Take #3

Kwatro Cansejos
Please Subscribe to read the full chapter

 

WENDY.

 

 

 

 

“Pre, nasan ka na?” 

 

"Ito binuksan ko na ang pinto ng taxi, papasok na ako sa loob.” 

 

“Parang tanga…. ayusin mo Wendrid.” 

 

“HAHAHAHAH ‘Di ba ganito mag update?” 

 

“Ewan sa’yo."

 

"By the way, may nareceive ka bang email?” 

 

“Wala naman. Why?” 

 

“Baka nakalimutan ka na, wawa ka naman.” 

 

“Bye na nga, Seul.” 

 

“Asar-talo amputa, geh bye na.” 

 

 

I actually received an email kanina but I didn’t bother to check it dahil busy ako sa pag update sa mga kapatid ko. They are the first one na inupdate ko nang maka land ako sa Pinas. I actually plan to stay one more night sa Spain but I decided na umuwi ng maaga para makapag pahinga ako ng isang araw kahit paano then diretso work agad. 

 

The person that I am talking to , sa phone kanina ay si Seulgi — my friend since JHS days. Obvious naman na miss ako ni Seulgi kaya tumawag siya agad after kong sabihin sa kanya na palabas na ako ng airport.  

 

Tumigil na ang taxi na sakay ko sa tapat ng main gate ng bahay namin, dito nalang ako bumaba dahil mahihirapan si Kuya mag maneuver sa kabilang gate which is more near sa bahay kaso medyo makipot ang daan. 

 

After ringing the doorbell ay bumukas na rin ang gate at sumalubong sa akin si Ate Gail, isa sa mga helper namin dito sa bahay. Binati ko siya at yumakap dahil close kami ni Ate Gail, siya kasi yung nag-aalaga sa akin nung bata pa ako.

 

After greeting Ate Gail, I dragged my luggage papunta sa house na medyo malayo-layo pa. 

 

Nalagpasan ko na yung garden at nakita ako ni Kuya Pedro na nakatayo sa garden. 

 

Dali-dali siyang lumapit sa akin, “Ako na po diyan, welcome back po pala.” 

 

Kinuha ni Kuya Pedro yung luggage ko kaya ang dala ko nalang ay ang backpack ko, nang makalapit na kami sa bahay ay kinuha ko na yung luggage ko kay Kuya Pedro. After walking through the hallway inside the house ay nakita ko na bukas ang ilaw sa receiving area pero walang tao. i briefly checked the living and dining area at wala pa rin tao. Umakyat nalang ako papunta sa kwarto ko.

 

Apat na araw lang naman akong nawala kaya wala naman masyadong nagbago sa kwarto ko except sa freshly washed and pressed na comforter na nakapatong sa bed ko. I immediately went sa bathroom para maligo at makapag palit ng damit. I don’t like getting in bed with dirty clothes. 

 

It’s only 4 pm at mukhang nasa school pa rin sila Winter at Chaewon, they didn’t reply sa update ko kanina even Ate Taeyeon. Si Mommy naman ay late na talaga umuwi dahil maraming inaasikaso lagi sa office nila, daming need i-sort na cases. 

 

After ko mag shower and got dress, inayos ko muna luggage ko and some of my pasalubong for them. Lumabas ako ng kwarto habang dala-dala ang mga pasalubong ko, ang una kong pinuntahan na kwarto ay kay Chaewon dahil malapit lang naman siya sa kwarto ko. Nilapag ko sa bed niya yung pasalubong ko. Dinaanan ko lang yung kwarto ni Ate Taeyeon dahil hindi ko naman alam kung kailan siya uuwi, i’m just gonna give my pasalubong kapag nakauwi na siya. 

 

Lastly ay kay bunso. I went inside sa kwarto niya and bumungad sa akin agad yung study table niya na medyo loaded ng mga libro, hindi ko na lang pinansin yung books na nasa study table niya at ipinatong ko nalang rin sa study table niya yung pasalubong ko.

 

Pagpasok ko sa kwarto ko ay humiga na agad ako sa bed para makapagpahinga dahil sobrang haba ng byahe plus the layover plus the 3 hour delay. 

 

 

 

 

5:32 PM

 

Nagising ako ng malakas na katok sa pinto, nag-uunat pa ako bago buksan yung pinto. Pagkabukas ko ng pintuan ay muntik na ako dambahan ni Winter para lang yakapin ako. Na miss naman ako masyado nitong asungot na ‘to. 

 

“Ang sakit, puta ka!” pinalo ko yung braso niya dahil nasakal ako sa yakap niya. 

 

Nasamid pa ako ng konti, siraulo talaga. 

 

“Sus, mas masakit pa nga diyan yung ginawa sa’yo ni Ate Taeyeon dati.” pagtatanggol niya sa sarili niya.

 

"Yung pasalubong ko sa'yo ay nasa study table mo." she nodded.

 

“By the way, Ate..” kinakamot niya lowkey yung batok niya and avoiding eye contact sa akin. 

 

May ipapaalam ‘to… 

 

“May bisita ako…. Partner ko sa activity namin sa Religion.” pagpapatuloy niya. 

 

Parang kilala ko na kung sino bisita niya. 

 

Whenever she brought a classmate over here ay calm lang siya kapag nagpapaalam and she's very unbothered unlike now. Very suspicious yung reaction ni Winter, and if I can remember ay classmate sila ngayon. 

 

“Sino? Hindi ba group activity?” 

 

"Hindi eh.." 

 

"So kayo lang dalawa?" 

 

"Parang t-tanga Ate!" nakita ko na namumula na yung tenga niya. 

 

"Oh sino nga?" 

 

"Si Katarina.." nahihiya niyang pagbanggit sa pangalan ni Katarina. 

 

“Kilig ka naman!” sadya kong nilakasan yung pagkakasabi ko. 

 

Nanlaki naman mata niya at sinuntok agad ako sa braso, tawang-tawa naman ako sa reaction niya saka ako iniwan para puntahan yung bisita niya sa receiving area. Kaya pala bukas ang ilaw kanina. 

 

I didn't bother them sa ginagawa nila nung bumaba ako, they're taking turns sa pag ask ng question na something related sa Religion, may naalala tuloy ako na madasalin. 

 

Pero ang pinunta ko sa kusina ay para magtimpla ng juice for them, alam ko naman na kayang gawin ni Winona iyon but they look very busy sa kung ano man ang ginagawa nilang getting to know each other in a religious way.

 

"So more on spritiuality ka than religious?" 

 

"You can say that... " 

 

"Ano bang pinagkaiba nila? Besides spirituality is more on individuality and Religious is more on group." 

 

"Hindi ka ba nakikinig sa lesson?" 

 

Nang inilapag ko sa harapan nila yung dalawang baso ng apple juice and a pitcher ay nagawang pang mag thank you sa akin ni Katarina, gandang bata talaga. Nakita ko naman si Winona na naka-kunot ang noo nung nilapag ko yung juice nila. Natawa nalang ako ng konti dahil hindi pa rin siya maka moveon sa ginawa ko kanina.

 

Nang umakyat ako sa taas ay dumiretso ako sa room namin na puno ng family portraits namin and even mga relatives. This is the most special part ng bahay namin because of its purpose. I immediately went to the small cabinet kung nasaan yung camcorder namin.

 

Winona will thank me later for this. 

 

Nandito lang ako tapat ng railings ng staircase while watching the two kids sa living area, I took out the camcorder and I start to film them secretly. They look cute right now, parang dati lang ay kinukwento sa amin ni Winter kapag nakakasama niya si Katarina sa mga schoo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sulatin
Hi everyone! It’s been a while..

Comments

You must be logged in to comment
winrina__09 #1
uy uy uy
Eybrelros #2
Yuhooo padaan mangangamusta lang👨‍🦯
EzraSeige
#3
Chapter 7: 😣😤😍😍😍💙❄
Eybrelros #4
Chapter 7: Kulay ng buhok ang usapan winons hindi yung glossy pink lips at nunal sa may baba HAHAHAHA Ang layo ng tingin mo😆
Eybrelros #5
Chapter 6: Kuya Pedro or San Pedro na yan? Awit ha 😆
swinder
#6
Chapter 6: Deds na ba si kuya pedro?
juuzouxiii #7
Chapter 6: hahahahahaha kuya pedro anong binatak mo adik ampochi
juhyuneeeee
98 streak #8
Chapter 6: hala oy anong ganap ni kuya pedro baket parang ang creepy naman 😭😭😭