chapter 1

chocolates for you?
Please Subscribe to read the full chapter

Aiko Dael Alvarez 

 

Nakasimangot akong tumayo mula sa aking precious bed dahil nag alarm na yung phone ko, na isa lang ang ibig sabihin, papasok nanaman ako! pagod na pagod na akong mag aral! gusto ko nalang mag jowa ng mayaman—emz charot lang! kailangan kong magsipag sa pag aaral para narin sa future jowa ko—HUY! keme lang ulit, study first!

 

Nagtungo ako sa banyo at tinignan ang sarili sa salamin.

 

Pakshet ang ganda ko talaga!

 

After admiring myself sa mirror for about 5 minutes, nagsimula na akong maligo dahil baka malate pa ako sa first sub ko ngayon.

 

 

 

 

 

 

 

ayoko na mag aral 

 

me: gora na ba kayo?

 

Ning: teka lang mhie papaganda muna ako, para kahit stressed at least maganda!

 

me: andami mong achuchu 

 

Vielle: paki bilisan sayang gas ng car ko  —____—

 

 

 

Habang inaantay sila Vielle ay umupo muna ako at nag scroll-scroll sa twitter, kinikilig nga ako eh nag post pala ang baby winter ko sa twt! hihi auto save syempre. 

 

 

 

JhiCave

going to school and that means makikita ko nanaman yung dragon :\\

 

 

Napaikot yung mata ko sa nakita kong tweet.

 

Puro parinig hindi naman makapag eye to eye sakin in person! hmp. Mahina.

 

At excuse me??!! 

 

Ako?

 

Dragon?!

 

Ang gandang dragon ko naman kung ganon. Heh!

 

 

Narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Vielle kaya agad na akong lumabas dahil mag rereklamo pa si Ning akala mo naman sya nag babayad ng gas!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"H-hi... Jhian hehe u-uhm ano gusto ko lang s-sanang ibigay itong chocolates..." yan ang bungad nang makarating ako sa room namin kaya napaikot nanaman yung mata ko. 

 

Teh wala pang valentines! bakit may pa chocolate? 

 

 

Mag papasko palang bhie.

 

 

Napalibot ang tingin ko at napansin na sa katabi nalang ni 'Jhian ' ang natitirang spot kaya no choice ako kundi umupo don. Hmp! bakit sa tabi nya pa? kairita naman! 

 

"Uhh thank you for these" dinig kong sagot ni Jhian don sa babae na halatang kinilig kasi napayuko, oa. Emz! tyka alam ko hindi namin kaklase yang babae ah? layo ng narating ni anteh? basta makaharot lang? 

 

Namumulang umalis yung babae kaya napairap ulit ako. Feel ko matatanggal na yung mata ko sa kakaikot!

 

"Aga aga chocolates" bulong ko at inayos yung mga notes ko sa desk, rinig ko naman yung pag scoff nya. "You're just jealous, no one's giving you even a piece of a chocolate" sabi nya at ni wave pa yung chocolates na binigay sakanya nung babae kanina. 

 

Ano naman??!!

 

Mawawala ba stress ko sa pag aaral kapag binigyan ako ng chocolates? pake ko dyan.

 

 

"I can buy my own chocolates, mas marami at mas mahal pa dyan" sagot ko sa kanya with matching irap, hindi na sya naka rebut kasi dumating na ang prof kaya napa smirk ako sakanya at dumila para asarin sya. 

 

 

Sinamaan lang nya ako ng tingin.

 

 

Mahina.

 

 

 

 

 

"Ms. Alvarez? can you help me with these?" tanong ng prof at tinuro yung mga libro na galing sa library, mhie ang dami. Bakit ako pa? di ko pa nabubuhat pero nafefeel ko na mapuputol buto buto ko, may mga boys naman na for sure kayang kaya buhatin.

 

Bakit ako pa na halos buto't balat nalang? charot! ang oa.

 

Tumango nalang ako kay prof at lumapit na para simulang buhatin yung libro pero may nag stop sa kamay ko.

 

 

si Jhian.

 

 

Ano ba problema nitong bruhang to? laging umaaligid.

 

 

"Boys, you guys are strong diba? can you help the prof with these books instead of this little girl right here?" agad na nag agree yung mga boys at tumayo para sila na ang mag buhat nung books. 

 

At anong little girl?

 

Matutuwa na sana ako kasi hindi na ako yung magbubuhat, pero tinawag akong little girl?!

 

 

Inirapan ko sya at lumabas na ng room dahil may second subject pa ako at mabuti na hindi kami magkaklase! isusumpa ko talaga yung gumawa ng sched kapag sunod sunod na kaklase ko sya!

 

 

Same lang naman kami sa first and last subject.

 

Naiirita na kasi ako sa mukha nya.

 

Lakas mang asar pero pag inasar ko pabalik di na makarebut. heh.

 

Weak.

 

 

 

 

"Hi, Jhian hehe uhm para s-sayo..." nahihiyang sabi ng babae na i assume taga kabilang building? ang layo naman ng nararating ng mga bebegorls nitong si Jhian. 

 

Nasa cafeteria kami ngayon nina Vielle at Ning, habang itong si Jhian and friends ay katabing table lang namin kaya kitang kita at rinig na rinig yung happenings ngayon.

 

Umirap ako nang makitang tumingin si Jhian sa direksyon ko at ni wave yung binigay sakanya nung babae. Pake ko dyan?

 

Pangit naman ng pagka ribbon, mas magaling pa ako!

 

Nag iwas na ako ng tingin sakanya at nag focus nalang sa pagkain.

 

 

 

 

"So eto na nga mga bhie, nasagap kong chismis to sa kabilang building! yung lalaking sikat na basketball player..." pabitin pa ni Ning, chismis lang talaga ang habol nya kaya pumapasok pa sya. "Oh ano meron don?" medyo lumapit ako para mas marinig yung ichichismis nya. Syempre certified marites rin ako no! ​​​​​​

 

"Yun nga yung sikat na basketball player tyka yung captain sa volleyball team, na taga rito sa building natin. Bhie! nag aanohan daw don sa may parking!" with hand gestures na pag continue nya, grabe naman yun? di makapag antay? sa parking talaga?

 

"Legit ba yan mhie?" tanong ni Vielle at uminom ng softdrinks na binili nya. To talaga si gaga kaya nag kaka UTI ginagawang tubig ba naman yung softdrinks! "Oo teh, legit pa sa mas legit! may nakakita raw tyka may pic pa nga. Pero hindi ko na tinignan kadiri kaya!" kunyaring nasusuka na sabi ni Ning. 

 

 

 

"Aiko, feel ko crush ka nun ni Jhian" muntikan ko na mabuga yung kinakain ko dahil sa biglang sinabi ni Vielle. Si Jhian? crush ako? A BIG NO! YUCK!

 

"Teh kilabutan ka nga! alam kong pretty ako pero please lang, magka crush na sakin lahat wag lang yang babaeng yan!"  irap kong sagot at pinunasan yung labi ko with tissue. "Kasi bhie kanina pa sya nakatingin sayo" sabi ni Vielle at ngumuso nguso pa sa direksyon nila Jhian kaya napatingin ako.

 

 

Nakatingin nga.

 

 

Tinaasan ko ito ng kilay and mouthed "What?" pero ngisi lang ang natanggap ko.

 

 

Gago talaga.

 

 

Inirapan ko sya at binaling nalang ulit yung atensyon sa pagkain. Kairita!

 

 

"Teh alam mo ba? bagay kayo ni Jhian, enemies to lovers! omg! kiliggg!" agad na hinagis ko kay Ning yung empty bottle ng tubig ko na ikinatawa nya. Anong nakakatawa?? never na never kaming magiging bagay! no way!

 

"Alam nyo? ang sarap makipag fo ngayon" sarkastiko akong ngumiti sakanila pero hindi nila ako pinansin at nagpatuloy sa pagkain na akala mo walang narinig.

 

 

Hmp!

 

 

"Palibhasa kinaibigan nyo lang ako para may taga libre!" natawa lang sila sa sinabi ko at sumagot ng, "Tama ka bhie!" pumalakpak pa yan sila.

 

 

WAAAAAAAAAAAAH!!!

 

 

"Tyka teh sya yung nabubot mo for exchange gifts diba?" banggit ni Vielle habang nakapangloko na ngiti, oo nga pala may exchange gift kami na tig 200.

 

Kami kami lang since ayaw sumali ng ibang classmates namin, apaka mahal ampochi! charot kuripot lang talaga ako.

 

Tapos minalas ako at yang si Jhian ang nabunot! tapos ang request nya pa ay miniso we bare bears! sa pakgkakaalam ko tig 300 plus yun? o baka nga tig 500 pa yon hmp! 

 

"Ano naman kung sya nabunot ko? bakit nyo pa kasi sinali yun? di naman natin circle of friends yon" pairap kong sabi sakanila, bakit ba nila ako inaasar don sa Jhian na yon! si Winter from aespa lang ang pwede kong maging jowa! emz. "Kaibigan kasi sya ni Xian, yung tropa ko sa kabilang building" sagot naman ni Ning.

 

Social butterfly yarn?

 

Layo ng nararating ni gaga.

 

 

Maghahanap pako ng tig 200 na we bare bears! kainis ka talaga Jhian Cave.

 

Napatingin ulit ako sa direksyon nila at nakita ko na kumakain sya, yung pagkain nasa bibig nya lahat kaya mukha syang chipmunks tapos nagsasalita pa kaya yung maliliit na pagkain tumatalsik.

 

Cute nya pero ang baboy! yaks!

 

 

 

ANONG CUTE???!!! 

 

 

 

 

 

 

Jhian Cave Ferraris

 

"JC pagod na akong maging taga kain ng chocolates from your bebegorls! pagpahingahin mo naman yung ngipin ko!" dinig kong reklamo ng kaibigan ko na binubuksan yung isang pack ng chocolate, tsk. 

 

Pagod daw pero continue parin sa pagkain.

 

"Okay lang yan para mabungi ka na" pang asar ko sakanya kaya naman sinamaan nya ako ng tingin. "Grabe kana sakin JC! hmp! parang hindi friends eh" reklamo nito with matching hampas pa sa braso ko. Sanay naman na ako sa paghampas nito sa akin kaya hinayaan ko nalang sya.

 

"Ang ganda talaga ni Aiko Dael no?" agad akong napatingin sakanya habang nakataas yung isang kilay. "Ang pangit naman ng taste mo Xian" masamang tingin nanaman ang natanggap ko mula sa kanya. ​​​​​​"Apaka ano mo talaga kweba!" another hampas to my braso nanaman. 

 

 

Kweba, tsk.

 

 

Cave daw kasi equals to kweba. Daming alam.

 

 

"What do you even see in her?" tanong ko sakanya kaya agad na nagshine yung mga mata nya, inlove ka teh? "Mabait! matalino pa tapos syempre maganda! cutie, one time nga she helped me with my one subject! she's so bait talaga!" i just let my friend simp for that midget.

 

Well, i admit that she's pretty pero mabait? seriously? mabait ba yung laging nakairap at masama ang tingin sakin? ako lang naman dahilan kung bakit sya laging naka irap hihihi.

 

It's so fun teasing her.

 

​​​​

Before ako pumasok sa next subject, i dropped by to her room and stick the note sa desk nya.

 

I received a glare from her pero hindi na ako nagsalita at lumabas nalang.

 

 

​​​​​​Heh.

 

 

 

 

 

to: Aiko Dael 

Hi my Dale, i missed you so much. Meet me at the comfort room? i'll be waiting.

 

                                                                —JC <3

​​​​​

​​​​​​hehe.

 

 

 

 

 

 

 

Aiko Dael Alvarez

 

Gusto kong manapak.

 

 

Gusto kong manakit.

 

 

Kahit ano pa yan! bwiset ka Jhian Cave! 

 

 

Sisiguraduhin ko talagang hindi kana sisikatan ng araw.

 

 

"Tangina beh, ayaw nya na talaga matanggal pfft—" hindi na natuloy yung pagtawa ni Ning dahil sinamaan ko agad sya ng tingin. "Bayaran mo kami ha, nag skip pa kami ng classes para lang dito" sambit ni Vielle na busy din tanggalin kung ano man yung nasa uniform ko.

 

Nakasando lang ako ngayon na basa rin dahil wala akon extrang damit. Nandito kami sa may comfort room kung saan nangyari ang lahat. Tinutulungan nila akong labhan yung PUTI kong uniform na puno ng kulay red, na akala mo galing sa zombie movie. Tapos yung buhok kong malagkit, pilit kong hinuhugasan na baka sakaling umayos.

 

 

Nakakaputanginaaaaaaa mo Jhian Cave Ferraris.

 

 

Dapat nalang talaga hindi na ako sumunod sa bruhang yon.

 

 

So eto na nga.....

 

 

 

 

After umalis ni Jhian, binasa ko yung note na dinikit nya sa desk ko. 

 

My Dale. 

 

 

Amputa.

 

 

 

 

i miSsEd yOu sO mUcH nye nye.

 

 

​​​​​Kadiri!

 

 

Ano nanaman kailangan nito at pinapapunta ako sa cr? alam ko naman na chicks ako pero hindi ko deserve na sa cr lang—emz! cheret lang mga teh. A big NO sa isang Jhian Cave Ferraris.

 

Since wala namang prof absent daw kaya sumunod na ako don kay Jhian, hindi ko rin alam kung anong nakain ko bakit ako sumunod eh pwede ko naman syang hayaan na maghintay sa wala?

 

Kaawa awa kasi si gaga. Baka umiyak pag hindi ko sinipot. Uhugin pamandin yon. Oo, dahil don kaya pupunta ako.

 

 

Nang makarating ako sa may cr nilibot ko muna yung tingin ko para hanapin yung gaga pero wala, tahimik dito since nasa klase ata lahat ng estudyante and kaunti lang yung may vacant ngayon.

 

Dahan dahan akong pumasok sa isang cubicle para tignan kung nandon ba sya. Pinagtitripan nanaman ako nitong mokong. Sinasabi ko na nga ba, dapat hindi na ako sumunod! tanga mo talaga Aiko!

 

 

Edi sana natulog nalang ako buong vacant diba?

 

 

Makabalik na ngalang.

 

 

"Ay puta—" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nang may biglang humila sa akin pabalik sa loob ng cubicle

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
mellifluouswan
1709 streak 0 points #1
Chapter 18: SARAP TALAGA BIRAHIN NG EX NI JHIAN CAVE SHUTA AKO NA NGA IPASOK NIYO JAN PLS TATAMBUIN KO LANG SA ULO!!!!! ififficici anyways may dilig na naman si Aiko yey HAHAHAHA
ratedkmj
0 points #2
Chapter 18: NAKAKAINIS YNG LINTA SAAN BA YAN AKO NA AABANG SA KANTO
stillem193
#3
Chapter 17: distansya o ambulansya,,, choz
stillem193
#4
Chapter 16: bwisit kala ko kung ank,,,
stillem193
#5
TEKA LANG NMN❓❓😭
stillem193
#6
Chapter 9: bungad 😭😭
stillem193
#7
Chapter 8: kabag lng yang crush crush na yan tamo pag mulat mo kinabukasan gusto m na sya
stillem193
#8
Chapter 6: di raw naka only me sad 2loy si kweba 😂
stillem193
#9
Chapter 2: 1st chapter na 1st chapter eomji 😭
Rin_HM #10
Chapter 17: Sorry, ateng ex may baby na si JC, kaya shut up ka na kung ayaw mong makalbo ka.