Take #6

Kwatro Cansejos
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Clip #01 

 

“Siya si Winona Teresia, our newborn baby!” 

 

“Ako naman mag video Ate!” 

 

“Teka lang! ‘Wag kang makulit!” 

 

“Blehh!” 

 

“Baka mahulog mo yung camera!” 

 

“....”

 

“Anong gusto mong sabihin sa camera, Chanica?” 

 

“Wendrid! ‘wag mong isubsob yung camera kay Chanica!” 

 

Apat na maliit na bata. 

 

At masasayang tawa. 

 

“Say hi ulit.” 

 

Inilapit ng batang Wendy ang camera sa mukha ni Baby Chaewon na nasa baby crib ang camcorder. Natutunan na ni Chaewon na maka tayo pero nakahawak pa rin siya sa sandalan ng kanyang crib bilang gabay nito.

 

“.....” 

 

Giggles….

 

Pinaglalaruan ni Chaewon ang laway niya pero para sa musmong bata ay siya ay nagsasalita. 

 

“Sabihin mo (hel-low..)” 

 

Tinuturuan ni Wendy ang kapatid niya na magsalita.

 

“.....” 

 

Giggles. 

 

Behind the camera is a small girl who looks very proud of her little sister.

 

“Ako naman diyan!” 

 

Kinuha ng batang Taeyeon ang camcorder na hawak ni Wendy. 

 

“Dito naman tayo kay Winona.” 

 

Dahan-dahan na lumapit si Taeyeon sa batang Winter na nakaupo sa lapag na pinapanood ang ginagawa nila. 

 

“Say hi Winona!"

 

“Boooobooo...” 





 

WINTER. 





 

 

 

 

Pepero. 

 

Zesto or milk? 

 

Milk na lang kaya? 

 

Pero mas masarap ang Zesto. 

 

Hindi pa yata sila nakakatikim ng Zesto. 

 

Ipatikim ko na rin kaya sa kanila ang Marie biscuit. 

 

Mag be-babysit ako mamaya, ipapaiwan kasi ni Tita Hazi ang dalawang anak niya sa bahay namin at ako na rin ang magsusundo sa kanila sa school dahil may ongoing surgery siya na maaaring tumagal ng 3 hours to 5 kaya pinaubaya niya muna sa akin yung dalawa kong pinsan.

 

I should be listening sa Religion class namin ngayon pero ito ako ngayon at naglilista ng ipapakain sa mga pinsan ko. It’s my first time kasi na magbabysit kaya excited ako masyado. 

 

“Nagtatake down notes ka ba…”

 

Sinilip ni Ryujin ang notebook ko. 

 

“Pepero….marshmallow..” 

 

Binasa ni Ryujin yung ginagawa kong listahan. 

 

Tinignan niya ako, “Anong meron?” 

 

“Magbebabysit ako mamaya.” excited na pagbabalita ko.

 

“May bago kayong kapatid?” 

 

“Hindi, mga pinsan ko yung ibe-babysit ko mamaya.” 

 

Tinignan ko naman si Katarina na nasa harap ko na attentive makinig sa sinasabi ng teacher namin sa harapan. Naririnig kaya niya kami ni Ryujin?

 

“Bili tayo ng lunch sa labas.” kinalabit ako ni Ryujin. 

 

“Bakit pa sa laba-” 

 

“Boys at the back!” 

 

Bigla naman na interrupt yung sasabihin ko ng mang-call out si Ma’am Santos ng mga kaklase namin sa likod. Pati kami ni Ryujin ay napaayos ng upo. 

 

“Baka kayo na ang sunod na sitahin.” bigla naman nagsalita si Katarina. 

 

Hindi siya nakalingon sa amin pero naka side view lang siya pero alam naming dalawa ni Ryujin na kami ang tinutukoy niya. 




 

Sobrang init ng sinag ng araw pagkalabas namin ng gate ng school, naglalakad na kami papunta sa tapsihan sa may kanto, may dala kaming payong ni Ryujn pero dama ko pa rin yung init na tumatagos sa payong. 

 

Malapit na mag november pero hindi ko pa rin dama ang lamig ng ‘Ber’ months. 

 

“Winter.” 

 

Tinignan ko si Ryujin.

 

“Bakit?” 

 

“May gusto lang akong itanong.” seryosong sabi ni Ryujin na hindi man lang tumingin sa akin. 

 

“Tungkol saan?” 

 

Sa wakas ay tinignan na ako ni Ryujin, i stare back at her, waiting for her question. 

 

“May something ba sa inyo ni Katarina?” 

 

“Wala.”

 

I didn't hesitate to answer.

 

“Kahit konti?” 

 

Kumunot ang noo ko. 

 

“Wala nga.” 

 

“Eh bakit simula nung magkaroon tayo ng partner activity sa Religion ay bigla kayong naging close.” 

 

“Kasi n-” 

 

Hindi pa pala siya tapos. 

 

“Hindi lang ‘yon! lagi ko kayong nakikita tuwing umaga na magkatabi, tapos parang bukod sa akin, napansin ko na humahaba ang usap niyo na hindi related sa acads.” 

 

Huminga si Ryujin. 

 

“Ito pa, nakita ko yung plaid shirt mo sa bag niya.” 

 

She finally stopped blabbering. 

 

Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad papunta sa tapsihan.

 

“Teka… Paano mo nasilip bag niya?” 

 

“Yung tanong ko muna sagutin mo.” 

 

“Okay, fine…” napasinghap ako. 

 

“Nagkaroon kasi kami ng deal na tutulungan niya akong maintindihan yung Religion tapos ang kapalit ay tutulungan ko siya sa RWS.” pagpapaliwanag ko kay Ryujin. 

 

Tumigil na kami sa tapat ng tapsihan. 

 

“Eh bakit need niyo lagi magkasama?” nakasimangot na tanong ni Ryujin. 

 

Bakit nga ba? 

 

Siguro dahil nag eenjoy ako sa company niya. 

 

"Hindi naman lagi, nag kukwentuhan lang kami kasi we share something common." sagot ko nalang. 

 

Isa lang naman common sa amin ni Katarina. 

 

"..."

 

“Tampo ka?” 

 

“Slight. Kalahati nun ay dahil ang cute niyo tignan.” pang-aasar ni Ryujin. 

 

“Naka move on na ako.” I sternly said. 

 

But Ryujin remained unfazed, “Gaslight-in mo pa sarili mo.” 

 

“Sira. Totoo nga kasi.” 

 

Hindi na lang ako pinansin ni Ryujin at nauna nang pumasok sa tapsihan, air conditioned yung tapsihan na ito at parang exclusive lang talaga para sa mga private school around them, just like our school. Mga rich kids kasi yung mga students na nakapalibot dito, ang galing nila humanap ng market.

 

Pagpasok namin ay may marami ng mga estudyante ang mga kumakain sa loob, mostly na nakita ko ay mga estudyanteng galing sa school namin. Isa pang napansin ko ay hindi amoy usok sa loob kahit kulong ang tapsihan. 

 

“Anong gusto mo?” lumapit kami sa menu na nasa taas ng likod ng counter. 

 

“Beefsilog with iced tea.” banggit ko sa order ko. 

 

“Hotsilog sa akin." sambit ni Ryujin. 

 

Inabot ko sa kanya ang exact amount ng order ko at naghanap na ako ng table namin. Medyo malaki naman ang tapsihan na ito at kaya sigurong mag accommodate ng 35 customer depende sa table.

 

Nakakuha naman agad ako ng table na medyo malapit sa floor standing inverter ng tapsihan. Nilapag ko yung mga gamit na dala namin ni Ryujin at umupo na ako ng komportable. 

 

Medyo maingay na sa loob dahil sa mga nagtutunugan na utensils at pinggan tapos mga boses nung mga kumakain. 

 

Naalala ko nanaman yung unexpected meet up ko kay Yuqi at Chenle noong isang araw, hindi ko inaasahan na makikita ko sila agad sa personal. 

 

May mga time kasi during our unpaid mini tutoring lesson namin ni Katarina ay tumatawag yung dalawa sa group chat nila tapos laging sasabihin ni Katarina na may kasama siya until they got curious of my identity, sinabi ko kay Katarina na pwede naman siyang mag name drop kaya ayun. 

 

Hindi ko naman ineexpect na mamemeet nila agad yung taong laging kasama ng friend nila. 

 

Malapit na matapos ang unpaid tutoring session namin ni Katarina dahil malapit na matapos ang semester and naiintindihan ko na ang lesson namin sa Religion, may progress na rin kay Katarina sa RWS and umaayos na siya sa essay writing. 

 

Hindi naman sa hindi siya marunong gumawa ng essay, marunong siya at kaya niya. 

 

Pero sabi niya ay mas gusto niyang mas umayos ang essay writing skills niya. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero sa section namin, i am the one who exceeds when it comes to essay writing, tinuruan ba naman ako ni Ate Wendy and Mommy na sumasali sa mga essay competition dati, sinong hindi gagaling ‘di ba? 

 

Anyways, going back sa lunch namin ni Ryujin, bumalik na siya sa table namin na may hawak  na tray. 

 

Nakita ko yung in-order namin. 

 

Ang laki ng serving nila..






 

“Ate Winter.” 

 

“Ate Winteeeeeeeeeeer….” 

 

"ATE WINTEEEEeeeeEEEEEr!"

 

"..."

 

Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin nila Russo at Russia. 

 

“Stop ignoring uuuuuuuusssss!” 

 

They are now yelling and throwing tantrums.

 

Kanina lang ay naglalaro pa kami ng Simon Says. Sa totoo lang ay i'm just messing with them right now dahil ang kukulit nila maglaro kanina, they are not following my instructions and they are straight-up messing with the game.

 

I just make them taste their own medicine. 

 

Lumapit sa akin si Russia at inabot ang isang stick ng pepero, “Ate Winter, we are sorry na for what we did kanina.” 

 

Hindi ko pinansin yung inaalok niya.

 

Labanan mo Winter. 

 

Niyakap ni Russia ang braso ko, “Ate Winter let’s play the game ulit…” 

 

Nanlalambot na ang puso ko sa paglalambing nitong batang ‘to. 

 

“Ate Winter….” 

 

Niyakap na rin ako ni Russo.

 

Ang hirap naman tiisin nitong dalawang batang ‘to. 

 

“Okay, let’s go to the veranda and let’s watch a movie.” yakag ko. 

 

I briefly hugged them both and after kong sabihin iyon ay nagtakbuhan na yung dalawa papunta sa veranda at iniwan ako dito sa garden.

 

Ang gagaling! 

 

Sinasamantala niyo ang kahinaan ko!

 

Nilinis ko nalang yung kalat namin sa table na crumbs ng Pepero at yung mga nagkalat na balat ng Zesto at Pepero.

 

Nang makarating ako sa veranda ay nakaupo na yung dalawang bata sa mahabang upuan at inaabangan nila ako na tumabi sa kanila. 

 

Inabot naman sa akin ni Russo ang iPad niya, “Do you have netflix account, Ate Winter?” 

 

Tumango naman ako at binuksan ko yung netflix app sa iPad niya, “Mommy doesn’t allow us to watch movies in Netflix, alone.” 

 

“Of course, there are movies on Netflix that aren’t suitable for young audience.” sambit ko.

 

Pumunta ako sa kusina para kunin yung water bottle nila, they consume a lot of juice kanina kaya need naman nila ng cleansing. 

 

“Ikaw po ba, Ate Winter.” tawag ni Russo mula sa veranda. 

 

“Ano?” 

 

Hinanap ko pa yung water bottle nila na nasa countertop lang pala. Hinahanap ko sa loob ng ref, jusko.. 

 

“Do you watch stuff like that?” 

 

Giggles. 

 

“H-hoy! Kayo talaga.” 

 

Napiyok tuloy ako, at nag-init bigla mukha ko. Mukhang open-minded sila Tita Hazi sa mga ganitong bagay sa mga anak niya, sila Mommy kasi ay hindi binabanggit yung mga ganong bagay kasi medyo conservative siya. 

 

Bumalik na ako sa veranda. 

 

“Sumbong kayo sa Mommy niyo.” pagbanta ko. 

 

Tumawa lang sila, “Joke lang po!” 

 

When their laughter subsided inayos ko na yung iPad sa lamesa at pinuwesto sa gitna kung saan ay makakapanood kami nang komportable. Nilabas ko yung snacks na galing sa pantry and also their water bottles tapos pinatong ko sa lamesa. 

 

“What movie should we watch?” tanong ko sa dalawa. 

 

“Frozen!” mabilis na sagot ni Russia. 

 

“We've already seen it around 12 times!” reklamo ni Russo.

 

“Edi Frozen 2.” 

 

I heard Russo groan.

 

“Para hindi kayo mag-away diyan, play rock paper scissors.” suggest ko sa dalawa. 

 

Natigilan naman sila. 

 

“That’s too childish.” pambara ni Russia.

 

I exclaimed, “Anong childish?” 

 

“Russo will let me decide naman kung what movie we will watch because he doesn’t like movies,” she looked at her brother. “He’s just complaining” inirapan niya si Russo. 

 

“Nyenye..” ganti ni Russo na naka dila pa. 

 

I only nodded pero na amazed ako sa sinabi ni Russia dahil at such a young age ay they can understand each other, pero matalino kasi si Tita Hazi so baka namana nila talaga, naalala ko tuloy yung mga kapatid ko, ganyan rin sila minsan.. but because ako yung bunso, ako lagi yung mismong napapaboran. 

 

We finally decided na manood na lang ng Shaun the Sheep movie, very nostalgic sa akin yung movie dahil lumaki ako sa stop-motion era like Thomas and Friends. Hindi pa kami nakakalahati sa movie but the two kids seems to enjoy the movie dahil very focus sila sa pinapanood. 

 

“What time ang uwi ng Mommy niyo?” bulong ko. 

 

I don’t want to interrupt the movie. 

 

“She usually comes home late, siguro mga 12 or 1 po.” sagot ni Russo, eyes still fixated at the movie. 

 

“So your Daddy will pick you up?” 

 

“Uh-hu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sulatin
Hi everyone! It’s been a while..

Comments

You must be logged in to comment
winrina__09 #1
uy uy uy
Eybrelros #2
Yuhooo padaan mangangamusta lang👨‍🦯
EzraSeige
#3
Chapter 7: 😣😤😍😍😍💙❄
Eybrelros #4
Chapter 7: Kulay ng buhok ang usapan winons hindi yung glossy pink lips at nunal sa may baba HAHAHAHA Ang layo ng tingin mo😆
Eybrelros #5
Chapter 6: Kuya Pedro or San Pedro na yan? Awit ha 😆
swinder
#6
Chapter 6: Deds na ba si kuya pedro?
juuzouxiii #7
Chapter 6: hahahahahaha kuya pedro anong binatak mo adik ampochi
juhyuneeeee
98 streak #8
Chapter 6: hala oy anong ganap ni kuya pedro baket parang ang creepy naman 😭😭😭