Take #7

Kwatro Cansejos
Please Subscribe to read the full chapter

 

Clip #19

 

“I am T-tenitio Yonarcy Cansejos… pft..” 

 

Habang nagpapakilala si Taeyeon sa harap ng camera ay tumatawa sa likod ang kapatid niya na pinapanood siya sa kung ano man ang ginagawa niya. 

 

“Huwag kang tumawa Wendrid!” paninita ni Tenitio. 

 

“Hindi ako tumatawa! Si Ate Marie Gail iyon!” binaling naman ni Wendy ang kasalanan sa kanilang katuwang sa bahay. 

 

“Huy! hindi ako ang tumatawa.” depensa ng kanilang taga-alaga. 

 

“Ayos kasi!” inis na sambit ni Taeyeon. 

 

“Ulit tayo, Ate Gail.” 

 

“Sige.” 

 

Ngayon ay inayos ulit ni Taeyeon ang itsura at pustura bago humarap sa camera. 

 

“Hello, I am Tenitio Yonarcy Cansejos, and this is my project for our baking class.” 

 

“...” 

 

“Bakit medyo maalat ‘to?” 

 

Bigla nanaman ulit nag-salita ang kanyang kapatid sa likod.

 

“Wendrid!” 

 

“Jusko…susmaryosep!” halos magtagpo na ang kilay ni Ate Gail sa inis. 

 

Muli nanaman naputol ang kanilang ginagawa dahil sa pag eeksena bigla ng kapatid ni Taeyeon na si Wendy.

 

“Ay sorry, Ate!”  tinuro ni Wendy ang hawak na cookies. “Medyo maalat kasi itong cookies eh.” 

 

Lumapit si Taeyeon sa kapatid at kinuha ang cookies na hawak ng kapatid. 

 

“Patikim nga…” 

 

“...” 

 

Napalibutan ulit ng katahimikan sa kusina ng kanilang bahay, umaandar pa rin ang camera na hawak ni Ate Gail na patuloy pa rin sa pagrecord ang lahat ng pangyayari ngayon.

 

“Ate Gail….napasobra yata yung asin kesa sa asukal…” 

 

“Ay hala sorry bebe Tenitio!” 







 

WINTER.






 

We shouldn’t conclude things agad! 

 

Kagabi nga 'di ba ay nakita ko si Kuya Pedro na nasa labas ng bahay, nakatayo lang siya doon at nakatingala pero dahil curious ako and at the same time ay shocked kung bakit siya nandito kagabi dahil nga ay naka leave siya ng 2 days ay naglakas loob ako na tawagin siya. Ang ginawa ko ay binuksan ko ang bintana ng kwarto ko at tinawag siya tapos nung narinig niya agad ako ay tinanong niya kung gising pa raw ako, pero hindi ko siya sinagot instead ako naman ang nagtanong sa kanya. 

 

“Bakit ho kayo nandito? Akala ko po ba ay naka leave kayo!” 

 

“Tumawag si Ma’am Hazel para magpasundo sa office niya dahil hindi raw po siya makasakay.” 

 

Ayun ang sabi ni Kuya Pedro kaya nandito siya kagabi, tapos nakwento niya rin na kung bakit siya nakatayo lang sa labas at nakatingin sa bahay ay dahil sakto raw na may naririnig daw siya na kaluskos sa taas, probably ay si Ate Taeyeon iyon na naglilinis ng kwarto niya kada gabi, buti na lang at medyo malayo siya kundi rinig hanggang sa kwarto ko yung vacuum niya. 

 

Pero ito talaga ang dahilan ng eyebags ko ngayon at hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na magdamag kong nakausap si Katarina. Pero through message lang naman.....

 

Still! 

 

Into you! 

 

Joke! 

 

Iba pa rin yung nakausap mo yung isang tao na hindi mo ineexpect na magkakasundo kayo sa mga weird na bagay, ang saya lang ng gabi at madaling araw ko dahil doon.

 

Buti nga ay nakatulog na si Ate Wendy after makipag video call sa akin para ma-flex niya yung binili niyang scented candle na kaamoy ng pabango niya. Sabi ko sa kanya na hindi ko naman maaamoy through screen yung kandila. 

 

Ayun nga, tuloy-tuloy lang yung kwentuhan namin ni Katarina kagabi kahit isa lang yung topic namin, nagkaroon bigla kaming interest na dalawa sa aliens. 

 

Salamat, Lo’ak! 

 

Kay Lo’ak talaga nagsimula ang lahat eh. Medyo unusual lang kung paano nagsimula ang topic namin sa kanya pero ang importante ay nagkaroon kami ng deep connection sa mga random na bagay, hanudaw?






 

Katarina ^^: slr! I’m watching a movie kasi 

Katarina ^^: i’m glad na nagustuhan mo yung cover ko 

Winter: slr? 

Winter: lahat naman ng kahit anong cover ng HOH ay nagustuhan ko

pero medyo bias ako sa cover mo dahil kaibigan kita ^-^ 

 

Katarina ^^: slr = sorry late reply 

Katarina ^^: hahahaha that’s very flattering 

Katarina ^^: by the way, do you know Avatar? 

Winter: avatar? Yung kay kalbo or blue alien? 

Katarina ^^: hahahahaha yung blue alien >v< 

Winter: I watched it once…

Katarina ^^: am I weird kung sabihin ko na..

I find Lo’ak attractive? 

Winter: wait! search ko lang kung sino iyan

Katarina ^^: Sige 

Winter: mukha naman siyang decent na alien

Winter: Hala!

Winter: sya yung anak ni Jake Sully

Karina ^^: they’re very similar ‘di ba? 

Winter: hindi naman weird na you find him attractive

Winter: ganun ba yung mga type mo? mga matatangkad na literal

na out of this world ang visual? 

Karina ^^: hahahah if we're talking about the height....

Katarina ^^: depends kung sino 






 

Tungkol lang sa aliens umiikot yung pag-uusap namin kagabi until we both feel sleepy, hindi ko nga napansin na 4 na ng madaling araw kung hindi niya pa sasabihin sa akin. Ayun na siguro ang pangalawa or pangatlong beses na nagpuyat ako, yung mga nauna ay dahil mostly sa mga ate ko. 

 

Nasa kwarto pa rin ako at hindi bumababa para kumain ng breakfast dahil iniisip ko kung anong susuotin ko mamaya sa alis namin ni Ate Wendy, sabi niya kasi sa akin na pupunta kami ng Megamall ngayon para tumingin ng smart TV para sa condo niya. 

 

Apat or limang beses palang yata ako nakapunta sa condo ni Ate Wendy and I swear! Sobrang boring sa condo niya, maganda yung interior pero sobrang boring ng ambiance. 

 

Gets niyo ba? 

 

Maganda yung mga furniture.

 

Cozy naman tignan.

 

Puno ng mga vinyl records.

 

Pero parang may kulang. 

 

Anyways, ito na at napagdesisyonan ko na mag-stick nalang sa cropped cardigan and jeans na go-to outfit ko. Gusto kong isama si Ryujin dahil balak ko na humiwalay kay Ate Wendy pagkatapos para makagala ako with Ryujin. Kaso alam kong may ibang gagawin today si Ryujin na mas importante pa kesa dito. 

 

Bumaba na rin ako papuntang kusina at laking gulat ko na kumakain pa ng breakfast si Mommy. Nakasuot na siya ng blazer and puting long sleeve sa loob at ready na talagang pumasok sa trabaho niya, minsan ko lang maabutan si Mommy kada umaga dahil sobrang aga niya lagi pumapasok dahil umiiwas siya sa traffic.

 

“Good Morning Mommy!” masiglang bati ko. 

 

Agad akong pumunta sa gilid niya para halikan siya sa pisngi. 

 

“Good Morning, sweetheart.” malambing na bati pabalik ni Mommy. 

 

Agad kong hinatak ang bakanteng upuan sa lamesa, hindi pa ako nakakaramdam ng gutom so kinuha ko nalang yung cinnabon na nakahain sa lamesa.

 

“Nakita ko si Kuya Pedro kagabi, he said na nagpasundo kayo kagabi.” panimula ko. 

 

I look over at my Mom who is busy reading something on the paper that she is holding. I think na she’s reading some case study, it’s her routine kada umaga at bago pumasok sa trabaho. 

 

“I texted Kuya Pedro to fetch me from work dahil rush hour kagabi, that’s why nandito ang Daddy mo…” sabi ni Mommy na hindi pa rin inaalis ang atensyon sa binabasa niya.

 

“Huh? Nasaan si Daddy?” 

 

Tinignan ko ang buong sulok ng dining area. 

 

“He’s at the garage, i think he’s checking his sports car na tinambak lang dito,” naiiritang sabi ni Mommy. “Nagalit siya sa akin kanina dahil tinawag ko si Kuya Pedro kahit naka leave siya.” 

 

“Tinanong ko naman si Kuya Pedro kung pwede siyang maistorbo, it’s not that hindi muna ako humingi ng permiso..” tuloy-tuloy na pagrereklamo ni Mommy. 

 

Well, may point naman talaga si Daddy. Plus, Kuya Pedro works under Daddy pero sabi ni Daddy na Kuya Pedro should stay with us dahil mas kailangan namin si Kuya Pedro. 

 

“Kalma ka lang, Mommy.” she finally looked at me. 

 

Ngumiti siya and i saw her relaxed na dahil sobrang tense ng posture niya kahit na alam kong she’s keeping herself collected. 

 

“Aalis po pala kami ni Ate Wendy mamaya, bibili raw siya ng TV for her condo.” pagpapaalam ko kay Mommy while eating the second cinnabon. 

 

“Kahapon pa nagpaalam ang Ate Wendy mo,” Mommy paused. “Oh! nakalimutan kong bigyan kayo ng allowance.” 

 

“Marami pa naman laman yung card ko Mommy.” 

 

“Okay… just tell me kapag need niyo na ng money.” she smiled before standing up on her seat. 

 

“I’m gonna go na,” she kissed the side of my cheeks. “Make sure to eat a full meal.” 

 

After ko kumain ng breakfast ay dumiretso agad ako sa garahe para puntahan si Daddy. Sa aming apat, si Daddy at Ate Wendy ang pinaka similar pagdating sa physical feature. 

 

Mula mukha hanggang sa pangangatawan, very similar sila. 

 

Hindi ko naman maipagkakaila na sobrang lakas ng dating ng Daddy namin, maraming nagkakagusto sa kanya kahit dati pa, plus point na rin siguro yung magandang pangangatawan niya na naasikaso niya pa rin hanggang ngayon.

 

I still hope na hindi na katulad ng dati si Daddy dahil napapatawad ko na siya kahit papaano, alam kong mahal na mahal niya kami pero hindi pa rin maalis sa amin yung ginawa niya. 

 

Nang makarating ako sa garahe ay bumungad sa harap ko si Daddy na kinakatikot ang loob ng sports car na binili niya. He likes to collect cars for fun tapos ibebenta niya yung iba para bumili ng bagong model, hindi ko nga alam kung saan niya nilalagay yung mga ibang binili niya after nilang mapagdesisyunan na bumukod muna sa isa’t-isa. 

 

“Hi Baby Winons!” 

 

Bigla naman akong sinunggaban ng yakap mula sa likod ni Ate Taeyeon tapos may kasama pang pisil sa pisngi ko.

 

Hindi ko talaga gusto na pinipisil pisngi ko ng ibang tao pero pagdating kay Ate Taeyeon ay wala akong kakayahan na magalit. 

 

“Ate hindi na ako baby…” angal ko kay Taeyeon. 

 

“Wow….gumaganyan ka na ha..” natatawa niyang sabi. “Lakas mo nga umiyak.” 

 

Inirapan ko lang si Ate Taeyeon saka siya tinignan, nakasuot siya ng pang-alis, nakasuot siya ng paborito niyang leather jacket at black pants with matching black platform boots na akala mo ay women version ni FPJ. 

 

“Saan punta mo Ate?” usisa ko. 

 

“Aalis kami ni Chaewon..” bigla naman lumapit si Ate sa tenga ko. “Isasabit ko siya sa date ko.” Bulong niya. 

 

Nanlaki naman ang mata ko, “May ka-date ka?” 

 

Naka move on na si Ate kay Engineer na may anak na ngayon? 

 

Yay! 

 

“What are you two talking about.. hm?” 

 

Hindi ko napansin na nasa harapan na pala namin si Daddy na nanliliit ang mata na nakatingin sa aming dalawa ni Ate Taeyeon. 

 

Ramdam ko ang awkward tension kay Daddy at Ate Taeyeon. Naiintindihan ko naman si Ate Taeyeon, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya okay kay Daddy lalo na kapag nandito siya sa bahay. 

 

Sa aming apat kasi ay siya yung malaki ang galit kay Daddy lalo na sa ginawa niya kay Mommy. Hindi naman namin siya masisi dahil sa nangyari, siya at si Chaewon ang nagsuffer nang sobra sa ginawang mali ni Daddy. 


Kahit ako ay hindi ko pa rin tuluyang mapatawad si Daddy at sa ginawa niya pero hindi ko magawang magalit nang sobra sa kanya, mas nanaig sa akin ang sakit at disappointment dahil sobrang laki ng tiwala ko kay Daddy dati. 

 

Moving on, hindi talaga kinakaya ng sistema ko kapag nasa isang lugar lang si Ate Taeyeon at Daddy, pataas ng pataas ang tensyon sa kanilang dalawa ngayon. They're just staring at each other's eyes, walang emotion ang mga mukha nila pero ramdam ko yung pagkainis ni ate ngayon.

 

Dumako ang m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sulatin
Hi everyone! It’s been a while..

Comments

You must be logged in to comment
winrina__09 #1
uy uy uy
Eybrelros #2
Yuhooo padaan mangangamusta lang👨‍🦯
EzraSeige
#3
Chapter 7: 😣😤😍😍😍💙❄
Eybrelros #4
Chapter 7: Kulay ng buhok ang usapan winons hindi yung glossy pink lips at nunal sa may baba HAHAHAHA Ang layo ng tingin mo😆
Eybrelros #5
Chapter 6: Kuya Pedro or San Pedro na yan? Awit ha 😆
swinder
#6
Chapter 6: Deds na ba si kuya pedro?
juuzouxiii #7
Chapter 6: hahahahahaha kuya pedro anong binatak mo adik ampochi
juhyuneeeee
97 streak #8
Chapter 6: hala oy anong ganap ni kuya pedro baket parang ang creepy naman 😭😭😭