chapter 3

ang paybtawsan o ako?
Please Subscribe to read the full chapter

pagdating ni winter sa tapat ng simbahan para sa pilgrimage sa batanes ay nakita na niya agad ang mga nakaparadang bus. ang dami na ding mga tao na may kanya kanyang bitbit na mga bag yung iba naman may mga malalaking maleta pa. pumwesto na siya sa gilid yung malapit sa bus at nilapag na muna niya ang dala niyang bag nabibigatan na kasi siyang bitbitin ito, ang laki kasi ng bag niya dahil pinagkasya ba naman niya dun ang ang mga kakailanganin niya for 1 week pero plano parin niyang maglaba ng mga damit niya sa batanes dahil kulang parin ang mga dinala niyang damit.
sinimulan na din niyang hanapin ang hinihintay niyang si minju pero ang babae sa registration ang nakita niya binati naman niya agad ito. "Uy! kamusta? andito ka na pala"
"oo wala pa yung ka-date mo?" tanong nung babae


"wala pa eh pero parating na rin siguro yun" nakangiting sagot ni winter na palingon-lingon sa paligid. mayamaya ay nakita na din niya ang hinihintay sa likuran ng kausap niya. napansin niyang may kasamang babae si minju pero inisip niyang baka nakasabay lang nito sa paglalakad. "Oh andiyan na pala, hi minju!" napalingon na din ang babae na kausap niya.

"winter andito ka na pala, by the way this is yujin. dati kong katrabaho sa canada kakauwi lang din niya just like me so sabi ko timing tong batanes trip pag-uwi niya"
natulala si winter at parang may bumara sa lalamunan niya. "A-ah.. so.. s-siya ang.. k-kasama mo ngayon?"


"yup, siya din yung nililigawan ko sa canada..." bahagyang napatigil si minju na ikinanganga pa ni winter, napalunok siya at parang hindi makahinga nang tapusin ni minju ang sinasabi niya "at dito na niya ako sinagot sa Pilipinas"

parang nahiya pa si yujin na bumati kay winter "N-nice to meet you po"


wala paring masabi si winter hanggang sa marinig nila na nagtatawag na ng seat numbers ang isang staff ng simbahan. nang tawagin ang number nila minju, naiwan na lang si winter sa kinatatayuan niya hindi na niya napansin na nagpaalam pa sila. hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nang mga sandaling iyon kasi buong akala niya ay siya ang kasama ni minju at inilibre pa siya. iniisip niyang pagkakataon na nilang makapag-bonding pagkalipas ng ilang taon. umasa siyang pagkatapos na isang linggong pagsasama sa batanes eh baka may mamuong matamis na relasyon sa kanilang dalawa ni minju. excited na excited pa naman siyang dumating ang araw na to at halos isanla na nga niya ang sarili sa opisina nila para lang mapagbigyan siya sa leave niya na wala naman sa schedule. excited siyang naghanda ng mga damit at halos hindi na nga natulog para hindi siya ma-late ngayon pero malalaman niyang hindi pala siya ang kasama ni minju at ang masaklap pa doon, girlfriend niya pala ang kasama. matapos niyang asikasuhin ang lahat ay ito pa ang kapalit! at hindi pa nakuntento ang kababata, ipinakilala pa mismo sa kanya ang babaeng karibal niya.


laking gulat na lang ni winter ng mga parang bagyong humila sa isang kamay niya, hinila siya papunta sa pintuan ng nakaparada na bus-- ang babaeng naghahanap ng kapalit sa isasama nitong  hindi sumipot ang humila sa kanya at binitbit pa ang bag niya. napakunot ng noo si winter nang mamalayan niyang nakataas na pala ang isa niyang paa paakyat sa bus.

"akyat na!" utos ng babae sa kanya na sa hindi malamang dahilan ay sinunod naman niya.
pagkatapos iayos ng babae ang mga gamit nila ay naupo na sila sa bandang gitna ang pwesto nila nasa bandang likuran naman sina minju at yujin. 

"so ano to?" mahinang tanong ni winter sa babaeng katabi niya. "obvious ba? ikaw na ang nasa waiting list ko kapalit nung kasama ko sana ngayon" pabirong sagot ng babae pero nagseryoso rin naman agad "hindi naman pala ikaw ang ka-one week date, kaya kesa naman umuwi ka pa at masayang ang malaki mong bag, ikaw na lang ang sasama sa akin babayaran mo naman ako eh" kahit hindi niya aminin alam niyang namumula siya sa sobrang hiya sa babae. halos ipagyabang pa naman niya na may ka-date na siya yun pala hindi naman siya ang kasama.


naisip ulit ni winter ang nangyari kanina kaya hindi siya makasagot sa babaeng katabi niya at napaiyak na lang siya ng tahimik, sinadya niyang pigilang magkatunog ang iyak niya dahil baka marinig siya nila minju.


"O-okay lang yan, you're free to cry but hanggang ngayon lang ha? wag mo sayangin ang pilgrimage natin don't think of them and just enjoy batanes, show them na nag-eenjoy ka tutal hindi naman nila alam na tamang hinala ka lang pala na ikaw ang kasama" napahinto sa pag-iyak si winter at siniko niya ang katabi dahil tinablahan siya sa pang-aasar nito. "kanina ka pa sa pang-aalaska sa akin ha? ganito na nga ang nangyari dinadagdagan mo pa"


   "eh ikaw naman kasi, why would you think na ikaw agad ang kasama nung babae na yun? to be honest it's really funny but tignan mo naman i'm not even laughing right now"


"patingin nga" tinignan niya ito para siguraduhin na hindi nga tumatawa sa nangyari sa kanya. ewan pero parang may kung anong kakaibang pakiramdam ang pagtama ng kanilang mga mata, kahit hindi naman talaga sila magkakilala, pero binalewala niya iyon.

naunang nagbawi ng tingin si winter "oo na. naniniwala na ako sayo syempre naawa ka sa akin, pero tama ka i need to enjoy, kailangan kong ipakita sakanila na nag-eenjoy ako kaya hahayaan kong isipin ni minju na may kasama talaga ako ngayon at ikaw yun!"


"tama ganyan dapat, wag kang paapekto sa nangyari you need to think of ways para maging maayos ka ulit and pasalamat ka na i'm here. pero bago tayo magkalimutan, bayaran mo na ako ng five thousand ngayon" ibinuka pa ng babae ang palad sa harap niya.


  "grabe ka naman! parang hindi ka babayaran. ngayon na agad? hndi ba pwedeng utang muna?"


"utang? hindi pwede. sigurado namang may pera ka diyan ngayon"
"may pera nga ako pero sakto lang sa pagkain ko at pambili ng pasalubong noh syempre kailangan ko din ng pera sa wallet ko, hindi nga ako nagdala ng extra kasi akala ko libre nga ako diba?" napailing na nangingiti ang babae

"okay sige na nga utang muna. pero kelan at paano ka naman magbabayad sa akin? hindi naman tayo magkaibigan hindi nga tayo magkakilala eh sigurado tatakbuhan mo lang ako pagkatapos ng pilgrimage. five thousand din yun noh"

"hoy anong tingin mo sa akin katulad mong hindi mapagkakatiwalaan? problema ba yun? bago matapos tong pilgrimage ibibigay ko na lang sayo number ko at address ko sayo kung gusto mo sumama ka pa sa bahay namin eh! winter nga pala pangalan ko. Kim W-i-n-t-e-r. ikaw?" nakataas pa ang isang kilay niya.

"alam ko narinig ko pangalan mo kanina nung tinawag ka nung minju kaya nga halos alam ko what exactly happened awhile ago kasi andun naman ako sa tabi mo kanina"


"hmp! so ano nga?"


"anong ano nga?"


"yung pangalan mo ang slow mo naman pala" pang-aasar ni winter


"secret" nakangiti pa ang bababe
"ah ganon? edi hindi kita babayaran kasi hindi naman tayo magkakilala eh diba? simple" nakangiti na rin si winter habang seryosong nakatingin sa kanya ang babae

"kung hindi lang dahil sa five thousand eh.... Karina"


"karina?! wow ang ganda ng pangalan mo pang shala, grabe madalas tayong magkita sa simbahan pero ngayon lang tayo nagkakilala" natawa ito maya maya pa ay may umakyat na isa sa mga organizers para i-check ang mga pasahero at nagbigay ng ilang mga paalala.

 

7am ng dumating sila sa domestic airport inilabas ni winter ang plane ticket papuntang batanes na iniabot sa kanila ng organizers nung nasa bus sila, sukbit sa likod ang kanya-kanyang malalaking backpack, naglakad na papasok sina winter at karina kasabay ang ilan pang kasama nila.
    nakaupo na sila sa loob ng eroplano nang makita na ni winter mula sa bintana na pasakay pa lang sina minju at yujin, parang kinukurot kurot ang puso niya nang makita niyang inaalalayan ng kababata niya ang babae habang paakyat ito sa eroplano. nang mawala na sila sa paningin niya ay inaasahan na niyang nasa loob na sila at madadaanan sila ni karina, kaya bigla niyang kinalma ang sarili.


"Oh, hi minju, hi yujin" ngumiti siyang pilit. natatawa namang tiningnan siya ni karina


"winter! you're here na pala" sabi ni munju saka napatingin kay karina "ikaw pala ang kasama ng kababata ko enjoy girls!" nakangiting sabi nito saka bumaling ng tingin kay winter "sige, kita-kits na lang tayo mamaya ha?"


"okay sige ingat kayo enjoy" nakangiti ring sabi ni winter. nang makalampas ang dalawa ay bumulong pa siya "madapa sana kayo"
    biglang tumawa si karina "masama talaga ang loob pero sige kung diyan ka liligaya"
napipikong tinignan niya to "pwede bang humingi ng favor?" seryosong tanong niya.
napaayos ng upo si karina "ayos ka rin ah may utang ka na nga sa akin then hihingi ka pa ng favor?"

"ito naman parang wala tayong pinagsamahan"
napakunot-noo si karina "what is it ba?"
"pwede bang tulungan mo kong magpapansin kay minju? don't worry hindi tayo magpapahalata susunod sunod lang tayo sa kanila kahit saan sila magpunta bright idea noh?" punong-puno ng pag-asa na sabi ni winter.

natawa ng malakas si karina "malala ka na. ganun mo ba siya kamahal? magmumukha tayong stalker niyan stop with your bright idea na yan"


"kontra agad? subukan muna natin malay mo naman magsisi si minju na hindi ako ang niyaya niyang isama dito at ma-realize niya din na gusto niya pala ako kaya kailangan kong magpapansin man lang. sige na idagdag mo na sa listahan ko to promise babayaran ko lahat ng utang na loob ko sayo"
"huy miss winter kim, yung utang mong five thousand ang need mong bayaran not the utang na loob" saglit na nag-isip si karina at saka muling nagsalita 

"pero... sige na nga sasakyan ko yang kabaliwan mo. nakakaawa ka naman eh" 

 

------

mula sa airport, isang bus ang sumundo sa kanila, nakita pa ni winter na kausap ng kaibigan niyang si ryujin ang isang lalaki na tingin niya ay yung contact nila sa lugar. nakasuot ito ng white t-shirt na may print sa likod 'MUNICIPALITY OF BASCO, BATANES' habang isang logo naman sa harapan.
malamang, nagmula ang lalaki sa munisipyo sa lugar na in-charge na mag-asikaso sa kanilang group.
bilang respeto sa lugar, nag punta muna sila sa munisipyo para kilalanin ang vice mayor at iba pang goverment staff ng probinsya. nagkaroon sila ng maliit na discussion tungkol sa lugar may histroy at ilang paalala lang para sa mga local tourist na tulad nila.

sunod na activity nila ang pag-attend ng misa sa pangunguna ng kasama nilang mga pari sa unang simabahan na pupuntahan nila. pinaalalahanan ang lahat na iwan muna ang mga gamit pero dalhin lang ang mga importanteng gamit tulad ng pera o kaya mga gadgets nila. tanging tote bag naman ang binitbit ni winter naroon kasi ang kanyang wallet cellphone at camera na alam niyang  kakailanganin sa bawat pupuntahan nila. namangha ang lahat lalo na siya sa nakita nilang puting simbahan pagbaba nila ng bus. nabasa pa niya ang nakaukit sa bato na simbahan ng mahatao kasunod ang history ng San Carlos Borromeo Church na nasa gilid sa harapan pumasok na sila.

 

"grabe, old-style na modern din talaga siya" manghang sabi niya habang panay naman ang kuha ng picture. "wait lang. picture-an mo muna ako dito banda, yung kita ang pangalan ng church ha" pumwesto na siya pagkaabot ng camera kay karina.
nang makita ni winter na palapit sa kinaroroonan nila sina minju at yujin, bigla siyang may naisip.

"minju! pwede mo ba kaming picture-an ni karina?" nakangiti pa siya nang ubod ng tamis na halatang hindi normal kaya natatawa si karina. sinakyan na lang ng babae ang trip niya.
"sure" pagkatapos silang kunan ng picture ni minju ay humirit din ito "kami naman. here's my camera" pilit na inabot ni winter ang camera. halos hindi n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
stoicme
thank you for 100 subs!

Comments

You must be logged in to comment
emotaeyeon #1
Chapter 8: wng galing mo talaga mag write tor🙏🏻 salamat sa pagsulat 🙏🏻
syrenity
#2
Chapter 4: Hala 🥲
elevenelevenfine
#3
i like this. ang gaan lang
crimson_snow #4
Chapter 8: Awww thanks for this short but sweet special chap! 🥹
13luvsfriday
#5
Chapter 7: Moreee
_multiplayer__troy #6
Chapter 7: aww ang wholesome 🥺💖
EzraSeige
#7
Chapter 7: 😍😍😍💙❄
cleofierayne #8
Chapter 7: Yieeeeeeeeee!! Salamat huhu at sila na rin sa huli. Paka bitter mo naman Yeji hahaha ayan tuloyyyyy. Pero happy ako para sa dalawa 😭💗💗💗
crimson_snow #9
Chapter 7: Aww it's done already 🥺 This is a really nice story! Light lang and I liked their dynamics a lot. Looking forward to reading more of your works!
_multiplayer__troy #10
Chapter 6: kahit ako yung ka-officemate ni winter ililista ko din yung number ni karina para iabot sa kanya eh 😭