chapter 10

chocolates for you?
Please Subscribe to read the full chapter

Aiko Dael Alvarez

 

Wala pang alas syete ng umaga gising na ako, nakaligo na, nakakain na, nakaayos na. 

 

 

Sobrang excited ko kasi ngayon na yung concert ng aespa! Halos hindi na ako makatulog kagabi sa sobrang excited ko hehe. Pinagalitan ngalang ako ni Jhian Cave hmp! Magkacall kasi kami kagabi, yes oo! Call kami hehe. 

 

 

Miss nya daw ako ih.

 

 

Tse!

 

 

Hihi.

 

 

Pero ayon nga! Pinagalitan ako ng lola nyo! Ayoko pa kasi matulog dahil excited nga ako para sa concert, yung outfit ko na isusuot nakahanda na agad! Field trip yarne? Emz! 

 

 

Yung mga kakailanganin nakahanda na.

 

 

Lahat lahat na! 

 

 

Naghalungkat pa ako ng cartolina kagabi para magsulat ng 'i love you baby winter ko!' at kung ano ano pa nilagay ko para lang magpapansin sa asawa ko. Feel ko machuchugi ako pag napansin nya ako.

 

 

Ihh kinikilig nanaman ako! 

 

 

Magtatampo pa nga sana ako kay Jhian Cave pero di ko nalang tinuloy baka kasi bawiin yung ticket, minsanan lang to kaya sulitin ko na. 

 

 

Chineck ko yung sarili ko sa salamin.

 

 

Shet.

 

 

Ang ganda ganda ko!

 

 

Ready na ready na para sa kasal namin ni Winter mamaya.

 

 

 

Inayos ko yung bangs ko at inamoy amoy ko pa yung sarili ko baka kasi lumapit sakin si Winter at magpicture kami nakakahiya naman kung mabantot ako diba? 

 

 

*Ding*

 

 

 

Okay, ayan na nga ang baby damulag.

 

 

Jhian Cave: Hi, good morning ganda :))

 

 

Jhian Cave: I'm here na sa parking. Should i fetch you? 

 

 

Ramdam ko yung instant na pag ngiti ko.

 

 

Naririnig ko tuloy si Ning, 'Aiko Baccla' emz! Hindi ko pa sinasabi sa kanila na nanliligaw na si Jhian Cave pero sure akong nakakahalata na sila kasi tuwing lunch nagpapadala si Jhian Cave ng mga favorite kong pagkain tapos may kasamang notes hehe. Di ko naman balak itago sa kanila, sasabihin ko nalang pag nagtanong na sila. 

 

 

For sure, aasarin ako nung mga bruha na yon 24/7 iniisip ko palang napapagod na ako.

 

 

 

Jhian Cave: Princess? 

 

 

 

Eto na nga magrereply na eh!

 

 

 

Me: aq nalang bababa dyn weyt mo q

 

 

Jhian Cave: Okay po. 💙

 

 

 

It's been 2 weeks simula nang manligaw sya, ibang iba sa feeling mga teh! First time ko na may manligaw sakin dahil dati ako lagi ang nanliligaw! Pero ayon, mas naging sweet sya sakin. Kung dati sweet sya mas dumoble mga beh! Yung tipong lalanggamin kana sa sobrang kasweetan ni gaga. 

 

 

Syempre, kinilig ako hehehe.

 

 

Ang cute nya kaya! 

 

 

Minsan sabay kami pumasok if same kami ng schedule, lagi nya akong sinusundo sa condo. Lagi lang sya nasa parking or kaya mag aantay sa labas ng pinto ko never pa sya nakakapasok sa loob, nakakahiya kasi! Laging makalat yung condo ko wala kasi akong time mag general cleaning sa sobrang busy ko sa mga activities.

 

 

Lagi syang may pa breakfast kaya hindi na ako nakakapagluto sa umaga. Tapos binigyan nya ako ng hikaw nung nakaraan! Hindi ko na tinanong yung presyo kasi itsura palang alam na. Sabi nya tanggapin ko nalang daw at wag na magreklamo kaya ayorne hehe btw suot ko sya today!

 

 

Nabanggit ko rin kasi sa kanya na mas gusto ko yung mga nakekeep na gifts instead of yung mga nalalanta like flowers. For me lang to ha? Kasi parang sayang naman kung masisira or malanta yung flowers, kaya mas prefer ko yung mga naitatago for a long time or kaya kahit pagkain nalang.

 

 

Mahilig kasi ako magtabi ng mga binibigay sakin kaya sure akong kaya kong alagaan yung mga ibibigay nya sa akin in the future.

 

 

Pero syempre gusto ko rin maranasan mabigyan ng bulaklak! Never in my life ako nakaranas hmp! Ako kasi yung nagbibigay ng ganon eh.

 

 

Jhian Cave never disappoints.

 

 

I think nung isang araw yon. Binigyan nya ako ng tulips! Grabe lang talaga yung kilig ko non, pero syempre hindi ko pinahalata. Napansin nya siguro na naiinggit ako sa mga magjojowa na binibigyan ng bulaklak. 

 

 

Nakakainis sya! Ang galing galing nya magpakilig! 

 

 

Hmp.

 

 

 

Kaaway ko lang to dati, tapos ngayon manliligaw ko na.

 

 

Ganda ko talaga!

 

 

 

Inaaway ko parin naman sya ngayon hehe.

 

 

 

Nang makababa ako sa parking lot kitang kita yung blue na ford mustang at naabutan ko syang nakasandal sa pintuan ng passenger seat ng kotse at may kinakalikot sa cellphone nya. Ang pogi at ganda nya ngayon ha? Naka white crop top sya na pinatungan ng black leather jacket tapos naka black cargo pants. Yung mahabang buhok nya nililipad ng hangin. Ang ganda!

 

 

 

Mapagtripan nga.

 

 

 

Masyadong busy eh.

 

 

"Hi Miss pwede ba makuha number mo?"

 

 

 

Sa sobrang busy nya sa phone hindi nya ako narinig o sadyang ayaw lang talaga nya akong pansinin.

 

 

Batukan ko to eh!

 

 

"Miss sabi ko kung pwede ba makuha number mo?" Waepek! Ayaw mamansin ni gaga! 

 

 

"Miss pansinin mo naman ako—"

 

 

"I'm waiting for my girl please stop bothering me—" Nag angat na sya ng ulo at natigilan. Gulat sya ih. 

 

 

My girl daw psh!

 

 

"Oh... Uhh.. H-hi..?" Inirapan ko sya, "Okay po, i'll stop bothering you Miss ayaw mamansin." Natawa naman sya, "I'm sorry, akala ko kasi ibang tao." Kinurot ko yung tagiliran nya kaya agad syang napadaing. 

 

 

Napanguso sya, "That hurt ha.." Aniya habang hinihimas yung parte na nakurot ko pansin ko rin na namula. Sinamaan ko sya ng tingin, "Ikaw kasi! Patingin nga!" Nasobrahan ata yung pagkagigil ko sa kanya huhu parang magkakapasa! 

 

 

"Dale, masakit..."

 

 

"Sorry ikaw kasi eh.." 

 

 

Ano ba yan kasi self! Hilig manakit! 

 

 

Ganda ganda ng balat ni Jhian Cave tapos dudungisan mo lang! 

 

 

"Dale it hurts talaga.." Mukha na syang iiyak sa itsura nya ngayon. Naguilty naman ako, nawala sa isip ko na masyadong sensitive skin nya konting galaw mo lang magkakapasa or kaya namumula agad.

 

 

"I'm sorry Yanyan, nasanay lang ako kila Ning." 

 

 

 

"Kiss mo nalang ako right here oh— Ouch!" Ayan nahampas ko tuloy sya sa braso! 

 

 

"Yung tagiliran mo ang kinurot ko hindi yung labi ha? Tara na nga malate pa tayo eh. Nag aantay na yung future ko don para sa kasal namin." Inirapan ko sya nang ngumuso nanaman sya.

 

 

Pinagbuksan nya ako ng pinto bago sya umikot para makapasok narin sa loob. 

 

 

"I got these for you." 

 

 

May inabot sya sakin na kulay pink na box.

 

 

Tapos may favorite ko na candy.

 

 

May keychain din na mukha ni Winter!

 

 

 

"You don't have to." 

 

 

Ngumiti lang sya, "But i want to." 

 

 

Hays Jhian Cave. Pinapakilig mo ang butchi ko!

 

 

"Pwede ko na ba syang buksan?" Tanong ko habang pinagmamasdan yung box. May maliit na note din na nakadikit dito.

 

 

I really don't know if i should be jealous to Winter or not. But yeah here's your 'future' (hmp). 

 

 

Natawa ako. 

 

 

Nagseselos talaga sya kay Winter? Huhuhuhu. Hay nako Jhian Cave kung alam mo lang. 

 

 

 

"Yeah, you can open it." Aniya at inistart na yung sasakyan para lumamig.

 

 

 

Dahan dahan kong inangat yung takip ng box at bumungad ang mukha ng asawa ko! Puro polaroids ni Winter! May official pc din na sa pagkakaalam ko tig 700+ 

 

 

"Waaaah!! Thank you Yanyan! I love it." 

 

 

Inisa isa ko yung polaroids at tinitigan.

 

 

Ang ganda lang talaga ni Winter!

 

 

Kinikilig nanaman ako! 

 

 

Excited na talaga ako sa concert.

 

 

 

"Welcome." Napatingin ako kay Jhian Cave na malaki ang ngiti, "Thank you talaga!" Pinisil nya lang yung pisnge ko bago magsimulang mag drive. 

 

 

"I'm glad you love it. Anyways, san tayo kain?" 

 

 

Ibinalik ko sa pagkakaayos yung mga picture ni Winter at inalagay muna sya sa dashboard ng sasakyan. 

 

 

Muntikan na ako malagutan ng hininga nang biglang lumapit yung mukha ni Jhian Cave. 

 

 

Ang bango talaga.

 

 

Then may narinig akong nag click.

 

 

Ahh seatbelt, akala ko naman.

 

 

Eme! Bakit ba ako nageexpext! 

 

 

"You forgot to wear your seatbelt because of excitement." Napanguso nalang ako. 

 

 

Bawal ba talaga magkiss? 

 

 

Kahit peck lang?

 

 

Ako yung nililigawan kaya dapat ako yung nasusunod!

 

 

Hmp.

 

 

"Stop sulking, you look so cute. I wanted to kiss you too don't worry." Umirap nalang ako sakanya, ewan ko sayo Jhian Cave!

 

 

Dati sa aespa lang ako kinikilig ngayon sa totoong tao na!

 

 

"So.. Where do you wanna eat?" Ulit nya.

 

 

"Kahit saan nalang." Sagot ko, kinuha ko yung neck pillow nya at ihiniga yung upuan. Feel ko matutulog ako buong byahe. "Want mo sa KFC?" she asked, i shake my head. 

 

 

"Kakakain lang namin dyan nung isang araw nila Ning." 

 

 

She nodded, "Hmm, what about... Chowking?" 

 

 

 

"Ayan hapunan ko kagabi eh." 

 

 

 

"McDo?" 

 

 

 

"Sawa na ako dyan Yanyan..."

 

 

 

"Mang inasal?" 

 

 

 

"Ayoko..."

 

 

 

"Princess I'm serious. San tayo kakain?" Mukhang napikon na si lola nyo, pinagtitripan ko lang naman sya eh. Pinatong ko yung kamay ko sa kamay nyang nakapatong sa gear. Ang attractive nya talaga tuwing nag ddrive.

 

 

Ang het emeged. 

 

 

Chos! Ang landi.

 

 

Gustong gusto ko talaga syang pinagtitripan. Cute kasi! 

 

 

"Galit ka?"

 

 

Saktong nag stop light kaya nilingon nya ako, "No, why would I?" She softly said, she intertwined our fingers and caressed my hand using her thumb. 

 

 

"Pikon lang?" Natatawang tanong ko kaya inirapan nya ako, "Very funny." Nabalot na nga yung sasakyan ng tawa ko. "Jhian Cave pikunin!" 

 

 

"Stop teasing me please." Umikot ulit yung mga mata nya kaya bumelat nalang ako sakanya.

 

 

"Nyenye pikunin."

 

 

"Whatever."

 

 

Tinawanan ko nalang sya, bumaling yung tingin ko sa box ng pocky. Nung nakaraan ko pa gusto kumain nyan!

 

 

"Gusto ko ng pocky mo."

 

 

Teka, ang pangit pakinggan!

 

 

"My what?" Gulat na tanong ni Jhian Cave, ang oa ha! "Yung pocky mo nga! Kainin ko." Namula na si tanga.

 

 

"Jhian Cave napaka manyak mo ha! Ayun kasi oh!"

 

 

Jusq po!

 

 

Napakamot naman sya sa batok nya, "Uhm, that's not mine..." Tumaas ang kilay ko at pinandilatan sya. "Eh kanino yan?" Hindi sya nakasagot kaya inirapan ko nalang sya. 

 

 

Galing nanaman sa mga bebegorls nya!

 

 

Wala ayoko na kumain ng pocky! 

 

 

 

"Look, princess. I really tried my best na wag tanggapin pero mapilit kasi eh... I'm gonna give that to Xian talaga hindi lang kami nakapag kita." Hindi ko sya sinagot at tumingin nalang sa labas ng bintana. Nakakainis na yang mga bebegorls nya ha! Kumukulo yung dugo ko! Gusto ko sila sabunutan isa isa.

 

 

"I'm sorry..."

 

 

 

Ayaw ko naman na ispend namin yung masayang araw na ganito kaya nilingon ko na sya. "Okay lang, di naman talaga maiiwasan yan. Nakakainis ka bakit kasi ang ganda mo." Kita ko yung pag pigil nya ng ngiti! Bacclang to! 

 

 

"Balutan kaya kita ng tela para walang makapansin sayo?" She squeezed my hand and let out a chuckle, "Edi magiging mas kapansin pansin ako." Sabi ko nga!

 

 

"Sleep ka muna I know hindi ka nakatulog nang maayos." She playfully glared at me. "Tse! Oo na. Gisingin mo nalang ako kapag nakaluhod na si Winter para ayain akong ikasal." 

 

 

"Whatever you say, Aiko." 

 

 

Luh!

 

 

 

"AAAAACKKKK WINTER KO!!! ANG GANDA OH MY GOD BABY KO!!!!"

 

 

"TUMINGIN SYA SAKIN!! NAG EYE CONTACT KAMI!!! IKAKASAL NA AKO JHIAN CAVE AAAAAHH!"

 

 

"Princess, calm down. Mawawalan kana ng voice nyan." Hindi ko pinansin si Jhian Cave. Busy ako mag wagayway ng kartolina! Sya kasi yung nag video sa cellphone.

 

 

Kung maka ano akala mo hindi kinilig kay Karina kanina! Halos mahimatay nga sya nung pumunta sa puwesto namin si Karina tapos kumaway sa kanya! 

 

 

Lumapit ulit si Winter sa puwesto namin at ngumiti! 

 

 

"AAAACKKK PARA SAKIN YON AKIN YON! NGINITIAN AKO! NAKAKAMATAY!!!“

 

 

 

Better things naman yung kinakanta nila ngayon.

 

 

 

Feel ko mamamatay na ako!!!

 

 

 

"AAAAAHH SAMPONG KILONG GINILING NI WINTER KIM!! IGILING MO PA BABY KO!! SHUTA MAY BEWANG KAPA BA??"  

 

 

Ramdam ko yung pagtingin nung katabi namin. Bakit ba? Wala kayong pake! 

 

 

"WINTER READY NA YUNG KASAL NATIN IKAW NALANG KULANG OH MY GOD! ANG GANDA MO!" 

 

 

Bahala kayo marindi! 

 

 

Parang nag slowmo lahat nang inabot ni Winter yung cellphone ni Jhian Cave at nagpic kasama si gaga. 

 

 

HALUH! AKO DAPAT YON EH! 

 

 

After nila mag pic nilagpasan lang ako ni Winter at pumunta na sa ibang puwesto. Ganyanan pala ha! 

 

 

Humarap sakin si Jhian Cave at pinakita yung picture nila ni Winter, naka heart sign sila! 

 

 

Nan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
mellifluouswan
1710 streak 0 points #1
Chapter 18: SARAP TALAGA BIRAHIN NG EX NI JHIAN CAVE SHUTA AKO NA NGA IPASOK NIYO JAN PLS TATAMBUIN KO LANG SA ULO!!!!! ififficici anyways may dilig na naman si Aiko yey HAHAHAHA
ratedkmj
0 points #2
Chapter 18: NAKAKAINIS YNG LINTA SAAN BA YAN AKO NA AABANG SA KANTO
stillem193
#3
Chapter 17: distansya o ambulansya,,, choz
stillem193
#4
Chapter 16: bwisit kala ko kung ank,,,
stillem193
#5
TEKA LANG NMN❓❓😭
stillem193
#6
Chapter 9: bungad 😭😭
stillem193
#7
Chapter 8: kabag lng yang crush crush na yan tamo pag mulat mo kinabukasan gusto m na sya
stillem193
#8
Chapter 6: di raw naka only me sad 2loy si kweba 😂
stillem193
#9
Chapter 2: 1st chapter na 1st chapter eomji 😭
Rin_HM #10
Chapter 17: Sorry, ateng ex may baby na si JC, kaya shut up ka na kung ayaw mong makalbo ka.