chapter 2

chocolates for you?
Please Subscribe to read the full chapter

Aiko Dael Alvarez

 

"Gagi JC bakit ang laki ng eyebags mo? sinapok kaba?" napangisi nalang ako sa mga naririnig ko sa mga classmates ko. Halata kasi yung eyebags ni Jhian Cave. "Hindi lang ako nakatulog kagabi nang maayos" sagot naman ni gaga. Pigil na pigil talaga ako sa pagtawa.

 

 

Sinasabi ko sayo Jhian Cave, gaganti ako. Heh!

 

 

 

"Ay ganon? bakit?" tanong nung lalaki naming classmate, "Nothing, basta" sagot ni Jhian Cave at bumuntong hininga bago tumungo sa desk nya.

 

 

Well, ako lang naman ang may kagagawan kung bakit may eyebags sya. Nung nasa kwarto nya kasi ako kahapon habang kausap nya yung bebegorl nya nag iwan ako ng maliit na speaker at tinago sa ilalim ng kama nya. Naka set yun na tutugtog pag dating ng 9pm pak! sosyal ng speaker ko ano? kaya mahal ng bili ko dyan eh.

 

 

Nag voice record ako ng sumisitsit tyka yung bumibigkas ng pangalan nya, may kaunting voice effect para makatotohanan talaga. Mukha tuloy syang panda ngayon. Success ang pag ganti ko mga teh!

 

 

Duwag pala ang Jhian Cave nyo eh!

 

 

Expose ko kaya sya sa mga bebegorls nya.

 

 

 

"Beh, ikaw may pakana nun no?" agad ko namang nilingon si Vielle at tinaasan sya ng kilay. Ako agad? well ako naman talaga pero bakit alam nya na ako ang may pakana? "Ano naman? deserve nya yun after nya akong buhusan" inirapan ko sya bago tumingin kay Jhian Cave na mukhang nakatulog na. 

 

"Teh kawawa yung tao mag rereview pa para sa quiz tapos ang dami ring activities tapos pinuyat mo" aniya bago higop sa coke mismo nya. Ang aga aga softdrinks! nang guiguilt trip pa si accla. Eh kawawa rin naman ako nung nabuhusan.

 

 

Nag mukha akong kumatay ng tao tapos yung buhok ko napaka lagkit kailangan ko pang maligo nang lagpas apat na beses para lang bumalik sa dati.

 

 

"Bumabawi lang naman ako sa ginawa nya kahapon okay? hayaan mo sya deserve nya yan" sambit ko at bumuntong hininga. Ano ba! hindi dapat ako maawa kay Jhian Cave. Hindi ko kakainin yung pride ko para sakanya hmph! 

 

 

Hindi ko nalang pinansin si Vielle.

 

 

 

 

 

"JC!” napatingin ako sa may pinto. 

 

 

Yung crush/tropa pala to ni Ning, si Xian.

 

 

Lumapit sya kay Jhian Cave na nakatungo parin bago tapik tapikin ito. Kaya naman umangat na yung ulo ni gaga at nakita ko yung pag pigil ng tawa ng bff nya. 

 

 

"pfft—amputa may human sized panda pala rito" aniya at tumawa habang pumapalakpak, "My head hurts Xian stop clapping god!" sambit naman ni Jhian Cave habang hinihimas yung sentido nya. "Kaya mo mag focus sa class ngayon? gusto mo hatid kita sa clinic?" biglang nagbago yung mood ng bff nya at alalang tinignan sya.

 

 

Sobra ba yung nagawa ko?

 

 

"I'm fine, i can focus naman" sagot ni Jhian Cave, "Sure ka ha? call me nalang if you need me, sorry din kagabi tulog na ako kaya hindi ko nasagot yung tawag mo" she pat Jhian Cave's shoulder tyka ngumiti nang mapang asar "Duwag ka parin talaga hanggang ngayon—pfft" hinampas naman sya ni Jhian Cave sa braso.

 

 

"Get lost" aniya bago tumungo ulit.

 

 

Napuyat nga talaga.

 

 

ayoko na mag aral

 

Ning: teh punta tau bday party ni Xian 

 

Vielle: lalandi kalang eh pero g! baka andon si cutie hihi

 

me: ayoko sumama

 

Ning: KJ mo talaga kahit kailan! mabubulok kana dyan sa condo mo bhie mag labas labas ka naman

 

Vielle: oo nga teh! susunduin ka namin mamaya bawal na tumanggi :p

 

 

 

Desisyon talaga mga kaibigan ko.

 

At dahil no choice naman ako sasama nalang ako sayang din libreng food. Private resort daw gaganapin ang party kaya mag dadala ako ng two piece hihi. Syempre kailangan gandits ako no! for sure dami nanamang maiinlove sa akin heh!

 

 

me: oo na

 

me: kasama si Jhian Cave?

 

Ning: bakit mo tinatanong? ikaw ha

 

Vielle: miss mo na? clingy mo naman 

 

 

 

Babatukan ko talaga to mamaya.

 

 

 

me: hindi na pala ako sasama :))

 

me: kasama pala yung demonyo eh

 

Ning: ang arte mo! malamang kasama yun birthday ng best friend nya eh tangeks to

 

​​​​​​Vielle: basta mamaya dadaanan ka namin kapag ayaw mong kumilos kakaladkarin ka namin

 

me: 🙄

 

 

2 days and 1 night daw sa resort and mamayang 6pm daw ako dadaanan nila Elle. Napatingin ako sa orasan 4pm palang kaya nagimpake na agad ako ng mga damit at gamit na kakailanganin ko para sa swimming. 

 

Sabihan ko nalang sila Elle na dumaan sa mall kasi nakakahiya naman na makikibirthday ako tapos walang regalo diba? mabait naman yun si Xian ewan ko nalang don sa best friend nya si satanas ata magulang non.

 

 

Magpapaalam din pala ako kay mudra!

 

 

Sana pumayag.

 

 

 

 

 

me: ma

 

mudrakels: bwal

 

me: ma wala pa nga???

 

mudrakels: ay aNu b yon?

 

me: papaalam lang po hehe makikibirthday lang me for 2 days and 1 night

 

mudrakels: wla k bang gGwinG activity s skul? 

 

me: meron pero matagal pa naman pasahan non ma! sige na payag na ako nga payag na eh 

 

mudrakels: hNdi bWal mmya M buntis k Lng don

 

 

 

Mama naman eh! 

 

 

Anong mabubuntis? ayoko sa hatdog!

 

 

 

me: ma bading ako remember??

 

me: kasama ko naman sila Ning at Elle dali na maaa

 

me: itake out kita shanghai?

 

mudrakels: cGe

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
mellifluouswan
1710 streak 0 points #1
Chapter 18: SARAP TALAGA BIRAHIN NG EX NI JHIAN CAVE SHUTA AKO NA NGA IPASOK NIYO JAN PLS TATAMBUIN KO LANG SA ULO!!!!! ififficici anyways may dilig na naman si Aiko yey HAHAHAHA
ratedkmj
0 points #2
Chapter 18: NAKAKAINIS YNG LINTA SAAN BA YAN AKO NA AABANG SA KANTO
stillem193
#3
Chapter 17: distansya o ambulansya,,, choz
stillem193
#4
Chapter 16: bwisit kala ko kung ank,,,
stillem193
#5
TEKA LANG NMN❓❓😭
stillem193
#6
Chapter 9: bungad 😭😭
stillem193
#7
Chapter 8: kabag lng yang crush crush na yan tamo pag mulat mo kinabukasan gusto m na sya
stillem193
#8
Chapter 6: di raw naka only me sad 2loy si kweba 😂
stillem193
#9
Chapter 2: 1st chapter na 1st chapter eomji 😭
Rin_HM #10
Chapter 17: Sorry, ateng ex may baby na si JC, kaya shut up ka na kung ayaw mong makalbo ka.