Take #5

Kwatro Cansejos
Please Subscribe to read the full chapter

 

CHAEWON.





 

 

Kasabay ko ngayon si Winter sa kotse namin papuntang school. Maagang nagising ngayon si Winter kaya nakasabay siya sa akin. Si Kuya Pedro ang naghahatid sa amin na tahimik na  nakikinig sa radyo. 

 

Tinapik ko si Winter na tulala lang habang nakatingin sa bintana ng sasakyan,

 

“Hindi ako uuwi ng maaga mamaya.” 

 

Medyo nagulat siya na lumingon sa akin,

 

“San ka pupunta? sama ako.” 

 

Inabot ko ay Winter ang kinakain ko na pringles para pagpagin ang daliri ko na may mga crumbs ng pringles. At nang makakakuha siya ng pringles ay binalik niya agad sa akin.

 

“Niyaya kasi ako ni Ningning na pumunta sa recreational center na katabi ng school.” sagot ko sa tanong ni Winter kanina. 

 

“Anong gagawin niyo doon?” usisa ni Winter. 

 

“Manonood raw ng badminton.” 

 

“Sino naman papanoorin niyo?” 

 

“Kaibigan niya raw.” kibit-balikat ko. 

 

Kinuha ko yung liptint sa pouch ko para patungan ng bago dahil nabura dahil sa kinakain kong pringles. Nang binalik ko yung pouch sa bag ko ay bigla naman nilahad ni Winter ang kamay niya sa harap ko, agad kong kinuha yung alcohol sa bulsa ng bag ko tapos pinisikan ang kamay ni Winter pati na rin kamay ko. 

 

“Kita na lang tayo sa may tapat ng fountain.” sabi ni Winter. 

 

“Bakit hindi nalang sa labas ng gate mismo?” confused kong tanong. 

 

“Ayokong maghintay sa labas, daming tao kapag uwian.” rason niya. 

 

“Sige.” maikling sagot ko. “May dala ka bang extra money?” 

 

“Oo, lagi naman. Saan mo gagamitin?” confused niyang tanong pabalik. 

 

“Punta tayo sa bagong bukas na coffee shop sa kanto.” yakag ko. 

 

Narinig ko naman na napasinghal siya nang konti HAHAHAHAHA ayaw na ayaw akong nililbre nitong Winona na 'to.

 

Wala kasi akong nadala na extra money kaya need kong makasiguro na may dalang pera ang kapatid ko para ma try ko yung bagong coffee shop na sinabi sa akin ni Ningning. 

 

“Anong name ng coffee shop?” tanong ni Winter na kinuha ang phone. 

 

“Nakalimutan ko na eh, bakit?” 

 

“Titignan ko sana yung menu.” binaba niya ang phone niya tapos kinuha yung pringles sa tabi ko. 

 

“Sabi naman sa akin ni Ningning na affordable yung mga menu nila tapos maganda raw ambiance.” 

 

Ikinuwento ni Ningning sa akin yung coffee shop na kakabukas lang sa kanto ng school namin. Nakita niya lang sa social media yung advertisement ng coffee shop tapos sakto pa na malapit lang sa school namin. 

 

Pagbaba namin ni Winter sa kotse ay sabay na rin kaming pumasok sa loob ng building 2 tapos nakasalubong pa namin si Ryujin na may hawak-hawak na textbook. 

 

“Ano iyang hawak mo na libro?” turo ko sa libro. 

 

“Pinahiram sa akin ng kapatid mo.” tinuro niya naman si Winter na tahimik lang na naglalakad hawak yung strap ng messenger bag niya. 

 

Nasa gitna ako nitong dalawa, feeling ko tuloy ay may bodyguard ako papasok ng school. 

 

“Annotated textbook ko dahil may na missed siyang tatlong lesson sa Science.” walang buhay na sagot ni Winter nang napunta sa kanya ang atensyon namin. 

 

Tumango na lang ako at nang makarating kami sa pangatlong hagdan sa building 2 ay nagpaalam na ako sa dalawa dahil iiba na ako ng daan. Malayo ang room ko sa room ng kapatid ko pero nasa iisang building lang naman. 

 

Nang makarating ako second floor ay bumungad si Ningning na nakaupo sa staircase, “Ano ginagawa mo dito?” 

 

“Inaabangan ko si Yunjin dahil may sasabihin raw siya.” tumayo si Ningning sa pagkakaupo at pinagpag ang pwetan ng skirt niya. 

 

“Close na kayo?” usisa ko. Hindi naman sila laging nag-uusap…

 

Ngumiti naman si Ningning, “Medyo.” 

 

"Need ba talaga na dito kayo mag-usap?" tumaas na ang kilay ko. 

 

"Private matter kasi, Sis." obvious na sagot sa akin ni Ningning. 

 

Tumango nalang ako, “Una na ako sa room.” 

 

“Sige.” 

 

Bungad ng second floor ang room namin kaya madali lang mahanap, nung first day kasi ay naligaw si Ningning, akala niya sa 3rd floor pa ang room namin dahil na misunderstood niya yung 2nd floor.

 

Nang makapasok ako sa room ay nag checheck na ng attendance yung secretary namin na si Kazuha, agad naman akong lumapit sa kanya para magpa check sa attendance. 

 

Nung nakita ko yung attendance sheet ay medyo na amaze ako kung gaano ka organize yung mga list sa attendance sheet, printed siya na may mga konting design. Ang ganda rin ng penmanship niya.

 

Nang makabalik si Ningning ay kasama niya na si Yunjin tapos kasunod lang nila ang teacher namin sa first subject na Gen Math. 

 

Tungkol sa Probability of Dependent and Independent events ang lesson. Habang nakikinig ako kay Sir Ruel ay napansin ko na may kakaiba sa mood ni Yunjin, hindi ko ma describe pero it’s in a good way naman. 

 

Tinignan ko naman si Ningning na neutral lang itsura kanina, curious na tuloy ako kung anong sinabi ni Yunjin sa kanya at bakit parang may kakaiba sa kanilang dalawa. Napatagal ang tingin ko kay Ningning kaya napalingon siya sa direksyon ko. 

 

Nang nakita niya ako, “CR tayo.” she mouthed. 

 

Tumango naman ako at kinuha ang atensyon ni Sir Ruel sa pagtaas ng kamay ko saka ako nagpaalam para mag CR ni Ningning, kinuha naman ni Ningning ang hallway pass saka kami lumabas ng room.

 

“Wait lang.” tawag ko. 

 

Huminto kaming dalawa sa gitna ng hallway para ayusin ang lukot na part sa dulo ng skirt ko tapos lumakad na kami ulit pagkatapos. Nagpalit lang ng pads si Ningning kasi feeling niya raw ay malapit na mapuno tapos bigla naman lumitaw si Yunjin sa CR nang paglabas ko sa cubicle, nag-aayos siya ng sarili sa salamin at nang makita niya ako through the ref

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sulatin
Hi everyone! It’s been a while..

Comments

You must be logged in to comment
winrina__09 #1
uy uy uy
Eybrelros #2
Yuhooo padaan mangangamusta lang👨‍🦯
EzraSeige
#3
Chapter 7: 😣😤😍😍😍💙❄
Eybrelros #4
Chapter 7: Kulay ng buhok ang usapan winons hindi yung glossy pink lips at nunal sa may baba HAHAHAHA Ang layo ng tingin mo😆
Eybrelros #5
Chapter 6: Kuya Pedro or San Pedro na yan? Awit ha 😆
swinder
#6
Chapter 6: Deds na ba si kuya pedro?
juuzouxiii #7
Chapter 6: hahahahahaha kuya pedro anong binatak mo adik ampochi
juhyuneeeee
97 streak #8
Chapter 6: hala oy anong ganap ni kuya pedro baket parang ang creepy naman 😭😭😭