chapter 7

chocolates for you?
Please Subscribe to read the full chapter

 d q na sya ibold letters syug tinatamad na q magpindot pindot e sensya na :bb

 

 

 

 

Aiko Dael Alvarez

 

 

"Mag iingat doon ha? Uuwi nang walang galos okay?" Inayos ko yung buhok ni Armin at pinisil ang pisnge, "Oo na ate, hindi naman na ako 6 years old." Ay hindi na ba? Hehe.

 

 

 

Pupunta kasi sya sa bukid kasama si papa, hindi ko alam kung anong aanihin nila doon napaka laki naman kasi ng dala nyang lagayan. 

 

 

 

"Sige na nga, inaantay kana ni papa doon."

 

​​​​​​

 

Hinalikan ko sya sa pisnge at tagong napangiti nang masagip ng mata ko si Jhian Cave kaya hinalikan ko rin yung kabilang pisnge ni Armin. 

 

 

Kahapon ko pa sya inaasar sa pagseselos nya kay Armin, hiyang hiya sya kaya halos buong araw hindi nya ako kinakausap. Nakisingit na nga sa higaan nila Xian para lang hindi makatabi sakin hmp!

 

 

 

Choosy pa, ako na nga makakatabi nya.

 

 

 

Wala tuloy akong katabi!

 

 

 

"Hello po ate Cavie." Bati ni Armin nang makalapit na si Jhian Cave, ngumiti naman ang loka at bumati pabalik. "San punta mo?" Tanong nya sa kapatid ko, "Sa bukid po sasamahan ko si papa." Sagot naman ni Armin.

 

 

 

Naks close na sila?

 

 

 

"Ate bitawan mo na ako magagalit na si papa sige." Ay oo nga pala hehe, pinisil ko yung ilong nya tyka sya tinaboy.

 

 

 

"Mag iingat ha! Sinasabi ko sayo Armin."

 

 

 

"Oo na ate!"

 

 

 

Overprotective or whatever you call it, wala akong pake. Gusto ko lang na safe lagi ang kapatid ko, ganon naman talaga diba? Namiss ko rin talaga ang kapatid ko, tagal na naming hindi nakakapag kita lagi nalang video call tapos putol putol pa kasi nga mahina ang signal dito.

 

 

Nakakamiss lang na ako yung taga palit ng diaper nya tapos tinitimplahan ko pa ng gatas.

 

 

Hays.

 

 

 

"Bakit andito kapa?" Masungit na tanong ko kay Jhian Cave na kanina pa pala nakatingin sakin. "You're really close with your little brother no?" Umupo ako sa sofa at sumunod din naman sya. Kung kausapin ako akala mo hindi ako iniiwasan kahapon! 

 

 

Inirapan ko sya bago sumagot.

 

 

"Oo, kaya nga selos na selos ka eh." Pang aasar ko.

 

 

"Hey!"

 

 

"Sus! Hindi kasi nagtatanong basta selos hay nako Jhian Cave."

 

 

"I'm not jealous kaya."

 

 

 

"Kunyari naniniwala ako."

 

 

 

"Argh!"

 

 

 

"Crush mo nanaman ako nyan."

 

 

 

Tinawanan ko lang sya nang padabog syang tumayo at iniwan ako rito sa sofa.

 

 

 

Pikunin din naman pala.

 

 

 

 

"It's so hard naman!" Reklamo ni Jhian Cave, kumuha kasi kami ng tubig sa balon ngayon kasi walang tubig sa cr ngayon dahil magkakabagyo ata mamaya. Mawawalan nanaman ng kuryente! Alas sais na ng gabi, medyo madilim narin. 

 

 

 

Prepared na ako for this!

 

 

 

Full charged na ang phone at powerbank tyka yung fan namin na de baterya pati yung flashlight.

 

 

 

Malamig naman kaya hindi na kailangan ng fan pero just incase mainit diba? 

 

 

 

Nang mapuno na nya yung timba nagtulong kami na dalin ito sa cr, mayroon kaming malaking drum sa cr para nga sa mga panahon na ganito. Pupunuin namin yung drum para hindi na kami pabalik balik dito sa balon.

 

 

 

Si papa kasi busy icheck yung kasulok-sulukan ng bahay para safe kung mapalakas man ang bagyo.

 

 

 

"Dale, your turn." 

 

 

 

Kinuha ko sakanya yung ginagamit namin pangkuha ng tubig sa balon, kawawa naman eh. I felt bad tuloy mukhang pagod na. Halos sya kasi ang gumagawa lahat dahil nga may dalaw ako ngayon. 

 

 

Nakakahiya naman sakanya huhuhu naranasan nya pa yung ganito. 

 

 

Baka sugudin ako ng magulang nya pag nalaman na ginaganito lang si Jhian Cave dito sa amin. 

 

 

 

Taga hugas.

 

 

 

Taga walis ng mga patay na dahon sa labas.

 

 

 

Nagpapakain ng baboy sa putikan.

 

 

 

Minsan taga gawa ng gawaing bahay.

 

 

 

Jusko! 

 

 

 

As far as i know may maid sila sa bahay nila tapos dito ginagawa namin syang katulong.

 

 

 

"Pahinga kana don, tawagin ko nalang si Ning para tulungan ako rito." Yung bruhang yan kasi akala mo prinsesa! Paupo upo lang di manlang tumutulong. Sa susunod talaga hindi ko na isasama yan dito puro kain lang ang gaga.

 

 

"I'm fine."

 

 

Kala mo di nag reklamo kanina.

 

 

Kulit talaga.

 

 

 

"Kaya ko na to sige na pasok na sa loob!"

 

 

 

"No, i'm not going to leave you here."

 

 

 

Inunahan nya akong buhatin yung timba nang kukunin ko na sana to. 

 

 

 

"Jhian Cave naman!"

 

 

 

"I'm fine nga."

 

 

 

Bahala na nga.

 

 

 

 

 

 

After nga namin mapuno ang drum ay pinagpahinga ko na ang lola nyo. Nagpupumilit pa kasi na tutulong daw sya sa pagluto ng ulam, kaya pinagbigyan ko nalang sya sa request nya na kiss para manahimik ang gaga.

 

 

Effective naman.

 

 

 

Dahil pagpasok ko sa kwarto bagsak na sya, pagod nga talaga.

 

 

 

Lumapit na ko sakanya dahil nga kakain na kami kasi mahirap na pag nawalan ng kuryente. Tinapik ko sya pero umungot lang at niyakap pa lalo ang kumot. Nakanganga pa sya nang kaunti pero bakit ang ganda...

 

 

 

Shet.

 

 

 

Anong nangyayari sakin?! 

 

 

 

Ang... ang bilis ng tibok ng puso ko! 

 

 

 

Tinitigan ko si Jhian Cave sa mukha nya, ang tangos ng ilong, ang pula ng labi, ang ganda.

 

 

 

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Kabag lang naman to diba? There's no way na magkagusto ako sakanya...? 

 

 

Bading

 

 

Inalog ko ang ulo ko, bwiset na boses yan!

 

 

 

Nagseselos ka nga kay Nene eh 

 

 

 

Inalog ko ulit yung ulo ko. Ano ba! Hindi naman ako nagseselos! Mas maganda kaya ako don.

 

 

 

Kung hindi mo sya gusto bakit ka nagdedemand kanina ng kiss?

 

 

 

 

Hoy!

 

 

Si Jhian Cave talaga ang may gusto non!

 

 

 

Pinagbigyan ko lang para tumahimik!

 

 

 

Weh? Ikaw nga humila sa kwelyo nya para halikan eh

 

 

 

AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH

 

 

 

Para na akong baliw dito na alog nang alog ng ulo!

 

 

 

Hinampas ko naman yung braso ni Jhian Cave kaya nagulat sya at nagising. Shet kasalanan mo to kaya ako nagkakaganito gaga ka! Patulog tulog kalang dyan.

 

 

Anong ginagawa mo sakin Jhian Cave!

 

 

 

"Are you alright, princess?"

 

 

 

AAAAAAHHH HINDI AKO PALAMURA PERO TANGINA MO JHIAN CAVE!

 

 

 

"K-kakain na...d-daw."

 

 

 

Bakit ako nauutal?!

 

 

 

"Okay... can i get a hug?" 

 

 

 

Binato ko sakanya yung unan bago tumayo, "A-asa ka! Tse." Iniwan ko na sya sa loob ng kwarto at inilagay yung kamay ko sa pisnge, bakit ang init?! 

 

 

 

Bakit ba ako nagpapalpitate? Di naman ako nakarami ng kape. 

 

 

Kabag lang yan self, oo tama kabag lang yan.

 

 

 

Gaslight mo lang sarili mo

 

 

 

Manahimik ka nga!

 

 

 

Epal.

 

  

 

Hindi na nga ako nagulat nang mag brownout na dito sa buong barangay namin, sanay na kasi ako hehe. Malakas ang hangin sa labas ngayon pati ang ulan kaya sarado ang mga bintana namin.

 

 

Nandito kaming lima sa living room may kandila naman kaya kita parin namin mukha ng isa't isa. Sabi ko nga gamitin nalang yung flashlight namin, wag na raw para daw kunyari nasa horror movie kami. Parang tanga lang eh no.

 

 

 

"Aaah!"

 

 

 

Sigaw nila nang biglang kumidlat.

 

 

 

Jusme! Imbes na sa kidlat ako magulat, sakanila ako nagulat eh!

 

 

 

"Hoy! Wag kayo maingay baka magising sila papa." Nasa kwarto na kasi sila ngayon at natutulog, sobrang pagod siguro nila galing bukid. Alas nuebe na ng gabi pero heto kami ngayon nagtatakutan dito habang umiinom ng alak. 

 

 

Ewan ko ba sa mga to kung anong trip nila sa buhay at biglang nagkaayan na mag inom, buti nalang tulog na si papa kundi makikisali pa rito yon.

 

 

"Dale..." Ungot ni Jhian Cave na sobrang higpit na ng yakap sakin, nakasiksik narin yung buong mukha nya sa leeg ko. Duwag nga pala to, hindi sya makainom ng alak dahil madilim nga sa paligid tanging mukha lang namin ang kita. "Kunyari wala kami rito." Asar ni Ning, inirapan ko naman sya at binato ng kandila na hindi pa nasisindihan.

 

 

Headshot ang gaga

 

 

 

"Aray ko naman!"

 

 

 

"Deserve!"

 

 

 

"Tama na nga yan! May chismis ako!" 

 

 

 

Nagirapan muna kami ni Ning bago tumigil, tse! Lakas mang asar ni gaga akala mo hindi sila naglalandian sa harapan ko eh. 

 

 

"Ano ba yang cheesemis mo?" Ayan na nga ang dakilang chismosa akala mo hindi ako inirapan kani-kanina lang. "Alam nyo yung isang department na abandonado? Yung malapit sa building nila Xian." Pagsisimula ni Elle, jusko wala pa nga sa pinaka kwento pero yung yakap ni Jhian Cave sobrang higpit na!

 

 

"Hindi na ako makahinga Jhian Cave." 

 

 

 

"S-sorry..."

 

 

 

Unti-unting lumuwag ang yakap nya pero nanatili syang nakasuksok sa leeg ko. Ano ba meron sa leeg ko at ang hilig nyang gumanyan? Alam na mahina ako sa neck kisses eh rawr.

 

 

Sabagay ako rin naman mahilig sumuksok sa leeg nya hehe.

 

 

Nag shot muna si Elle bago ituloy ang kw

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
mellifluouswan
1709 streak 0 points #1
Chapter 18: SARAP TALAGA BIRAHIN NG EX NI JHIAN CAVE SHUTA AKO NA NGA IPASOK NIYO JAN PLS TATAMBUIN KO LANG SA ULO!!!!! ififficici anyways may dilig na naman si Aiko yey HAHAHAHA
ratedkmj
0 points #2
Chapter 18: NAKAKAINIS YNG LINTA SAAN BA YAN AKO NA AABANG SA KANTO
stillem193
#3
Chapter 17: distansya o ambulansya,,, choz
stillem193
#4
Chapter 16: bwisit kala ko kung ank,,,
stillem193
#5
TEKA LANG NMN❓❓😭
stillem193
#6
Chapter 9: bungad 😭😭
stillem193
#7
Chapter 8: kabag lng yang crush crush na yan tamo pag mulat mo kinabukasan gusto m na sya
stillem193
#8
Chapter 6: di raw naka only me sad 2loy si kweba 😂
stillem193
#9
Chapter 2: 1st chapter na 1st chapter eomji 😭
Rin_HM #10
Chapter 17: Sorry, ateng ex may baby na si JC, kaya shut up ka na kung ayaw mong makalbo ka.