chapter 12

chocolates for you?
Please Subscribe to read the full chapter

Aiko Dael Alvarez

 

"Sige lang anak, kain ka lang dyan magpakabusog ka." 

 

 

Nahihiyang ngumiti nalang ako kay momshie at nag thank you. Todo asikaso kasi sya sa akin akala mo wala akong kamay eh. Napansin ko naman yung pagsimangot ni baby.

 

 

"Yanyan oh." Nilagyan ko ng kanin yung plato nya.

 

 

Ako nalang mag asikaso sayo baby hehe. 

 

 

Nag aalmusal kami ngayon bago pumasok, nandito pa rin yung mga pinsan nya kaya ang ingay lalong lalo na si Rhen! Ang ingay ng bunganga!

 

 

"Aiko, nag ano na kayo ni JC?" Tanong nya, takang tinignan ko naman sya. "Anong ano?" Pilit nyang pinipigil yung tawa nya parang sira. 

 

 

"Nag ano" Yung daliri nya nag shape into scissor— aba gago! 

 

 

"Hoy! Nasa hapagkainan tayo! Manahimik ka dyan Rhen." Saway sa kanya nung nakakatandang pinsan nila, si ate Mei, "Tita palayasin mo nga yan tutal palamunin lang naman dito yan." Gatong naman nung lalaking pinsan nila. Tumawa lang naman si momshie.

 

 

"Grabe naman kayo sakin!"

 

 

"Bastos mo kasi! Kitang may kumakain dito! Pero JC nag ano na talaga kayo?"

 

 

"Tamo kayo din naman!"

 

 

Awkward na tumawa lang ako.

 

 

Ano ba naman tong mga tanong nila huhuhu. 

 

 

Nag lean in si baby sa akin at bumulong, "Don't mind them, baby. I'm sorry sa pagiging maingay nila. Go eat nalang." Tama si baby! Wag ko nalang muna sila pansinin kasi kung ano anong scenarios na ang pumapasok sa utak ko! 

 

 

I need holy water!

 

 

 

 

After namin kumain nagpaalam na yung magpipinsan na aalis na at may kailangan pa raw silang gawin si momshie naman nasa kwarto nya magpapahinga raw muna dahil may trabaho pa sya mamaya, at may pahabol pa nga si Rhen! 

 

 

"Aiko text mo lang si ate Sade para sa tips pag y time!" Kumindat pa yan sya kaya binato ko sa kanya yung braso. Buti nalang hindi babasagin dahil baka palayasin ako ni momshie! 

 

 

Hindi pa naman kasi pumapasok sa isip ko na mag ano kami ni Jhian Cave! 

 

 

Ang dami na tuloy scenarios na pumapasok sa utak ko na hindi ko naman dapat iniisip dahil lang sa kabastusan ni Rhen!

 

 

"Rhen, just leave my god! You're so bastos." Silently nag sorry si Jhian Cave kasi sobrang kulit daw ng mga pinsan nya, tyka yung sa sinabi daw ni Rhen baka naging uncomfortable ako. I don't mind naman kasi ang cute lang na close ko na mga kamag anak nya, dagdag points! Si Rhen lang talaga ang may saltik sa utak. Ewan ko ba don!

 

 

Akala ko nung una matino yan, first meet namin nahihiya pa sya tapos ngayon wala nang hiya!

 

 

"Baby, let's get you some water before we leave for school." Hinatak nya ako papuntang kitchen nila. May mga maids dito kaya nginitian ko sila at binati, binati naman nila ako pabalik ang bait nila! 

 

 

Habang kumukuha si Jhian Cave ng tubig nakipagchikahan pa ako kay Aling Brenda! Ang ganda ko raw tapos bagay daw kami ni Jhian Cave! Ano ba kami lang to! Ako lang to! 

 

 

Nagpaalam na ako kay Aling Brenda at pinuntahan si Jhian Cave na busy pa rin mag lagay ng tubig sa tumbler ko. Hinawi ko yung mahabang buhok nya na nakaharang sa maganda nyang mukha.

 

 

Ang ganda ganda! 

 

 

Hanggang ngayon hindi talaga ako makapaniwala na kami na, na jowa ko si Jhian Cave. 

 

 

Nag scrunch yung nose nya habang sinasara nya yung takip ng tumbler ko. Kiss ko to mamaya!

 

 

"Thank you." Kinuha ko sa kamay nya yung tumbler ko. Malamig na tubig pala ang kinuha ni baby. Sakto dahil medyo mainit ngayon.

 

 

"Welcome, I love you." Marahan nya akong hinila at niyakap, subsob naman yung mukha ko sa s nya hehe I don't care, malambot naman at malaki— teka.

 

 

Ha?

 

 

Ano?

 

 

S-she loves me?

 

 

 

Gustong gusto ko na rin naman sabihin sa kanya yon nahihiya lang talaga ako. Nauuna kasi yung kilig bago pa ako makapagsalita. Alam ko sa sarili ko na mahal ko na sya, shet! At I know din na love nya ako!

 

 

"A-ah.. I mean—"

 

 

"I love you too, Jhian Cave." Mabilis kong sabi at agad akong umiwas ng tingin. 

 

 

Ang ganda pala ng lababo nila! Naka marble, ang ganda rin nung refrigerator nila katulad nung nakikita ko sa tiktok yung kakatukin mo tapos iilaw. Ang ganda rin ng tiles nila pwede na humiga dahil sa sobrang linis—

 

 

"Can you say that again?" 

 

 

"Ayoko na." Napanguso naman sya. Teka lang kasi! Kinikilig kasi ako okay?? Umagang umaga napaka harot namin nakakahiya naman kila ateng maids sila yung nakakakita ng mga kabaklaan. 

 

 

"I love you, princess." 

 

 

"..."

 

 

"I love you.." She cupped my face and pecked my lips. Nanghihina na yung mga tuhod ko, kung hindi lang nya ako hawak kanina pa ako humimlay.

 

 

 

Nahihiyang umiwas ng tingin sila ateng maids, nakalimutan ko kasi pangalan nung iba maliban kay Aling Brenda kaya ateng maids nalang! 

 

 

"Mahal kita."

 

 

"..."

 

 

Pulang pula na yung mukha ko kung alam nyo lang!

 

 

"Mahal na mahal kita.." 

 

 

Oo na Jhian Cave! Pwede ba ikalma mo?!

 

 

"It felt so good to say that phrase to you, baby. I love you so much kahit ayaw mo akong pansinin, hmph." Tatampo na nga ang damulag! Hinila ko ulit sya papalapit sa akin nang akmang lalayo sya.

 

 

"K-kinikilig kasi ako! M-mahal na.. mahal din naman k-kita.." 

 

 

AAAAAAAACCCCKKKK

 

 

Oh edi sya tong namumula ngayon?

 

 

Witness sila ateng maids sa mga kaharutan namin ni baby.

 

 

 

 

"Baby, tuwang tuwa si mommy sa gift mo, kanina nya pa ako iniinggit." Natatawang sambit ni Jhian Cave, kasalukuyan kaming nasa karinderya ngayon at inaantay sila Elle para sabay sabay kaming kakain ng lunch. At perfume ang regalo ko kay momshie! I worked hard talaga para sure akong magugustuhan ni momshie ang aking gift! 

 

 

Bago kasi kami umalis inabot ko na kay momshie yung regalo ko kaya halos mapitpit na ako sa sobrang higpit ng yakap nya! Sabi nya pa na bumalik daw ako don kapag nandoon na sila ate Rene at ang daddy. 

 

 

Kinabahan naman ako. 

 

 

Kay ate Rene keribells lang naman kasi medyo close na kami, kaso yung daddy nila hindi ko pa nakikita huhuhu. 

 

 

"Inggit ka? Bilhan din kita?" Umiling naman sya.

 

 

 

"Kiss nalang, love." 

 

 

Binato ko sa kanya yung crumpled tissue na nasa gilid ko, "Ang harot harot! Pag ikaw narinig dyan eh!" Umirap ako nang tumawa sya. "So what if marinig nila? Do you want me to shout it to their faces that I want to kiss you senseless?" 

 

 

"Jhian Cave!" 

 

 

Tuwang tuwa lang naman sya sa pikon kong mukha hmph! 

 

 

Harot harot talaga ni baby.

 

 

"Hoy mga malalantod na mga baccla mamaya na kayo mag harutan at kumain muna tayo kanina pa ako gutom!" Napatingin ako kay Ning, dumating na nga yung dalawang bruha kasunod nila si Xian na tumabi kay Jhian Cave para magkaharap sila ni Ning. 

 

 

"Ramdam na ramdam ko yung pagiging single ko mga teh." Madramang sambit ni Elle na nandidiring nakatingin sa amin. "Ang dami daming nagkakagusto sayo beh! Sinusungitan mo kasi kaya inaayawan ka nila." Mataray na sabi ni Ning bago sumubo ng pagkain nya, uy afritada! Sinigang nga pala yung sa akin dahil gusto ko ng mainit na sabaw today. 

 

 

While yung kay baby ay sisig. Favorite nga daw nya kasi and pwede naman syang makihati sa ulam ko. Sharing is caring. 

 

 

 

"Ang chachaka kasi nila tapos ang ert pa! Kaya deserve nila na masungitan ko duh!“ May paikot pa na mata na sambit ni Elle, "Akala ko ba may pinopormahan ka sa katabing room natin?" Takang tanong ko, naalala ko kasi may nabanggit sya samin na crush keme daw nya kasi ang ganda tapos cute.

 

 

"Wala beh straight si anteh!" 

 

 

 

Kawawa naman tong frenny ko!

 

 

 

Napatingin ako kila ning na nagbibigayan ng ulam tapos kung mag usap akala mo sila lang yung nandito. Kung makasabing malantod akala mo sila hindi! 

 

 

"Mahal, gusto mo?" Alok ko ng ulam ko kay Jhian Cave na kanina pa focus kumain, I think pangalawang rice nya na tong kinakain nya ngayon. Tumayo kasi sya kanina akala ko kukuha lang ng tubig pero kanin pala ang dala. "No, baby. May ulam pa naman ako hehe." 

 

 

Ang cute nya talaga, nakakainis. Baka pag hindi ko napigilan sarili ko, bigla ko nalang syang sunggaban dyan ng halik.

 

 

Alam nyo yon? Yung ulam nya nasa maliit na platito lang tapos parang wala manlang bawas! Mas marami pa yung kanin nya kaya sa ulam. Sanaol marunong mag tipid ng ulam! 

 

 

After ko uminom ng tubig nabusog na ako, kaya minsan ayoko munang uminom kasi ang bilis ko mabusog! May natira pa akong kanin tyka ulam, parang wala ngang bawas eh. 

 

 

 

"Yanyan, gusto mo pa? Busog na ako."  Pag alok ko ulit.

 

 

"Teh grabe naman! Kumain kaba?" Inirapan ko nalang si Elle, eh sa busog na nga ako eh! Tyka kumain naman kasi ako kanina ng cheesecake kaya may laman yung tyan ko bago kami kumain dito. 

 

 

"Sure ka baby?" Tanong ni Jhian Cave na punong puno yung bunganga, kumuha ako ng tissue at pinunasan yung labi nyang may sauce pa gawa nung mayonnaise sa sisig, "Opo, busog na ako. Yanyan sabi ko dahan dahan sa pagkain diba? Walang aagaw sa food mo, baby. Pag ikaw nabilaukan dyan..." Ngumiti lang naman sya sakin kaya nawala yung mga mata nya. Hmp! Kiss kita dyan eh.

 

 

Cute cute ng jowa ko! Mukha syang chipmunks.

 

 

"Kaya ko rin naman punasan yung bibig ko, tignan nyo oh!" Kumuha si Elle ng tissue at pinunasan yung gilid ng labi nya habang ang sama ng tingin sa amin. Naghaharutan din kasi sila Xian, subo dito subo there. Gandang ganda naman si Ning sa sarili nya. 

 

 

"Napaka bitter nito, reto nalang kita don sa tropa nung kabatchmate ko dati." Napailing nalang ako, hay ano pa nga ba? As expected sa friend kong social butterfly, laging may back up plan. "Ay sige, bet ko yan!" Agad namang pag agree ni Elle. Parang shunga lang eh.

 

 

 

 

"Baby, masyado na ba akong matakaw?" 

 

 

"Ha? Ano ibig mong sabihin?" 

 

 

Nandito kami ngayon sa condo ko at hindi na sya makalat mga beh! Naglinis na ako no! Nakakahiya naman kay baby ko kung pupunta sya dito tapos napaka kalat.

 

 

Sabay yung paguwi namin ngayon kaya naisipan nya na dumaan muna dito sa condo ko bago sya umuwi. Gusto nya rin daw na kasabay akong kumain ng dinner at matikman yung luto ko. 

 

 

Adobong sitaw lang n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
mellifluouswan
1710 streak 0 points #1
Chapter 18: SARAP TALAGA BIRAHIN NG EX NI JHIAN CAVE SHUTA AKO NA NGA IPASOK NIYO JAN PLS TATAMBUIN KO LANG SA ULO!!!!! ififficici anyways may dilig na naman si Aiko yey HAHAHAHA
ratedkmj
0 points #2
Chapter 18: NAKAKAINIS YNG LINTA SAAN BA YAN AKO NA AABANG SA KANTO
stillem193
#3
Chapter 17: distansya o ambulansya,,, choz
stillem193
#4
Chapter 16: bwisit kala ko kung ank,,,
stillem193
#5
TEKA LANG NMN❓❓😭
stillem193
#6
Chapter 9: bungad 😭😭
stillem193
#7
Chapter 8: kabag lng yang crush crush na yan tamo pag mulat mo kinabukasan gusto m na sya
stillem193
#8
Chapter 6: di raw naka only me sad 2loy si kweba 😂
stillem193
#9
Chapter 2: 1st chapter na 1st chapter eomji 😭
Rin_HM #10
Chapter 17: Sorry, ateng ex may baby na si JC, kaya shut up ka na kung ayaw mong makalbo ka.