahanap ito ng masasandalan at inakala niyang natutunan din siyang mahalin ni karina.. isa na naman palang malaking akala at pantasya ang lahat.
"ang sakit, ang sakit-sakit. bakit kailangan lagi na lang akong nalalagay sa ganitong sitwasyon? tama na please" sabi niya habang umiiyak. walang gabi na hindi nababasa ng luha ang unan niya.

 


kinabukasan sa opisina, tinawag si winter ng receptionist para ipaalam na may bisita siya. babae raw, biglang bumilis ang tibok ng puso niya kaya agad naman niya itong pinuntahan sa lobby. pero pagkakita pa lang niya sa magandang babae na nakaupo ay agad ng napakunoot ang noo niya at mas lalo pang kinabahan. nakilala niya agad ito-- ang girlfriend ni karina. ano kaya ang sadya sa kanya ng babaeng to? lumapit siya at naupo sa tapat ng babae.


"Y-yes? gusto mo raw akong makausap?" kinakabahan pero confident niyang tanong.
tinignan muna si winter ng babae mula ulo hanggang paa, naka-office attire si winter na blouse at maiksing palda na kulay gray na tinernuhan ng close shoes na may heels. "you're winter??" parang may pangungutyang tanong ng babae.
"please lang, diretsuhin mo na ko. marami pa kong trabaho."

"okay, yes gusto kitang makausap. if you're really winter, ang babaeng kasama ng fiance ko sa batanes"
napalunok si winter.
"I'm yeji, fiance ni karina"
napataas ang isang kilay ni winter. may pagkaantipakita kasi ang kausap niya. akala mo kung sinong mataas.
"so? anong kailangan mo sakin? at paano mo nga pala nalaman kung saan ako nagtatrabaho?" tanong niya sa malumanay pero may diing mga salita.

natawa ng malakas si yeji, "well a wise woman does better research than the FBI. actually hindi ba ikaw ang dapat na nakakaalam kung bakit ako nandito? nakalimutan mo na yatang ikaw ang gumamit ng five thousand payment ni karina para sa akin for the pilgrimage"


nagulat ng bahagya si winter, nakalimutan na kasi niya ang tungkol doon. "ah... oo. hindi ko nakakalimutan. bigla na kasi kaming nagkahiwalay at hindi ko na nakuha ang contact number niya. wait lang, magwi-withdraw lang ako" tatayo na sana siya nang pigilan siya nito.
"No, hindi na kailangan. honestly, nagpunta lang ako dito dahil nakiusap sa akin si karina na puntahan ka at sabihin na kalimutan mo na ang utang mo at ang lahat ng nangyari sa batanes. itutuloy na kasi namin ang naudlot naming kasal very soon" itinaas pa ni yeji ang kamay na may engagement ring. "once na maiayos lang ang lahat at wag kang mag-alala papadalhan kita ng invitation"
walang nasabi si winter. nag-flashback ang lahat sa kanya at muling nakaramdam ng kirot at hapdi sa puso niya. hindi niya namalayang nakaalis na pala si yeji at naiwan siyang lumuluha.

 

naging mahirap para kay winter ang sumunod na mga araw. dumoble ang lungkot na nararamdaman niya dahil sa pagkikita nila ni yeji. nabuhay ang galit sa puso niya.
bakit kailangang ipadala niya pa girlfriend niya para ipamukha sa akin na namukha lang akong tanga sa kanya?! at nakuha pa akong iinvite sa kasal nila. karina! ayoko nang makita pa ang pagmumukha mo! magsama kayo ng yeji mo! galit na sigaw niya sa isip habang nagdudugo naman ang puso niya, walang tigil ang luha sa pagtulo sa mga pisngi niya.


"sigurado ka ba sa ginagawa mong yan? kapag nalaman ni karina ang tungkol sa pagsisinungaling at sa ginawa mo kay winter, hindi lang magagalit yun baka isumpa ka pa" sermon ni yuna sa kaibigan niyang si yeji.
"imagine? ipapalit niya ako sa ako chakang babae na yun? she doesn't exist in karina's society. hindi pwedeng mabaliw si karina sa kanya. alam ng lahat sa modeling industry ang relasyon namin ni karina at hindi ako basta na lang papayag na malaman ng lahat ang nangyari sa amin ngayon" galit na paliwanag niya.
"na ano? na ang isang hot at magandang model-slash-IT specialist-slash-responsible girlfriend-slash almost stalker before ay nakipag-break na sayo? at hindi mo matanggap na ang ipinalit sayo hindi mo ka-level? at lalong hindi mo kayang malaman ng buong madla ang bagay na yun? c'mon yeji! move on. ayaw na sayo ni karina set her free!"
"ano ka ba? are you really my friend? i just need your support okay?" naiinis na sabi niya.
"yeji all you need to do is stop everything. noon, mahal mo siya pero pinapahirapan mo para lang habulin ka at makita ng lahat na nababaliw siya sayo noon at siguro inakala mo na hindi siya tutuloy sa batanes dahil hindi ka kasama. sa tingin mo walang isip yung tao? hindi pwedeng mag-decide para sa sarili niya? hindi pwedeng masaktan sa mga pinagsasabi mo sa kanya? at ngayon? mahal mo ba talaga siya? o gusto mo lang
silang pahirapan dahil hindi mo matanggap ang nangyari?" matapang na sermon ni yuna kaya nag-walk outsi yeji.

 


alas dyes pa lang ng umaga ay nasa bahay na ni winter ang mga kaibigan niyang sina ningning at lia usapan kasi nila na pupunta sila sa mall. kahit hindi naman talaga umoo si winter at sinabi lang niya na susubukan niya pero andun parin ang dalawa para sunduin siya. namimiss na kasi siya mga kaibigan niya. mula kasi nang bumalik siya galing batanes nagbago na rin ang nakagawian niya sa pagsisimba, madalas ay tinatamad na siya. kapag sinipag naman, sa hapon na nagsisimba. hindi na niya nakakasama ang mga kaibigan at ngayon nga, ang pagiging malungkot niya ay nabahiran ng pagkakaroon ng matigas na puso. may galit na sa puso niya.


"ano ba kayo? bakit namimilit kayo ng taong ayaw? kayo na lang ang umalis kung gusto niyo" inis na sabi ni winter kila ningning at lia na pumasok sa kwarto niya.
"ano bang problema mo at pati kami nadamay na?" inis na ring tanong ni ningning.
"winter sige na ngayon na lang ulit tayo may time para gumala sayang naman" pakiusap ni lia.
"wala ako sa mood lumabas ngayon"
naupo sa gilid ng kama si ningning, "friend... miss na miss ka na namin. yung winter na walang problemang hindi sinasabi sa amin. pero bakit ngayon marami ka nang tinatago sa amin?"
tahimik lang si winter sa kinauupuan habang nakayuko.

"wala ka namang problemang hindi namin pinakinggan diba?" sabi ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
stoicme
thank you for 100 subs!

Comments

You must be logged in to comment
emotaeyeon #1
Chapter 8: wng galing mo talaga mag write tor🙏🏻 salamat sa pagsulat 🙏🏻
syrenity
#2
Chapter 4: Hala 🥲
elevenelevenfine
#3
i like this. ang gaan lang
crimson_snow #4
Chapter 8: Awww thanks for this short but sweet special chap! 🥹
13luvsfriday
#5
Chapter 7: Moreee
_multiplayer__troy #6
Chapter 7: aww ang wholesome 🥺💖
EzraSeige
#7
Chapter 7: 😍😍😍💙❄
cleofierayne #8
Chapter 7: Yieeeeeeeeee!! Salamat huhu at sila na rin sa huli. Paka bitter mo naman Yeji hahaha ayan tuloyyyyy. Pero happy ako para sa dalawa 😭💗💗💗
crimson_snow #9
Chapter 7: Aww it's done already 🥺 This is a really nice story! Light lang and I liked their dynamics a lot. Looking forward to reading more of your works!
_multiplayer__troy #10
Chapter 6: kahit ako yung ka-officemate ni winter ililista ko din yung number ni karina para iabot sa kanya eh 😭